You are on page 1of 27

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Unang Markahan
9

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagtala ng Modyul

Compilers: CHERRY ANN V. QUINALAYO -SST III, Pasil NHS


RENELYN T. MAHINAY - SST I, CCDCAGMNHS
EDA A. HOSENILLA -SST1, ABELLANA NS
FE P. VALDERAMA -MT I, CCDCAGMNHS
Editors: ALLAN GEPITULAN -Principal, City Central NHS
EVELYN R. PIELAGO -Principal IV, Abellana NS
Management Team:
RHEA MAR A. ANGTUD EdD
Schools Division Superintendent
DANILO G. GUDELOSAO EdD
Assistant Schools Division Superintendent
GRECIA F. BATALUNA
Chief , Curriculum Implementation Division
TERESITA B. MANZANADES DevEdD
EPSvr, EsP/Guidance
VANESSA L. HARAYO
EPSvr, LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, ROVII


Office Address: Imus Avenue, Cebu City
Telefax: (032) 255-1516 / (032) 253-9095
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Layunin ng Lipunan Kabutihang Panlahat
(Unang Linggo – Ikalawang Linggo)

PAUNANG SALITA
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao,
Ikasiyam na Antas ng Sekundarya (Grade 9).
Ang modyul na ito ay pinagtulungang tinala, nilinang at sinuri ng mga
bumuo sa pagtala ng modyul upang gabayan ka at matulungang makamit ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12. Ito rin ay makatutulong sa iyo na
matagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
magaaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin (Objectives) dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin (Pretest) ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan (Review) upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin at Suriin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad (Presentation of the

Lesson and Discussion) ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,


gawain o isang sitwasyon.

Mayroong din maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Naglalaman ito ng mga katanungan, pangungusap o talata upang


maproseso
Isaisip(Generalization) kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa (Application) Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin (Evaluation) masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Binubuo ito ng mga gawain para sa


Pagyamanin(Enrichme malayang pagsasanay upang mapagtibay
nt)
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Maging tapat sa pagsagawa ng mga modyul at huwag ipasagot sa ibang tao.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ipasa ang mga sagutang papel (answer sheet) sa modyul na ito sa iyong guro.
Huwag kalimutang lagyan ng pangalan, pangkat (section) at pamagat ng
modyul.
Kung sakaling ikaw ay mahihirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro sa pamamagitan ng
text/groupchat/messenger o telepono. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo.

Laging itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnayna mga kompetensi.

Kaya mo ito!
MODULE 1: LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG
PANLAHAT

Alamin

Mga Layunin:

A. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.


B. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa
kabutihang panlahat sa panahon ng pandemya.

C. Nakakagawa ng mga hakbang upang makatulong sa hindi paglaganap


ng Corona Virus Disease bilang napapanahong isyu para sa
kabutihang panlahat.

Subukin (Pre-Test)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa
sagutang papel. Ilagay ito sa isang buong papel.

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de


Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan
ang tao. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan
at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang
ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng
lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga
kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao
at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang
kaganapan ng pagkatao.

1
2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat
maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili
kaysa sa nagagawa ng iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.

3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


A. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop
samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
B. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin
samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-
tangi ng mga kabilang nito.
C. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes,
mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno
ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
D. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na
kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad,
ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga
mithiin.

4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa
ating kapwa.
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na
makapag-isa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging
panlipunan.

5. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

2
6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Aristotle C. John F. Kennedy
B. St. Thomas Aquinas D. Bill Clinton

7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


A. Kapayapaan C. Katiwasayan
B. Kabutihang panlahat D. Kasaganaan

8. Ano ang kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi
nito

9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat


indibidwal. Ang pangungusap ay:
A. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat
isang indibidwal.
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
C. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na
makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na
nagtatakda ng mga layunin.

10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa


lipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa
Likas na Batas.
B. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa
mga karapatan ng tao.
C. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at
sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal.
D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang
Panlahat.

