You are on page 1of 19

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6
Lipunang Pang - Ekonomiya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Self – Learning Module
Unang Markahan – Modyul 6: Lipunang Pang-Ekonomiya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot saKagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng
Edukasyon Kalihim: Leonor
Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department


Bumuo sa of Educationng
Pagsusulat – SOCCSKSARGEN
Modyul Region
Manunulat: Phoebe D. Diocares – Teacher llI, Ivy Joy C. Punto –
Office Address Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of
Teacher I Editor:
Koronadal Telefax Carlo C. Melendres-
(083) 2288825/EPS-VE, Ramir G. Flores – Master
(083) 2281893
Teacher
E-mail I, Tagasuri: region12@deped.gov.ph
Address Arlene C. Bagayas, HT III,Fil. Sheila S. Vilbar-
Teacher II Tagaguhit: Reggie D. Galindez
Tagalapat: Angelou D. Samillano,T-I
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, Phd, CESO V Director III, Regional Director
Rebonfamil R. Baguio, PhD, CESO V-SDS OIC-Office of the Asst. Regional
Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE- Schools Division
Superintendent Levi B. Butihen - Asst. Schools Division
Superintendent Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. - REPS,
LRMS Peter Van C. Ang-ug-
REPS, ADM Leonardo B. Mission-
REPS, Filipino Prima A. Roullo –
CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD- Division EPS in Charge of LRMS
Bernardita M. Villano- Division ADM Coordinator
Paunang Salita

Ang Self- Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag- aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag - aaral ng mga mag- aaral
sa kani- kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman
ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasaha n namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag aaral na ingatan ang SLM na


-

ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o


mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag- ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makraranas ng suliranin sa pag unawa sa mga aralin
-

at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating


mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag -aaral kahit wala sila
sa paaralan.

1
Alamin

Ang isang responsableng mamamayan ay dapat na handang tumugon sa


mga pangangailangan ng lipunan. Ang lipunan na may mga kasaping pasibo at
walang pakialam ay walag mararating at walang pagbabagong maaasahan.
Anomang pagbabago at pag – unlad na nais matamo ng lipunan ay dapat na
may partisipasyon ang lahat. Kailangan ang pagkakaisa o pagkakabuklod ng
lahat. Malaki ang maiaambag ng sektor ng kabataan sa hangaring ito.

Sa naunang modyul naunawaan mo na mahalaga ang pag-iral ng mga


prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa upang matugunan o
makamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura,
at pangkapayapaan. Binigyang-daan ito ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng
mga mamamayan upang maipatupad ang layunin ng lipunan. Sa modyul na ito,
gagabayan ka na makita ang halaga ng tamang pangangasiwa ng yaman ng
bansa sa pag-abot ng kabutihang panlahat.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang Mahalagang Tanong na: Para


saan ang ekonomiya?

Handa ka na bang unawain nang mas malalim ang lipunang pang -


ekonomiya? Halika na!

Sa Modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
3.3. Napatutunayan:
a. ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walng taong
sobrang mayaman at maraming mahirap
b. ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag – unlad kundi sa pag –
unlad ng lahat
3.4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop)

2
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang


tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa sagutang
papel.
1. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari
C. Lahat ay iisa ang mithiin
D. Lahat ay likha ng Diyos
2. Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng yaman ng ating bansa?
A. Malikha ng bawat isa ang sarili ayon sa kani-kaniyang mga tunguhin at
kakayahan.
B.Masiguro na ang bawat isa ay mabigyan ayon sa kaniyang mga
pangangailangan.
C.Maging pantay ang mga tao sa matatanggap na yaman at walang
lamangan.
D. Magkaroon ng patas na pag-unlad sa iba’t ibang lugar ng bansa.
3. Sino ang nagsabi na, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan”?
A. Dr. Manuel Dy C. Malala Yousafzai
B. Martin Luther King D. Max Scheler

4. Ano ang mabuting gawin ng mga tagapangasiwa ng Local Govenment Unit


(LGU) upang malutas ang problema sa kakulangan ng tubig?
A. Siguraduhing pantay ang rasyon ng tubig sa bawat barangay na
nasasakupan.
B. Ayusin ang sirang tubo kung nag-uumapaw na ang tubig nito sa kalsada.
C. Siyasatin kung maayos ang mga koneksiyon ng tubo na daluyan ng tubig.
D. Maghanap ng panibagong pagkukunan ng tubig ng mga sirang tubo

