You are on page 1of 19

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 5 (Week 5)
Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rowena G. Arcenal
Editor’s Name: Czarina Ritzko J. Sagarino Fe M. Gultiano Earl Adrian C. Cejas
Reviewer’s Name: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Illustrator’s Name:
Layout Artist Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Management Team:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold Cardente
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagarawan ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan
Modyul 5 (Week 5)
Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Tunay na Kahulugan ng
Kalayaan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Malugod na pagbati sa pag-abot mo sa modyul na ito! Tara! At ating
aalamin ang Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Tunay na
Kahulugan ng Kalayaan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa na unang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip
ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
Isagawa
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas
Tayahin
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong Gawain


Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang


Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang isa sa mga katangian
o kakayahang taglay ng tao na nagpapatangi sa inyo na ipinagkaloob mula pa sa
iyong kapanganakan. Ito ay ang pagkakaiba natin sa ibang nilikha ng Diyos dahil
tayo ay may taglay na isip at kilos-loob. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong
kaalaman ukol sa kung paano niyo pamahalaan ang katangian ng iyong nito , ang
Kalayaan, na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyong pag-uunawa kung ano ang tunay
na gamit ng Kalayaan . Nang sa gayon, matutukoy mo ang mga pasya at kilos na
tumutugon sa tunay na gamit ng Kalayaan. Mahalagang maunawaan mo ito upang
ikaw ay makagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na
kalayaan, ang pagtugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod sa iyong kapwa.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:


Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Naipapaliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan; (EsP10MP-Id-3.1)
2. Natutukoy ang mga pasiya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng
Kalayaan. ( EsP10MP-Id-3.2)
3. Nakakapaghinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o masama
ngunit ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan .
4. Napapahalagahan ang tunay na kahulugan ng kalayaan sa pamamagitan ng
paggawa ng kabutihan sa sarili at sa kapwa tao.

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang wastong
sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Si Juanito ay isang anak magsasaka. Siya ay inutusan ng kaniyang mga magulang
na pumunta sa kanilang sakahan para alagaan niya ang kanilang mga
pananim.May mga pagkakataon na ayaw niya itong gawin dahil gusto niyang
maglaro lang kasama ang kanyang mga kapitbahay. Ngunit alam niya kapag hindi
niya ito gagawin siya ay mapapagalitan ng kaniyang mga magulang dahil hindi niya
sinunod ang utos nila. Kaya ginawa na lang niya ang mga bilin nila para pagkatapos
niyang maalagaan ang mga pananim, malaya na siyang makapaglibang kasama
ang kanyang mga kaibigan. Anong malayang pamamaraan sa sitwasyong ito ang
sinusunod ni Juanito sa kanyang pagpapasiya?
A. Kagandahang -Loob B. Kilos -Loob C. Kalayaan D. Kabutihan
2. Alam ni Henry bilang isang doktor , siya ay malayang gawin ang kanyang tungkulin
na alagaan at bigyang tamang gamot ang mga taong may sakit. Kaya ginawa niya
ang lahat na makakaya para sa mga pasyente na pumupunta sa kaniyang klinika
dahil ito ay kanyang responsibilidad na gawin ang tama. Ano ang itinuturing ni
Henry na kakambal ng Kalayaan?
A. Kabutihan B. Kilos-Loob C. Responsibilidad D. Respeto sa Sarili
3. “Ang responsibilidad ay kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon
sa sitwasyon”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. TAMA, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang paggawa ng
kabutihan sa lipunan.
B. TAMA, dahil ang tao ay may kakayahan na magpasiya gamit ang kanyang isip
at kilos-loob.
C. MALI, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na
ginagamit ng tao.
D. MALI, dahil ang responsibilidad ay ang pagharap sa kinalalabasan ng kilos na
ginawa.
4. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Pumunta si Allan sa pamilihan sa panahon ng Enhanced Community
Quarantine kahit wala siyang Quarantine pass.
B. Tinulungan ni Lance Xavier ang kanyang mga magulang sa paglalaba para
bigyan siya ng baon
C. Pinaglingkuran nang maayos ni Dr. Jelly Ann ang mga may COVID na
pasyente kahit may nakakatakot at nakakahawang sakit sila.
D. Natutulog ng madaling araw si Luke Xander dahil alam naman niyang walang
pasok kinabukasan.
5. Nasaksihan ni Janita ang ginawang panloloko ng mga kaibigan ni Charise sa
kanya. Ang alam ni Charise , sila ay hindi pumunta sa isang mall para manood ng
2
palabas sa sine, ngunit sa halip hindi pala nila gustong makasama si Charise
sapagkat ayaw nila nito sa kanyang pagiging madaldal. Dahil alam ni Janita na hindi
ito tama, pinagsabihan niya ang mga kaibigan ni Charise na sa susunod hindi na
nila ito gagawin dahil ang kanilang ginawa kilos ay hindi tama . Sa sitwasyong ito,
saan nakasalalay ang kalayaan ni Janita?
A. Dignidad B. Kilos-Loob C. Konsensya D. Isip
6. Nakakita ng isang naiwang bag ang isang tsuper sa kanyang minamanehong taxi.
Agad niya itong dinampot, tiningnan at hinanap kung sino ang nagmamay-ari nito.
Tinawagan niya ang may-ari para maibalik na kaagad niya ang bagay na naiwan
dahil alam niya siya ay mananagot sa pangyayari na ito. Ano ang ipinapakita na
magandang asal ng isang tsuper?
A.Konsensya B. Kilos-Loob C. Pagmamalasakit D. Pananagutan
7. Si Kathy ay isang anak mayaman. Siya ay makabili sa kung ano ang kanyang gusto
sa buhay dahil siya ay bibigyan ng kaniyang mga magulang kung ano ang kaniyang
hinihiling. Dahil dito, siya ay humingi ng tulong sa kanyang mga magulang para
makapagbigay ng mga pagkain sa mga “frontliners”na naglalaan ng kanilang oras
sa paglilingkod sa kanilang lugar sa panahon ng pandemic. Ano ang katangian na
ipinapamamalas ni Kathy sa kanyang kapwa?
A.Pagbibigay B. Paglilingkod C. Pakikisama D. Pakikiisa
8. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan
MALIBAN sa isa:
A.Nakabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
B.Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
C. Naisaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
D.Nakahahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasiya
Para sa bilang 9 & 10,basahin ang nasa loob ng kahon at sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

