You are on page 1of 17

9  

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.b: Layunin
ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Linggo: Ikalawa

 
 
Edukasyon  sa  Pagpapakatao  –  Ikasiyam  na  Baitang    
Alternative  Delivery  Mode  
Unang  Markahan  –  Modyul  1.b:  Layunin  ng  Lipunan:  Kabutihang  Panlahat  
Unang  Edisyon,  2020  
 
  Isinasaad   sa   Batas   Republika   8293,   Seksiyon   176   na:   Hindi   maaaring  
magkaroon   ng   karapatang-­sipi   sa   anomang   akda   ang   Pamahalaan   ng   Pilipinas.  
Gayonpaman,   kailangan   muna   ang   pahintulot   ng   ahensiya   o   tanggapan   ng  
pamahalaan   na   naghanda   ng   akda   kung   ito   ay   pagkakakitaan.   Kabilang   sa   mga  
maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay  ang  pagtakda  ng  kaukulang  
bayad.  
 
Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o  
brand  name,  tatak  o  trademark,  palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa  
modyul   na   ito   ay   nagtataglay   ng   karapatang-­ari   ng   mga   iyon.   Pinagsumikapang  
matunton  ang  mga  ito  upang  makuha  ang  pahintulot  sa  paggamit  ng  materyales.  Hindi  
inaangkin  ng  mga  tagapaglathala  at  mga  may-­akda  ang  karapatang-­aring  iyon.  Ang  
anomang  gamit  maliban  sa  modyul  na  ito  ay  kinakailangan  ng  pahintulot  mula  sa  mga  
orihinal  na  may-­akda  ng  mga  ito.    
 
Walang  anomang  parte  ng  materyales  na  ito  ang  maaaring  kopyahin  o  ilimbag  
sa  anomang  paraan  nang  walang  pahintulot  sa  Kagawaran.  
 
Inilathala  ng  Kagawaran  ng  Edukasyon  
Kalihim:  Leonor  Magtolis  Briones  
Pangalawang  Kalihim:  Diosdado  M.  San  Antonio  
 

Bumuo  sa  Pagsusulat  ng  Modyul  


 

Manunulat:  Carmelyn  S.  Fonollera  


Editor:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagasuri:  Conchita  T.  Caballes  |  Cita  J.  Bulangis  
Tagaguhit:    
Tagalapat:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagapamahala:  Senen  Priscillo  P.  Paulin,  CESO  V     Rosela  R.  Abiera  
           Fay  C.  Luarez,  TM,  Ed.D.,  Ph.D.     Maricel  S.  Rasid  
           Adolf  P.  Aguilar                              Elmar  L.  Cabrera  
           Donre  B.  Mira                              Nilita  L.  Ragay  
 
 
Inilimbag  sa  Pilipinas  ng  ________________________  
 
Department  of  Education  –Region  VII  Schools  Division  of  Negros  Oriental
 
Office  Address: Kagawasan,  Ave.,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental
Tel  #: (035)  225  2376  /  541  1117  
E-­mail  Address: negros.oriental@deped.gov.ph  

 
 
 

Unang Markahan – Modyul 1.b:


Layunin ng Lipunan: Kabutihang
Panlahat
(Linggo: Ikalawa)

 
 
 

 
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Layunin ng
Lipunan: Kabutihang Panlahat!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii  
 
 

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1.   Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2.   Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3.   Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4.   Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5.   Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6.   Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii  
 
 

Layunin  ng  Lipunan:  Kabutihang  Panlahat  

Napangangatwiranan  na  ang  pagsisikap  ng  bawat  tao  na  makamit  at  mapanatili  ang  
kabutihang  panlahat  sa  pamamagitan  ng  pagsasabuhay  ng  moral  na  pagpapahalaga  
ay  mga  puwersang  magpapatatag  sa  lipunan.  (Esp9PL-­Ia-­1.3)  
 
Naisasagawa  ang  isang  proyekto  na  makatutulong  sa  isang  pamayanan  o  sektor  sa  
pangangailangang  pangkabuhayan,  pangkultural,  at  pangkapayapaan.  
 (Esp9PL-­Ia-­1.4)  

Mga  Layunin  

  Sa  modyul  na  ito,  inaasahang  maipamamalas  mo  ang  sumusunod  na  


kaalaman,  kakayahan,  at  pag-­unawa:  
 
