You are on page 1of 22

9

Araling Panlipunan
Ekonomiks
Unang Markahan-Modyul 1
Kahulugan Ng Ekonomiks

DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charo B. Bon


Editor: Jenielyn T. Garalda, Rodolfo F. De Jesus

Tagasuri: Gina C. Cristobal, Michelle A. Villajuan,


Brian Spencer B. Reyes. Leonilo C. Angeles
Tagaguhit: Ryan Christopher M. Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes
Tagapamahala Jenilyn Rose B. Corpuz, Brian E. Ilan,
Ebenezer A. Beloy, Heidee F. Ferrer,
Ederlina D. Baleña

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon

Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telefax: 8538-6900 loc 305

E-mail Address: lrms@depedqc.ph


9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Aralin 1- Kahulugan ng
Ekonomiks
Paunang Salita
Ang Self- Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong, o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o sinumang gagabay at tutulong sa
pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa hinandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtapos ng aralin upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan
o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay nakarararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala pa sila sa paaralan.
Alamin

YUNIT 1- MGA SALIGAN SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay


magkaroon ng lubos na pag-unawa sa mga
paksang tatalakayin, Inaasahan din na
mabuksan ang iyong kritikal na pag-iisip at
mahasa ang kakayahan at kasanayang
magdesisyon sa mga gawain at mga pagsubok sa
kaalaman sa bawat pagtatapos ng pagtalakay sa
bawat aralin.

A. INTRODUKSIYON
Sa modyul na ito na Araling Panlipunan 9-Ekonomiks tatalakayin
natin ang mga Saligan sa Pag-aaral ng Ekonomiks. Ito ay nakatuon sa
mga sumusunod na paksa:
1. Kahulugan ng Ekonomiks
2. Maikling Kasaysayan ng Ekonomiks
3. Mga Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
4. Saklaw ng Ekonomiks at mga
5. Dibisyon ng Ekonomiks

B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL


PAMANTAYANG PANG NILALAMAN: Naipamamalas ng mga mag-
aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.

PAMANTAYANG PAGGANAP: Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga


pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO:


● Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
lipunan.

LAMP CODE: AP9MKE-Ia1

C. MGA TIYAK NA LAYUNIN:


Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naibibigay ang kahulugan ng Ekonomiks;
2. Naipaliliwanag ang maikling kasaysayan ng Ekonomiks;
3. Naiisa-isa ang mga mahahalagang konsepto sa Ekonomiks;
4. Napaghahambing ang saklaw ng ekonomiks; at
5. Nasusuri ang mga dibisyon ng ekonomiks.

1 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
Subukin:

Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.

1. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin


sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning ito?
A. maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
B. tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang
kakayahan ng mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
C. pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang
panahon ng El Niño at La Niña.
D. nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
2. Ang mga sumusunod ay dibisyon ng ekonomiks maliban sa _______.
A. Produksiyon B. Pagtustos C. Pamilihan D. Pagkonsumo
3. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat _______.
A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan
ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng
kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano mahihigitan ang kita na kapwa tao.
4. Ito ay tumatalakay sa pag-aaral ng maliit na yunit ng ekonomiya.
A. Makroekonomiks B. Maykroekonomiks C. Ekonomiks D.
Ekonometriks
5. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay?
A. ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang
ikonsumo sa pang-araw- araw
B. ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.
C. ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at
serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa sa
pagkonsumo.
D. ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay_______.
A. labis na dami ng pinagkukunang yaman ng lipunan at kakaunting
pangangailangan at hilig pantao.
B.kakapusan ng mga pinagkukunang yaman ng lipunan at dumaraming mga
pangangailangan at hilig pantao.
C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
D. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.