9. Ano ang mensahe nito?


A. Ang kalayaan ng tao ay ang paggawa ng kabutihan.
B. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa dikta ng kanyang isip.
C. Ang Kalayaan ng tao ay ang pagpapakita ng pagmamahal at paglilingkod sa
kapwa.
D. Ang Kalayaan ng tao ay ang pagiging malaya sa kanyang mga gustong gawin
sa kanyang sarili at sa kapwa.
10. Ano ang tinutukoy na mabuti?
A.Ang pagkakaroon ng kalayaan.
B.Ang pagiging malaya sa pagpasya sa buhay
C.Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
D.Ang paggamit ng kalayaan bilang isang responsibilidad.

3
Aralin
Ang Tunay na Kahulugan ng
5 Kalayaan

Ano ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan?


Tanong na dapat mong pagtuunan ng pansin upang mapag-isipan at
mapagnilayan ang totoong kakaturan nito sa iyong buhay.

Malaya Ka! Ikaw ay isang anak ng Panginoon na may angking talino at talento.
Ginawa ka niya ayon sa kanyang wangis. Dahil ikaw ay natatangi sa ibang nilikha ng
Diyos , ikaw ay may isip at kilos -loob kaya ikaw ay may kakayahang magpasiya para
sa sarili. Para lubusang magamit mo ang iyong isip at kilos-loob sa pagpapaunlad sa
iyong buong pagkatao, ikaw ay binigyan din ng Kalayaan.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyong pag-uunawa kung ano ang tunay
na gamit ng Kalayaan. Kalayaan na kung saan magagamit mo ito sa iyong paggawa
ng kabutihan sa iyong kapwa- ang pagmamahal at paglilingkod.

Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano ang nagbibigay hugis o direksiyon sa Kalayaan?
A. Isip B. Konsensya C. Dignidad D. Likas na Batas Moral
2. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?
A. Maging masaya ang buhay C. Makagawa ng kabutihan
B. Maabot ng tao ang kanyang kaganapan D. Lahat ng nabanggit
3. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
A. Ang Sampung Utos ng Diyos C. Ang Likas na Batas Moral
B. Ang Batas ng mga Pilosopo D. Wala sa nabanggit

4. Alin sa mga sumusunod ang gamitin nang mapanagutan sa paghubog ng


konsenya?
A.Isip, Kilos-Loob, Puso, C. Katawan, Puso, Kamay
B.Isip, Kilos-Loob, Katawan D. Katawan, Puso , Isip

5.Ang mga sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral MALIBAN sa isa:


A. Ito ay sukatan ng kilos
B. Ito ay naunawaan ng kaisipan
C. Ito ay pinalaganap para sa kabutihang panlahat
D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.

