You are on page 1of 24

4

4
  
    
   
  
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking
Pagkatuto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Abbylenne G. Malong, Yrriet D. Olbinado
Editor: Elegio L. Oblian, Joseph R. Vejano, Grace Booc
Tagasuri: Clemencia G. Paduga, Rutheda M. Bacosa, Wennie L. Lorzano
Tagaguhit: Abbylenne G. Malong
Tagalapat: Abbylenne G. Malong, Yrriet D. Olbinado
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Clemencia G. Paduga
Rutheda M. Bacosa
Wennie L. Lorzano
Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
4
  
    
   
   

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa


Pagpapakatao 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
Impormasyon: Bahagi at Instrumento ng Aking Pagkatuto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Impormasyon: Bahagi at
Instrumento ng Aking Pagkatuto!

iv
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

v
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang teknolohiya ay isang mahalagang bahagi upang


maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng
klase. Ito rin ang makabagong paraan upang mangalap ng mga
impormasyon. Sa makabagong panahon ang pinakamalawak at
pangunahing instrumentong maaaring gamitin ay ang
telebisyon at kompyuter na maaaring maka-access ng internet.
Ang pagtuklas ng katotohanan ay nagiging mas mabisa lalo na
kung ito ay ginagamitan ng pananaliksik. Gayunpaman, dapat
tayong maging mapanuri at maingat sa paggamit ng mga ito.

Ngayon ay lubusan mo nang nauunawaan kung paano


susuriin ang mga balitang iyong naririnig. Sa susunod na aralin
ay patuloy mo pang palalawakin ang iyong pag-unawa hinggil
sa tamang pagtanggap ng mga impormasyong iyong
napanonood o nababasa. Halina’t kilalanin at tuklasin ang iba’t
ibang intrumentong maaaring gamitin sa pangangalap ng
impormasyon at ating alamin kung paano ang wastong
pagninilay-nilay sa mga impormasyong nakukuha mula rito.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon
ng katatagan ng loob, mapanuring pag-iisip, pagkamatiyaga,
pagkamapagtiis, pagkabukas –isip, pagkamahinahon at
pagmamahal sa katotohanan na magpapalaya sa anumang
alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng pamilya.

Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa nang may mapanuring pag-iisip ang tamang
pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.
Pamantayan sa Pagkatuto
Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga nakalap na
impormasyon:
3.3 napanood sa programang pantelebisyon;
3.4 nababasa sa internet at mga social networking sites.
(EsP4PKP-Ie-g-25)

1
Subukin

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman,


kakayahan, at pang-unawa tungkol sa susunod na aralin. Handa
ka na ba?

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang


titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa magkakabit na mga computer network na


maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo? Ito ang ating
kailangan upang makapunta sa iba’t ibang websites.
A. Google
B. Wifi
C. Internet
D. Facebook

2. Ano itong application/site sa internet na maaaring


makadaragdag ng kaibigan online, makakita ng kanilang mga
larawan at makapag-chat sa mga kakilala?
A. Google
B. E-mail
C. YouTube
D. Facebook

3. Anong application/site sa internet na maaaring gamitin


upang makapagsaliksik ng mga impormasyong
kinakailangan?
A. Twitter
B. YouTube
C. Google
D. Facebook

2
4. Napakaraming iba’t ibang uri ng palabas ang maaaring
panoorin. Alin sa mga sumusunod ang isang uri ng
instrumento na ginagamit sa panonod ng palabas?
A. Internet C. Email
B. Telebisyon D. Twitter

5. Narinig mo sa radyo na mayroon na namang nagpositibo sa


COVID19, ano ang iyong gagawin para maging ligtas ka?
A. Mananatili lamang sa loob ng bahay at laging
maghuhugas ng kamay.
B. Hindi ito papansinin at maglalaro pa rin sa labas ng
bahay.
C. Kukulitin si nanay sa pagsama sa palengke.
D. Wala akong gagawin.

6. Si Joey ay mahilig maglaro sa kanyang cellphone. Hindi na


siya lumalabas sa kanyang silid. Halos hindi na rin siya
mautusan ng kanyang mga magulang. Dapat mo bang
tularan si Joey? Bakit?
A. Opo, upang tumaas ang ating level sa ating laro.
B. Hindi po, dahil ito ay nakasisira sa kalusugan ng isang
tao.
C. Hindi po, sapagkat wala itong magandang maidudulot
sa aking sarili.
D. Walang dapat tularan.

