You are on page 1of 16

Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

ARALIN 1.1
Kahulugan ng Ekonomiks

Talaan ng Nilalaman

Panimula 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 2

Pag-aralan Natin 4
Kasaysayan ng Ekonomiks 4
Ang Malthusian Trap at Konsepto ng Diminishing Returns 7
Ang Comparative Advantage 8
Pagkakaroon ng Disiplina ng Ekonomiks 8
Pag-aaral ng Ekonomiks 9

Sagutin Natin 10

Suriin Natin 11

Pag-isipan Natin 11

Gawin Natin 11

Dapat Tandaan 14

Mga Sanggunian 15

0
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Aralin 1.1
Kahulugan ng Ekonomiks

Panimula

Masasabing ang ekonomiya ay isa sa mga pinakamatandang institusyon ng lipunan. Bago


pa man nagkaroon ng libro, mayroon nang mga mamimili at mga mangangalakal. Sa
katunayan, ang mga pinakaunang paraan ng pagsusulat ay tala ng mga gawaing
pang-ekonomiya. Gayunpaman, marami nang ipinagbago ang ekonomiya. Ito ay higit na
naging mas komplikado at mas lumawak ang sakop. Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang
ekonomiks bilang isang larang ng pag-aaral at disiplina.

1
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Natatalakay ang kasaysayan at pag-unlad ng kahulugan ng ekonomiks.
● Nasusuri ang Malthusian Trap at konsepto ng diminishing returns.
● Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Ekonomiks bilang isang disiplina at
pag-aaral.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalapat ang
kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan (AP9MKE-Ia- 1).

Subukan Natin

Usapang Badyet
Panuto
Pag-isipan mo ang pahayag sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga sumusunod na
katanungan sa bawat bilang.

Saan mo ginagastos ang iyong allowance sa isang buwan? Paano nagkakaiba


ang iyong paggastos sa iyong mga kamag-aral? Isagawa ang sumusunod.

1. Magkano ang nagagastos mo sa bawat kategoryang ito? Punan ang talahanayan ng


sariling sagot.

2
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Gastusin Gastos bawat Araw Gastos bawat Buwan

a. pagkain

b. pamasahe

c. pamamasyal

d. ipon

2. Ano ang iba mo pang pinagkakagastusan na hindi nailista sa itaas? Punan ang
talahanayan ng sariling sagot.

Gastusin Gastos bawat Araw Gastos bawat Buwan

a.

b.

c.

d.

3. Humanap ng kapareha at ipagkumpara ang inyong mga talahanayan.

Mga Gabay na Tanong


1. Paano nagkaiba ang paraan mo ng paggastos kumpara sa iyong kapareha?
2. Anong mga kategorya ng gastusin mayroon ang iyong kapareha na wala ka?
3. Ano sa iyong palagay ang dahilan kung bakit magkapareho o magkaiba ang paraan
ninyo ng paggastos ng iyong kapareha?

3
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Pag-aralan Natin

Ang Ekonomiks ay kabilang sa mga sangay ng agham panlipunan na tumatalakay kung


paano matutugunan ng tao ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
nito; gamit ang mga limitadong pinagkukunang-yaman upang makagawa ng mga produkto
at serbisyo. Ito ay may dalawang pangunahing sangay:
● makroekonomiks - tumutukoy sa mga usapin at konsepto para sa kabuoang
ekonomiya (hal., buwis)
● mikroekonomiks - tumutukoy sa mga usapin at konsepto sa hanay ng tahanan at
ng merkado

Tinatalakay din sa disiplinang ito ang mga hakbang upang lubos na mapakinabangan ng
tao ang limitadong pinagkukunang-yaman. Maging ang pagbibigay-solusyon sa mga
suliraning pang-ekonomiya.

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

pagkonsumo paggamit

disiplina sistema ng pag-aaral

prinsipyong pang-ekonomiya na naniniwala sa


merkantilismo kahalagahan ng pangangalakal, ginto, at pilak sa
pagpaparami ng yaman.

Kasaysayan ng Ekonomiks
Bagama’t naging tanyag ang Gresya bilang pinagmulan ng mga kaisipang ekonomiko,
mayroon nang ganitong kamalayan sa ibang kabihasnan bago pa man umusbong ang
sibilisasyon ng Gresya. Halimbawa, mayroon nang naitalang sistema ng pagbabangko at
pagpapautang sa sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia.