1.   Nakakapag-­iisa-­isa  sa  mga  suliraning  kinakaharap  ng  kanilang  komunidad  o  
pamayanan.  
2.   Nakakasulat  ng  recipe  para  sa  matiwasay  na  lipunan.  
3.   Napapahalagahan  ang  pagsasabuhay  ng  matiwasay  sa  lipunan.  
4.   Napatatalim  ang  simbolo  na  naglalarawan  ng  kapayapaan  

 
   

1  
 
 

 
 
  Panimula
 
 
 
Sa   modyul   na   ito   ay   lubos   na   maiintindihan   natin   ang   layunin   ng   lipunan   para   sa  
kabutihang  panlahat.  Nakikilala  mo  rin  na  hindi  ka  lamang  nabubuhay  para  sa  iyong  
sarili   at   para   sa   iyong   pamilya,   na   mayroong   mas   malawak   na   mundong   iyong  
kinabibilangan  at  ikaw  ay  isang  mahalagang  bahagi  nito.        
Binubuo  ang  tao  ng  lipunan.  Binubuo  ng  lipunan  ang  tao.  Ang  ating  pagiging  
kasama-­ng-­kapuwa  ay  isang  pagpapahalaga  na  nagbibigay  ng  tunay  na  kaganapan  
sa  ating  pagkatao.  Ang  tunay  na  tunguhin  ng  lipunan  ay  ang  kabutihan  ng  komunidad  
na  nararapat  na  bumalik  sa  lahat  ng  indibidwal  na  kasapi  nito.    
Naranasan  mo  na  ba  ang  tumulong  sa  iyong  kapuwa-­  tulad  ng  pagbabahagi  ng  
iyong  baon  para  sa  isang  matandang  nagugutom  o  pagbibigay  ng  iyong  mga  damit  
para   sa   mga   nasalanta   ng   kalamidad   o   katulad   sa   pagbigay   ng   tulong   sa   mga   na  
biktima  sa  COVID?    

Panimulang  
Pagtataya  
 P  
               Panuto: Punan  ang  patlang  ng  mga  angkop  na  salita.  
 
_______________  1.  Ito  ay  nangangahulugang  pangkat  o  binubuo  ng  mga  tao.  
_______________  2.  Binubuo  ng  mga  indibidwal  na  nagkakapareho  ng  mga  interes,  
ugali  o  pagpapahalaga.  
_______________  3.  Ano  ang  tunay  na  layunin  ng  lipunan?  
_______________  4.“Huwag  mong  itanong  kung  ano  ang  magagawa  ng  bansa  para  
sa  iyo,  kundi  itanong  mo  kung  ano  ang  magagawa  mo  para  sa  
iyong  bansa.”  Sino  ang  nagwika  ng  mga  katagang  ito?  
_______________5.   Ang   kabutihang   panlahat   ay   may   iba’t   ibang   elementong  
nakasaad   at   ang   layunin   ng   elementong   ito   ay   ang  
pagkakaroon   ng   katahimikan,   kapanatagan,   o   kawalan   ng  
kaguluhan  sa  lahat.    
_______________  6.    Ang  itinuturing  na  pinakapangunahing  pangkat  sa  lipunan.  
_______________  7.    Dito  hinuhubog  ang  pananampalataya  ng  isang  tao.  
_______________   8.   Ayon   sa   isang   propesor   ng   Pilosopiya   sa   Ateneo   de   Manila  
University  ang  buhay  ng  tao  ay  panlipunan.  “Walang  sinumang  
tao  ang  maaaring  mabuhay  para  sa  kaniyang  sarili  lamang”.  

2  
 
 

_______________  9.    Siya  ang  may  akda  ng  aklat  sa  Summa  Theologia  na  nagsabing  
sa   pamamagitan   lamang   ng   lipunan   makakamit   ng   tao   ang  
layunin  ng  kaniyang  pagkakalikha.  
_______________10.Sino   ang   nagsabing   ang   kabutihang   panlahat   ay   ang  
pangkalahatang   kondisyong   pantay   na   ibinabahagi   para   sa  
kapakinabangan  ng  lahat  ng  kasapi  ng  isang  lipunan.  
 
 
 
 
  Gawain  1  
 
 
Panuto:  Tunghayan  natin  ang  awiting  “Pananagutan”  ni  Bugoy  Drilon.  Isulat  ang  mga  
kasagutan  sa  tanong  sa  inyong  kuwaderno.  
 
