You are on page 1of 20

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 7 (Week 7)
Ang Dignidad ng Tao
Edukasyon Sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Ang Dignidad ng Tao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jusil C. Linao
Editor’s Name: Czarina Ritzko J. Sagarino Fe M. Gultiano Earl Adrian C. Cejas
Reviewer’s Name: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Illustrator’s Name:
Layout Artist Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Management Team:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold Cardente
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagarawan ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan
Modyul 7- Ang Dignidad ng Tao

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralin 7, Ang Dignidad ng Tao.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Malugod na pagbati sa pag-abot mo sa modyul na ito! Tara! At ating aalamin
ang Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Tunay na Kalayaan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


Alamin modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


Subukin aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa na unang leksyon.

ii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
Tuklasin paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


Suriin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
Isaisip pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong Gawain upang


Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa


Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!

Ngayong nasa Ikasampung Baitang ka na naisip at napagtanto mo na basa iyong sa


iyong sarili kung nakatulong ba ang konseptong mga natutuhan mo sa mga nagdaang
baitang sa Edukasyon sa Pagpapakatao?

Sa naunang modyul naunawaan mo ang paggamit sa mapanagutang kalayaanbilang


isang tao at higit sa lahat bilang isang kabataan.

Sa modyul na ito lubos kang matutulungan na makapagmuni – muni sa iyong bawat


kilos at masasagot ang mga katanungang; Anong ba ang kahulugan ng dignidad? Bakit ito
mahalaga? Paano mo nga ba maipapakita ang paggalang sa dignidad ng bawat tao?

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ang Dignidad ng Tao

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng dignidad ng tao. (EsP10MP-If-4.1)


2. Nasusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at
indigenous groups. (ESP10MP-If-4.2)
3. Nakapagbigay ng sariling paraan upang maipakita ang sarili at kapwa na may
pagpapahalaga sa dignidad ng tao

1
Subukin
Panuto. Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konseptoang
hinihingi ng tanong. Piliin ang titik ng napiling sagot. Isulat sa kuwaderno and sagot.