2 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
7. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng
pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa _______.
A. paggamit ng mga produkto at serbisyo.
B. paglikha ng mga produkto at serbisyo.
C. paglinang ng likas na yaman.
D. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman.
8. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa kabuuang yunit ng ekonomiya.
A. Makroekonomiks B. Maykroekonomiks C. Ekonomiks D.
Ekonometriks
9. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay
maaaring maganap maliban sa ______.
A. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
B. magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
C. maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
D. magiging maayos ang pagbabadyet
10. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng
paggamit ng tao sa kaniyang ______ pinagkukunang-yaman upang matugunan
ang kaniyang ________ pangangailangan.
A. sapat; walang hanggang C. sapat; may hangganan
B. limitado; walang hanggang D. limitado; may hangganan
11. Ang kaisipan ng ekonomiks ay unang sumikat sa Greece dahil sa kanyang
sinulat na Oeconomicus.
A. Xenophon B. Adam Smith C. Thomas Aquinas D. Aristotle
12. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang trade-
off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay
at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o ng best alternative na handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade-off at
opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
B. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
D. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
13. Ang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na oikonomia, samakatuwid ang
ekonomiks ay nagsisimula sa _______.
A. pamahalaan B. tahanan C. pamayanan D. bansa
14. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
B. ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa kanyang pagdedesisyon.
C. ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning
pangkabuhayan.
D. ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

3 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
15. Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at
serbisyo. Ang bawat salik kapag ginamit ay may kabayaran tulad ng
A. upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at
interes para sa entreprenyur
B. upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at
tubo sa entreprenyur
C. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo
sa entreprenyur
D. tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at
interes sa entreprenyur

Aralin
Kahulugan ng Ekonomiks
1

Balikan:
Alin sa mga larawan ang iyong pinagkakaabalahan habang
kayo ay nasa bakasyon?

Pamprosesong Tanong:
1. Tuwing bakasyon,
may pagkakatulad ba sa
larawan ang iyong
pinagkakaabalahan?
2. Kung hindi
nagkaroon ng pandemya,
saang lugar kayo
magbabakasyon?
3. Paano kayo
naapektuhan ng
pandemyang naranasan ng
buong mundo?

4 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
Tuklasin:

Gawain 1- BAKUNADO PROTEKTODO

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez,


Jr. ang mga batang nasa edad labin-
dalawang taong(12) gulang pataas ay
maaari nang mabakunahan sa
pagtatapos ng taong ito.
Batay sa larawang nakikita,sagutin
ang katanungan:
1. Handa ka na bang maging
BAKUNADO PROTEKTODO?
2. Bakit oo o hindi ang iyong
kasagutan? Ipaliwanag sa 2-3
covid 19 vaccine - Bing images pangungusap.

ARALIN 1- KAHULUGAN NG EKONOMIKS


Sa araw-araw ng ating buhay marami tayong sinusuong na iba’t ibang
sitwasyon. Tayo ay nakakasalamuha rin ng iba’t ibang uri ng tao na may
kaniya-kaniyang gampaning ginagawa para mabuhay. Dahil dito ang pag-
aaral ng ekonomiks ay napakahalaga para sa iyo at sa ating lahat. Ito ay
magsisilbing preparasyon natin upang maunawaan ang mga konsepto sa
ekonomiks at matutong mamili, magpasiya, at gumawa ng matalinong
pagdedesisyon sa buhay.

A. KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Ang mga sumusunod ay kahulugan ng Ekonomiks ayon sa iba’t ibang
Ekonomista:
● Ayon kay Paul Samuelson, ang Ekonomiks ay isang masusing pag-aaral
upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang produkto at serbisyo sa
kabila ng pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang-yaman.
● Ayon kay Lionel Robbin, isang ekonomistang British, ito ay pag-aaral kung
paano ang alokasyon ng limitadong pinagkukunang yaman para magamit sa
mga pangangailangan ng tao. Ito ay isang agham na nag-aaral sa kaasalan ng
tao kung paano ang limitadong yaman ay magagamit niya sa iba’t ibang
paraan para tugunan ang pangangailangan ng tao.
● Ayon naman kay Alfred Marshall, ang ekonomiks ay isang agham panlipunan
na nag-aaral sa kaasalan ng tao at pag-aaral sa pagkamit ng yaman.