4
Tuklasin
Noong nasa Ikapitong Baitang ka, napag-aralan mo ang isa sa mga katangian
o kakayahang taglay ng tao na nagpapatangi sa inyo na ipinagkaloob mula pa sa
iyong kapanganakan. Ito ay ang pagkakaiba natin sa ibang nilikha ng Diyos dahil
tayo ay may taglay na isip at kilos-loob. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong
kaalaman ukol sa kung paano niyo pamahalaan ang katangian ng iyong nito , ang
Kalayaan, na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.
Gawain 1: Konsepto Mo! Itala Mo!
Panuto: Gamit ang talaan o graphic organizer sa ibaba, isulat ang mga konsepto na
nalalaman mo sa iyong takalakayan sa Baitang 7 tungkol sa kalayaan. Kopyahin ang
organizer at isulat ang iyong sagot sagutang papel.

KALAYAAN

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napuna mong konsepto sa kalayaan?
2. Ano-ano ang mga magandang naidulot sa iyo sa pagkakaroon ng kalayaan?
3. Ano ano ang mga tungkulin mo sa iyong pagiging malaya?

Gawain 2: Tama o Mali?


Panuto: Suriing mabuti ang inyong mga konsepto na nakasulat sa inyong graphic
organizer. Tukuyin kung alin sa mga ito ang may tamang a pananaw sa kalayaan at
maling pananaw sa tunay na kahulugan ng kalayaan.Isulat ang inyong sagot sa
hugis ng puso sa ibaba.

5
Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang iyong nahinuha pagkatapos gawin ang gawain? Ipaliwanag
2. Bakit mahalagang malaman mo ang tunay na kahulugan ng kalayaan?
3. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga mahal mo sa buhay at kapwa
tao ang pagkakaroon ng kalayaan?

Suriin
Gawain3 : May K ka ba?
Panuto:Basahin at unawaing mabuti angtula na pinamagatang “Malaya Ka!”na nasa
loob ng kahon . Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at isulat ito sa inyong
sagutang papel.

Malaya Ka !
Ni Rowena G. Arcenal

Mula sa ating kapanganakan;


Taglay na natin ang kalayaan.
Ano man ang ating ginawang kasamaan at kabutihan:
Ito ay maaaring may hahantungan.

Kalayaan! O Kalayaan!
Ang Diyos ang siyang pinagmulan.
Maging malaya tayong makakilos;
Basta ito ay naaayon sa kanyang Utos.

Ang paggawa ng kabutihan;


Nagbibigay sa ating buhay ng kabuluhan.
Biyaya ito galing sa Poong Maykapal
Para tayo ay maglingkod at magmahal.

Ang kalayaan na ito , ay nakakabit na sa pagkatao ng tao;


Kaya mga kilos ko ay pananagutan ko!
Ito ay isang pangako
Dahil responsibilidad ko ito!

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensahe na gustong ipahiwatig sa tula?
2. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang tula?
3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng tula?
A. Oo, bakit? Ipaliwanag.
B. Hindi, bakit? Ipaliwanag
4. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga ng kalayaan sa iyong sarili,
pamilya, kaibigan at kapwa tao?

6
Pagyamanin
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon at lagyan ng tsek (/) ang iyong sagot sa bawat
kolum at bigyan ng paliwanag ang sagot sa huling kolum. Isulat ito sa iyong sagutang
papel
Gawain 4: Aksiyon Ko! Pananagutan ko!

Sitwasyon Palaging Paminsan- Hindi Paliwanag


ginawa minsang ginagawa
ginawa
1. Pagtulong sa kapwa na
nangangailangan

2. Pagdarasal sa mga frontliners at


sa COVID patients

3. Pagsunod sa batas ECQ, GCQ,


MGCQ at iba pa

4. Pagbibigay ng pangangailangan
sa mga mahirap na kapitbahay

5. Paggawa ng mga gawaing bahay

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain?