1. Paano mo mapapanatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?


A. Kikilos ako bilang isang kagalang – galang na indibidwal.
B. Papanatilihin ko ang kabutihan sa aking sarili at sa aking kapwa
C. Isasabuhay ko ang pagpapahalaga hindi base sa kung ano ang mayroon sa isang tao
kundi base sa karangalan bilang tao.
D. Iaangkop ko ang aking sarili sa pangkat na aking kinabibilangan upang maging
karapat – dapat sa kanilang pagkilalanang sa gayon kanila din akong igalang.
2. Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang tunay na diwa ng paggalang sa
dignidad ng tao?
A. Paggalang sa desisyon ng mga magulang.
B. Pakikinig at pag – unawa sa guro sa lahat ng panahon.
C. Pagtanggap at pag – unawa sa kalakasan at kahinaan ng iyong mga kaibigan.
D. Lahat ng nabanggit.
3. Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa
dignidad ng tao?
A. Pahahalagahan mo ang tao bilang isang tao hanggang ang tao ay nabubuhay.
B. Siguraduhing laging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa paraan ng
pakikitungo sa kapwa.
C. Ibibigay ang bahagi ng sarili sa lahat ng kapwa kahit hindi mo kilala.
D. Maglalaan ng panahon na iparamdam sa lahat ng malalapit sa iyo ang pagmamahal
at pagpapahalaga.
4. Sino sa kanila ang nagpapakita ng tunay na diwa ng paggalang sa dignidad ng kapwa
tao?
A. Si Jenny na laging isinasaisip ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
B. Si Jun na isang mayor na labis ang dedikasyon at katapatan sa kaniyang tungkulin sa
pamahalaan.
C. Si Allen na isang negosyante na nagbibigay ng pera bilang pangkapital ng kaniyang
empleyadong retirado na.
D. Si Jen na laging nakahandang tumulong sa kaniyang mga kaibigan at kung sino mang
nangangailangan ng tulong.
5. Si Hana ay naging kaibigan ang pulubing si Anna, bilang ang kahirapan ay maituturing
na isang paglabag sa dignidad ng tao, paano kaya matutulungan ni Hana na maiangat
ang dignidad ni Anna bilang isang tao?
A. Bibigyan niya ito ng pagkain at pera araw – araw.
B. Tutulungan niya itong hanapin ang pamilya nito upang may mag – aruga dito.
C. Hahanap siya ng isang institusyon na maaring mag – alaga kay Anna at magbibigay
dito ng disenteng buhay.
D. Sasamahan niya ito at kakausapin araw – araw at ipapaunawa rito ang kung paano
nito maiaangat ang sarili.
6. Sa isang pangkatang gawain, hinati – hati kayo ng guro sa tig – lilima sa bawat pangkat
ngunit may isa kayong kaibigan na nais makasama sa inyong pangkat. Ano ang
nararapat mong gawin bilang kaibigan?
A. Papasalihin na lamang siya sa inyong pangkat dahil kaibigan mo siya.
2
B. Huwag siyang hahayaang sumali sa inyong pangkat dahil kompleto na kayo.
C. Ipapaliwanag sa kaniya na dapat kayong tumupad sa pagpapangkat na ginawa na
inyong guro.
D. Sasabihin mo sa kaniya na humingi siya ng pahintulot sa guro upang makasali sa
inyong pangkat.
7. Alin sa mga sumusunod na kilos ang tumutugon sa tawag ng tunay na tungkulin ng tao?
A. Si Ana ay tumutulong sa kaniyang kaibigansapagkat palagi siya nitong pinapakopya
sa klase.
B. Si Vico ay nagpasiyang tumakbo bilang isang kongresista upang makapaglingkod sa
bayan.
C. Si Lana ay nagbabayad palagi ng wasto at tamang buwis sa takdang panahon.
D. Si Jana ay walang mintis sa pagbibigay ng regalo sa kaniyang mga inaanak sa tuwing
kaarawan ng mga ito at sa tuwing may okasyon.
8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paglabag sa dignidad ng tao?
A. Si Angelo na hindi tinanggap sa trabaho dahil isang transwoman.
B. Si Anna na pursigido sa pagtatrabaho ngunit hindi napropomote sapagkat siya’y isang
babae.
C. Sa Janine na isang dalagang ina na hindi makahanap ng pabahay dahil ayaw
magpaupa ng mga may – ari ng paupahan sa mga babaeng may mga anak na walang
asawa.
D. Lahat ng nabanggit.
9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paglabag sa dignidad ng tao MALIBAN sa.
A. Si Rica ay napilitang magnakaw upang may maipambili ng gamot sa inang may sakit.
B. Si Josie na isang ulila at nag – aaral sa hayskul ay nagtatrabaho bilang isang GRO
sa gabi.
C. Si Tony ay mahilig mangopya sa mga kaklase at nagpapagawa ng mga proyekto at
kapag hindi pumayag ang kaklase ay kaniyang binubugbog.
D. Si Amelia ay nagsumbong sa guro sa mga pinaggagawa ni Tony at pinakiusapan
ang kaniyang guro na ilihim na lamang ang kaniyang pagsasalita.

10. Ang pamilya nila Jessica ay mahirap, isang traysikel drayber ang kaniyang ama
samantalang wala namang trabaho ang kaniyang ina, lubos ang kanilang dinaranas na
paghihirap lalo na ngayong panahon ng pandemiya. Isang araw, inalok si Jessica ng
kaniyang kaibigan na sumali sa raket nito online; ang pagpapakita ng katawan sa mga
banyaga kapalit ng malaking halaga, pumayag si Jessica sapagkat gusto niyang
makatulong sa kaniyang magulang at pamilya. Sa ginawang desisyon ni Jessica
nalabag ba niya ang dignidad niya bilang isang tao?
A. Oo, dahil masama ang kaniyang paraan bagama’t mabuti ang kaniyang
layunin.
B. Hindi, sapagkat kailangan niyang mag-isip ng solusyon alang – alang sa
kanilang pamilya.
C. Hindi, sapagkat hindi naman siya nahahawakan ng personal ng mga banyaga,
nakikita lamang siya ng mga ito.
D. Oo, dahil sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang
magbenta ng sariling laman na makakapagpapababa ng sariling pagkatao.