4
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Ang Gresya ang isa sa mga pinakamaunlad na ekonomiya sa mundo noong ikalima at
ikaapat na siglo BCE. Sila rin ang itinuturing na may pinakamaunlad na ekonomiya. Ito
marahil ang dahilan kung bakit palagiang naiuugnay ang pagsisimula ng kaisipang
ekonomiko sa Gresya.

Bukod pa rito, sinasabing si Xenophon, isang pilosopo at


historyador sa Gresya ang pinakaunang manunulat na
tumalakay sa kaisipang ekonomiko. Ang Oeconomicus ay
isinulat noong 430 BCE at nasa porma ng isang pag-uusap sa
pagitan ni Socrates at Critobulus, anak ni Crito. Tinalakay sa
aklat na ito ang iba’t ibang paraan ng pamamahala sa tahanan
at mga teknolohiyang maaaring gamitin sa agrikultura. Dito
rin unang tinalakay ang konsepto ng division of labor kung
saan ang bawat miyembro ng pamilya ay mayroong
pang-ekonomikong papel na kailangang gampanan.

Lar. 1. Si Xenophon

Ang salitang ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na oikonomia na ang ibig sabihin ay
“pamamahala sa sambahayan.” Ang salitang oikos ay nangangahulugang bahay,
samantalang ang nomos ay nangangahulugan namang pamamahala. Mula sa mga salitang
ito hinango ang modernong kahulugan ng ekonomiks, isang agham panlipunan hinggil sa
pag-aaral ng tatlong batayang proseso ng produksyon, pamamahagi , at pagkonsumo ng
mga kalakal at serbisyo.

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatuon sa pag-uugnayan ng iba’t ibang kalahok sa


ekonomiya, ang kanilang mga pag-uugali, at ang epekto ng mga ito sa kabuoang daloy ng
ekonomiya. Paano nagdedesisyon ang mga iba’t ibang kalahok sa ekonomiya? Ano-ano ang
bagay na kailangan nilang isaalang-alang? Paano masisiguro ng pinuno ng isang bansa na
maibibigay niya ang mga pangangailangan ng kaniyang nasasakupan? Ito ang tatlo sa
pinakamahalagang tanong na kailangang sagutin ng ekonomiks.

5
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Pag-unlad ng Kahulugan ng Ekonomiks

Nabuo ang ekonomiks bilang isang hiwalay na disiplina ng


pag-aaral noong 1776, nang unang mailimbag ang aklat ni
Adam Smith na may pamagat na An Inquiry into the Nature
and Causes of the Wealth of Nations. Tandaan na bago pa
mailimbag ang aklat na ito ay laganap na ang merkantilismo
sa Europa at may ilan na ring literatura na tumatalakay sa
ekonomiks. Ngunit si Smith ang pinakaunang gumawa ng
komprehensibong pag-aaral tungkol sa ekonomiya.

Lar 2. Si Adam Smith

Ipinakita ni Adam Smith na ang ekonomiks ay isang agham . Binigyang-diin niya rin ang
iba’t ibang kalahok sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Ipinakita niya kung paano nakaaapekto
ang desisyon ng bawat isang kalahok sa kabuoang ekonomiya ng bansa.

Si Adam Smith ang kinikilalang Ama ng Classical Economics, isang kaisipang


pang-ekonomiya. Sa Classical Economics, ang paglago ng ekonomiya ay nangyayari sa
pamamagitan ng pagbibigay-kalayaan sa pamilihan na magtakda ng presyo ng kanilang
produkto at serbisyo. Ang pagtatakda ng presyo ay batay sa kung gaano karami ang suplay
at gaano kabusisi ang paggawa rito. Ilan sa mga kilalang konsepto sa Classical Economics ay
ang laissez faire at free competition. Isinusulong ng mga ideyang ito ang mas maliit na
papel ng pamahalaan sa mga gawaing pang-ekonomiko.

Mahahalagang Tanong
● Ano ang ekonomiks?
● Gaano kalawak ang saklaw ng ekonomiks?
● Ano ang praktikal na aplikasyon ng ekonomiks sa iyong buhay?

6
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Marami pang mga economic theorists ang nagpalago ng mga kaisipang pang-ekonomiks.
Upang higit pang maintindihan ang halaga ng ekonomiks, talakayin natin ng ilang
kaisipang naiambag ng ilang mga teoriko sa ekonomiks.