5 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
● Ayon naman kay Adam Smith ang Ekonomiks ay nakatuon sa yaman ng
bansa at ang kahalagahan ng malayang kalakalan.
● Sa kabuuan ang EKONOMIKS ay isang agham panlipunan na naglalayong
pag-aralan ang mga kilos at pagsisikap ng mga tao at ang mga pamamaraan
ng paggamit nila ng mga limitadong yaman ng bansa upang matugunan ang
tila walang katapusang pangangailangan sa buhay.
Nakapaloob sa mga nabanggit na depinisyon ang mahahalagang aspekto ng
ekonomiks.

ANG EKONOMIKS BILANG AGHAM-PANLIPUNAN


● Agham dahil sa paggamit ng siyentipikong paraan upang maunawaan ang
mga penomenang nangyayari sa paligid at panlipunan dahil ito ay nakatuon
sa tao at lipunan.
ANG EKONOMIKS AT ANG PAGSISIKAP NG TAO
● Ang mga tao ay may kaniya-kaniyang tungkulin at gawain sa lipunan upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan sa buhay.
ANG EKONOMIKS AT ANG LIMITADONG YAMAN
● Ito ang sanhi ng pagkakaroon ng kompetisyon sa lahat ng bagay. Ang
kalagayang ito ang nagbubunga ng suliranin ng kakulangan at kakapusan na
siyang dahilan nang patuloy na pagsisikap ng tao sa kanilang buhay.

ANG EKONOMIKS AT ANG WALANG KATAPUSANG PANGANGAILANGAN AT


KAGUSTUHAN
● Isang katotohanan na ang tao ay walang kasiyahan. Ang paghahangad sa
maraming bagay ay bahagi ng buhay ng tao na siyang nagbibigay-buhay sa
ating masalimuot na lipunan.
● Ang pangangailangan ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maaaring mawala
sa buhay ng tao tulad ng pagkain, damit, tirahan, at gamot.
● Ang kagustuhan ay mga bagay na hinahangad ng tao upang mabigyang
kasiyahan ang sarili. Ito ay tinatawag ding luho o layaw na pwedeng wala sa
buhay ng tao.
Gawain 2: Pag-isipan Mo
A. Magbigay ng isang salita na una mong naisip batay sa bawat letra ng
EKONOMIKS. Isulat ito sa sagutang papel.

E K O N O M I K S

6 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
B. Bumuo ng kahulugan gamit ang mga ibinigay na salita sa EKONOMIKS
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. MAIKLING KASAYSAYAN NG EKONOMIKS

Nagmula sa salitang Pranses na economie ang Ekonomiks na nangangahulugang


“pamamahala sa sambahayan.” Ang salitang economie ay nanggaling din sa salitang
Griyego na oikonomia o oikonomos na nahahati sa dalawang salita na oikos na
nangangahulugang “tahanan” at nomos na “pamamahala.” (Viloria, 2000)

OIKOS NOMOS
EKONOMIKS
(bahay) ( pamamahala)

Ang mga kaisipan sa ekonomiks ay wala pang pormal na pag-


aaral mula noong ika-17 siglo. Ngunit ito ay unang sumikat
sa Greece mula sa isinulat ni Xenophon na Oeconomicus,
kung saan ito ay galing sa salitang oikonomia na nakatuon
sa pamamahala sa tahanan at ang paraan ng pamumuno ng
mga lider noon. Noong panahon nina Aristotle at Thomas
Aquinas mas naging maigting ang interes ng mga tao na pag-
aralan ito.
Xenophon
Ang pag-aaral ng political economy ay nakaugnay sa
pamamalakad sa pamahalaan o mga usaping pampolitika. Kanila ring pinag-aaralan
kung paano ang mga limitadong yaman ay magagamit ng tama para sa lahat. Wala
pa sa kanilang ideya ang Ekonomiks kaya ito ay mas nakilala bilang Political
Economy. Ngunit noong Marso 9, 1776 inilabas ang aklat ni Adam Smith, ang "An
Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” na nagkaroon ng
malaking ambag at impluwensiya sa pag-aaral ng ekonomiks. Isa sa kaniyang
ipinakilala ay ang doktrina ng malayang kalakalan o Laissez-
faire. Kaya tinagurian si Adam Smith bilang “Ama ng
Modernong Ekonomiya”. Mula dito umusbong din ang iba’t
ibang teorya mula kanila Thomas Robert Malthus na nakilala
sa kaniyang teoryang Malthusian kung saan ipinakita niya
ang relasyon ng pinagkukunang-yaman sa paglaki ng
populasyon. Nakilala rin sina David Ricardo sa kaniyang
teoryang Comparative Advantage o Teorya ng David Ricardo
Kalamangang Pahambing, John Maynard Keynes na may
akda ng aklat na “The General Theory of Employment, Interest and Money”
taong 1936 na nagpakilala naman ng ideya sa Makroekonomiks kaya siya ang
tinaguriang Ama ng Modernong Makroekonomiks”. Nagkaroon din ng malaking
impluwensiya ang ideya ni Karl Marx dahil kaniyang pagbatikos sa ideya ni Adam
Smith. Para sa kaniya ang pamahalaan ang may malaking gampanin upang maging