3
Aralin
7 Ang Dignidad ng Tao
Sa nakaraang modyul, iminulat ka kung paano matutukoy ang mga pasiya at kilos
na tutugon sa tunay na paggamit ng kalayaan. Nasuri mo ang tunay na kahulugan at paano
ang paggamit sa mapanagutang kalayaan.

Balikan
Naunawaan mo sa nakaraang modyul ang paggamit ng mapangutang kalayaan at
ano ang mga angkop na kilos ang nararapat mong gawin upang maisabuhay ang tunay
na kalayaan. Ngayon subukan nating balikan ang iyong mga natutuhan sa nakaraang
modyul.
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Piliin ang titik ng napiling sagot. Isulat sa kuwaderno and sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Hindi nahihiya si Jona na magsalita ano man ang nasa kaniyang isip.
B. Nakakaalis at nakakapasyal si Anna kahit saan at kahit kailan niya gusto.
C. Nagkamali si Jana at labis niya itong pinagsisihan kaya inamin niya ito at agad
humingi ng tawad.
D. Pagod galing sa buong araw na pagtatrabaho si Greco pero sinamahan niya pa
rin ang kaniyang kapitbahay na maisugod sa ospital.
2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Si Jana ay laging tumutulong sa kaniyang mga kaibigan na nangangailangan.
B. Si Mera ay tumutulong sa kaniyang mga kaibigan na nangangailangan na may
hinihinging kapalit.
C. Si Albert na pinapakopya ang kaniyang kaibigan sa mga pagsusulit dahil alam
niyang nahihirapan ito sa klase.
D. Si Tara ay isang working student at naghihirap din pero sa tuwing may
nanghihingi ng tulong pinagsusumikapan niya itong tulungan pa rin.
3. Hindi mo mauunawaan ang talakayan ng guro at nababagot kana kaya nawalan ka
ng interes na makinig sa talakayan ng guro. Dahil diyan, wala kang natutuhan at
hindi mo naunawaan ang talakayan ng guro. Sang – ayon ka ba sa iyong guro?
A. Di sang – ayon, dahil bawat tao ay may pananagutan sa kaniyang kilos.
B. Di sang – yon dahil ang bawat tao ay may kakayahan na piliin ang kaniyang
magiging kilos.
C. Sang – ayon ako, dahil bilang guro tungkulin niyang ipaunawa sa kaniyang mga
mag – aaral ang paksa.
D. Sang – ayon ako, dahil siya bilang guro ay nararapat na maisaayos niya ang
kaniyang leksiyon nang hindi nakababagot sa mga mag – aaral.
4. Mayroon kayong pasulit kinabukasan, alam mo sa iyong sarili na kailangan mong
mag – aral para sa pagsusulit. Inaya ka ng iyong kaibigang si Clark na maglaro ng
Mobile Legends, sabi niya saglit lang naman ito, may panahon pa para mag – aral
kayo. Napagdesisyonan mong maglalaro ka, naglaon ay natagalan kayong natapos
ni Clark sa paglalaro at hindi kana nakapag – aral kaya kinabukasan, hindi
nakapagtatakang bumagsak ka sa pasulit, ngayon ay sinisisi mo si Clark sa pag –
aya sa’yo na maglaro ng Mobile Legends. Tama ba ang pagsisi mo kay Clark?

4
A. Tama, dahil siya ang dahilan kung bakit hindi ako pumasa.
B. Mali, dahil ako ang nagkamali sa pagpayag na maglaro.
C. Mali, dahil ako ang gumawa ng desisyon kaya’t ako ang may pananagutan sa
aking bawat kilos.
D. Tama lamang ang pagsisi ko sa kaniya dahil kung hindi niya ako inaya ay hindi
sana ako maglalaro at makakapag – aral ako.
5. Bakit mahalagang magkaroon ng kalayaan ang tao?
A. Para malaya ang tao sa sariling kahinaan at malayang makatugon sa bawat
sitwasyon sa buhay.
B. Upang lubos na maging masaya ang tao dahil nagagawa niya ang lahat ng
kaniyang naisa ng walang hadlang.
C. Kailangang malinang ang pagkatao natin dahil sa pamamaraang ito matatamo
ang layunin ng buhay ng tao sa mundo.
D. Mahalang magkaroon ng kalayaan ang tao upang malinang ang kakayahan
niyang piliin ang mabuti sa lahat ng pagkakataon.