7. Nakita mong nanonood ng di magandang panoorin ang


nakababata mong kapatid, ano ang iyong gagawain?
A. Pagsasabihan ko ang aking kapatid na hindi ito wasto.
B. Sasali ako sa panonood sa aking kapatid.
C. Hindi ko siya pagsasabihan o papansinin.
D. Wala akong gagawin.

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong gawi?


A. Nanonood ng malalaswang panoorin.
B. Madalas na panonood sa Youtube.
C. Gumagamit ng internet upang magsaliksik para sa
takdang-aralin.
D. Nakikipag-away sa internet.

3
9. Isang araw habang gumagawa ka ng takdang aralin gamit ang
internet, may kahina-hinalang sites na iniimbitahan kang mag
sign-in, ano ang iyong gagawin?
A. Magsasign-in ako para akin itong malaman.
B. Hindi ko ito papansinin at itutuloy lang ang pag-gawa ng
aking takdang-aralin.
C.Pag-iisipan ko muna.
D.Wala sa nabanggit.

10. Sa makabagong panahon, naparakaming iba’t ibang


instrumento na naiimbento upang mapabilis ang mga gawain,
paano natin ito mapapangalagaan?
A. Gamitin sa wastong paraan at ibalik sa tamang lalagyan.
B. Ipagsawalang-bahala ang mga kagamitang ito.
C. Hayaan na lamang sa isang tabi.
D. Wala akong gagawin

Ilan ang nakuha mong puntos? Nasiyahan ka ba sa iyong


puntos? Huwag kang mag-alala sapagkat masasagot mo ang
lahat ng mga katanungan sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa
modyul na ito.

Binabati kita sa iyong mga naging


kasagutan, alam kong lumalim ang
iyong pag-unawa sa mga bagay na
may kinalaman sa makabagong
teknolohiya.

4
Aralin Impormasyon: Bahagi at
Instrumento sa Aking
6 Pagkatuto

Balikan

GAWAIN 1. Hanapin Mo Ako!

Bago natin lubos na alamin ang susunod na aralin, iyong balikan


ang nakaraang kaalaman.

Panuto: Sa loob ng limang minuto, hanapin ang mga sumusunod


na salita sa kahon.

1. Internet

2. Facebook

3. Youtube

4. Webpage

5. Twitter

6. Google

7. Email

8. Blogsite

9. Television

10. Radio

5
Tuklasin

GAWAIN 2: Kompletuhin Mo!

Alam mo ba ang mga kahulugan ng mga instrumentong iyong


ginagamit para matuto? Kung hindi ka tiyak sa iyong mga
kasagutan, tara maglaro tayo!

Panuto: Tukuyin ang mga salitang inilalarawan at ilagay sa


puzzle at isulat sa sagutang papel.

Pahalang:
1. Modernong
pagpapadala ng
liham
3. Instrumento na
ginagamit sa
panonood.
Pababa:
2. Uri ng website na
ginagamit sa
pananaliksik.
4. Website na
maaaring
magdagdag ng mga
kaibigan.
5. Magkakaugnay na
computer network.

Napakahusay! Ngayon ay alam mo na ang


mga kahulugan ng mga instrumentong may
kinalaman sa makabagong panahon na ito.

6
Suriin

GAWAIN 3: Basahin Mo

Basahin at unawaing mabuti ang maikling kwento na nasa ibaba.

“Sa Panahon ng Pandemiya”

Lumaganap ang pandemiya sa buong mundo.


Pinagbabawalang lumabas ang lahat upang hindi kumalat ang
virus. Hindi ka maaaring lumabas kung wala kang kaukulang
mga papeles.

Ang pamilyang Gonzaga ay nasa kanilang tahanan


lamang.

“Ano po ba ang COVID-19?” tanong ni Abi sa kanyang


amang nanonood ng balita.
Lubos na pinaunawa ni Mang Fredo sa kanyang anak
kung ano ang COVID-19 o ang Coronavirus Disease. Isa itong
uri ng sakit na nakahahawa at nakamamatay. Kaya hindi
pinapayagang lumabas ang mga tao.
“Ganoon po ba? Paano na po ako makapag-aaral?” wika
ni Abi kay Mang Fredo.