Ang Malthusian Trap at Konsepto ng Diminishing Returns


Si Rev. Thomas Robert Malthus ay kilala sa kaniyang
konsepto ng diminishing returns at maging sa kaniyang
kakaibang ideya hinggil sa epekto ng populasyon sa kabuoang
kasaganaan ng isang bansa. Sa kaniyang librong An Essay on
the Principle of Population , sinabi ni Malthus na ang pag-unlad
ng produksiyon ng pagkain ay nakabubuti sa mga
mamamayan dahil gumaganda rin ang kanilang kalusugan.
Ngunit ito ay pansamantala lamang sapagkat kaakibat naman
nito ang pagtaas ng populasyon sa isang lugar.
Lar 3. Si Thomas Malthus

Ang pagtaas ng populasyon ang siyang magiging sanhi ng pagkaubos ng suplay ng pagkain
na magdudulot naman ng kahirapan at kagutuman. Aniya, ang anumang pag-unlad sa
ekonomiya ay ginagamit din sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng buhay sa
lipunan kaya’t walang tunay na pag-unlad na nagaganap. Ito ang tinatawag na Malthusian
trap.

Sinasabi rin ni Malthus na ang produktibidad ng isang lugar ay bumababa pagdaan ng


panahon dahil mas mabilis itong nakokonsumo ng populasyon. Ito ang tinatawag na
diminishing returns. Kapag nagpatuloy ang mabilis na pagtaas ng populasyon, darating sa
punto na higit nang mataas ang pamantayan sa buhay ng isang lipunan kaysa sa kayang
tustusan ng pamahalaan. Kapag nangyari ito ay magkakaroon ng malawakang pagkagutom
at kaguluhan sa lipunan. Ito ang tinatawag na Malthusian catastrophe. Upang maiwasan
ang kaganapang ito, iminungkahi ni Malthus na alisin ang suporta ng pamahalaan sa mga
mahihirap. Ito ay pinuna ng ibang mga ekonomista dahil ito ay itinuring na kalupitan sa
mga mahihirap.

7
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Mahalaga ang kontribusyon ni Malthus sa larang ng ekonomiks. Ilan sa kaniyang mga ideya
ay naging batayan ng mga pag-aaral tungkol sa populasyon at ang epekto nito sa
ekonomiya. Ang konsepto naman ng diminishing returns ay palaging ginagamit sa pag-aaral
ng mga negosyo at pamumuhunan.

Ang Comparative Advantage


Kung si Adam Smith ay binigyang-halaga ang pagpapataas ng kita, si David Ricardo naman
ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pamamahagi ng kita ng isang bansa. Ayon kay Ricardo,
bawat isang bansa ay mayroong sariling kakayahan sa produksiyon.

Dapat ay magpokus ang mga bansa sa pagpapalaganap ng


kakayahang iyon. Ito ang tinatawag na comparative
advantage. Halimbawa, dahil ang Pilipinas ay isang
bansang agrikultural, maituturing na comparative
advantage nito ang agrikultura. Ito ang dapat pondohan ng
pamahalaan upang maitaas ang produksiyon at kalidad ng
mga produktong agrikultural. Dito magkakaroon ng tunay
na pag-unlad ng ekonomiya dahil mas malaki ang kikitain
ng bansa sapagkat mababa lamang ang gastos sa
produksiyon.

Lar. 4. Si David Ricardo

Mahalaga ang kontribusyon ni David Ricardo sa larang ng ekonomiks dahil sa kaniya


nakabatay ang konsepto ng subsidiya at pagsuporta ng pamahalaan sa mga negosyong
nasa comparative advantage nito.

Pagkakaroon ng Disiplina ng Ekonomiks


Mapapansin natin sa mga tinalakay sa taas, palaging mayroong koneksiyon ang ekonomiks
at ang pamahalaan. Ito ang dahilan kung bakit kilala rin ang pag-aaral ng ekonomiks sa
tawag na political economy.

8
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Noong ika-19 na siglo, sa impluwensiya ng agham at matematika, mas nabigyang-linaw


ang mga kaisipan sa ekonomiks. Sa panahong ito isinulong ni Alfred Marshall , isang
ekonomistang Ingles at may akda ng Principles of Economics, ang pagsasadisiplina ng
ekonomiks. Ginamit niya ang matematika upang patunayan ang mga ideya ng mga
nakaraang ekonomista tulad ni Malthus at ni Ricardo.