Tuklasin
Pake mo? Hanapin mo!

Gawain 1.
Panuto. Hanapin saword search puzzle ang mga salitang nasa ibaba. Kopyahin ang word
search puzzle sa kuwaderno pagkatapos na mahanap ay bilugan ang mga salita na nasa
iyong kuwaderno.
D I G N I D A D N O P Q R S T
D I G N I D A S D A A J K L U
A B C D E F G H I J G K L M N
T U N G K U K I N D G D A F G
A B C D E F G H I J A K L M K
N O P Q R S T U V W X P Y X U
Y Z P A G P A P A P A A H A L
P A G P A P A H A L A G E A I
P A G P A P A H A L A G A B N
P A G P A P A H A L A A G A B
D I D N I A D R E C I L P R O
R E V E R S I B I L I A T Y V
R E S P E T O I N D I N D A D
R E V E R S I B I L I G T E Y
R E V E R S I B I L I T Y T D
Dignidad Pagpapahalaga Paggalang
Tungkulin Respeto
5
Diskartehan mo!

Gawain 2.

Panuto. Basahin ang nilalaman ng bawat pahabang hugis sa ibaba pagkatapos ay isaayos
sa tama ang kahon ng mabuo mo ang tamang konsepto na nasa itaas na bahagi.
Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibabang bahagi. Isulat ang
iyong sagot sa kuwaderno.

1.

2. 3. 4. 5.

Ito nagpapatunay na Ito ay hindi isang suliraning


iba ang tao sa lahat para sa taong may kaya dahil
ng nilikha ng Diyos. kaya niyang bigyan ang sarili
niya ng dignidad sapagkat
makapangyarihan siya.

mula ito salitang


dignitus, ibig sabihin, Ang pagiging karapat –
karapat - dapat dapat ng tao sa
pagpapahalaga at
paggalang mula sa kapwa.

Dignidad

Mga Pamprosesong tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang mga gawain?


2. Ano ang iyong naramdaman matapos magawa ang mga gawain?
3. Nakatulong ba ang gawain upang mabigyang linaw ang katanungan mo tungkol sa
kahulugan ng dignidad? Sa paanong paraan?
4. Ano ang kahulugan ng dignidad para sa iyo?

6
Suriin
Gawain 3.

Panuto.Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang mga susunod nadata retrieval
chart at gabay na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Si Jana sa Gitna ng Pandemya

Si Jana ay panganay na anak ng pamilya De Jesus, mahirap lamang ang kanilang


pamilya, tinutulungan ni Jana ang kaniyang mga magulang sa pagpapa – aral sa kaniyang
mga kapatid. Nagtatrabaho siya bilang isang tattoo artist ngunit ngayon sa gitna ng
pandemya ay hindi inaasahan na nahinto sa trabahao ang ama ni Jana at siya rin mismo.
Ramdam ng buong pamilya lalong lalo na si Jana ang kahirapan nila. Minsan ay
isang beses na lamang sila sa isang araw kung kumain. Kaya ng minsan ay alukin si Jana
na kaniyang kaibigan na magtrabaho online ay ginusto niyang subukan upang matulungan
ang kaniyang pamilya ngunit ng malaman niyang ito’y pagbebenta ng katawan online ay
naging mahigpit ang pagtanggi ni Jana sa kaniyang kaibigan.
Kaya’t napagdesisyunan na lamang ni Jana na sumali sa isang barter group sa
Facebook at nakikipagbarter siya ng mga pangangailangan ng kaniyang pamilya kapalit ng
kaniyang serbisyo bilang tattoo artist. Marami ang mga tumangkilik sa paraan ni Jana pero
hindi rin siya nakaligtas sa mga mapangmatang mga tao na minamaliit siya sapagkat
hinahamak na lamang na hanggang diyan na lamang ang kaniyang kayang gawin pero
hindi alintana ni Jana ang pangungutya ng iba, ang mahalaga sa kaniya’y nabubuhay siya
ng marangal at napahahalagahan niya ang kaniyang dignidad.