5. Ano ang prinsipyong gagabay sa pamilya upang ang bahay ay magiging


tahanan?
A. Prinsipyo ng Proportio C. Prinsipyo ng Lipunang Pampulitika
B. Prinsipyo ng Pagkakaisa D. Prinsipyo ng Lipunang ekonomiya

3
Modyul
Lipunang Ekonomiya
6
Sa nakaraang modyul ay nalaman mo ang mabuting
ekonomiya ay produktibo, matalino at malikhain at masinop sa
paggamit ng likas na yaman ng isang lugar. Ibig sabihin nabibigyan
ng pagkakataon kahit ang mga ordinaryong mamamayan na malayang
makikipagkalakalan sa kahit na sino basta ito ay sa legal na paraan.
Lahat ng mga mamamayan ay mayroong karapatang maging lubos na
produktibo kahit sa kaunting paraan. Matalino dahil mayroon itong
kakayahang magdesisyon para sa ikabubuti ng mga tao o ng mga
nasasakupan nito at kung ano ang mga epekto ng iba't ibang
pagbabago sa mga tao. Ang mabuting ekonomiya ay hindi naninira ng
likas na yaman ng isang lugar, mas lalo pa itong nagpapahalaga sa
mga ito.

Balikan

Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat


ipamigay sa isandaang tao, ano ang pinakamabisang paraan
ng pagbabahagi nito?
A. Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay
B. bibigyan ang mga tao nang ayon sa kanilang
hinihingi?

Maaaring maisip natin na baka may ibang busog pa o


kaya naman ay mahinang kumain. O marahil baka may ibang
may sakit o mas gutom. Kaya masasabi nating mula sa opsyon
na ibinigay hindi ba’t pinakamabisa at masinop na paraan ang
pagbabahagi ng tinapay ayon sa huling batayan?

4
Tuklasin

PATAS
PANTAY

Batay sa ilustrasyon sa taas, ano sa tingin mo ang pinakamabisang paraan


sa pagbabahagi ng yaman ng bansa. Ang prinsipyo ba ng pagiging pantay ni
Max Scheler o prinsipyo ni Santo Tomas de Aquino na pagiging patas o
proportio? Pangatwiranan.

5
Suriin

Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa


pagkakapantay-pantay. Sa isang panig, may nagsasabing pantay-
pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa,
dahil kung titingnan ang tao sa kaniyang hubad na anyo, katulad
lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi rin
namang hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga taong
mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba.

Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng pilosopong si


Max Scheler. Para kay Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang
pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng
ating katawan ang kakayahan nating maging isang sinong tao. Ang
taong matangkad ay sadyang may pangunguna sa basketbol kaysa
maliliit. Ang babae ay mas may taglay na karisma upang
manghalina kaysa lalaki. May timbre ng boses ang hinahanap
upang maging tagapagbalita sa radyo. May linaw ng mata na
hinihingi sa pagiging isang piloto. Idagdag pa rito ang iba pang
aspekto ng kasinohan ng tao: ang kaniyang kinagisnan, ang
pagpapalaki sa kaniya, ang mga koneksyon ng pamilya, ang
kaniyang lahi, relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay naglalatag
ng maaabot ng tao.

Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi


pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman
ng bayan. Hindi dahil maliliit ang manlalaro ng basketbol hindi na
siya kailanman magiging mahusay at masaya sa kaniyang
paglalaro. Hindi niya maaabot ang naaabot ng matangkad ngunit
mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na
magpapaiba sa kaniya sa matangkad. Kailangan lamang niya ng
tiwala at pagkakataon.

