You are on page 1of 20

3

  
    
 

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikatlong Baitang ng Alternative Delivery Mode
Kwarter 1- Modyul 8- Pamilyang Nagkakabuklod-Pagkamasunurin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng
Palawan.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph. D.
Felix M. Famaran
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lillian S. Gagani
Editor: Josephine S. Dagwat, Girlie A. Diestro, Zenaida R. Aquias, Felix Ry F.
Arzaga
Tagasuri: Clemencia G. Paduga, Rutheda M. Bacosa, Wennie L. Lorzano
Tagaguhit: Gerald Carandang
Tagalapat: Ailyn Arlee H. Evina, Newrelyn Serna
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Clemencia G. Paduga
Rutheda M. Bacosa
Wennie L. Lorzano
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
3

 

  
 


iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa


Pagpapaakatao 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
aralin Pamilyang Nagkakabuklod-Pagkamasunurin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iv
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pamilyang
Nagkakabuklod-Pagkamasunurin

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay
Balikan
ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
Suriin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin
malayang pagsasanay upang
v
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap
Isaisip
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
Isagawa ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa
Tayahin o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Pagwawasto sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

vi
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

vii
Alamin

Ang katapatan at pakikiisa sa pagsunod sa mga tuntunin o anumang


kasunduang itinakda ng mag-anak ay nagpapakita ng isang maayos na
pakikipag-ugnayan sa pamilya ng may paggalang at pagtutulungan.

Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ito ang


nagpapasigla ng pamayanan lalo na kung ang bawat kasapi nito ay
makatutupad sa tungkuling iniatang sa kanya.

Ang mga pamantayan at tuntunin ay itinakda upang sundin ng


bawat kasapi ng pamilya tungo sa maayos at masayang pamumuhay.
Bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya, makabubuti na ang iyong
mga ginagawa ay magdudulot ng kasiyahan sa iyong mga magulang at
nagsisilbi itong inspirasyon at susi sa magandang kinabukasan ng
kanilang mga anak. Dahil dito, mahalagang dapat sundin ang mga
alituntunin at patakarang pinagkasunduan sa tahanan lalo na sa usaping
pagdidisiplina.

Sa modyul na ito ay bibigyang diin ang iba’t ibang pamamaraan


upang maipamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga
tuntunin sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga gawain para sa
pagiging tapat at pagmamalasakit sa bawat isa.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang malinang ang


kaalaman, kakayahan at pagsasagawa ng mga mag-aaral.

1. Makilala ang mga tuntuning itinakda at dapat na sundin ng mag-


anak.
2. Maipakita ang kagandahang naidudulot sa pagsunod ng mga
tuntunin.
3. Magkaroon ng sariling pananaw sa buhay na ang mga tuntunin
ay maging gabay niya tungo sa maunlad at mapayapang
pamumuhay.

1
Pamantayang Pangnilalaman

Naipamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng sariling kakayahan,


pagkakaroon ng tiwala, pangangalaga at pag- iingat sa sarili tungo sa
kabutihan at kaayusan ng pamillya at pamayanan.

Pamantayan sa Pagganap

Naipakikita ang Katapatan at pakikiisa at pagsunod sa mga tuntunin o


anumang kasunduang itinakda ng may kinalaman sa kalusugan at
kaligtasan tungo sa kabutihan ng lahat.

Pamantayan sa Pagkatuto

Naksusunod sa mga pamantayan/ tuntunin ng mag-anak-


Pagkamasunurin.
(EsP3PKP Ii-22)

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.
Iguhit ang hugis puso( ) kung ito ay mga gawaing itinakda sa tahanan
at star ( ) kung ito ay sa paaralan.

_____1. Tumayo ng tuwid at humarap sa watawat kapag ito ay itinaas


at ibinababa.
_____2. Laging paalala ng aking Nanay na maglinis ng katawan at
magpalit ng damit pagkagaling mula sa paaralan.
_____3. Panatilihin ang malinis na silid aralan at ang pakiki-isa sa
wastong paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
_____4. Bilang isang batang mag-aaral, matuto kang sumunod sa mga
patakarang itinakda ng paaralan.
_____5. Maging magalang at sumunod sa mga tagubilin ng mga
magulang upang mapanatili ang maayos na pagsasamahan.

2
Aralin
Pamilyang Nagkakabuklod
8 Pagkamasunurin

Balikan

GAWAIN: Isalaysay Mo

Alalahanin at ibahagi ang iyong naging karanasan na nagpapakita


ng pagiging isang masunuring anak. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Tuklasin

Sa bahaging ito matutuhan mong sagutin ang mga katanungan ukol


sa paksa sa pamamagitan ng pagbasa ng Bible Verse. Inaasahan ang
iyong lubusang pag-unawa. Handa ka na ba? Dumako na sa kasunod na
pahina at simulan ng gawin.

3
GAWAIN 1: Tanong-Sagot

Panuto: Batay sa binasang “Bible Verse”, sagutin ang mga tanong. Isulat
ang sagot sa inyong kuwaderno.

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, alang-


alang sa Panginoon sapagkat ito ang nararapat. Igalang mo
ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na
pangako: “Maging maganda at mahaba ang iyong buhay sa
lupa.”

Efeso 6:1-3

Sa gawaing ito masusubukan ang iyong kakayahan sa pag unawa


ng iyong binasa mula sa Bibliya. Kinakailangan mong unawaing mabuti
ang bawat salitang nais na ipahayag upang masagot mo ng wasto ang
mga katanungan. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Sino ang dapat na sundin ng mga anak?


2. Ano ang pangakong nabanggit kapag sinunod mo ang utos na
igalang mo ang iyong mga magulang?
3. Sa pagpapalaki ng mga anak, ano ang paalala sa mga magulang?