2. Ano ang masasabi mo sa ugnayan mo sa iyong kapwa?

3. Paano makakatulong ang paggawa ng tama sa kapwa para makamit ang


Kalayaan?

7
Isaisip
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nasa loob ng organizer sa ibaba para
mas malaman ang tunay na kahulugan ng Kalayaan.

Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan

Ito ay paggawa ng mga


gawain na gustong gawin ng
isang tao na naaayon sa
Likas na Batas Moral.

Kalayaan ang ginagamit ng


tao sa kanyang pagpapasiya Ang paggawa ng KABUTIHAN
sa buhay. Karaniwang sa lahat ng pagkakataon na
ginagamitan ito ng isip at siyang tawag ng ating
kilos -loob para makamit at Panginoon na MAHALIN at
maganda kahihinatnan nito PAGLINGKURAN ang kapwa
sa sarili at sa kapwa. ay ang tunay na kahulugan ng
kalayaan.

Ang RESPONSIBILIDAD ay
kakambal ng kalayaan. Kaya
kailangan gawin ng tao ang
kanyang tungkulin sa
kanyang kapwa na may
mabuting pagpapasiya para
ang kahinatnan ng kanyang
ginawa ay para saka butihan
ng lahat

Mahalagang tandaan natin na ang bawat isa ay may PANANAGUTAN


sa ating mga kilos nagagawin sa ating sarili at sa kapwa. Ang paggawa
ng kabutihan sa lahat, may kasiyahang katapat !

8
Isagawa
Ngayon naging malinaw na sa inyo ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang
pagpapakita ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa. Ito ay isang gawain na
mahirap gawin dahil sa mga balakid na nakapaligid sa atin. Kaya gawin ang hamon
na ito para maisabuhay ang paggawa ng kabutihan sa lahat ng pagkakataon .

Gawain 5: Kabutihan…Ipalaganap!
Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Isulat sa talaan ang iyong kabutihan
na magagawa mona nagpapakita ng tunay na kahulugan ng kalayaan.
SITWASYON ANG AKING GAGAWIN
1. Ang mga magulang mo ay nawalan ng trabaho
dahil ipinasara ang kompanya ng kanilang boss
dahil sa pandemya.Sila ay gumawa ng paraan
para kumita, halimbawa, pagtitinda ng kakanin at
iba pa para lang makaraos. Ikaw ay nasanay na
kung ano ang hingiin mo na pangangailangan ay
maibibigay ng iyong mga magulang. Dahil ikaw
ay nabigla sa pangyayari, ikaw ay hindi nakapag-
adjust ng madali.Bilang isang anak, ano ang
dapat mong gawin para matulungan mo ang
iyong mga magulang?

2. Pumunta ang isa mong kamag-anak sa inyo


para humihingi ng tulong sa iyong mga magulang
dahil ang kanyang anak ay may malubhang sakit.
Sa oras na iyon, alam mong may naipon kang per
ana para pambili ng laptop para sa online class
sa darating na pasukan sa new normal. . Matagal
mo na itong pinag-ipunan. Ano ang gagawin mo?

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot?

2. Batay sa iyong mga sagot, natutukoy mo ba na ito ay nagpapakita ng tunay na


kahulugan ng kalayaan? Bakit?

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang tunay na kahulugan ng


kalayaan lalong-lalo na sa panahon ng pandemya? Magbigay ng konkretong
halimbawa na pwede mong gawin kahit hindi ka pwedeng lumabas sa inyong
bahay.

9
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong
sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan?


