You are on page 1of 23

9

EKONOMIKS
Unang Markahan – Modyul 1
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Araling Panlipunan – Ikasiyam Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rodelia S. Tupaz, Celestie D. Roldan
Editors: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagasuri: Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca, Emily E. Baculi
Tagaguhit: Jazer John B. Arsenal
Tagalapat: Emily E. Baculi
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores - Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny A. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lito S. Adanza- Divison EPS Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
-

sa ating mag-aaral sa kanilang pag -aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t


i bang bahagi na gagabay sa kanila upang m aunawaan ang bawat a ra lin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng m ga paalala, pantulong o estratehi yang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag aaral ng mga mag
- -

aaral sa kani-kanilang tahanan.


Ito ay may kalakip na paunang pa gsusulit upang masukat a ng
nalalaman ng mag aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
-

magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa


guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
m ali ang m ga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasah n namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
a
Pinapaalalahanan din ang mga mag aaral na ingatan ang SLM na
-

ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o


mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsa got sa mga pagsasanay.
Hinihikay at ang mga mag-aaral na makipag-ugnay an agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagap agdalo y, umaasa kami na matututo ang a ting ma g-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa na naayon sa iyong kakayahan. Ito ay makakatulong


na maisagawa ang mga pagsasanay at matutunan ang mga konsepto tungkol sa
Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks. Ang mga gawaing ibinigay sa
sitwasyon at halimbawa ay naayon sa iyong mga karanasan, nang sa ganoon ay
madali mong maintindihan ang aralin. Ang bawat gawain ay nailapat sa paraang
naaayon at nararapat sa daloy ng pagkatoto

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:

Aralin 1- KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Pagkatapos ng mga pagsasanay sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency:


Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya sa lipunan APMKE-
Ia-1
Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw sa bawat
pamilya at ng lipunan. APMKE-Ia-2

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng ekonomiks.
2. Natatalakay ang mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks.
3. Natataya ang kahalagahan ng kaalaman sa ekonomiks sa paggawa ng
mga matalinong desisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay

1
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.

Gawain 1: PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang
titik wastong sagot sa bawat bilang.

1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa mga salitang Griyego na oikos na ang ibig
sabihin ay bahay, ano naman ang ibig sabihin ng nomos?
a. negosyo
b. kabuhayan
c. karunungan
d. pamamahala

2. Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga pangangailangan at kagustuhan ng


mga tao?
a. limitado
b. dumadami
c. walang saysay
d. walang katapusan

3. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin upang matugunan ang


pangangailangan ng mga tao?
a. suliraning pampulitika
b. suliraning pangkapaligiran
c. limitadong pinagkukunang-yaman
d. walang kaubusang pinagkukunang- yaman

4. Sinong ekonomista ang nagsabi na ang ekonomiya at sambahayan ay may


maraming pagkakatulad?
a. Karl Marx
b. Adam Smith
c. John Maynard
d. Nicholas Gregory Mankiw

2
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat?
a. Ano ang gagawing produkto o serbisyo?
b. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Magkano ang inaasahang tubo sa gagawing produkto at serbisyo?

6. Alin sa sumusunod na suliranin ang kaakibat ng buhay dahil sa pagkakaroon


ng limitadong kakayahan ng tao, likas na yaman at yamang kapital?
a. katamaran
b. kahirapan
c. kakapusan
d. kamangmangan

7. May mga isinaalang-alang tayo sa bawat paggawa natin ng desisyon. Sa


ekonomiks, ano ang tawag sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon?
a. trade-off
b. incentives
c. opportunity cost
d. marginal thinking

8. Ano ang tawag sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isa pang
bagay?
a. incentives
b. trade-off
c. opportunity cost
d. marginal thinking

9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng marginal thinking sa


paggawa ng desisyon?
a. Inaayos ang mga suliraning maaring idulot ng napiling desisyon
b. Inaalam kung anong produkto o serbisyo ang sikat o naaayon sa uso
c. Sinusuring mabuti ang pakinabang, at maging ang gastos sa
gagawing pagpili
d. Inaalam kung anong dagdag na pakinabang ang makukuha sa bawat
paggawa ng pagpili