3
Panimulang Aral
Mulat ka ba sa mga nangayayari sa lipunan sa kasalukuyan? Dahil
sa pandemya may mga batas tayo o mas mainam sabihing “protocols” na
bago lang sa ating pandinig, kaya nagkakaroon ng hindi pagkakasundo.
Magkakaroon pa kaya tayo ng matiwasay na lipunan?
Matindi ang dulot ng pandemyang hatid ng Corona Virus Disease,
hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Madaming lumulutang
na hindi pagkakaroon ng di pagkakaunawaan dahil maraming nilabag na
karapatang pantao ang batas na umiiral ngayon sa atin.
Sa pagsunod natin sa batas o community protocols ay maiiwasan
nating mahawaan at makahawa sa iba. Sa pamamagitan ng pag stay at
home, mababawasan na ang pagkalat ng virus at natutulungan pa natin
ang ating komunidad o lipunan.
Dahil “Ang tao ay isang panlipunang nilalang”. Sa panahon ngayon na
may pandemya paano ka makikibahagi sa iba bilang isang panlipunang
nilalang kung pinagbabawal nga ito ngayon? Sa sinasabing “Walang
sinumang mabubuhay para sa kanyang sarili lamang.” kailangan ng taong
makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa itinalagang likas na
katangian ng mga nilikha ayon sa likas na batas.

Ang ating pagiging kasama ng kapwa ay isang pagpahalaga na


nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Ang ating mga
gawain ay panlipunan dahil natutuhan natin ito kasama sila. Ginagawa
natin ito dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at iniaalay natin ito para
sa ating kapwa. Halimbawa, ang simpleng gawain na paglilinis ng ating
bakuran ay hindi makakasanayang gawin ng isang bata kung hindi ito
itinuro ng pamilya. Kaya kahit sa panahon ng pandemya maari ka pa rin
makakagawa ng mabuti tulad ng pagsunod ng mga community protocols
kahit hindi na kailangan ng pakikipagsalamuha sa iba.
Sa panahon ngayon, ano kaya ang mga hakbang ng ating lipunan
upang magkakaroon tayo ng matiwasay na lipunan? Magkakaroon ba tayo
ng kapayaan, katiwasayan, magandang edukasyon, katarungan? Paano ang
ating kalayaan, freedom of speech, adbokasiya at karapatang pantao?
Makakamit pa kaya natin ito?
Maraming mga tao na gusto ng mamuhay ng normal tulad ng dati,
nuong wala pa ang pandemya. Pero kailan? Paano nga kaya magkakaroon
ng katiwasayan sa lipunan? Kung tatanungin kita ngayon, ano kaya ang
maipapayo mo? Gawin natin ito sa unang bahagi ng araling ito.

4
ARALIN 1: ANG MATIWASAY NA LIPUNAN

Tuklasin at Suriin

Siguradong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang


pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang nga sangkap at ang sukat ng mga
ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito.
Kung isusulat natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya
ang sangkap nito at papaano kaya ito makakamit? Bumuo ka ng Recipe
Para sa Matiwasay na Lipunan lalo sa panahon ngayon na may pandemya.
Ilagay sa isang buong “long bond paper.”

Narito ang nilalaman nito:


1. Sangkap na kailangan upang matiyak ang katiwasayan sa
lipunan.
2. Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita,
kilo, gramo at iba na kakatawan ng mga elemento ng Lipunan.
3. Pamamaran kung paano magagamit ang mga sangkap na
inilagay (hal. Ilagay ang katarungan sa isang malaking lalagyan
at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong mapagsama at
budburan ito ng bukas na komunikasyon.

Matapos ang gawain ay sagutin mo ang sumusunod na tanong:


(Isulat ito sa isang buong papel.)

1. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay


na lipunan?
2. Sa iyong opinyon. Ano kaya ang katangian ng matiwasay na Lipunan?
Lalo sa panahon ngayon na may pandemya.
3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng
matiwasay sa lipunan? Ipaliwanag

Ngayon alam mo na kung ano ang mahalagang sangkap sa isang


matiwasay na lipunan.

Isaisip

Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Nag-iiba na ba ang


mga reaksyon mo sa mga nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at

5
mga isyung nangingibabaw sa media? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong
na ito, ibig sabihin ay lumalabas na sa iyong sarili ang iyong pagtingin,
mayroon ka ng pakialam sa lipunang iyong kinabibilangan mo. Nakilala mo
na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong sarili at para sa iyong
pamilya, na mayroong mas malawak na mundong iyong kinabibilangan at
ikaw ay isang mahalagang bahagi nito. Kung hindi naman ang iyong sagot,
huwag kang mag-alala at darating din ang pagkakataong mababago ang
iyong pananaw sa buhay. Maaaring naghihintay lamang ito ng tamang
pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang mga aralin sa
baitang na ito.
Sa panahon na may pandemya may pakialam ka ba? Alam mo ba ang
ang “community protocols”? ano-ano kaya ang mga ito?
Para sa iyo, ano ang pinakamahirap na bahagi ng community
quarantine? Kung ikaw ay mag-isa lang sa bahay habang pinapatupad ang
community quarantine, ano kaya iyong mararamdaman?