4
Suriin

Gawain 2 : Pagnilayan

Panuto: Gamitin ang talaan ng mga tuntunin na dapat mong sundin.


Lagyan ng tsek ( / ) ang angkop na hanay kung kailan mo ito
naisagawa.

Mga tuntunin Madalas Bihira Hindi

1. Iniingatan ko ang mga aklat


na aking ginagamit

2. Itinatapon ko ang mga


basura sa tamang lalagyan.

3. Nagsusuot ako ng facemask


upang ligtas sa virus ng Covid
19.

4. Nagdarasal ako bago


matulog at pagkagising.

5. Tumatawid ako sa tamang


tawiran.

Gawain 3: Word Hunt

Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang humanap ng mga


salitang bubuo sa iyong kaisipan tungkol sa mga salitang naglalarawan
ng mga tuntunin na iyong sinusunod.

Panuto: Gamitin ang word puzzle. Hanapin ang mga salitang


naglalarawan ng mga tuntunin na iyong sinusunod. Bilugan ang salitang
mabuo. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

5
1. Tumutulong ako sa mga gawain.
2. Bumibili ako ng mga bagay na kailangan lamang.
3. Sinusunod ko ang pagsuot ng face mask sa tuwing ako ay lalabas
ng bahay.
4. Gumagamit ako ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga
nakatatanda.
5. Ginagawa ko ang mga tagubilin sa akin.

A B M A A A S A H A N M
B A K O S T A H A N A A
M A T U L U N G I N M T
A K L M N O A D F R A I
S L I G K L M B D B G P
U S A P A N B U H A A I
N A G H A P K A U S L D
U S A P A N G K I D A P
R O U D M A S A Y A N R
I A T U L O N G B A G U
N A L I B R K D U P P S

Pagyamanin

Bilang mag-aaral, sa bahaging ito ay masusubok ang iyong lubos


na pag-unawa sa paksa sa pamamagitan ng wastong pagsagot sa
pagsasanay.

6
GAWAIN 4: Graphic Organizer

Ngayon ay iyong ibahagi ang mga mahahalagang tuntunin na iyong


sinunod at nakapagbigay ng kaligayahan sa inyong mag-anak. Gamitin
ang pormat sa ibaba para sa iyong sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga Tuntuning
Aking Sinusunod

Isaisip

Sa bahaging ito ay magsasagawa ka ng gawaing magpoproseso sa iyong


mga natutunan sa iyong aralin.

GAWAIN 5: Makulay na Buhay

Panuto: Kulayan ng asul ang kahon kung araw-araw mong


ginagawa ang mga tuntuning nakalahad, dilaw kung bihira at pula naman
kung hindi.

7
Mga Tagubilin sa Akin

Kusang loob kong ginagampanan ang mga gawaing bahay na


nakatakda sa akin.

Madalas kong sabihin ang salitang “wait lang” kapag ako ay


inuutusan.

Isinasauli ko ang sobrang sukli ng tindera.

Magsuot ng face mask upang maging ligtas sa virus ng COVID


19.

Maging malinis sa pangangatawan upang malayo sa sakit.

Isagawa

Gawain 6: Sariling Pagpapasya

Sa gawaing ito ay magsasagawa ka ng mga gawaing makakatulong


sa iyo.

Panuto: Isiping ikaw ang batang nasa gitna sa mga larawang nakapaligid
sa iyo. Piliin at bilugan lahat ng mga tuntunin na dapat mong sundin.

8
B.

A.
C.

D. E.

9
Tayahin

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang sitwasyon ay


nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng mga mag-anak at
malungkot ( ) kung hindi.

______1. Naisasagawa ang paglilinis sa aming bakuran.


______2. Gumigising ng maaga upang hindi mahuli sa klase.
______3. Nakikipag-away ako sa kapwa bata o kaklase kapag natalo ako
sa laro.
______4. Nagdadabog ako kapag inuutusan.
______5. Tumutulong ako sa pagtatanim ng mga sari-saring gulay sa
likod bahay.

10
Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at unawain ang nakasaad sa panuto upang


maisagawa mo ito ng maayos at wasto.

Ipagpalagay mo na ang nakaguhit na puno ay ang iyong


pamilya. Ang malaking ugat ay ang iyong mga magulang. Sa katawan
ng puno, isulat ang mga tagubilin o inuuutos sa iyo ng iyong mga
magulang hanggang sa ikaw ay maging isang mabuting bunga. Isulat
ang iyong pangalan bilang isang bunga.

______ Ako bilang bunga.

Mga tagubilin sa akin.


_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_______________

Ang aking mga magulang.


___________________________________
___________________________________

11
12
PAGYAMANIN MO
Gawain 4 Graphic
Organizer
-Depende sa sagot
ng bata.
SURIIN MO
Gawain 3: Word ISAISIP MO
Hunt Gawain 5 Makulay
na Buhay
1. Matulungin
-Depende sa sagot
2. Matipid Tayahin ng bata.
3. Masunurin
4. Magalang ISAGAWA MO
5. Maaasahan
1.
Gawain 6 Sariling
2. Pagpapasya
3. A, B, D, E
TUKLASIN MO 4.
Gawain 1 Tanong
Sagot 5. Subukin Mo
1. Mga
1.
magulang
2. Ikaw ay 2.
giginhawa at BALIKAN
lalawig ang MO
iyong buhay 3.
rito.
Depende sa
3. Palakihin sila sagot ng bata.
sa tuntunin at 4.
aral ng
panginoon. 5.
Susi Sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Aklat

Victoria V. Ambat, et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao (


Patnubay ng Guro) Pahina 17-18

Letecia A. Bautista
Elynor E. Castaneda, Life’s Treasures (Reference Book)
Pages 110-113

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

13

You might also like