10.Alin sa mga sumusunod na sitwasyong ang HINDI nagpapakita ng


pagsasaalang-alang ng isang tao sa incentive na makuha niya sa paggawa ng
desisyon?
a. Nagsisikap na makatipid sa lahat ng panahon
b. Sinusuri kung magkano ang matipid sa pagbili ng produkto
c. Mas ginagalingan ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan
d. Inaalam kung anong dagdag na benepisyo ang makuha sa paggawa
ng desisyon

3
11. Bakit kailangang isalang-alang ang trade off, opportunity cost, incentives at
marginal thinking sa paggawa ng mga desisyon?
a. dahil mahalagang pag-isipan ang maraming bagay
b. dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
c. dahil maraming mga pagpipilian kaya kailangan may susunding
batayan
d. dahil maraming gustong makamtan ang mga mamimili na dapat
matugunan

12. Paano makatulong sa mga mamamayan ang kaalaman tungkol sa mga


konsepto ng ekonomiks?
a. Makakagawa ng matalinong desisyon sa pang-araw araw na
pamumuhay.
b. Makapagpatunay na mas lamang ang mga taong may maraming alam
sa buhay
c. Makahikayat ng iba na maging masinop sa buhay
d. Maging maingat sa pagharap sa hamon ng buhay

13. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung mas uunahin ng tao ang
kanyang mga kagustuhan kaysa mga kailangan?
a. Makakaranas ng masaganang pamumuhay
b. Matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan
c. Makakamtan ang lahat ng mga ninanais sa buhay
d. Mahirapang tugunan ang mga mga pang-araw-araw na
pangangailangan

14-15. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin ng mga mamamayan sa


panahon ng sakuna, kalamidad, o pandemic? Pumili ng DALAWA mula sa mga
nakasulat na sitwasyon.

a. Pagsunod sa mga patakaran na ipinatupad ng pamahalaan upang


mapadali ang sitwasyon at mapigil ang karagdagang problema, hindi
lamang para sa sarili kundi para sa kabutihang panlahat.
b. Mas pahalagahan ang sariling kaligtasan at kagustuhan bago
isaalang alang ang kapakanan ng karamihan
c. Paniniwala at pagpalaganap ng mga di kumpimadong balita (fake
news) tungkol sa mga nangyayari sa paligid
d. Pagsisikap na mapaunlad ang sariling kakayahanat maging
produktibo sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin.
e. Pagwawalang bahala sa mga patakaran dahil nababagot na sa
sitwasyon

4
Aralin
Kahulugan at Kahalagahan ng
1 Ekonomiks
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga
pangunahing konsepto at kahalagahan ng ekonomiks at kung paano ito magagamit
bilang batayan ng matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Balikan

Matapos mong sagutan ang mga paunang pagtataya, sagutin mo muna ang
susunod na gawain upang lubusang maiugnay ang dating kaalaman sa ating
bagong aralin na tatalakayin.

Gawain 2: QUARANTOUR
Kumusta? Gusto nyo bang mamasyal? Halina at pasyalan natin ang ibang mga
lugar sa daigdig sa guhit na ito. Hanapin sa collage ang mga simbolo o larawan na
nagpapaalala sa iyo sa mga lugar sa daigdig.

Panuto: Suriin ang mga larawan na nasa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga simbolo o larawan ang nakikita mo?
2. Saang mga lugar ito matatagpuan?
3. Gusto mo bang mapuntahan ang mga lugar na ito?
4. Sa kasalukuyang estado ng buhay mo ngayon, kaya mo na bang puntahan
ang mga lugar na gusto mo? Bakit?

5
Tuklasin

Bago natin talakayin ang bagong aralin, tunghayan muna ang gawain at sagutin
ang pamprosesong tanong.

Gawain 3. PHOTOSURI

Panuto: Suriin ang larawan at sagutan ang pamprosesong tanong. Kung ikaw ay
isang mag-aaral naiisip mo rin ba ang mga bagay at lugar na ito?

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?


