EsP10MP Ia 1.2 v4 Final 1

You might also like

You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.2(Week 1):
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at
Kilos-Loob
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1.2 (Week 1): Ang Mataas na Gamit at Tunguhun ng Isip at
Kilos-Loob
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ruth Angelie S. Carin
Editor: Jane O. Gurrea
Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.
Tagaguhit: Ruth Angelie S. Carin
Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin
Management Team
Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao
Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores
EPS in LRMS Mr. Isaiash T. Wagas
EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province


Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax : (032) 255-6405
E-mail Address : cebu.province@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit
at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip
at Kilos-Loob!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iv
Binubuo ito ng mga gawain para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
Karagdagang Gawain
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

v
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ka bilang


mag-aaral. Ito ay para tulungan kang maintindihang-lubos ang konsepto ng isip
at kilos-loob. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay-daan upang magamit
sa iba’t ibang kalagayan ng pagkatuto.

Ang wikang ginagamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng


bokabularyo ng bawat mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang
karaniwang pamantayan ng kurso. Ngunit ang pagkakasunud-sunod kung saan
mo basahin ang mga ito ay maaaring mabago upang magkatugma sa aklat na
ginagamit mo ngayon.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na nakikilala ang kanyang mga


kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upamg
malagpasan ang mga ito (MELC EsP10MP-Ia-1.2).

1
Aralin
Ang Mataas na Gamit at
2 Tungkulin ng Isip at Kilos-Loob

“Ang tanglaw ay nagliliwanag sa kadiliman, at ang kadiliman ay hindi ito magapi (Juan
1:5)." Ipinapakita ng banal na kasulatan na hangga't kilalanin mo at magpasya na maaari mong
pagtagumpayan ang anumang hamon, magagawa mo. Kahit ano pa ito. Kilalanin ang mga
bagay na makakatulong sa iyo na harapin ang mga hamong ito habang tinatalakay ang
nakatakdang aralin.

Subukin

Sa nakaraang aralin, ating tinalakay ang batayang konsepto at tinukoy ang gamit at
tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon. Bago tayo magpatuloy sa araling ito,
sagutan sa iyong kwaderno ang tanong na:

Paano ginagamit nang wasto ang isip at kilos-loob ng tao?

Gamitin ang rubriks sa ibaba para sa gawaing ito:

2
Balikan

Sa nakaraang aralin ay iniatas ito bilang karagdagang Gawain. Gamit ang sipi sa ibaba,
sagutan sa iyong kwaderno ang mga tanong matapos mabasa ang komiks.

1. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Tiboy na walang mali ang mangopya dahil ginagawa din ito ng
iba? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
2. May katotohanan ba na hindi big deal ang pangongopya dahil ang mahalaga pasado ka?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
3. Ano ba ang mas mahalaga tagumpay o prinsipyo? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________

3
Gamitin ang rubriks sa ibaba para sa gawaing ito:

4
Tuklasin
GAWAIN
Pag-aralan ang argumentong nakasulat sa una at ikalawang hanay. Gamit ang iyong
kwaderno kopyahin ang talahanayan at itala ang iyong reaksiyon sa ikatlong hanay. Sagutan
din sa kwaderno ang mga pagtatalakay na tanong sa ibaba .

1. Sa gawaing ito, ano ang natuklasan mo sa ukol sa kakayahan ng iyong isip?


2. Sa iyong katwiran, ano ang pinagbatayan mo sa iyong reaksiyon? Ang iyong kilos-loob ay
paano nito naapektuhan?
3. Ang pangongopya ng iilan ay makatarungan ba?

Gamit sa Pagsusuri:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 30%

5
Suriin

Sa bahaging ito, ating palawakin ang iyong pag-unawa sa wastong gamit at tunguhin
ng isip at kilos-loob para makagawa ka ng konkretong hakbang sa iyong mga pagpapasya.

Wastong Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob


Naiiba ang tao sa ibang nilikha dahil may mga katangian at kakayahan ang tao na
nagpapabukod-tangi rito. Ang paggamit sa mga kakayahang ito ay makakatulong sa proseso
ng pagdedesisyon sa anumang sitwasyon na nasasangkot ang isang tao.