A. Karapatan C. Katarungan
B. Pagmamahal at Paglilingkod D. Responsibilidad
2.Alin sa sumusunod ang kakambal ng kalayaan?
A. Karapatan B. Pagmamahal C. Katarungan D. Responsibilidad
3. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
A. Para malinang ang pagkatao ng tao upang makamit niya ang mithiin sa
kanyang buhay.
B. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at malayang tumugon sa
pangangailangan ng sitwasyon.
C. Para maging maligaya siya sa kaniyang buhay dito sa mundong ginagalawan.
D. Para malinang ang kanyang kakayahan na pumili sa mabuti at pag-iwas sa
masama.
4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Si Mang Celso ay palaging nasa bahay para Makita niya ang paglaki ng
kanyang mga anak.
B. Si Aling Nena na pumunta sa simbahan sa panahon ng pandemya para
manalangin kahit hindi siya ay senior citizen na.
C. Si Mang Ben na ibinuwis ang kanyang buhay bilang isang doktor, kahit alam
niyang pwede siyang mahawaan sa sakit na COVID.
D. Si Aling Gina na nagbigay ng pagkain sa kanyang gustong kapitbahay.
5. Ano ang ibig sabihin sa pangungusap na ito, “Ang pinakamalaking hadlang sa
kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao, kundi ang nagmumula mismo
sa loob ng tao”?
A. Ang kalayaan ay nakapaloob na sa sarili.
B. Ang kalayaan ay pwedeng hadlangan ng kilos ng ating kapwa tao.
C .Ang kalayaan ay hindi matatamo dahil sa sariling pag-uugali
D. Ang kalayaan ay makamtan ng isang tao dahil siya ay marunong
makikipagkawpa.
6. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes at sa iba pang
negatibong pag-uugali?
A. Dahil ito ay hindi ito naaayon sa batas ng Diyos
B. Dahil magiging masaya siya sa kanyang pamilya
C. Dahil nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi niya makuha ang
tunay na Kalayaan
D. Dahil kinatatakutan ng mga tao ang may ganitong pag-uugali
7. Ang iyong mga magulang ay pumunta sa ibang bayan sa isang buwan. Binilhan ka
ng maraming pagkain para may makain ka habang sila ay nasa malayo. Sinabihan

10
ka ng iyong mga magulang na huwag maging pasaway habang sila ay nasa ibang
lugar. Noong ikaw na lang mag-isa sa bahay, sinuway mo ang iyong mga magulang,
tinawagan mo ang iyong mga kaibigan para pumunta sa inyong bahay para maglaro
ng Mobile Legends at mag-inoman dahil wala naman ang iyong mga magulang. Ikaw
ba ay nagpapakita sa tunay na kahulugan ng kalayaan?
A. Oo, dahil pwede kong gawin ang gusto ko habang wala ang mga magulang ko.
B. Oo, dahil hindi naman malalaman ng aking mga magulang kasi sinabihan ko ang
aking mga kaibigan na manahimik.
C. Hindi, dahil linabag ko ang mga utos ng aking mga magulang habang wala pa
sila sa bahay.
D. Hindi, dahil wala ng natirang pagkain sa mga binili ng aking mga magulang.
8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang nagbibigay kahulugan sa
atagang ito “Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng
pangangailangan ayon sa sitwasyon”?
A. Ang responsibilidad ay ginawa ng tao dahil ibinigay ito sa kanya.
B. Ang tunay na responsableng kalayaan ay ang paglilingkod sa kapwa.
C. Ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahinatnan ng isang kilos.
D. Ang isang responsableng tao ay may kakayahan na magpaliwanag sa kanyang
ginawang kilos.
9.Paano mo maipamamalas ang tunay na kalayaan?
A. Sa pamamagitan ng paglilingkod at pagmamahal ng buong puso sa aking kapwa.
B. Sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa aking mga gustong makasala-
muha.
C. Sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa mga piling tao sa aming lugar.
D. Sa pamamagitan ng paggawa ng gawaing bahay para mabigyan ako ng perang
pambili ng cellphone.
10. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita ng tunay na kahulugan ng Kalayaan
MALIBAN sa:
A. Nasaksihan ni Jessa ang pangongopya na ginawa ng kaniyang kaklase.
Pinakausapan siya ng kanyang kaklase na huwag sabihin ito sa kanyang guro
dahil ayaw niyang mapagalitan. Kahit sinabihan si Jessa ng kanyang kaklase na
huwag isumbong sa guro, ginawa pa rin niya ito para hindi na mauulit ang ginawa
ng kanyang kaklase kahit siya ang papagalitan nito.
B. May nakita si Romel na isang matandang babae na may maraming dalang gulay
at prutas sa basket. Agad niya itong tinulungan dahil alam niya ito ay nabibigatan.
C. Nasaktan ni Lovely ang kanyang mga magulang dahil sa kanyang paglihim na
siya ay may nobyo na. Sinabihan kasi siya na habang siya ay nag-aaral dapat
wala munang papasok sa relasyon dahil hindi na siya makapokus sa kanyang
pag-aaral. Humingi ng patawad si Lovely sa kanyang mga magulang, pero
ipinagpatuloy pa rin niya ang pakikipagrelasyon dahil mahal niya ang kanyang
nobyo.
D. Kahit mahirap ang pamilya ni Bimbo siya ay patuloy na nag-aaral kasi gusto
iyang makamit ang kanyang mga pangarap na magiging isang nars sa hina-
harap at makatulong sa kaniyang pamilya at sa may mga sakit sa kanilang
lugar.