Tara! Usap Tayo!


Panuto.Gamit ang data retrieval chart, punan ang mga katanungan. Kopyahin ang data
retrieval chart sa iyong kuwaderno at ang iyong mga sagot.
Mga gabay na tanong Naging tugon ni Jana base sa
kuwento
1. Ano ang pagsubok na hinarap ni Jana?
2. Napagtumpayan ba ni Jana ang pagsubok
na kaniyang kinaharap?
3. Paano napahalagahan ni Jana ang
kaniyang dignidad?
Mga Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong mabasa ang kuwento? Bakit mo iyon
naramdaman?
2. Kung pagbabasehan ang data retrieval chart, masasabi mo bang kayang
mapagtagumpayan ni Jana ang lahat ng mga pagsubok sa kaniyang buhay?
3. Ikaw, paano mo maipapakita ang pagmamahal at paggalang sa dignidad sa kapwa
tao?
4. Ano ang iyong kongklusyon na mabubuo mula sa nabasang kuwento?
7
Ramdam Kita!
Tanong Pandamdamin:
Katulad ng ginawa ni Janana ginagawa ang lahat upang matulungan ang kaniyang
pamilya na kahit sa gitna ng kahirapan dapat sa mabuting pamamaraan lahat na kaniyang
tinutulong sa pamilya, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga mahal mo
sa buhay ng hindi kinakalimutan ang pagpapahalaga ng iyong dignidad bilang tao?

Pagyamanin
Halina’t Maglakbay Tayo!

Gawain 4. Gamit ang dayagram, punan mo ito ng iyong sariling pakahulugan ng dignidad,
ilagay ang sagot sa pinakamalaking bilog. Sa bawat maliit na bilog naman magbigay ng
iyong mga karanasan bilang isang kabataan kung saan naipakita mo ang paggalang sa
iyong dignidad at dignidad ng iyong kapwa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Ang iyong
karanasan
Dignidad
(sarili mong
pakahulugan)
Ang iyong
karanasan

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot? Nasiyahan ka ba o hindi? Ipaliwanag.
2. Sang-ayon ka ba o hindi sa mga naging sagot mo?
3. Mula sa ibinigay mong sagot, paano ito makatutulong sa iyo upang mahubog sa
iyong sarili ang pagsasaalang – alang ng iyong dignidad at dignidad ng kapwa mo sa
lahat ng pagkakataon.

8
Isaisip
Sisirin natin ‘to!

Mula sa salitang dignitus, ang pagiging karapat - dapat ng tao


pagpapahalaga at paggalang sa kapwa.

Ipinapahiwatig ng dignidad ng tao na karapat – dapat siyang


makatanggap ng respeto sa iba ayon sa pagkasino ng tao hindi
naayon sa kung ano sila o kung ano ang kaya niya gawin.
DIGNIDAD

Ang lahat ng tao ay may karapatang mabuhay ng may dangal


maging sino man siya.

Bilang paggalang sa dignidad ng tao, dapat mong pahalagahan


ang buhay ng tao hangga't siya'y may buhay.

Pahalagahan at igalang ang tao bilang tao hindi sa kung ano


ang kaniyang kayang gawin kundi siya bilang tao.

Ang tao ay espesyal na nilika na Diyos, ng dahil sa dignidad,


may karapatang humanap ang tao ng paraan na linangin ang
kaniyang kakayahan sa mabuting paraan at layunin.

Tandaan natin na lahat ng tao ay dapat na


isaalang – alang na dahil sa dignidad tayo ay may
karapatang umunlad sa paraang hindi
nakakasakit o nakakasama sa ibang tao.

9
Isagawa
Kapwa Ko, Igagalang Ko!

Gawain 5.