Ayon ka Brenan (1948), ang tatlong kakayahang nagkakapareho ang tao at hayop ay
ang pandama na pumupukaw sa kaalaman; pagkagusto (appetite) na pinagmumulan ng
pakiramdam; at emosyon at pagkilos o paggalaw (locomotion). Parehong may taglay na
kakayahan ang tao at hayop. Nagkakaiba lamang ng paraan sa kung paano ito.

Ang hayop ay may kamalayan sa kanyang kapaligiran. May matalas syang kakayahan
o pacultad upang kilalanin ang nakikita; ang tunog o amoy ng kanyang paligid na maaaring
may kaugnayan sa kanyang buhay.

Naiiba ang tao sa ibang nilikha. Ang tao ay may isip upang makaalam, makaunawa, at
manghusga bukod sa likas na kakayahang pandama. Ang tao ay may kakayahang magbuod at
maglakip ng kahulugan sa sitwasyon o karanasan na makakatulong upang maunawaan ang
kaalamang nakuha. Nakakapangatuwiran din ang tao sa pamamagitan nga paghuhusga sa
sitwasyon o karanasan niya. Bukod sa damdamin, maaari din magnais o umayaw ng tao dahil
sa mayroon siyang malayang kilos-loob. May kakayahang pigilin ng tao ang pandama at
emosyon upang mailagay ang paggamit nito sa tamang direksyon. Maaaring pigiling ng tao
ang kanyang emosyon, piliin ang kanyang nahahagilap sa mata, o naririnig sa paligid upang
hindi makasama sa sarili at sa pakikitungo sa kapwa. Isang halimbawa ay maaaring sabihin sa
sariling “masarap uminom ng malamig na softdrink pero teka muna, hindi pwede sa akin yan.”
Isang pang halimbawa ay “dahil galit ka sa iyong kapatid, gusto mong pagsalitaan ng masasakit
na salit. Ngunit, kung gagawin mo iyon ay magkakagulo at magkakalamat ang aming relasyon
bilang magakakapatid. Kaya kailangan mong huminahon at daanin sa kalmadong usapan.”
Ang mga halimbawang nabanggit ay mga kakayahang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang
nilikha.

6
Pagyamanin

Punan ang tamang konsepto ang graphic organizer. Pumili ng sagot sa ibaba at sagutan
sa iyong kwaderno.

Isaisip

Gawaing Paglalapat
Sa iyong kwaderno, ipaliwanag sa pamamagitan ng sanaysay ang konseptong
ipinapahayag ng kasabihang ito:

“Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang


maimpluwensiyahan ang kilos – loob”.

Pagsusuri sa sanaysay:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinal 20%
d. Kalinisan 10%

7
Isagawa

Sa iyong kwaderno, sumulat ng isang karanasan sa buhay na ginamit mo ng tama ang


iyong isip at kilos-loob.

Gamitin ang rubriks sa ibaba para sa gawaing ito:

8
Tayahin

Gumawa ng isang slogan sa isang buong cartolina na binubuo ng sampu hanggang


labinlimang salita gamit ang temang “Isabuhay: Tamang Paggamit ng Isip at Kilos-loob Tungo
sa Paghanap ng Katotohanan, Paglilingkod at Pagmamahal”. Itataya ang gawa sa
pamamagitan ng mga kratirya na ito:

a. Angkop sa Paksa 40%


b. Paggamit ng Salita 30%

c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%

Karagdagang Gawain
Magsaliksik at isulat sa iyong kwaderno ang mga nakalap ukol sa mga isinasaad na paksa
nang hindi bababa sa limang pangungusap bawat isa:

 Kalikasan ng Tao
 Tamang Paggamit ng Isip
 Kilos-loob
Gamitin ang rubriks sa pagtataya na nasa ibaba:

9
10
Pagyamanin
ISIP
karunungan
Birtud
pag-ibig
KILOS-LOOB
mag-isip
pumili
Malaman ang katotohanan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Arnderson, P.(2020). Bible Verses About Overcoming Adversity, Struggles And Hardship. Bible
Money Matters. https://www.biblemoneymatters.com/bible-verses-about-
overcoming-adversity-struggles-and-hardship/.

Arnedo, P.J., Brizuela, M.J., et.al. (2015). Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao. P.21-41: FEP
Printing Corporation, Pasig City.

Brenan, R. (1948). The Image of His Maker. Milwaukee: The Bruce Publishing Company.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: cebu.province@deped.gov.ph


12

You might also like