7 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
pantay-pantay ang distribusyon ng pinagkukunang-yaman
para sa lahat. Siya ang nagpakilala ng ideyang komunismo.
(https://plato.stanford.edu/entries/marx/)

Gawain 3: Data Retrieval Chart


Punan ang talahanayan ng mga ekonomistang nagkaroon ng
malaking ambag sa Ekonomiks.Isulat ito sa sagutang papel.
Adam Smith

Taon Ekonomista Natatanging Ambag


/Panahon

Pamprosesong Tanong:

1. Sa iyong sariling pananaw, sino sa mga ekonomista ang nagkaroon ng


malaking ambag sa ekonomiks? Bakit?
2. Sino sa mga ekonomistang ito na ang ideya ay nagagamit pa rin sa
kasalukuyang panahon? Bakit?

Suriin:

C. MAHAHALAGANG KONSEPTO SA PAGSASAGAWA NG MATALINONG


PAGDEDESISYON
Mula sa iyong sinagutang gawain na Bakunado Protektodo at sa Balikan
napagtanto natin ang kahalagahan ng paggawa ng desisyon at ito ay bahagi
na ng buhay natin - ang mamili sa mga bagay na sa tingin natin ay mas
makabubuti at mas magiging kapakipakinabang para sa atin. Sa bawat
paggawa natin ng desisyon, ang mga sumusunod na konsepto ay hindi
maaaring mawala sa atin.

Halika’t alamin natin ano ba ng mga konseptong ito na dapat nating


maunawaan.

1. Trade-off
● Ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga
pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.

8 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
1. Opportunity cost
● Ang tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at
Oster, 2012)
2. Incentives
● Tumutukoy sa insentibo o pakinabang na inaalok ng mga
gumagawa ng produkto at serbisyo na nakapagpapabago sa ating
mga desisyon.
3. Marginal Thinking
● Tumutukoy sa karagdagang pakinabang o gastos na iniisip ng
tao na makukuha niya mula sa gagawing desiyon.

Gawain 4: Situational Analysis


Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba, pagkatapos ay ibigay ang
halimbawa ng mga hinihinging konsepto batay sa nabasa. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
● Trade-off
● Opportunity Cost
● Marginal Thinking
● Incentives

Pasukan na! Marami sa mga magulang ang nangangamba pa rin kung


papapasukin nila ang kanilang mga anak o hindi. Sapagkat mahigit isang taon na
ang nakalilipas ngunit tayo ay nasa ilalim pa rin ng pandemya. Bagamat may
bakuna nang ibinibigay ang pamahalaan ngunit hindi pa sapat para bigyan ang
lahat ng mga tao bukod pa sa paglabas ng iba’t ibang variant ng virus. Ngunit ang
iyong magulang ay pinili na ikaw ay mag-aral sa kabila ng pagsubok na tatahakin
muli sa buong taon. Inisip ng magulang mo na masasayang ang isang taon ng iyong
pag-aaral kung ikaw ay hahayaan nilang hindi makapag-aral. Inaasahan nila na sa
kabila ng walang magaganap na face to face na pag-aaral, ikaw ay mag-aaral pa rin
nang Mabuti.