7
Nagkatinginan ang mag-asawa. Wari’y hindi rin alam ang
isasagot sa kanilang anak. Tanging kibit-balikat na lamang ang
naisagot ni Mang Fredo.
Isang umaga, habang gumagamit ng Facebook si Aling Lina.
Lubos siyang nabahala sa nakitang post sa website. Nakasaad
dito na mayroon ng isang positibo sa COVID-19 na naitala sa
kanilang bayan. Agad siyang naalarma at ibinahagi ang nakalap
na balita sa mga kapitbahay. Nagdulot ito ng takot sa buong
barangay.

Matapos mong mabasa ang maikling kwento, ngayon ipagpatuloy


mong tuklasin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod
na katanungan. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong kuwaderno.

GAWAIN 4: Sagutin Mo

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong na may


kinalaman sa
kuwentong binasa. Isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Tungkol saan ang kuwentong iyong binasa?

__________________________________________________

8
2. Sa papaanong paraan nabalitaan ni Aling Lina ang tungkol
sa nagpositibong mamamayan ng kanilang bayan?

__________________________________________________
3. Ano ang napulot mong aral sa iyong binasang kuwento?
_________________________________________________
4. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong hindi ka naniwala sa
balitang iyong napanood sa telebisyon o nabasa sa internet?
__________________________________________________
5. Kung ikaw si Aling Lina, tutularan mo ba ang kanyang
ginawa? Bakit? Ipaliwanag.
__________________________________________________

Babati kita! Tunay nga na iyong


naunawaan ang kwentong iyong binasa.
Ipagpatuloy pa ang pagtuklas sa araling
in ito.

9
Pagyamanin

GAWAIN 5: Tula Mo, Bigkasin Mo!

Panuto: Basahin at unawain ang tula sa ibaba.

Sa makabagong panahon, taon ng milenyo


Umusbong ang mga teknolohiyang moderno
Marami ang nalikhang pagbabago sa mundo
Gawaing mahirap, napadali nang husto

Imbensyong ang hatid ay lawak ng impormasyon


Gaan ng pagsasaliksik at agarang komunikasyon
Mga bagay at gamit sa modernong transportasyon
Mga halimbawang nilikha sa bagong henerasyon

Ngunit sa ngayon ang teknolohiya ay naaabuso


Tama o maling impormasyon ay hindi mapagtanto
Kaya’t ang kailangan ay mapanuring totoo
Sa pag-unawa tayo ay maging matalino.

GAWAIN 6: Pagnilayan Mo

Panuto: Basahin at intindihin ang mga sumusunod na


sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Isang araw, si Ana ay nakapanood ng balita sa telebisyon


tungkol sa negatibong bagay. Kung ikaw si Ana,
paniniwalaan mo ba ito agad? Ipaliwanag.

2. Si Baste ay gumagawa ng kanyang takdang-aralin.


Kinakailangan niyang mangalap ng mga impormasyon sa
internet ngunit habang nanaliksik ay may biglang sumulpot
na kahinahinalang website. Ano ang kanyang dapat gawin?

Magaling! Ang susunod na bahagi ay higit na makatutulong


upang lubos na maunawaan ang aralin.
10
Isagawa

Mula sa ating nabasang tula ay ating nalaman ang iba’t ibang


positibo at negatibong epekto sa paggamit ng makabagong
teknolohiya at nakapagbigay ka ng iyong opinyon sa mga
sumusunod na sitwasyon, ngayon ay atin pang palalimin ang
ating kaalaman sa pag sagot ng iba pang mga gawain.

GAWAIN 7: Itala Mo!

Panuto: Kumuha ng sagutang papel at magtala ng limang aral


na nakuha mo mula sa panonood ng telebisyon at paggamit ng
internet.

1. ______________________________
2. ______________________________
3. ______________________________
4. ______________________________
5. ______________________________

11
GAWAIN 8: Ligtas na Paggamit ng Internet (BINGO)

Panuto: Sa sagutang papel, lagyan ng tsek ang mga wastong


paraan ng paggamit ng internet.