11
Karagdagang Gawain

Gawain 6: 7 Days Challenge!


Panuto: Alam mo na ang tunay na kahulugan ng Kalayaan! Paano mo ito mapalalago
at mapalalalim gamit ang iyong kaalaman at realisasyon sa natutuhan?
Gumawa ng isang Linggong Challenge na may kinalaman sa paggamit mo sa tunay
na kahulugan ng kalayaan. Itala rito ang iyong mga karanasan bilang patunay na
ginawa mo ito.
My 7 Days Challenge
Mga Araw Karanasan Bilang Patunay na ginamit ko ang tunay na kahulugan
ng kalayaan
Linggo

Lunes

Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado

Susi sa Pagwawasto

C 10.
A 9.
B 8.
C 7.
C 6.
Answers may vary C 5. Answers may vary Answers may vary
C 4.
B 3.
D 2.
B 1.
Gawain
Karagdagang Tayahin Isagawa Pagyamanin
C 10.
C 9.
D 8.
B 7.
Answers may vary D 6.
Answers may vary 5.B B 5.
4.B C 4.
3.C A 3.
2.D C 2.
1.D C 1.
Suriin Tuklasin Balikan Subukin

12
Sanggunian
Brizuela , Mary Jean B. et. al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (DepEd-IMCS: FEP Printing
Corporation 2015) page 65-79.
Covey, S. (1998)The 7 Habits of Highly Effective Teens: The Ultimate Teenage Success Guide. Ontario:
Fireside
Dy, Manuel Jr. B. (2012). Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City: Katha Publishing Co.,
Inc.
Lipio, F. (2004).Konsensiya Para sa mga Katolikong Filipino.Mandaluyong City. National Bookstore
Philip, J. (2006). I Choose to Be Free: The Power of Faith Hope & Charity. Manila: Sinag-Tala
Publishers
Articulo, A.C. et al. 2003 Values and Work Ethics. Trinita, Publishing Inc. Meycauayan, Bulacan.

De Torre, J. M. et al. 1992. Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Southeast
Asian Science Foundation Sinag-tala Publisher. Inc.
Pablo, P.J II, 1991. Laborem Exercens (Ukkols sa Pagtratrabaho ng Tao), Archdiocese of Manila Labor
Center.
Plattele M. G. (1965) Social Philosophy. Pittsburg: Duquesne University Press.
Mga Dyornal
Cross-Sectoral Study of Corruption in the Phil. Committee for the Evangelization of Culture Phil. 2002.
Province of Society of Jesus, Published by Ateneo de Naga University
Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education Series for Fourth Year High
School. 1992. Manila: Sinag-Tala Publisher. Inc.

Mula sa Internet:
Dy, Manuel Jr. B. Liberation and Values.Chapter VIII.Retrieved October 16, 2014, from
www.books.google.com.ph/books?id=GT7KOQ
McKay B. & K. (2012).A Man’s Life, on Manhood, Personal Development. Retrieved October 14, 2014,
from http://www.artofmanliness.com/2012/02/21/freedom-from-freedom-to/
XinhuaNet.U.S., Filipino soldiers participate in "Balikatan 2018"
drillshttp://www.xinhuanet.com/english/2018-05/09/c_137166660_7.htm
Etika 107.blogspot.com/2004/09 – Ikalawang aklat ng etika nikomekayo. Retrieved July 5,2014
https:// secure.ethicspoint.com/domain/media/fil/gui/27241/ code.pdf

Integridad Retrieved July 14,2014, form http://votenetphilippines.weebly.com/


uploads/6/7/0/8/6708089/aralin_10_integridad.pdf

Korapsyon (March 2012) Retrieved March 18,2014, from http://


www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube.
com%2Fwatch%3Fv%3DnpNF9ByzIsE&h=BAQFhHfNz

Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan. Retrieved March 28,2014,from http:// reura,os.tripod.


com/values-education-subject.html

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:


Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

13

You might also like