Para mas lalong maunawaan ang konseptong ito, gamitin


nating halimbawa ang sitwasyong ito sa loob ng klase. Maaaring si
Leo ang pinakamagaling sa asignaturang Matematika ngunit hindi
ito ibig sabihin na si Leo na lamang ang tuturuan ng guro ng
Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro ang mga tuntunin sa
Matematika sa kapwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na
kailangan ng ibayong pag-akay. Subalit, upang higit pang
6
mapaunlad ang husay ni Leo, maaaring bigyan siya ng dagdag na
mga Math problems na kaniyang pag-aaralan. Tugma ito sa
tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio, ang
angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa
madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may
angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa pangangailangan.

Isa sa magandang halimbawa nito ay ang programa ng


pamahalaan na 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program kung
saan binibigyan ng ayudang pinansyal ang mga mahihirap nating
kababayan. Ito ay para sa mahihirap kung kaya’t halimbawang
may isang mayaman na kasali sa 4Ps hindi ito pagiging patas
sapagkat mayroong angkop para sa mayaman at hindi tama na
bigyan pa siya dahil mayroon siyang kakayahan at mayroong mas
higit na nangangailangan kaysa kanya.

Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao

Ang tinapay sa unang gawain ay sumisimbolo sa pera o


materyal na bagay sa buhay ng tao.

Marahil magpipilit ang iba at sasabihing, “bakit hindi na lang


ibigay ang tinapay sa lahat at bahala na ang mga nakatanggap na
ipamigay o ibahagi sa iba ang sobra sa kanila?” Maganda ang
hangarin ng ganitong pag-iisip. Umaasa ito sa kabutihang loob na
taglay ng bawat isa. Naniniwala ito sa kakayahan ng tao na gumawa
ng matinong pagpapasiya para sa kaniyang sarili at para sa iba.
Ngunit may sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa tinapay mula
sa halimbawa sa itaas, o sa anumang yaman na ibabahagi sa mga
tao, sa mas malakihang pagtingin.

Una, tila tinatali ng tao ang kaniyang sarili sa bagay- ibig


sabihin, kung hindi siya makakakuha ng bagay, bumababa ang
kaniyang halaga bilang tao. Kung hahayaan niya na ang iba lamang
ang mabigyan ng tinapay, para siyang nagpapalamang o para
niyang binitiwan ang tinapay na karapatan naman niya talaga.
Pakiramdam niya ay nagpapaapi siya. Mali ang ganitong pananaw.
Hindi sa tinapay nagkakaroon ng halaga ang tao. Una ang halaga ng
tao bago ang tinapay. May tinapay man o wala, may halaga ang tao.
May yaman man ang tao o wala, may halaga pa rin siya bilang tao.
Ang tinapay ay nariyan upang siya ay busugin, palakasin, at
paginhawahin. May pangingibabaw siya sa tinapay; hindi ang

7
tinapay sa kaniya. Ang kunin pa niya ang tinapay ay pagsasayang
na lamang sa tinapay. Ang pagpilit naman niyang kainin ang
tinapay para masabi lamang na hindi nasayang ang tinapay ay
isang pagsira naman niya sa kaniyang sarili. Maaari pa itong
dahilan ng kaniyang pagkakasakit. Maling-mali ito.

Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng paggawa


at pag-aari (ownership). Bakit nga ba ako nagtratrabaho at
nagmamay-ari ng mga bagay? Nagtratrabaho ba si Tatay para
ipagmayabang niya sa kaniyang kapitbahay ang kaniyang pera?
Bumibili ba si Nanay ng gamit sa bahay para ibandera sa iba ang
kanilang mga bagong appliances? Gumagawa at nagmamay-ari ang
tao hindi upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak o pahiyain ang
iba o makipagkompetisyon sa iba. Gumagawa siya dahil nais niyang
ipamalas ang kaniyang sariling galing. Nagtratrabaho siya upang
maging produktibo sa kaniyang sarili.

Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag


natin dito ay “hanap-buhay.” Ang hinahanap ng gumagawa ay ang
kaniyang buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera
kundi para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang kaniyang pag-aari
ay hindi lamang patunay ng kaniyang pagpapagal. Ito rin ay ang
mga gamit niya upang matulungan siyang mahanap ang kaniyang
buhay. Mayroon siyang videoke machine hindi para mag-ingay
kundi para magamit niya sa kaniyang pagpapahinga at muling
pagpapalakas. Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki
ang kaniyang kakayahang makabili ng mamahaling gamit kundi
upang malibang at makakakuha ng bagong kaalaman na
makatutulong sa muli niyang pagbalik sa pagtratrabaho. Mayroon
siyang damit hindi para ipang-porma kundi dahil kailangan niya ito
upang gawing presentable ang kaniyang sarili sa trabaho at sa mga
nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa sarili na ang gamit sa
paligid at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na
palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon
sa mga layunin ng tao.

Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili.


Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa paggawa. Hindi ang
yaman, hindi ang mga kagamitan na mayroon siya o wala, ang
humuhubog sa tao. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala
ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay
na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa

8
pagkilos ng tao sa anomang ibinigay sa kaniya ang kaniyang
ikayayaman.
Samakatwid, ang mabuting ekonomiya ay iyong napapaunlad
ang lahat ng mamamayan nito, walang taong sobrang mayaman at
maraming mahihirap. Ito ay hindi para lamang sa sariling pag –
unlad kundi sa pag – unlad ng lahat.

Pagyamanin
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang
masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang
sumusunod, gamit ang graphic organizer punan ang mga kahon
ng maidudulot ng mabuting ekonomiya.

napauunlad ekonomiya mayaman

pag-unlad mahirap

Ang mabuting 1. ay iyong 2. ang lahat –


walang taong sobrang 3. at maraming 4. .
Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling 5.
kundi sa pag-unlad ng lahat.

9
Isaisip

Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan


upang lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Ano – ano ang Ano ang aking Ano – anong


mga konsepto at pagkaunawa hakbang ang aking
kaalamang ito? gagawin upang
pumukaw sa mailapat ang mga
akin? pang- unawa at
reyalisasyong
ito sa aking
buhay?
Tungkol sa
pagkakapantay-
pantay

Tungkol sa
pagiging patas

Tungkol sa Lipunang
Pang – ekonomiya

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,
2015), 42-47

1
Isagawa

Panuto: Habang ang buong bansa ay nahaharap pa rin sa Bagong


Normal o New Normal dahil sa COVID 19, marami ang nahihirapang
maghanapbuhay o magkakaroon ng pagkakakitaan. Subalit hindi dapat
maging dahilan ang sitwasiyong ito upang mawalan ng panustos sa mga
pang-araw-araw na pangangailangan. Kung kaya, habang nasa Bagong
Normal ang buong bansa, magkaroon ng diyalogo o bukas na pag-uusap
sa mga kasapi sa tahanan kung ano ang angkop na proyektong gagawin
na maaari ninyong pagkakitaan sa kasalukuyan.
1. Halimbawa ng mga larawan para sa dayalogo

Live selling
Pagbebenta ng halaman

2. Gamiting gabay ang sumusunod na hakbang para sa diyalogo


a. Batay sa inyong kakayahan (Halimbawa: perang kakailanganin,
lugar na mapagtaniman), pumili ng proyekto ng programang
pangkabuhayan (livelihood program) na gagawin.
b. Magtala ng mga paraan kung paano simulan ang proyekto.
c. Pagkasunduan kung sino sa kasapi ng tahanan ang mamumuno sa
pagsasagawa ng proyekto.
d. Mahalagang matumbok at maging malinaw sa lahat kung kailan
simulan ang napiling proyekto.
e. Isa-isahin ang mga kagamitang kailangan.
g. Magbalangkas ng mga gabay sa proyektong gagawin alinsunod sa
mga patakaran sa Bagong Normal na ipinaiiral ng lokal na
pamahalaan.

3. Pagkatapos ng diyalogo, huwag kalimutang magpasalamat sa mga


kasapi ng tahanan.

1
4. Bumalik sa lugar ng bahay kung saan ka nag-aaral at sagutin ang
sumusunod na tanong:
a. Ano ang naramdaman mo sa proyektong napagkasunduan ninyong
gawin sa diyalogo?
b. Paano makatutulong ang napiling proyekto sa pagpapabuti ng
ekonomiya ng inyong tahanan ngayong panahon ng Bagong Normal?
c. Ano ang gagawin mo upang makaambag sa tagumpay ng proyektong
ito?