Isagawa

Sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa isang buong papel

1. Ano ang nararamdaman mo habang nasa “community quarantine?”


2. Sumasang-ayon ka ba sa batas o “community protocols” na
ipinapatupad ng ating gobyerno sa panahon ngayon na may
pandemya? Ipaliwanag.
3. Sa palagay mo, ang ipinapatupad ba na batas o community protocols
ng ating gobyerno ngayon ay para sa kabutihang nakararami o
kabutihang panlahat? Ibigay ang iyong opinyon.

Tayahin
Panuto: Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang sektor
at magbigay ng tig-iisang layunin at kontribusyon sa ating
lipunan.
Sundin ang halimbawa sa ibaba. Isulat ito sa isang buong papel.
Sektor Paglalarawan Layunin Kontribusyon
Ang paaralan ay isang lugar Sa paaralan
kung saan tinuturuan ang mga Tulungan matutunan natin
estudyante o mag-aaral upang magkaroonng kung paano maging
Paaralan magkaroon sila ng mga kaalaman ang mga mahusay na
kaalaman. bata manggagawa sa
lipunan

Pamilya

Simbahan

6
Negosyo

Pamahalaan

ARALIN 2: LIPUNAN AT KOMUNIDAD

Balikan

1. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan sa pagkamit ng


layunin ng lipunan?
2. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na
ito ang kanilang mga tungkulin sa lipunan?

Tuklasin at Suriin

“Walang sinumang tao ang maaring mabuhay para sa kaniyang sarili


lamang” Kinakailangan ng tao makibahagi at mamuhay sa lipuna, isa ito sa
itinalagang likas sa katangian ng mga nilikha ayon sa LIkas Batas Moral.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr, ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang ating
mga gawain ay panlipunan dahil natutunan natin ito sa kasama sila.
Ginagawa natin ito dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at inaalay natin
ito para sa ating kapuwa.
Ngunit bago tayo magpatuloy sa pagtalakay tungkol sa lipunan,
mahalagang maunawaan mo ang kahulugan nito.
Ano nga ba ang
lipunan? Ang salitang
lipunanay nagmula sa
salitang ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat.
Ang mga tao ay mayoong
kinabibilangang pangkat na mayroong iisang
tunguhin o layunin.
Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad
upang tukuyin ang lipunan. Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at
pagkakaugnay ng dalawang salitang ito upang hindi maging sanhi ng
kalituhan.
Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na
nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay

7
binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o
pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad,
mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o
kabahagi.
Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na The Person
and the Common Good (1966), hahanapin talaga ng taong mamuhay sa
lipunan sa dalawang mahalagang dahilan.
Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o
ganap at dahil likas para sa kanya ang magbahagi sa kaniyang
kapwa ng kaalaman at pagmamahal. Binigyan ang tao ng
kakayahang magwika o magsalita dahil likas na nilikha ng Diyos ang
tao na sumalipunan.
Pangalawa, hinahanap ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa
kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na
kalikasan. Mahalaga ring makipag-ugnayan siya sa kaniyang kapwa
upang matugunan ang pangangailangang ito at mapunuan ang
kaniyang kakulangan. Hindi makakamit ng tao ang kanyang
kaganapan kung hindi matutugunan ng lipunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa
Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang
layunin ng kanyang pagkakalikha. Mahalaga sa pagpapakatao ang
pagkilala ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng
lipunan at binubuo niya ang lipunan (Dy, M., 1994)