Mula sa kaniyang pag-aaral, unti-unting nagbago ang larang ng


ekonomiks. Mula sa political economy, naituon ang pokus ng
ekonomiks sa mahusay na paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman (resources) ng isang bansa bilang
pagtugon sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan
ng tao. Ito na ngayon ang ginagamit na opisyal na depinisyon
ng ekonomiks.

Lar. 5. Si Alfred Marshall

Kung titingnan ang iba’t ibang kahulugan nito mula sa mga pilosopo at ekonomista, ang
ekonomiks ay isang agham panlipunan na nakatuon sa pagkakaroon ng kaalaman sa
tamang pagpapasya kung paanong sapat na matutugunan ang pangangailangan ng tao sa
kabila ng kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman. Ang kaalamang ito ay magagamit sa
pang-araw araw na pamumuhay ng tao.

Pag-aaral ng Ekonomiks
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagsisimula sa suliranin ng walang katapusang pagtugon sa
pangangailangan ng mga tao habang limitado lamang ang likas na yaman at yamang tao ng
bansa. Ang lahat ng bansa sa daigdig ay may limitadong kayamanan—materyal man o sa
antas ng lakas-paggawa. Sa kabilang banda, ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay
hindi nauubos o natatapos kailanman. Narito ang isang halimbawa ng ideyang ito:

Patuloy na kakailanganin ng tao ang langis para sa iba’t ibang pang-araw araw na
gawain kaya patuloy itong miminahin. Samakatuwid, sa patuloy na paggamit ng langis

9
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

(at dahil ang langis ay isang yamang hindi agad napapalitan), darating ang panahon na
magiging limitado ang dami nito hanggang sa tuluyan nang maubos. Sa pamamagitan
ng pag-aaral ng ekonomiks ay matutukoy ang mga paraan na maaaring gawin upang
magamit nang maayos ang langis at patuloy itong mapakinabangan ng tao.

Sagutin Natin

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na konsepto:

1. ekonomiks
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. laissez faire
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. diminishing returns
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

4. political economy
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

10
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

5. Malthusian trap
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Suriin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Saan nagmula ang salitang ekonomiks?
2. Ano ang kahulugan ng salitang pinagmulan ng ekonomiks?
3. Ano ang kahulugan ng ekonomiks ayon sa mga pilosopo at ekonomista?

Pag-isipan Natin

Sa iyong palagay, paano nahinuha ng mga pilosopo at ekonomista ang kahulugan ng


ekonomiks?

Gawin Natin
Basahin ang sitwasyon sa ibaba at isagawa ang mga hakbang na kaugnay nito.

Ang Sitwasyon
Kamakailan lamang ay naipasa sa Kongreso ang batas na nagbibigay ng libreng dialysis.
Mahalaga ang batas na ito dahil ang dialysis ay kailangan ng mga pasyenteng hindi na
gumagana ang mga kidney. Maaaring ikamatay ng isang pasyente kung wala itong salaping
pambayad ng dialysis dahil mahal ang serbisyong ito. Base sa estadistika, ang bawat session
ng dialysis ay nagkakahalaga mula PHP 2,000 hanggang PHP 4,000. May ilang mga
pasyente na maaaring magpa-kidney transplant upang hindi na nila kailanganin ng dialysis.

11
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Iisa lamang ang dialysis machine sa iyong bayan ngunit marami ang nangangailangan nito.
Upang hindi agad masira ang makina, maaari lamang itong gamitin ng hindi lalampas sa 30
oras kada linggo. Bilang chief doctor ng ospital, tungkulin mong mamili kung sino ang
pasyente ang bibigyan mo ng libreng dialysis.

Narito ang profile ng bawat pasyente.

Pasyente Profile

A Anim na taong gulang, nangangailangan ng 10 oras ng dialysis kada


linggo. Naghihintay siya ng iskedyul ng kidney transplant para sa susunod
na taon.

B 55 taon, lalaki, nangangailangan ng 5 oras kada linggo. May asawa ngunit


matanda na ang mga anak.

C 3 taon, nangangailangan ng 4 na oras kada linggo, walang katiyakan


kung kailan siya papayagan na hindi na mag-dialysis. Hindi pa maaaring
magpa-transplant.