2. Naranasan mo na ba ang ganito?
3. Paano mo pinamahalaan ang ganitong sitwasyon?

6
Gawain 4: CODE DECODE
Panuto: I-decode ang mga nakatagong konsepto sa bawat bilang. Gamiting gabay
ang mga numerong nakatalaga sa titik ng English Alphabet sa pagdecode , gaya ng
1, para sa A, 2, para sa B, 3, para sa C….. Z para sa 26. Isulat sa patlang ang na
decode na konsepto.

CODE DECODED

9-14-3-5-14-20-9-22-5-19 __________________________

5-11-15-14-15-13-9-11-19 __________________________

20-18-1-4-5 15-6-6 __________________________

15-16-16-15-18-20-21-14-9-20-25 3-15-19-20 __________________________

13-1-18-7-9-14-1-12 20-8-9-14-11-9-14-7 __________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga konsepto ang nakatago sa mga code?
2. Ano ang kahulugan ng mga konseptong ito?
3. Gamit ang konseptong nasa itaas, ibigay ang iyong sariling
pagpapakahulugan sa ekonomiks.

Suriin

Kumusta? Handa ka na ba sa bagong aralin? Tunghayan at basahin ang mga


impormasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks.

Gawain 5: BASA PARA SA KAALAMAN

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutan ang


mga sumsusunod na gawain.

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano


tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao

7
gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego
na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala
(Viloria, 2000).

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang


sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at
nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring
nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig,
tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t


ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-
anong
produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami
ang
gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa
suliranin
sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-
yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa
kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong
pinagkukunang-yaman.

Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng


tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang
likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng
makinarya, gusali,at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din
ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang
pamayanan batay sa apat napangunahing katanungang pang-ekonomiya na
kapaki-pakinabang sa lahat.

Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-araw-araw


na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng
bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo.

Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice. Sa pagproseso ng


pagpili, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang pagpili o
pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off,
sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo
ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?

8
Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost ay
tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng
paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na ipinagpalibang
gawin.

Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong


pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin
maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na
iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo. Tulad ng pag-aalok ng mas
mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa
bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Maaari ding mailarawan ang incentives
sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas
mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.

May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang ibig
sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito
man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa
gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at
mataas na grado, ay masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng
desisyon ang isang tao.

Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at


marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging
rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon.

Kahalagahan ng Ekonomiks

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting


pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa
iyo
bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang


maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang
usaping ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at
programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng
ekonomiya.

Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga


desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa
alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang
makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon ng iyong pamilya.

9
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri, at
mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din itong humubog
sa
iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong
pagdedesisyon
para sa kinabukasan at paghahanapbuhay
(Learners Module p. 15-18)Halaw mula sa Modyul Para sa Mga Mag-aaral, Ekonomiks, Yunit 1, Department of
Education, 2015

Pagyamanin

Binabati kita dahil sa natapos mo nang basahin at intindihin ang mga


mahahalagang impormasyong patungkol sa ating aralin. Ngayon naman ay gawin
at sagutan mo ang mga sumusunod na pagsasanay para iyong lubos na
pagkaunawa.

Gawain 6: HALINA’T MAGDESISYON!

Panuto: Punan ng tamang sagot ang sumusunod nagraphic organizer tungkol


sa kung ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng desisyon.Isulat sa loob
ng arrow ang sagot na konsepto at ang kahulugan nito.

Pamprosesong Tanong :

10
1. Ano ang natutunan mo mula sa mga konseptong ito?
2. Paano makatulongang kaalaman sa mga konseptong ito sa iyong
pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

Gawain 7: SURI-SITWASIYON

Si Nena ay isang 14 taong gulang na mag-aaral na nakatira sa isang komunidad


sa SOCCSKSARGEN. Nang lumaganap ang pandemic na Covid -19, napabilang ang
kanilang pamayanan sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community
Quarantine (ECQ) dahil sa may iilang kaso ng nagkasakit sa kanilang rehiyon.
Naging mahigpit ang patakaran sa paglabas ng mga tao at pinagbawalan ang mga
21 taong gulang pababa,mga senior citizen, mga immune-compromised individual
at mga non- essential workers na lumabas ng kanilang mga bahay upang
maiwasan ang paglaganap ng virus. Namigay naman ng rasyon o ayuda ang
gobyerno para sa mga mamamayan.