Kabutihang Panlahat
Ano nga ba ang kabutihang panlahat?
Sa Simpleng salita, masasabing ito ay
kabutihan para bawat isang indibidwal na
nasa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang
naiiba sa pansariling kapakanan. Nahalagang
maunawaan mong mga tunguhin ng lipunan
ay hindi ang kabutihang lamang ng indibidwal
o ang may pagkakaiba ang kabutihan ng
nakararami sa kabutihang panlahat.
Ang pag-iral ng nakararami ay manatiling nag-iiwan ng ilang
kasaping hindi makatatanggap ng kabutihan mahalagang bigyang-diin na
hindi nangangahulugang magkahiwalay ang personal na kabutihan sa
kabutihang panlahat. May pagkakaiba ang kabutihang ng nakararami sa
kabutihang pan- lahat. Ang pag iiral ng nakararami ay mananatiling nag-
iiwan ng ilang kasaping hindi makatatanggap ng kabutihan. Mahalagang

8
bigyan-diin na hindi nangangahulugan magkahiwalay ang personal na
kabutihan sa kabutihang panlahat. Sa katunayan, magkaugnay ang
dalawang ito.
Ipinaliwanag ni Santo Tomas de Aquino na ang tunguhin ng lipunan
ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal.

Isaisip

Ang hamon ng dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy na:


“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa”, ay
nanatiling totoo maging sa sitwasyong ito.
Tandaan, ang dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit sa
kabutihang panlahat. Ganap lamang na masasabing tunay na kinilala ang
dignidad ng lahat ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang
kabutihang panlahat. Ang lahat ng tao ay nararapat na magmalasakit
upang lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin
ang kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan.
Alam kong mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan
ngunit lahat ng bagay, gaano man ito kahirap ay magagawa kung talagang
nais. Sabi nga, “Kung gusto, may paraan; kung ayaw, palaging may
dahilan.”
Sa panahon na may pandemya may maraming paraan o hakbang
upang maipakita natin ang ating suporta sa ating lipunan. May magagawa
tayo upang maiwasan natin ang pagkalat nito. Sa ganitong paraan
maipakita natin ang kahalagahan ng buhay tao. Pag-iwas sa sarili mo sa
iba ay nagpapakita ng malasakit mo sa iyong kapwa. Mananaig parin ang
kabutihang Panlahat.

Isagawa

Panuto: Tingnan at pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at


magbigay opinyon tungkol sa mga hakbang na ito. Sundan ang
halimbawa na nasa ibaba. Isulat ito sa isang buong papel.

Bawat isa sa atin ay puweding maging carrier o tulay


ng virus para malipat sa ibang tao. Kaya upang
mapigilan ang pagkalat nito kailangan ng tamang
agwat kaya mahalaga ang tinatawag na physical

9
distancing. Kung lahat tayo ay laging may social
distancing mapapabagal natin ang pagkalat ng
COVID 19. Isang epektibong pangontra sa virus.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusuod na tanong at isulat ito sa isang buong
papel.

1. Ano ang kahulugan ng lipunan?


2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? Paano ito mamakamit? Lalo na sa
panahon ngayon na may pandemya.
3. Sa Kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, magiging madali ba o
mahirap ang pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Pangatwiran.
4. Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na
layunin ng lipunan. Ipaliwanag ang bawat isa.

10
ARALIN 3: MGA ELEMENTO NG
KABUTIHANG PANLAHAT

Balikan

1. Ano-ano ang mga ibat-ibang sektor ng ating lipunan

2. Ano-ano ang mga layunin at kontribusyon nila sa ating lipunan?

Tuklasin at Suriin

Naharap ka na ba sa isang sitwasyon kung saan mas nanaig ang


kabutihan ng nakararami kaysa sa kabutihang panlahat? Nakasaksi ka na
ba ng pagkakataon na may nagsakripisyong iilang tao para lamang
mapagbigyan ang mas nakararami?
Ayon kay John Rawls, ang kabutihang panlahat ay ang
pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. Hindi ito isang
mabilis na proseso at hindi agarang makikita ang katuparan. Binibigyang
linaw din ang kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, naaayon sa Likas
Batas Moral. Halimbawa, kung mangingibabaw ang kalayaan, lalo kung
hindi niya maunawaan ang tunay na kahulugan nito, masasakripisyo ang
kabutihang panlahat dahil mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao
ang kaniyang naisin. Kung mangingibabaw ang pagkapantay-pantay,
maaaring masakripisyo ang kabutihan ng indibidwal (De Torre, 1987).
Halimbawa, kung may isang tao na nagtrabaho ng labindalawang oras at
ang isa naman ay nagtrabaho ng walong oras, masasakripisyo ang
kabutihan ng taong nagtrabaho ng mas mahabang oras kung pantay
lamang ang kanilang sahod na matatanggap. Kung magkagayon, hindi
kalayaan o pagkakapantaypantay ang nararapat na manaig kundi ang
panlipunan at pagkakapatiran, na palaging nangangailangan ng
katarungan. Kaya nga tungkulin ng lipunang matiyak ang kaayusan sa