Unawain

DALAWANG SAKLAW NG EKONOMIKS

May dalawang pangunahing saklaw ang ekonomiks na pinag-


aaralan sa kabuuan ng modyul na ito: ang maykroekonomiks at
makroekonomiks.

Saklaw Halimbawa

Ang MAYKROEKONOMIKS ay pag- ● Gawi o kilos ng mga konsyumer at


aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya. prodyuser
Ito ay galing salitang Griyego na mikro ● Presyo
na ang ibig sabihin ay “maliit”. Ang mga ● Demand
sumusunod ay halimbawa ng mga ● Pamilihan

9 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
tinatalakay sa maykroekonomiks. ● Supply
● Organisasyon ng negosyo
● Pambansang kita (National Income)
Ang MAKROEKONOMIKS ay ang pag- ● Gross National Product
aaral sa malaking yunit o kabuuang ● Gross Domestic Product
ekonomiya. Ito ay galing sa salitang ● Aggregate Supply at Demand
Griyego na makro na ng ibig sabihin ay ● Utang Panlabas
“malaki. Ang mga sumusunod ay
● Palitan ng Piso sa dolyar at iba pang
halimbawa ng mga tinatalakay sa
currency
makroekonomiks.
● Kawalan ng trabaho
● Kalakalang panloob at panlabas

Gawain 5- IKUMPARA MO

Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


maykroekonomiks sa makroekonomiks batay sa katangian nito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

MAYKROEKONOMIKS MAKROEKONOMIKS

E. MGA DIBISYON NG EKONOMIKS

Sa kabuuan, ang ekonomiks ay nahahati sa limang


dibisyon. Ito ang mga pangunahing tinatalakay sa pag-
aaral ng ekonomiks.

DIBISYON HALIMBAWA

Produksiyon (Production) INPUT


Ang produksiyon ay tumutukoy sa paglikha, ( Salik ng Produksiyon)
paggawa, o pagbuo ng mga hilaw na materyal para
magkaroon ng bagong anyo na tumutugon sa PROSESO
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
OUTPUT
(Nagawang Produkto)

10 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
Pagkonsumo (Consumption) Sa paggamit ng salapi tayo
Ang pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo ay nakabibili ng ating mga
para tugunan ang pangangailangan at kagustuhan pangangailangan at
ang tumutukoy sa pagkonsumo. kagustuhan.

Pagpapalitan (Exchange) Pagpunta sa PAMILIHAN


Ang paglipat ng produkto at serbisyo sa isang tao kung saan dito nagtatagpo
papunta isang tao kapalit ang salapi bilang ang mamimili at nagbibili.
instrumento ng palitan.
Pamamahagi (Distribution) Lupa- upa/renta
Ang tawag sa bayad na tinatanggap ng lahat ng salik Paggawa- sahod/sweldo
ng produksiyon. Kapital- interes
Entreprenyur- tubo
Pamahalaan- buwis

Pagtustos o Pampublikong Pananalapi (Public Pampublikong paaralan,


Finance) ospital, mga tulay, kalsada
Ang pagbibigay ng pampublikong serbisyo ng at iba pa.
pamahalaan mula sa kanilang kita na kanilang
tinatanggap tulad ng buwis.

Pagyamanin

Gawain 6: Sagutin ang mga gawain:


A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ang ibang bagay.


2. Ang karagdagang pakinabang o gantimpala kapalit ng isang magandang
produkto o serbisyong ibinigay o ipinagkaloob.
3. Ito ang unang o dating tawag sa ekonomiks.
4. Ang pagsusuri ng tao sa karagdagang halaga ito man ay gastos o pakinabang
mula sa isang gagawing pasya.
5. Pag-aaral sa maliit na yunit ng ekonomiya.