Nakababagot ang manatili sa bahay, paulit-ulit lng ang mga ginagawa sa araw-
araw. Nais ni Nena na lumabas at makipag bonding sa kanyang mga kaibigan,
maligo sa malapit na ilog o kaya ay umistambay sa plasa . Nababagot na rin ang
kanyang mga magulang at nag-aalala sa kanilang kalagayan. Nagnanais silang
lumabas para makapaghanapbuhay dahil kulang ang ayudang natanggap para sa
pang-araw-araw na pangangailangan.

Ngunit, mapanganib ang lumabas at makihalubilo sa maraming tao lalo pa may


mga suspected covid cases at mga nagpositibo sa rehiyon.Kaya minabuti ng
kanilang pamilya na manatili sa kanilang bahay at sumunod sa mga patakarang
ipinatupad ng pamahalaan upang maging ligtas ang sarili, pamilya, at ang
kanilang komunidad sa paglaganap ng virus.

Para malibang at mabawasan ang kanilang pag-alala sa pang-araw-araw na


kailangan ,naisip nilang magtanim ng mga gulay sa kanilang bakuran at sa mga
bakanteng paso.Pinagtulungan nilang linangin ang espasyo sa kanilang bakuran.
Pagkatapos ng isang buwan,nagsimula na silang makapag -ani ng mga dahong
gulay. Ang ibang tanim naman ay hinintay pang mamunga at malapit nang aanihin.
Naging bahagi ng pang-araw-araw na pagkain nila ang masustansya at masarap
na gulay. Ang sobrang gulay ay kanilang ibenibenta sa kanilang mga kapitbahay
at nagkakaroon pa ng kita, pambili ng iba pang pangangailangan.

Dahil dito, naging mas kapaki-pakinabang ang mga araw nila kahit nasa
community quarantine ang kanilang lugar. Sariwa, malinis at masustansya ang
kanilang pagkain at hindi na kailangang iasa lahat sa rasyon ng gobyerno ang
pagtugon sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

11
Panuto: Mula sa mga natalakay na konsepto ng ekonomiks , isulat sa katapat na
kahon kung anong desisyon ang ginawa ng pamilya ni Nena na nagpapakita ng
konseptong ito.

Isaisip

Hindi maipagkakaila na ang kakapusan ay nararanasan ng mga tao sa sanlibutan.


Ito ay dahil sa walang katapusan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan,
ngunit limitado naman ang ating mga pinagkukunang-yaman. Ang nararanasan
nating kakapusan ay naka depende sa mga desisyon na ating ginagawa sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

Sa halos lahat ng pagkakataon, mula paggising hanggang bago matulog tayo ay


gumagawa ng desisyon o pagpili. Maliit man o malaki, ang mga desisyong ito ay
may epekto sa ating pamumuhay. Ang kaalaman tungkol sa mga konsepto ng
ekonomiks at ang paggamit nito ay makatulong upang tayo ay makagawa ng mga
matalinong desisyon, walang masayang na pinagkukunang-yaman at
mapamahalaan ang suliranin sa nararanasang kakapusan.

12
Isagawa

Tunghayan naman ang bahaging ito ng ating aralin. Sagutin ang gawaing ito na
makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Gawain 8: PLANO MO, ILAHAD MO!


Sa muling pagbukas ng klase at pagbalik sa mga trabaho, hindi
nangangahulugang tapos na ang pandemya Dapat isaisip mo, nasa ibayong pag-
iingat pa rin ang buong daigdig dahil sa Covid 19 kaya kailangan mong maging
maingat sa lahat ng pagkakataon. Nagkakaroon na din ng kakapusan sa iba’t-
ibang bahagi ng daigdig dahil sa pansamantalang pagtigil at pagbagal ng mga
gawaing pang-ekonomiya.