PANUTO. Tunghayan ang larawan at analisahin, Tukuyin ang ipinahahayag ng bawat isang
aytem sa letrang a, b, at c tungkol sa larawan. Gabay mo ang unang bilang. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
a. Ano ang tawag mo sa kanila?
b. Ano ang iyong nararamamdaman mo pag nakikita mo sila?
c. Paano mo sila pinakikitunguhan?

A. Pulubi
B. Naawa
C. Nilalayuan o binibigyan ng barya o
pagkain

Source: https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/575

A.
B.
C.

Source:https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/317

A.
B.
C.

Source: https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/268

10
A.
B.
C.

Source: https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/500

Ako’y ako, Ikaw ay ikaw!


Igagalang mo’ko! Igagalang din Kita!
Gawain 6.

Panuto: Punan ang tsart.


Ang mga taong nasa larawan sa itaas ay nagpapakita ng pagkakaiba ng estado ng
mga tao sa ating lipunan at kung paano nagkakaiba – iba ang pakikitungo natin sa kanila.
Hindi ba’t malinaw na isinasaad na bawat tao ay may dignidad ito ang nagpapaiba sa kaniya
sa ibang nilalang. Ang dapat na pakikutungo natin sa tao ay hindi dapat nakabatay sa kung
ano siya at ano ang kaniyang kayang ibigay kundi siya bilang tao. Ngunit nakakalungkot
isipin na tila ba nakalimutan na iyan sa kasalukuyan. Ikaw, bilang isang kabataan paano mo
ipapakita ang paggalang sa dignidad ng bawat tao? Ibalangkas ang iyong sagot sa pag –
puno ng tsart sa ibaba Magbigay ng mga halimbawang sitwasyon sa pang – araw araw na
buhay. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Paano ko maipapakita ang paggalang sa dignidad ng


aking kapwa?

1. 2. 3.