11
pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang nakabatay sa
katarungan. Sa ganitong paraan makikitang posible ang pagkamit ng
kabutihang panlahat.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Dahil
ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga
sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral
kung hindi kikilanin at pahahalagahan ang
kaniyang dignidad. Sa dignidad nakakabit
ang iba’t ibang karapatang kailangang
igalang at hayaang gamitin ng tao sa
lipunan. Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang
nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal
ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan.
Halimbawa nito ay ang paggamit ng tao ng kaniyang bokasyon tungo
sa paglinang ng kaniyang sarili. Gayundin ang protektahan ang
kaniyang karapatang kumilos ayon sa dikta ng konsensya. Mas
malawak itong tatalakayin sa mga susunod na aralin.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang


pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling
kailangang maibigay sa mga tao. Karaniwang sinusukat ito halimbawa
sa mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan;
epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad; kapayapaang
namamagitan sa bawat bansa sa mundo; makatarungang sistemang
legal at pampolitika; malinis na kapaligiran at umuunlad na
sistemang pang-ekonomiya. Ang mga nabanggit ay mayroong malakas
na epekto sa kapakanan ng mga kasapi ng pangkat. Mahalagang may
mamagitan upang masigurong nakakayanan at nararating ang mga ito
ng bawat isa sa lipunan. Kapag nangyayari ito, natutugunan ang
tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.

3. Ang kapayapaan (peace). Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay


ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng
kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban,
pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay
resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalang ng
kaguluhan. Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat
indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon
ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad
ng makatarungang kaayusan. Kailangang nabibigyan ng seguridad
ang lipunan at ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na

12
pamamaraan. Gayunpaman, may pagkakataong hindi natutugunan
ang kabutihan ng lahat kaya’t may mga pagkilos sa lipunan na
isinasaalang-alang ang kapakanan ng mas nakararami. Kaya sa abot
ng makakaya ay sa lahat, ngunit kailangang maunawaan ding may
pagkakataong tamang ganapin ang para sa nakararami. Hindi
kailangang magresulta ito sa away o gulo at maaari itong daanin sa
diyalogo.
Pinapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang panlahat
ay hindi lamang nangyayari nang kusa. Upang makamit at mapanatili ang
kabutihang panlahat, nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga
tao, hindi ng iilan lamang kundi ng lahat.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., binubuo ng lipunan ang tao at binubuo
naman ng tao ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa
pagkasilang nariyan na ang pamilyang umaruga at gumagabay sa kanyang
paglaki. Nariyan din ang kanyang kapwa, ang paaralan, ang simbahan, ang
batas na kaniyang sinusunod na may kani-kaniyang ambag sa paghubog
ng iba’t ibang aspekto ng kaniyang pagkatao.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga tanong ng buong puso.

1. Bilang isang kabataan, ano na ba ang nagawa mo para sa bansa o sa


iyong komunidad?
2. Mayroon ka ba kayang gawin ngunit hindi mo pinagsisikapang gawin?
3. Ano kaya ang maitutulong ng munting magagawa ng kabataan para sa
bansa?

Isagawa

Panuto: Gumuhit o gumawa ng collage na may temang


“Kabutihangpanlahat sa panahon ng Pandemya” Maaring ilagay sa
isangbuong “long bond paper”

13
Tayahin (Post Test)
Panuto:Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang
tanong.Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito
sasagutang papel. Ilagay ito sa isang buong papel.

1. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat


maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili
kaysa sa nagagawa ng iba.
D. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.

2. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


A. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop
samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
B. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin
samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-
tangi ng mga kabilang nito.
C. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes,
mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno
ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
D. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na
kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad,
ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga
mithiin.

3. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de


Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan
ang tao. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan
at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang
ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng
lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.