Gamit ang iyong kaalaman tungkol sa kahulugan, konsepto at kahalagahan ng


ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay, ilahad ang iyong mga planong
gawin upang masiguro ang iyong kaligtasan habang nag-aaral .

Ang mga sumusunod ay maaari mong isaalang-alang sa iyong pagplano:

a. Paghahanda sa pagpasok
b. Pagpunta sa paaralan
c. Pagkain para sa recess/tanghalian
d. Pakikihalubilo sa guro, mga kamag-aaral, at ibang taong makasalamuha
e. Paggawa ng mga itinalagang gawain sa bawat asignatura
f. Iba pang gawainsa bahay kasama ang pamilya.

Rubriks

Kategorya 10 8 5 2
Kompletong May konting Maraming Walang
nailahad ang kulang sa kulang sa nabanggit na
ang mga mga ideya at mga ideya at konsepto
Nilalaman konsepto at konseptong konseptong Na may
ideya sa inilahad inilahad kinalaman sa
paksa paksa
Lohikal at Lohikal ang Lohikal ang Hindi lohikal
mahusay ang pagkaayos ng pagkakaayos ang
pagkasunod- mga ideya ng mga ideya pagkaayos ng
Organisasyon
sunod ng ngunit di- ngunit di mga ideya
ng ideya
mga ideya gaanong gaanong
makinis ang nalinang

13
pagkalahad
Kabuuan

Tayahin

Binabati kitang muli sa iyong matagumpay na pagsagot sa pagsasanay. Nasa dulo


na tayo ng iyong pag aaral tungkol sa kahulugan at mga kahalagan ng ekonomiks.
Sukatin natin ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa pagtataya.

Gawain 9: PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ang
tamang sagot.

1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa mga salitang Griyego na oikos na ang ibig
sabihin ay bahay, ano naman ang ibig sabihin ng nomos?
a. negosyo
b. kabuhayan
c. karunungan
d. pamamahala

2. Paano inilalarawan sa ekonomiks ang mga pangangailangan at kagustuhan ng


mga tao?
a. limitado
b. dumadami
c. walang saysay
d. walang katapusan

3. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin upang matugunan ang


pangangailangan ng mga tao?
a. suliraning pampulitika
b. suliraning pangkapaligiran
c. limitadong pinagkukunang-yaman
d. walang kaubusang pinagkukunang- yaman

4. Sinong ekonomista ang nagsabi na ang ekonomiya at sambahayan ay may


maraming pagkakatulad?
a. Karl Marx
b. Adam Smith
c. John Maynard
d. Nicholas Gregory Mankiw

14
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat?
a. Ano ang gagawing produkto o serbisyo?
b. Paano gagawin ang mga produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Magkano ang inaasahang tubo sa gagawing produkto at serbisyo?

6. Alin sa sumusunod na suliranin ang kaakibat ng buhay dahil sa pagkakaroon


ng limitadong kakayahan ng tao, likas na yaman at yamang kapital?
a. katamaran
b. kahirapan
c. kakapusan
d. kamangmangan

7. May mga isinaalang-alang tayo sa bawat paggawa natin ng desisyon. Sa


ekonomiks, ano ang tawag sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon?
a. trade-off
b. incentives
c. opportunity cost
d. marginal thinking

8. Ano ang tawag sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isa pang
bagay?
a. incentives
b. trade-off
c. opportunity cost
d. marginal thinking

9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng marginal thinking sa


paggawa ng desisyon?
a. Inaayos ang mga suliraning maaring idulot ng napiling desisyon
b. Inaalam kung anong produkto o serbisyo ang sikat o naaayon sa uso
c. Sinusuring mabuti ang pakinabang, at maging ang gastos sa
gagawing pagpili
d. Inaalam kung anong dagdag na pakinabang ang makukuha sa bawat
paggawa ng pagpili

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyong ang HINDI nagpapakita ng


pagsasaalang-alang ng isang tao sa incentive na makuha niya sa paggawa ng
desisyon?
a. Nagsisikap na makatipid sa lahat ng panahon
b. Sinusuri kung magkano ang matipid sa pagbili ng produkto
c. Mas ginagalingan ang pag-aaral para sa magandang kinabukasan