11
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang hinihingi ng
tanong. Piliin ang titik ng napiling sagot. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
1. Ikaw ay nasa ikasampung baitang na, napakahalaga sa iyo ang pumasa sa taong ito,
nagsusumikap ka sa pag – aaral, ngunit minsan may mga pagkakataong tinatamad ka sa
pag – aaral at nangongopya na lang sa iyong kaklase, hindi naman alam ng iyong guro
ang iyong ginagawa. May paggalang ka ba sa iyong guro sa pagkakataong ito?
A. Wala, dahil hindi ako nagsusumikap.
B. Mayroon, dahil nangongopya lamang ako kung kailangan at hindi sa lahat ng
pagkakataon.
C. Mayroon, dahil hindi naman alam ng aking guro ang aking ginagawa.
D. Wala, dahil hindi ko na iginalang ang paghihirap ng guro sa pagtututo upang ako ay
matuto at ipinagsawalang – bahala ko lamang ito.
2. Mayaman kayo dahil may mga negosyo ang iyong mga magulang, kaya’t hindi ka nag –
aaral ng maayos, katwiran mo may mga negosyo naman kayo at ikaw ang magmamana,
para saan pa ang pag – aaral kung sigurado ka na sa iyong kinabukasan. Sa iyong
ginagawa, nabibigyang – halaga mo ba ang iyong dignidad?
A. Oo, dahil wala akong ginagawang masama, alam ko lang na hindi ko kailangang mag
– aral pa dahil mayaman na kami.
B. Oo, dahil hindi naman ako nang – aapak ng karapatan ng iba.
C. Hindi, dahil hindi ko binibigyang – halaga ang paghubog sa aking kakayahan na
ipinagkaloob sa akin na dapat kong hubugin bilang tao.
D. Wala sa nabanggit.
3. Si Maricon ay mayor ng kanilang siyudad, bilang isang mayor napakahalaga sa kaniya
na matulungan ang kaniyang mga kababayang mahihirap na maiangat ang kanilang
kalidad ng buhay bilang paggalang sa kanilang dignidad. Alin kaya sa ibaba ang maaring
gawin ni Maricon?
A. Pag – aralin lahat ng mahihirap sa kanilang lugar.
B. Alisin ang lahat ng mga pulubing nakakalat sa kanilang lugar.
C. Bigyan ng tulong pinansiyal ang lahat ng mga mahihirap sa kanilang lugar.
D. Magsagawa ng mga proyekto na makapagbibigay hanap buhay sa mga walang
trabaho sa kanilang lugar.
4. Nagmamaneho ng kotse at nahuli ka ng traffic enforcer dahil sa paglabag sa batas
trapiko. Bilang, paggalang sa dignidad ng traffic enforcer, ano ang gagawin mo?
A. Tatakbuhan mo siya at iiwas sa pananagutan.
B. Maghahanap ka ng lusot at aawayin ang traffic enforcer.
C. Tatanggapin mo ng maluwag ang iyong pagkakamali at susunod sa batas.
D. Aalukin at bibigyan mo ng pera ang traffic enforcer at pakikiusapang palusutin ka
muna ngayon.
5. Dahil sa kahirapan, ikaw ay nagtatrabaho sa isang bar bilang isang waitress. Isang araw
may isang matandang nag – alok sa iyo na kaniyang maging nobya kapalit ng pag –
aaralin ka niya. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatanggapin ko ang kaniyang alok, nobya lang naman.
B. Tatanggapin ko ang kaniyang alok kaysa mabulok ako sa kahirapan.
C. Tatanggihan ko ang kaniyang alok dahil ito’y masama.
D. Tatanggihan ko ang kaniyang alok dahil kalian may hindi susi ang pagpatol sa kung
sino para umahon.
6. Gusto mong umunlad ang inyong buhay, kaya nang inalok ka ng iyong kaibigan na
magbenta ng ipanagbabawal na gamot ikaw ay sumama at sa sandaling panahon ay
12
umunlad na nga ang inyong kalagayan sa iyong pagbebenta ng hindi nalalaman ng iyong
mga magulang, nagbebenta ka lamang at hindi ka kailanman gumamit ng ipinagbabawal
na gamot. May naging paglabag ba sa iyong dignidad ang ginawa?
A. Wala, dahil nagbebenta lamang ako at hindi gumagamit.
B. Wala, dahil ginawa ko lang ang aking makakaya upang umunlad.
C. Mayroon, sapagkat kahit na mabuti ang aking layunin masama naman ang aking
paraan.
D. Mayroon, dahil ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ang kaniyang kakayahang
umunlad sa paraang hindi nakakasakit ng iba.
7. “Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili”, Alin sa ibaba
ang nagpapakita ng kahulugan ng kasabihan?
A. Nakikipagkaibigan si Ana kay Jerico dahil may crush siya dito.
B. Si Jen at Jana ay matalik na magkaibigan sa kabila ng mahirap si Jen at may kaya
sila Jana.
C. Si Percy ay pinandidirihan ang kaniyang kaklase na si Jana dahil mahirap lamang
sila.
D. Si Pat ay nagbibigay ng pagkain kay Ana palagi dahil may hinihintay siyang kapalit.
8. Matalik na magkaibigan si Jona at Janice, pareho rin silang honor students mula baitang
7 hanggang baitang 10. Mayaman si Jona samantalang katamtaman lamang ang
kalagayan sa buhay nila Janice. Ngayong nasa baitang 10 na kayo papalit – palit lamang
kayo sa unang pwesto ng honor students. Pareho rin kayo ng gusto ng paaralan na
gustong pasukin sa senior high school, Si Janice ay gustong mag enrol sa paaralan gamit
ang scholarship sapagkat makatutulong din iyon sa kanilang pamilya ikaw ay hindi mo
naman kailangan ng scholarship dahil may kaya kayo pero sabi ng mama mo, mas mabuti
na rin na makakuha ka ng scholarship. Sa pasulit para sa scholarship iisa lang ang
maaring makakuha, kung ikaw si Jona, ano ang gagawin mo?
A. Kukunin ko ang scholarship dahil yun ang gusto ng mama ko.
B. Kakausapin ko si Janice na ibigay na lang sa akin ang scholarship.
C. Hindi na ako kukuha ng scholarship at kakausapin ko ang mama ko.
D. Kakausapin ko si Janice tungkol sa gusto ng mama ko at pakikiusapan siyang
umatras na lamang.
9. Sa Mang Emanuel ay retirado na, ngayong retirado na siya, tinapyasan ng kaniyang amo
ang kaniyang sweldo katwiran ng kaniyang amo, matanda na si Mang Emanuel at mahina
na kaya dapat lamang na tapyasan ang kaniyang sweldo na naayon sa kaniyang
pagtatrabaho. May naging paglabag ba sa dignidad ang amo ni Mang Emanuel?
A. Mayroon, dahil hindi nararapat na i ayon ang kaniyang sweldo sa kaniyang edad.
B. Mayroon sapagkat hindi nakababawas ng halaga ni Mang Emanuel bilang empleyado
ang kaniyang edad, ito ay dapat naayon sa kaniyang pagganap bilang empleyado.
C. Wala, dahil matanda na si Mang Emanuel dapat lamang na ang kaniyang sweldo ay
tapyasan dahil sa kaniyang katandaan hindi na siya kasing ayos magtrabaho noong
siya’y bata at malusog pa.
D. Wala sa nabanggit.
10. Bilang isang kabataan, sa paanong paraan mo mabibigyang – halaga ang paggalang sa
dignidad ng tao?
A. Pagiging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
B. Igagalang ko ang aking buhay kasabay ng paggalang ko sa buhay ng ibang tao.
C. Sa lahat ng panahon, isasaalang – alang ko ang kapanan ng aking kapwa bago ako
kikilos.
D. Kung paano ako pakitunguhan ng aking kapwa, ganoon din ang magiging pakikitungo
ko sa kaniya.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Mula sa iyong mga natutuhan sa iyong nabasa, gumawa ng maikling “spoken
poetry” tungkol sa paggalang sa dignidad ng tao. Basahin ang halimbawa sa ibaba upang
makagawa ng iyong sariling piyesa. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