Walang  sinuman  ang  nabubuhay    para  sa  sarili  lamang  
Walang  sinuman  ang  namamatay  para  sa  sarili  lamang  
Tayong  lahat  ay  may  pananagutan  sa  isa’t  isa  
Tayong  lahat  ay  may  tinipon  ng  Diyos  na  kapiling  niya  
 
Sa  ating  pagmamahalan  at  paglilingkod  sa  kanino  man  
Tayo’y  nagdadala  ng  balita  ng  kaligtasan  (Drilon,  2014)  
 
1.   Naniniwala  ka  ba  sa  isinasaad  ng  linya  ng  awitin?  Bakit?  
2.   Anong  mga  mahahalagang  ideya  ang  nais  na  iparating  ng  pahayag?  
 

Pagsusuri  

Panuto:  Sagutin  ang  sumusunod  na  katanungan  sa  loob  ng  inyong  kuwaderno.    
 
Pagsusuri  sa  awitin.  (10  puntos  bawat  bilang)  
Pamantayan  sa  Pagmamarka  
Nilalaman                                    5  
Organisasyon                        3  
Wika                                                    2        
10    
 
1.   Ano  ang  ipinahihiwatig  ng  unang  talata  tungkol  sa  pagiging  bahagi  ng  isang  tao  sa  
lipunang  kanyang  ginagalawan?  
2.   Sa   iyong   palagay,   ano   ang   kahulugan   ng   linyang   “tayong   lahat   ay   may  
pananagutan  sa  isa’t  isa”?  
3  
 
 

Pagpapalalim  

“Walang   sinumang   tao   ang   maaaring   mabuhay   para   sa   kaniyang   sarili  


lamang”.   Kinakailangan   ng   taong   makibahagi   at   mamuhay   sa   lipunan,   isa   ito   sa  
itinalagang  likas  na  katangian  ng  mga  nilikha  ayon  sa  Likas  na  Batas.  Ayon  kay  Dr.  
Manuel   Dy   Jr.,   isang   propesor   ng   Pilosopiya   sa   Ateneo   de   Manila   University,   ang  
buhay  ng  tao  ay  panlipunan.  Makikita  ito  sa  kabuuan  ng  ating  pag-­iral  bilang  tao-­sa  
ating  pagsasagawa  ng  mga  bagay  na  kailangan  upang  mahubog  natin  ang  ating  sarili.  
Ang  ating  gawain  ay  panlipunan  dahil  natutuhan  natin  ito  kasama  sila.  Ginagawa  natin  
ito  dahil  mahalaga  ang  mga  ito  sa  lipunan  at  iniaalay  natin  ito  para  sa  ating  kapuwa.  
Halimbawa,  ang  simpleng  gawain  na  paglilinis  ng  ating  bakuran  ay  hindi  ito  itinuturo  
ng   pamilya.   Nakalakihan   itong   ginagawa   ng   pamilya   nang   tulong-­tulong.   Mas  
nangingibabaw   kaysa   sa   halaga   ng   mismong   kalinisan   ang   pagsasama-­sama   at  
pagtutulungan.   Bilang   anak,   alam   mong   iniaalay   mo   ang   gawaing   ito   sa   iyong   mga  
magulang   dahil   alam   mong   ito   ay   makapagpapasaya   sa   kanila   at   kasabay   nito,  
nakapag-­aambag  ang  inyong  pamilya  sa  kalinisan  ng  kapaligiran.    
  Kahit    ang  pagnanais  na  mapag-­isa  ay  panlipunan.  Di  ba,  kaya  minsan  gusto  
mong  mapag-­isa  ay  dahil  nagtampo  ka  sa  isang  tao  o  kaya  naman  ay  marami  kang  
mga   tanong   sa   iyong   sarili   na   nais   mong   masagot   upang   mas   mapaunlad   mo   ang  
iyong  sarili  sa  nais  mong  masagot  upang  mas  mapaunlad  mo  ang  iyong  kakayahan  
na  makipag-­ugnayan  sa  iyong  kapuwa.  Sa  gitna  ng  pag-­iisa  isinaalang  –alang  mo  pa  
rin   ang   iyong   kapuwa.   Kung   kaya,   an   gating   pagiging   kasama-­ng-­kapuwa   ay   isang  
pagpapahalaga   na   nagbibigay   ng   tunay   na   kaganapan   sa   ating   pagkatao   (Dy,   M.,  
1994).  At  ang  pagiging  kasama-­ng-­kapuwa  ay  makakamit  lamang  kung  makikilahok  
at  makikipamuhay  ka  sa  lipunan.    
  Ayon  kay  Santo  Tomas  Aquinas,  may  akda  ng  aklat  na  Summa  Theologica,  sa  
pamamagitan   lamang   ng   lipunan   makakamit   ng   tao   ang   layunin   ng   kaniyang  
pagkakalikha.  Mahalaga  sa  pagpapakatao  ang  pagkilala  ng  tao  na  kailangan  niya  ang  
lipunan   dahil   binubuo   siya   ng   lipunan   at   binubuo   niya   ang   lipunan   (Dy,   M.,   1994).  
Malaki   ang   magagawa   ng   lipunan   sa   paghubog   ng   iyong   pagkatao.   Mayroon   itong  
impluwensiya   sa   paraan   ng   iyong   pag-­iisip   at   pagkilos.   Lahat   ng   iyong   iniisip,  
nararamdaman,   sinasabi,   at   ginagawa   ay   naiimpluwensiyahan   ng   lipunan   na   iyong  
kinabibilangan.    
  Mahalagang   bigyang-­diin   na   hindi   nangangahulugang   magkahiwalay   ang  
personal   na   kabutihan   sa   kabutihang   panlahat.   Ipinaliwanag   ni   Santo   Tomas   de  
Aquino   na   ang   tunguhin   ng   lipunan   ay   kailangang   pareho   sa   tunguhin   ng   bawat  
indibidwal.   Nangangahulugan   ito   ng   pagiging   tugma   ng   personal   na   kabutihan   sa  
kabutihang  panlahat.  Ibig  sabihin,  hindi  dapat  ihiwalay  ng  mga  tao  ang  kani-­kanilang  
sarili  sa  paghahanap  ng  makabubuti  sa  bawat  isa  sa  kanila  kundi  ang  magtipon-­tipon  
upang   hanapin   ang   kabutihang   panlahat   na   magkakasama.   Sa   analogong   ito  
halimbawa,  ang  pag-­asam  ng  pagkakaroon  ng  malusog  na  puso  o  kaya  malusog  na  
baga,  ay  makakamit  sa  pagiging  bahagi  ng  katawan  sa  buong  katawan  at  ito  ay  ang-­