15
d. Inaalam kung anong dagdag na benepisyo ang makuha sa paggawa
ng desisyon

11. Bakit kailangang isalang-alang ang trade off, opportunity cost, incentives at
marginal thinking sa paggawa ng mga desisyon?
a. dahil mahalagang pag-isipan ang maraming bagay
b. dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao
c. dahil maraming mga pagpipilian kaya kailangan may susunding
batayan
d. dahil maraming gustong makamtan ang mga mamimili na dapat
matugunan

12. Paano makatulong sa mga mamamayan ang kaalaman tungkol sa mga


konsepto ng ekonomiks?
a. Makakagawa ng matalinong desisyon sa pang-araw araw na
pamumuhay.
b. Makapagpatunay na mas lamang ang mga taong may maraming alam
sa buhay
c. Makahikayat ng iba na maging masinop sa buhay
d. Maging maingat sa pagharap sa hamon ng buhay

13. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung mas uunahin ng tao ang
kanyang mga kagustuhan kaysa mga kailangan?
a. Makakaranas ng masaganang pamumuhay
b. Matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan
c. Makakamtan ang lahat ng mga ninanais sa buhay
d. Mahirapang tugunan ang mga mga pang-araw-araw na
pangangailangan

14-15. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin ng mga mamamayan sa


panahon ng sakuna, kalamidad, o pandemic? Pumili ng DALAWA mula sa mga
nakasulat na sitwasyon.

a. Pagsunod sa mga patakaran na ipinatupad ng pamahalaan upang


mapadali ang sitwasyon at mapigil ang karagdagang problema, hindi
lamang para sa sarili kundi para sa kabutihang panlahat.
b. Mas pahalagahan ang sariling kaligtasan at kagustuhan bago
isaalang alang ang kapakanan ng karamihan
c. Paniniwala at pagpalaganap ng mga di kumpimadong balita (fake
news) tungkol sa mga nangyayari sa paligid
d. Pagsisikap na mapaunlad ang sariling kakayahanat maging
produktibo sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin.
e. Pagwawalang bahala sa mga patakaran dahil nababagot na sa
sitwasyon

16
Karagdagang Gawain

Magaling at iyong nasagutan ang pagtataya, ngayon naman ay pagyamanin ang


iyong kaalaman o kasanayan sa natutunang aralin sa pamamagitan ng pag sagot
sa mga gawain na sumusunod.

Gawain 10: ISLOGAN, GABAY KO

Panuto:Gumawa ng slogan na naglalaman ng iyong kaalaman tungkol sa


ekonomiks at kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

Isulat ang slogan sa isang long bond paper at dapat ito ay may orientation na
landscape.

RUBRIKS PARA SA ISLOGAN

Kategorya 10 8 5 2
Mabisang Di-gaanong Medyo magulo Walang
Nilalaman nailahad ang nailahad ang ang mensahe nailahad na
mensahe mensahe mensahe
Napakaganda Maganda at Maganda Di- maganda
at malinaw ang ngunit di- at di-malinaw
napakalinaw pagkasulat ng gaanong ang
Pagkamalikhain
ng pagkasulat mga titik malinaw ang pagkasulat ng
ng mga titik pagkasulat ng mga titik
mga titik

Malinis na Malinis ang Di-gaanong Marumi ang


Kalinisan
malinis ang pagkagawa malinis ang pagkagawa
pagkagawa pagkagawa
Kabuuan

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian
LE-and-SIM-Format E REYES.pptx

A. Aklat

Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon,


Bagong Edisyon 2012, Vibal Publishing House , Inc.

Balitao, Bernard R. et., al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng


Guro sa Araling Panlipunan) Ikaapat na Taon, Vibal Publishing House , Inc.

Balitao, et.al, Modyul para sa mga Mag-aaral, Ekonomiks, 2015.

B. Website

http://www.google.com/search?g=mountain+climbers&tbm=isch&chips=g:mountai
n+climbers.g_1:clip+art
https://www.pexels.com

19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

20

You might also like