11 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
6. Ito ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa matalinong paggamit ng
limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
7. Ang nagpahayag na ang ekonomiks ay masusing pag-aaral upang
maipamahagi ang produkto at serbisyo.
8. Pag-aaral sa malaking yunit ng ekonomiya.
9. Pamamahala sa loob ng tahanan.
10. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.

B. Tukuyin kung ito ay bahagi ng makroekonomiks o maykroekonomiks.


_______ 1. Indibidwal na kompanya _______ 6. kabuuang produksiyon
_______ 2. reyt ng implasyon _______ 7. uri ng kompanya
_______ 3. palitan ng piso _______ 8. utang panlabas
_______ 4. mamimili _______ 9. suplay at demand
_______ 5. kitang Pambansa _______ 10. uri ng prodyuser

C. Tukuyin ang dibisyong isinasaad sa bawat bilang.


1. Ang pamahalaan ay nangongolekta ng buwis upang matugunan ang mga
pampublikong paglilingkod.
2. Ang mga salik ng produksiyon ay nakakatanggap ng bayad.
3. Ang pagbili ni Gng.Bon ng kaniyang mga pangangailangan sa paaralan.
4. Ang katapusan ng prosesong produktibo at ito ang dahilan kung bakit
isinasagawa ang lahat ng produksiyon.
5. Sa anong dibisyon ng ekonomiks nabibilang ang sumusunod na mga
halimbawa: paggawa ng silya, pagpoproseso ng pagkain, at
pagmamanupaktura?

Isaisip

⮚ Ang EKONOMIKS ay isang agham panlipunan na naglalayong pag-aralan ang


mga kilos at pagsisikap ng mga tao at ang mga pamamaraan ng paggamit nila
ng mga limitadong yaman ng bansa upang matugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan sa buhay.
⮚ Ang ekonomiks ay isang agham sapagkat ito ay gumagamit ng siyentipikong
pamamaraan sa pagsagot sa mga pangyayari sa ating paligid.
⮚ Si Xenophon ang may akda ng Oeconomicus, kung saan ito ay galing sa salitang
oikonomia na nanggaling sa salitang oikonomos mula sa dalawang salita na oikos
na nangangahulugang “tahanan” at nomos na “pamamahala.”
⮚ Political Economy ang unang pagpapakilala sa kasalukuyang tinatawag na
ekonomiks.
⮚ Ang mahahalagang konsepto sa pagsasagawa ng desisyon ay ang mga
sumusunod: Trade Off, Opportunity Cost, Marginal Thinking, at Incentives.
⮚ May dalawang saklaw ang ekonomiks: Makroekonomiks at Maykroekonomiks.

12 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
⮚ Ito ay nahahati sa limang dibisyon: Produksiyon, Pagkonsumo, Pagpapalitan,
Pamamahagi o Distribusyon, at Pagtustos o Pampublikong Pananalapi.

Isagawa
Gawain 6: MY DAY!
Isulat sa sagutang papel ang iyong ginagawa sa isang tipikal na araw.
Halimbawa: Araw ng Linggo:
ORAS MGA GAWAIN

Pamprosesong mga tanong:


1. Sa araw ng itinalang gawain, masasabi mo bang nagawa mo ang mga dapat
mong gawin sa araw na iyon? Bakit oo o hindi?
2. Sa mga naitalang gawain, ano sa mga ito ang araw-araw mong ginagawa?
3. Sa mga konseptong natalakay natin, ano ang maiuugnay mo sa mga naitalang
gawain?
4. Ano ang ekonomiks kung ang gagamitin mong batayan ay ang iyong mga
ginagawa sa araw-araw?

Tayahin:
ARALIN 1- KAHULUGAN NG EKONOMIKS

A. Kaalaman sa tiyak na bagay. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.


1. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng
pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa ________.
A. paggamit ng mga produkto at serbisyo.
B. paglikha ng mga produkto at serbisyo.
C. paglinang ng likas na yaman.
D. pamamahagi ng pinagkukunang- yaman.
2. Aling pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan ang sapilitang iniaatas sa bawat
tao, at mga negosyo para sa kapakinabangan ng pamahalaan?
A. pangungutang C. kita mula sa pribadong tanggapan at negosyo
B. kita sa buwis D. pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan
3. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks kung
ang pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan?
A. Ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.
B. Ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kaniyang rasyonal na
pagdedesisyon
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ang lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pagkabuhayan.
D. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning
pangkabuhayan na kanilang kinakaharap.