4  
 
 

kalusugan.   Kailangang   nakakabit   ang   bawat  bahagi   ng   katawan   sa  buong   katawan  


upang  makamit  ang  layuning  ito.    
  Ayon  naman  kay  John  Rawls,  ang  kabutihang  panlahat  ay  ang  pangkalahatang  
kondisyong   pantay   na   ibinabahagi   para   sa   kapakinabangan   ng   lahat   ng   kasapi   ng  
isang   lipunan.   Hindi   ito   isang   mabilis   na   proseso   at   hindi   agarang   makikita   ang  
katuparan.  Katulad  ng  adhikain  ni  Mahatma  Gandhi  para  sa  India,  nakita  niyang  hindi  
ito   magiging   madali   kaya   itinalaga   niya   ang   kaniyang   sarili   bilang   halimbawa   ng  
pagsisimula  sa  sarili  at  ang  paunang  pakikibaka  para  sa  makatarungang  pagbabahagi  
ng  lahat  ng  bagay  na  nararapat  para  sa  mga  tao.  
Ayon  kay  Jacques  Maritain,  ang  manunulat  ng  aklat  na  “The  Person  and  the  
Common  Good”  (1966)  hahanapin  talaga  ng  taong  mamuhay  sa  lipunan  sa  dalawang  
mahalagang  dahilan.  
 
1.   Ito  ay  dahil  sa  katotohanang  hindi  siya  nilikhang  perpekto  o  ganap  dahil  likas  
para   sa   kaniya   ang   magbahagi   sa   kaniyang   kapuwa   ng   kaalaman   at  
pagmamahal.  
2.   Ginugusto  ng  taong  mamuhay  sa  lipunan  dahil  sa  kaniyang  pangangailangan  
o  kakulangan  mula  sa  materyal  na  kalikasan.  
 
Sa     pamamagitan   lamang   ng   lipunan   makakamit   ng   tao   ang   layunin   ng  
kaniyang  pagkakalikha.  
 