D 78 taon, babae, 4 na oras kada linggo

E 7 taon, may 3 kapatid, 4 na oras kada linggo

F 8 taon, walang kapatid, 5 oras kada linggo

G 30 taon, babae, may 2 anak na edad 10-12, 6 oras kada linggo

H 30 taon, lalaki, may 2 anak na edad 3-6, 5 oras kada linggo

I 30 taon, lalaki, walang anak, 4 oras kada linggo

12
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

J 45 taon, lalaki, walang anak, 6 oras kada linggo. May kapatid na


maaaring mag-donate ng kidney. Hinihintay na lang ang iskedyul ng
operasyon na magaganap sa susunod na 6 na buwan.

K 65 taon, lalaki, 10 oras kada linggo. Mayaman at nangakong bibili siya ng


isa pang dialysis machine para sa ospital kung siya’y buhay pa matapos
ng isang taon.

1. Pagdesisyonan mo kung paano mo ibabahagi ang 30 oras kada linggo. Ilista ang
pagkakasunod-sunod ng mga pasyente batay sa iyong kagustuhan.

2. Sagutin ang tanong na ito: Bakit mo pinili ang mga pasyenteng ito, at bakit ganito
ang pagkakasunod-sunod nila?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa ng


kaysa Pagsasanay Magaling Napakahusay
Pamantayan
Inaasahan 2 3 4
1

Kalidad ng Kulang ang May iilang Maraming Puno ng tamang


Nilalaman halimbawa at detalye lamang; detalye ang detalye at
walang may ibang isinaad; may isa maayos na
karagdagang bahagi na o dalawang ipinahayag,
impormasyong kinakailangan halimbawa na inilarawan, at
ibinigay. pa ng hindi lubusang ipinaliwanag din
karagdagang naipaliwanag. ang mga
impormasyon. halimbawang
ibinigay.

Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang


Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na may isang
lamang hindi kasiya-siyang napakagandang
may maipasa sinikap na resulta, may gawain na may
sa guro. mapaganda pa pagsisikap na masidhing
itong lalo.

13
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

pagandahin pagsisikap na
pang lalo. maging
natatangi ito.

Kasanayan/ Hindi Nagpapakita ng May angking Nagpapakita ng


Husay naipakikita ang pagnanais na husay sa husay at
pagnanais na mapaghusay paggawa; galing sa
mapaghusay ang kaniyang kailangan pa ng paggawa; may
ang paggawa. kaunting sapat na
isinumiteng pagsasanay. kaalaman o
gawain. pagsasanay.

Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa ng


Paggawa ng kaniyang ng kaniyang ng kaniyang kaniyang
sanaysay sa sanaysay sa sanaysay sa sanaysay bago
loob ng loob ng itinakdang pa ang
dalawang isang linggo petsa ng itinakdang petsa
linggo matapos matapos ang pagpapasa. ng pagpapasa.
ang itinakdang
itinakdang petsa ng
petsa ng pagpapasa.
pagpapasa.

Dapat Tandaan

● Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang produksiyon,


pamamahagi, at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo.
● Ang pag-unlad ng ekonomiya ang siyang nagbigay-daan sa pagkakaroon natin
ngayon ng modernong lipunan.
● Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, matutukoy ang mga paraang maaaring
gawin upang magamit nang maayos ang pinagkukunang-yaman (resources) at
patuloy itong mapakinabangan.

14
Araling Panlipunan

Baitang 9 • Yunit 1: Ang Ekonomiks

Mga Sanggunian

Carl Menger, et al. 2007. Menger, Carl, Peter G. Klein, Friedrich A. Von Hayek, James
Dingwall, and Bert F. Hoselitz. Principles of Economics. Auburn, Ala.: Ludwig von Mises
Institute., 2007.

Mga Editor ng Encyclopaedia Britannica. “Mercantilism”. Encyclopaedia Britannica. Nakuha


mula sa https://www.britannica.com/topic/mercantilism

Free, Rhona C. 2010. 21st Century Economics: A Reference Handbook. S.l.: Sage.

Mallari, Jan Phillip D., and Johannes L. Chua. Panahon, Kasaysayan, at Lipunan (Ikalawang
Edisyon). 2nd ed. Makati City, Philippines: Diwa Learning System Inc., 2006.

Senguttuvan, P. S. f. New Delhi: Excel Books, 2007.

15

You might also like