“Dignidad Mo, Dignidad Ko”


Sabi nga nila, mahal mo pero mahal ka ba?
Napakasakit isipin na gusto ko pa,
Pero ayaw mo na,
Pag – ibig yun nga,

Buti na lang ang dignidad ay hindi ganyan,


Sapagkat Igagalang ko, Igagalang mo,
Pinapahalagahan moa ko, dahil ako ito,
At pinapahalagahan kita, dahil ikaw yan.

Ngayon, ikaw naman…….


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Susi sa Pagwawasto

Suriin
Subukin Balikan Tuklasin Tayahin
Mga Gawain
1. C 1. D Mga Gawain 2 Answers may vary 1. D
2. D 2. D Answers may 2. C
Pagyamanin
3. B 3. B vary 3. D
Mga Gawain
4. A 4. C depending on 4. C
Answers may vary
5. C 5. D 5. D
6. C how the
Isagawa 6. D
7. C student will Mga Gawain 7. B
8. D arrange Answers may vary 8. C
9. D Karagdagang gawain 9. B
10.D Answers may vary 10. A

14
Sanggunian
Mga Aklat:
P.J. Arnedo. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Modyul Para sa Mag - aaral. Pasig City: FEP Printing
Corporation(2015)
Manuel Dy et al Edukasyon sa Pagpapakatao 7: Kagamitan ng Mag - aaral.Pasig City. Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat. (2013).https://k12resources.files.wordpress.com/2016/04/gr-7-esp-lm-q1-to-
4.pdf
Mula sa Internet:
Retrived July 6, 2020 https://quizizz.com/admin/quiz/59f3ed7e866d361000008606/ang-dignidad-ng-tao
Patricia Villaflores. Napapanahong Isyu. Retrieved July 6, 2020 from
http://pvillaflores.blogspot.com/2015/10/napapanahong-isyu-kahirapan-ang.html

Dy, M: Ang Dignidad ng Tao. Retrieved July 7, 2020 from https://k12resources.files.wordpress.com/2016/04/gr-7-esp-


lm-q1-to-4.pdf
soldier 3_96dpi.jpg. Retrieved July 13,2020. https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/268
hunchback _bw.jpg. Retrieved July 13,2020. https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/317
child giving alms to beggar_96di.png. Retrieved July 13,2020 https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/575
bishop_bw.jpg Retrieved July 13,2020 https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/500

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:


Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

15

You might also like