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa gawain:


1. Ang pagkasunod-sunod ng pagtala ng output mula sa open forum ay ayon sa
mga hakbang na nasa panuto blg. 3.
2. May maikling paliwanag sa napiling proyekto na gagawin ng pamilya
3. May patunay na kuhang mga larawan sa ginawang open forum
4. May kasamang pagninilay sa resulta ng open forum ang ipinasang output

1
Tayahin

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang salitang


PANTAY o PATAS kung ito ang tinutukoy ng pahayag.

1. Sa ating sistemang legal, ang parusang ipapataw sa isang


nasasakdal ay nakadepende sa bigat ng kasalanang kanyang
nagawa.

2. Ang Gobernador ng Probinsya ay nagbigay ng relief goods sa


lahat ng pamilya na sakop nito.

3. Ang pinakamabisang paraan ng pagbabahagi ng yaman sa


Lipunang Ekonomiya ay ang pagkakaloob ng yaman angkop sa
pangangailangan ng tao.

4. Ang pamilyang nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa


pamahalaan na tinawag na Social Amelioration Program (SAP) ay
mga pamilya na kwalipikado sa pamantayan ng nasabing
programa.

5. Bawat mamamayan ng Pilipinas ay protekdado ng mga batas na


pinapairal dito.

II. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa sagutang


papel.

1. Alin sa sumusunod na mamamayan ang tunay na nakatali ang sarili sa


bagay?
A. Pagbili ni Kiko ng mga gadgets upang makapagtrabaho nang maayos at
madali.
B. Hindi mabitawan ni Jamie ang kaniyang lumang mga damit upang
ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kaniya.
C. Inuubos ni Dave ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling imported
na relo dahil dito niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
D. Ipinipilit ni Dea na nararapat siyang makatanggap ng tulong mula sa
pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin at kahit hindi
naman niya ito kailangan.
2. Paano mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng
bayan?
A. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
B. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa
kaniya.
C. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga
mamamayan.
1
D. Higit na isinasaalang-alang nito ang kakayahan at pangangailangan ng
bawat isa
3. Paano dapat ipakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
A. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-
aari.
B. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling
gamit.
C. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ng dami nang naimpok
na pera.
D. Sa higit na pagpapahalaga sa mga ari-arian kay sa pagpapahalaga sa
mismong sarili.
4. Mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na ang bawat bahay ay magiging
tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya. Ano ang dapat nitong gawin?
A. Magbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na
pamilya.
B. Pangungunahan ang pangangasiwa at pamamahagi ng patas sa yaman
ng bayan.
C. Sisikapin na bigyang trabaho ang bawat kasapi kahit hindi angkop sa
kakayahan nito.
D.Tutulungan ang mga manggagawa nito sa paghanap ng hanapbuhay sa
ibang bansa.

1
Karagdagang Gawain

Panuto:

1. Magtala ng isang livelihood program na mayroon sa barangay o lugar na


iyong kinabibilangan.
2. Gabay ang mga tanong sa ibaba:
a. Ano ang paraan sa pagpili ng livelihood program na naaayon sa
pangangailangan ng mga taga-barangay?
b. Ano ang tulong na binibigay ng barangay sa pagsisimula ng livelihood
program?
c. Sa paanong paraan nabibigyan ng benepisyo ang mga kabarangay lalo na
sa aspekto ng pag-unlad ng pamilya?
3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong magpatupad ng isang Livelihood
program sa inyong barangay, ano ito? Ipaliwanag kung bakit mo ito
naisipang ipatupad.

1
Susi saPagwawasto

Sanggunian

Mga Aklat:

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa


Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Sheryll T. Gayola, Goeffrey A. Guevara, Maria Tita Y. Bonita, Suzanne M.


Rivera, Elsie G. Celeste, Marivic R. Leano, Benedick Daniel O. Tumul,
ASprilyn g. Miranda, Nestor R. Alagbate (2017) , Edukasyon sa
Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Department of
Education- Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Twila G. Punsalan, Sylvia T. Caberio, Myra Villa D. Nicolas, Wilma S. Reyes


(2007), Kaganapan sa Paggawa

1
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan
2021-2022. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 2.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS)


Regional Center, Brgy.Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No: (083) 2288825/ (083) 228189
Email Address:

You might also like