14
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga
kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao
at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang
kaganapan ng pagkatao.
4. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Aristotle C. John F. Kennedy
B. St. Thomas Aquinas D. Bill Clinton

5. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


A. Kapayapaan C. Katiwasayan
B. Kabutihang panlahat D. Kasaganaan

6. Ano ang kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi
nito.

7. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat


indibidwal. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
B. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na
makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat
isang indibidwal.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na
nagtatakda ng mga layunin.

8. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa


lipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa
Likas na Batas.
B. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa
mga karapatan ng tao.

15
C. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at
sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal.
D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.

9. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa
ating kapwa.
C. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging
panlipunan.
D. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na
makapag-isa.

10. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

16
Susi ng Pagwawasto

Aralin 1
Tuklasin at Suriin
Narito ang nilalaman (Recipe ng Matiwasay na Lipunan)
(answers may vary)
Matapos ang gawain ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong
1. Answers may vary
2. Answers may vary
3. Answers may vary

Isagawa
1. Answers may vary
2. Answers may vary
3. Answers may vary

Tayahin
Pamilya - Answers may vary
Simbahan - Answers may vary
Negosyo - Answers may vary
Pamahalaan -Answers may vary

Aralin 2
Balikan

17
1. Answers may vary
2. Answers may vary
Isagawa
Let’s stay at home - answers may vary
Wearing mask - answers may vary

Tayahin
1. answers may vary 2.
answers may vary 3.
answers may vary
4. answers may vary

Aralin 3
Balikan
1. Paaralan, Pamilya, Simbahan, Negosyo at Pamahalaan
2. answers may vary

Isaisip
1. answers may vary 2.
answers may vary
3. answers may vary

Isagawa answers
may vary

Sanggunian

Mula sa Aklat

Bacungan, C. M. et.al. (1996). A Text on Values Education. Quezon City:


Katha Publishing Co. Inc.

Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon, (2013).


Modyul ng Mag-aaral sa Edukasyon Pagpapakatao. Ikawalong Baitang.
Pasig City

De Torre, Joseph M. (1977). The Roots of Society. Manila: Sinagtala


Publishers, Inc.

De Torre, Joseph M. (1987). Social Morals The Church Speaks on Society.


2nd Edition, Copyright 1987, Manila: Southeast Asean Science Foundation,
Inc.

18
Definitive Edition Catechism of the Catholic Church,World and Life
Publications, CBCP/ECCCE, Manila

Dy Jr., Manuel B. (1994). Contemporary Social Philosophy. Quezon City:


JMC Press, Inc.

Maritain, Jacques. (1966). The Person and the Common Good. University of
Notre Dame Press

Mula sa Internet

Velasquez, Manuel et. al. The Common Good. Retrieved October 2, 2013
from http://www.scu.edu/ethics/practicing/decision/commongood.html

Thomas Aquinas on the Common Good Retrieved October 2, 2013 from


http://www.hyoomik.com/aquinas/commongood.html

St. Thomas Aquinas and the Idea of the Common Good Retrieved October 2,
2013 from http://catholicsocialteaching.yolasite.com/st-thomas-
aquinasand- the-idea-of-thecommon-good.php

https://www.slideshare.net/cristineyabes1/ang-lipunan-at-
kabutihangpanlahat

https://youtu.be/gz-342utIX8,

https://youtu.be/9s0RArKifJ4

https://www.who.int/philippines/news/feature-
stories/detail/pitongsimpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-
ang-iba-laban-sacovid-19

(https://youtu.be/EmXK2DZP6eY)

ILLUSTRATION

https://www.shutterstock.com/image-vector/coronavirus-covid19-
bloodtest-positive-negative-1672731154

19
https://www.philstar.com/banat/opinyon/2020/03/29/2004145/editoryal
-positibo-gikan-sa-covid-19

https://www.clipart.email/clipart/helping -flood-victims-clipart433473.html

https://www.canstockphoto.com/covid-19-coronavirus-creative-
symbol79353425.html

https://philnews.ph/2019/07/23/ano-ang-lipunan/

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.1447368918881818.107374
1827.1442222509396459&type=1

https://www.youthvoices.live/2019/09/30/global-dignity-day-by-
mayurzayyan/

https://dlpng.com/png/1786464

https://jacoblaneria.wordpress.com/tag/pandemic/

20
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Bureau Office: Cebu City Division

(Office Address): New Emus Road, Cebu City

Telefax: (032)- 255– 1516

E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

21

You might also like