Iba’t  ibang  sektor  sa  lipunan:  
 
1.   Simbahan   –   ihinuhubog   ang   pananampalataya   ng   mga   mamamayan,  
maaaring   ihayag   ang   magagandang   balita   na   makapagbabago   sa  
nakasanayang  buhay  ng  tao.  
2.   Paaralan  –  dito  nanggagaling  ang  kaalaman  na  kailangang  tangkilikin  ng  mag-­
aaral  para  sa  kanilang  kinabukasan.  
3.   Negosyo-­     ang   pinanggagalingan   ng   serbisyo   at   hilaw   na   materyales   ng  
lipunan.  
4.   Pamahalaan-­  ang  namamahala  sa  pundo  ng  bayan,  isinasaayos  kung  paano  
ito   gagastusin   at   hahatiin   ayon   sa   pangangailangan   ng   bawat   miyembro   ng  
lipunan.  
5.   Pamilya-­  ayon  kay  Pierarangelo  Alejo  (2004),  ang  pamilya  ang  pangunahing  
institusyon   sa   lipunan   na   nabuo   sa   pamamagitan   ng  pagpapakasal  ng   isang  
lalaki   at   babae   dahil   sa   kanilang   walang   pag-­iimbot   puro   at   romantikong  
pagmamahal-­kapwa  nangakong  magsasama  hanggang  sa  wakas  ng  kanilang  
buhay.  
 
  Sa  matagal  na  panahon,  maaaring  masyadong  nakatuon  ang  iyong  pansin  sa  
iyong   sarili   lamang   at   sa   pagtiyak   na   matutugunan   ang   iyong   pangangailangan.  
Maaaring  sinasabi  mong  masyado  ka  pang  bata  para  ituon  mo  ang  iyong  pansin  sa  
mga  bagay  na  ito  at  wala  ka  pang  kakayahan  upang  ganap  na  maunawaan  at  yakapin  
ito.   Mahalagang   maunawaan   mong   hindi   namimili   ng   edad   o   antas     sa   buhay   ang  
pagtiyak   na   mananaig   ang   kabutihang  panlahat.   Ito   ay  nakabatay   sa   iyong  puso  at  

5  
 
 

pagmamalasakit   sa   iyong   kapuwa,   na   batid   mo   na   sa   unang   bahagi   pa   lamang   ng  


iyong  pag-­aaral  ng  Edukasyon  sa  Pagpapakatao,  na  imahe  ng  Diyos.  

Paglalapat  
 
   

                   Gawain  2    

Sagutin  ang  mga  katanungan  sa  inyong  kuwaderno.  


 
1.   Isulat   at   isa-­isahin   sa   inyong   “activity   notebook”   ang   mga   problemang  
kinakaharap  ng  inyong  komunidad?  
2.   Magmungkahi  ng  solusyon  batay  sa  inilahad  na  problema.  
               
 
 
 
                   Gawain  3  

 
Panuto:  Siguradong  nakakita  ka  na  ng  recipe  para  sa  pagluluto  ng  isang  pagkain  lalo  
na  sa  iyong  sabjek  sa  TLE.  Malinaw  na  nakasulat  dito  ang  mga  sangkap  at  ang  sukat  
ng  mga  ito.  Nakasulat  din  ang  malinaw  na  detalye  ng  paraan  ng  pagluluto  nito.  Kung  
isusulat  natin  ang  recipe  para  sa  matiwasay  na  lipunan,  ano  kaya  ang  sangkap  nito  at  
paano  kaya  ito  makakamit?  Bumuo  kayo  ng  recipe  para  sa  matiwasay  na  lipunan.  
 
Naririto  ang  nilalaman  nito:  
1.   Sangkap  na  kinakailangan  upang  matiyak  ang  katiwasayan  ng  lipunan.  
2.   Mga  tiyak  na  sukat  nito,  katulad  ng  tasa,  kutsara  o  kutsarita,  kilo,  gramo  at  iba  
pa  na  kakatawan  ng  mga  elemento  ng  matiwasay  na  lipunan.  
3.   Pamamaraan  kung  paano  magagamit  ang  mga  sangkap  na  inilagay  (Ilagay  ang  
katarungan  sa  isang  malaking  lalagyan  at  haluan  ito  ng  pagmamahal.  Matapos  
itong  mapagsama  ay  budburan  ito  ng  bukas  na  komunikasyon.)  
 
 
 
 

6  
 
 

Krayterya  sa  paggawa  ng  recipe:  


 
Konsepto  o  nilalaman  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­  20  puntos  
Orihinalidad  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­15  puntos  
Pagkamalikhain  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­15  puntos  
                   50  puntos  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Pagpapayaman/  
  Pagninilay  
 
 
 

Napag-­alaman  ko  na  ____________________________________.  