13 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
4. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng Ekonomiks para sa mga kabataan.
Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng
kaalaman sa Ekonomiks?
A. maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks na magagamit sa kolehiyo
B. makakatulong ang mga konseptong malalaman upang maging kritiko ng
pamahalaan
C. mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang
makakatulong upang maging matalino sa pagpapasya
D. makakatulong upang makapagturo ng Ekonomiks sa hinaharap
5. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat _______.
A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas
ng kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating
daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa
tao.
6. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
B. ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa
kanyang pagdedesisyon.
C. ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning
pangkabuhayan.
D. ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang
katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
7. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing
gawain ng bawat sektor ng ekonomiya. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa
bahaging ginagampanan ng sambahayan?
A. Nagmamay-ari ng salik ng produksiyon
B. Nagbabayad ng upa o renta sa lupa
C. Gumagamit ng mga salik ng produksiyon
D. Nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na isang agham ang ekonomiks?
A. nagsasagawa ito ng mga eksperimento sa laboratory.
B. pinag-aaralan nito ang kalikasan.
C. pinapatunayan nito ang katotohanan batay sa ebidensiya.
D. pinag-aaralan nito ang mahahalagang isyu ng bansa.
9. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit
ng tao sa kanyang ________na pinagkukunang yaman upang matugunan ang
kanyang______pangangailangan.
A. sapat; walang hanggang C. sapat; may hangganan
B. limitado; walang hanggang D. limitado; may hangganan
10. Isa itong mahalagang salik sa produksiyon na kung saan ito ang
pinanggagalingan ng lakas at talino. Aling salik ito?
A. lupa B. puhunan C. entreprenyur D.
pagagawa

14 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
11. Ang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na “oikonomia”, samakatuwid ang
ekonomiks ay nagsisimula sa
A. pamahalaan B. pamayanan C. tahanan D. bansa
12. Ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
B. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
C. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
D. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
13. Ang _________ at ____________ ang sentro ng pag-aaral ng ekonomiks
A. tao: lipunan C. likas na yaman:
pangangailangan
B. agham: matematika D. suplay: demand
14. Ang mga ekonomista ay gumagamit ng pangangatwirang ekonomiko sa
pagsusuri ng mga problema. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit ng mga
ekonomista sa pagsusuri?
A. istatistika at datos C. mga konsepto
B. paniniwala at mungkahi D. mga modelo
15. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga
pangangailangan at hilig-pantao naman ay
A. may hangganan din.
B. kaunti lamang kayat madaling tugunan
C. parami nang parami at walang katapusan
D. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.

Karagdagang Gawain:

A. Panoorin ang bidyo tungkol sa Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks


mula kay Sir Ian’s Class link: https://bit.ly/AP9Q1M1V1 at sagutin ang
pamprosesong tanong: Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan sa kagustuhan?
2. Ano ang dahilan bakit kailangang pag-aralan ang ekonomiks?
3. Ano ang ekonomiks?
4. Ano ang tatlong katanungan na sinasagot sa ekonomiks ayon sa
bidyong napanood?

B. Gumawa ng Graphic Organizer na nagpapakita ng kabuuang paksang


tinalakay natin sa modyul na ito. Ilagay sa kuwaderno ang iyong kasagutan.
C. Gumupit ng balita na may kinalaman sa ekonomiks. Idikit sa kuwaderno at
gawin ang sumusunod:
i. Buod ng artikulong nakuha mula sa pahayagan o internet
ii. Reaksiyon sa balitang nakuha at kaugnayan sa mga paksang
tinalakay.