12
GAWAIN 9: Ipangako Mo!

Panuto: Sa iyong papel, bumuo ng isang pangako tungkol sa


pagninilay-nilay ng katotohanan batay sa nakalap na
impormasyon sa panonood ng telebisyon at pagbabasa sa
internet. Maaaring dugtungan ng angkop na pangungusap ang
pahayag sa ibaba upang makabuo ng isang pangako.

ANG AKING PANGAKO

Ako ay si _______________________________,
na nasa________baitang ay nangangakong
______________________________________.

Ako ay magiging _________________________

___________________________________________
____________.

_________________

Lagda ng Mag-aaral

Napakahusay ng iyong ginawa. Malugod kitang binabati


sa iyong ipinakitang kagalingan na matapos ang mga
gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito ay iyong
isasaisip ang kahalagan ng araling ito.

13
Isaisip

GAWAIN 10: Sagutan Mo

Panuto: Batay sa mga nakalap na impormasyon sa mga


naunang gawain, sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat
ang iyong kasagutan sa iyong kuwaderno.

1. Ano-ano ang mga makabagong instrumento na maaaring


gamitin sa pagkatuto?

2. Paano ang wastong paggamit ng mga ito?

3. Magbigay ng positibo at negatibong epekto ng panonood sa


telebisyon at paggamit ng internet.

GAWAIN: Tandaan Mo!

Tandaan:
Malaki ang naitutulong ng mga makabagong
teknolohiya sa ating pagkatuto. Maraming
nakabubuting epekto ang paggamit nito gaya
ng pananaliksik ng impormasyon at
pagbibigay aliw sa atin. Subalit mayroon itong
negatibong epekto kung hindi gagamitin nang
wasto. Laging maging matalino at mapanuring
netizen.

14
Tayahin

Panghuling Pagtataya

Panuto: Sa sagutang papel, isulat ang salitang WASTO kung


nagpapakita ng tamang paggamit ng internet o telebisyon
at
DI-WASTO kung mali.

______1. Gumagamit ng internet upang magsaliksik para sa


takdang-aralin.
______2. Magdamag na naglalaro ng ML (Mobile Legends).
______3. Nanonood ako ng mga balitang nakatutulong sa pag-
unlad ng aking isipan.
______4. Nakikipag-away ako sa mga nakikilala ko online.
______5. Pagbabasa ng mga malalaswang babasahin gamit ang
internet.
______6. Hindi ko ibinabahagi ang aking password kahit kanino
______7. Naglalagay ako ng aking mga personal na impormasyon
sa internet.
______8. Nakikipagkita ako sa mga nakilala ko online.
______9. Hindi ako pumapasok sa mga kahinahinalang sites.
______10. Nauubos ang aking oras sa paggawa ng mga videos sa
Tiktok.

15
Karagdagang Gawain

GAWAIN: Kopyahin at Sauluhin Mo!

Panuto: Basahin ang bible verse na nasa ibaba at sauluhin ito.

Mga Kawikaan 2:2-3


“Ang pakinig mo’y ibaling sa wastong kaalaman.
At ito ay isipin nang iyong maunawaan.
Pagsikapan mong hanapin ang tunay na
kaalaman, pang-unawa’y pilitin mo na makita’t
masumpungan.

Matagumpay mong naisagawa ang lahat ng mga


gawain. Binabati kita sa iyong husay at galing.
Ipagpatuloy mo ang iyong magandang simulain.
Inaasahan ko na maisasabuhay mo ang iyong
natutunan. Pagnilayan muna ang mga impormasyong
nakalap sa telebisyon at internet bago paniwalaan
nang hindi mapahamak.

16
17
PANGHULING PAGTATAYA
1. WASTO 6. WASTO
2. DI-WASTO 7. DI-WASTO
3. WASTO 8. DI-WASTO
4. DI-WASTO 9. WASTO
5. DI-WASTO 10. DI-WASTO
BALIKAN SUBUKIN
Paunang Pagtataya
1. C
2. D
3. C
4. B
5. A
6. C
7. A
8. C
9. B
TUKLASIN
10. A
1. Email
2. Google
3. Television/Telebisyon
4. Facebook
5. Internet
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Aklat

Felamer E. Abac,et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (Kagamitan


ng Mag-aaral), ph.45-53.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

18

You might also like