 
Napagtanto  ko  na  _______________________________________  
 
Ang  aking  gagawin  ay  ___________________________________  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
   
   
   
 
 
PANGWAKAS  NA  PAGTATAYA  
 
 
Panuto:   Gumawa   ng   isang   dokumentaryo   na   nagpapakita   ng   kabutihang   panlahat.  
Kahit  anong  uri  ng  dokumentaryo.  
 
Pamantayan  sa  dokumentaryo  o  sa  gawain:  
Ideya  o  nilalaman  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­  10  puntos  
Makulay  ang  paggawa  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­      10  puntos  
Kabuuan  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­10  puntos  
                         30  puntos  

7  
 
 

Glossary    
 
The  following  terms  used  in  this  module  are  defined  as  follows:    
 
Simbahan   –   ihinuhubog   ang   pananampalataya   ng   mga   mamamayan,   maaaring  
ihayag  ang  magagandang  balita  na  makapagbabago  sa  nakasanayang  buhay  ng  tao.  
 
Paaralan  –  dito  nanggagaling  ang  kaalaman  na  kailangang  tangkilikin  ng  mag-­aaral  
para  sa  kanilang  kinabukasan.  
 
Negosyo-­    ang  pinanggagalingan  ng  serbisyo  at  hilaw  na  materyales  ng  lipunan.  
 
Pamahalaan-­   ang   namamahala   sa   pundo   ng   bayan,   isinasaayos   kung   paano   ito  
gagastusin  at  hahatiin  ayon  sa  pangangailangan  ng  bawat  miyembro  ng  lipunan.  
 
Pamilya-­   ayon   kay   Pierarangelo   Alejo   (2004),   ang   pamilya   ang   pangunahing  
institusyon  sa  lipunan  na  nabuo  sa  pamamagitan  ng  pagpapakasal  ng  isang  lalaki  at  
babae  dahil  sa  kanilang  walang  pag-­iimbot  puro  at  romantikong  pagmamahal-­kapwa  
nangakong  magsasama  hanggang  sa  wakas  ng  kanilang  buhay.  

8  
 
 

MODULE 1.2 SUSI  SA  PAGWAWASTO  

Gawain1.  
1. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
2. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
Panimulang  pagtataya    
1.  Lipunan   Pagsusuri.  
2.  Komunidad   1. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
3.  Kabutihang  Panlahat   2. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
4.  John  F.  Kennedy    
5.  Kapayapaan  
Gawain  2.  
6.  Pamilya  
7.  Simbahan   1. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
8.  Dr.  Manuel  Dy  Jr.   2. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
9.  Santo  Tomas  Aquinas    
10.  John  Rawls   Gawain  3.  Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
 
Pangwakas  na  pagtataya:    
                             Ang  awtput  ng  mga  bata  ay  maaring    
magkaiba-­iba.  

MODULE 2.1
 

9  
 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Mary  Jean  B.  Brinzuela  et.al,  2015,  Edukasyon  sa  Pagpapakatao-­Ikasampung    
 
 

 
 
 MGA  SANGGUNIAN  

10  
 
 

 
 
 
Sheryll   T.   Gayola   et.al,   2015,   Edukasyon   sa   Pagpapakatao-­Ikasiyam   na   Baitang,  
Unang  Edisyon,  5th  Floor  Mabini  Bldg.,DepEd  Comples  Meralco  Avenue,  Pasig  City  
Philippines  1600  
 
Division  of  Negros  Oriental  ESP  DLP  Initiated  1st  Quarter  by    Daisy  V.  Cadiz  
 
 
 
 
Prepared  by:    
 
 
May   akda:   Carmelyn   S.   Fonollera,   nakapagtapos   ng   Bachelor   in   Secondary  
Education  at  Major  in  MAPEH  sa  Negros  Oriental  State  University-­Main  Campus.  CAR  
in  Master  of  arts  in  Physical  Education.  Kasalukyang  nagtuturo  sa  Siapo  High  School.    
 
 
     
 

11  
 
 

Para  sa  mga  katanungan  o  puna,  sumulat  o  tumawag  sa:  


 
Department  of  Education  –  Schools  Division  of  Negros  Oriental  
Kagawasan,  Avenue,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental  
 
Tel  #:  (035)  225  2376  /  541  1117  
Email  Address:  negros.oriental@deped.gov.ph  
Website:  lrmds.depednodis.net  

 
 

You might also like