15 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1 16
Subukin: Balikan:
Gawain 1: BAKUNADO-
1. D 6. B 11.A 1. Depende sa karanasan
PROTEKTODO
2. C 7. B 12.C ng mag-aaral.
Ang kasagutan ay
3. A 8. A 13.B 2. Depende sa opinion ng
nakadepende sa paniniwala
4. B 9. A 14.D mga mag-aaral.
ng mag-aaral.
5. C 10. B 15.B 3. Depende sa karanasan
ng mag-aaral.
Gawain 3: DATA RETRIEAL
CHART
Gawain 2: PAG-ISIPAN MO Diagram- dapat ay hindi bababa sa lima
Ang kasagutan dito ay nakabatay sa kung ano ang makalap na ekonomista
ang naunawaan ng mag-aaral sa EKONOMIKS. Pamprosesong Tanong;
Maaaring ito ang sagot: Ang kasagutan ay nakadepende sa
E E- bidensiya opinion at mga nakalap na
K- aalaman impormasyon ng mag-aaral.
O- bserbasyon
N- ais
O- perasyon Gawain 4: SITUATIONAL
M- amimili ANALYSIS
I-nterest 1.Upang hindi tayo magkamali sa mga gagawin
K-akapusan/kakulangan nating desisyon.
S- alapi 2. Depende sa karanasan ng mag-aaral.
Ang Ekonomiks ay isang kaalaman na kumukuha ng 3. Depende sa opinion ng mga mag-aaral.
ebidensiya batay sa obserbasyon sa operasyon ng 4. Depende sa karanasan ng mag-aaral.
lipunan kung paano ang interes ng mamimili para tugunan
ang kakapusan o kakulangan ng kanyang salapi.
PAGYAMANIN
A. B. C.
Gawain 5- VENN DIAGRAM 1. A 1. Maykroekonomiks 1. Pagtustos
Ang makroekonomiks ay tumutukoy sa 2. B 2. Makroekonomiks 2. Pamamahagi
malaking bahagi ng ating ekonomiya o 3. C 3. Makroekonomiks 3. Pagkonsumo
pag-aaral sa kabuuang ekonomiya 4. D 4. Maykroekonomiks 4. Papapalitan
samantalang ang maykroekonomiks ay 5. G 5. Makroekonomiks 5. Produksiyon
pag-aaral sa maliit nay unit ng ekonomiya. 6. E 6. Makroekonomiks
7. I 7. Maykroekonomiks
8. F 8. Makroekonomiks
9. H 9. Maykroekonomiks
10. J 10. Maykroekonomiks
TAYAHIN
1. B 6.D 11. C
ISAGAWA: 2. B 7. A 12. C
MY DAY! 3. A 8. C 13. A
Depende sa karanasan ng 4. C 9. B 14. B
mag-aaral 5. A 10. C 15. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Department of Education (2015), Ekonomiks 10- Araling Panlipunan- Modyul para


sa mga Mag-aaral Unang Edisyon pahina 12-22

C Bon et.al,2015 Ekonomiks sa Makabagong Panahon JO-ES Publishing House Inc.


pahina 3-21

Department of Education Modyul sa Araling Panlipunan IV Pahina 1-3


Baluyot et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs).
Unpublished

Wolff, Jonathan. 2003. “Karl Marx (Stanford Encyclopedia of Philosophy).”


Stanford.Edu. 2003. https://plato.stanford.edu/entries/marx/.

Elektronikong Sanggunian:

Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p1 (Ikong Character)


Https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 (Naomie Character)
https://bit.ly/AP9Q1M1P1 (Family in living room)
https://bit.ly/AP9Q1M1P2 (Xenophon)
https://bit.ly/AP9M1P3 (Adam Smith)
https://bit.ly/AP9Q1M1P4 (David Ricardo)
https://bit.ly/AP9Q1M1V1 (Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE (Economics)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE1 (Graph)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE2 (Adam Smith)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE3 (Philippine coins)
https://bit.ly/AP9Q1M1TITLE4 (Philippine Peso)
Bitmoji

17 DO_Q1_AralingPanlipunan9_Module1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon

Email Address: lrms@depedqc.ph

Telephone Number: 8538-6900 loc 305

Module Review Form: bit.ly/QCmodulereview

You might also like