You are on page 1of 19

5 Arts

Ikalawang Markahan–Modyul 1
Mga Natural at Makasaysayang
Lugar na Matatagpuan sa Pilipinas
A5EL-IIa
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Natural at Makasaysayang Lugar na Matatagpuan
sa Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

Manunulat: Angello P. Peñaranda, Roderic C. Mendoza, Jennifer S. Santos,


Erisa R. Concepcion, Gian Carlo C. Lopez, Roland C. Barbecho,
Arlene C. Martorillas
Editor: Gian Carlo C. Lopez
Tagasuri: Erisa R. Concepcion, Roland C. Barbecho
Tagaguhit: Roland C. Barbecho, Arlene C. Martorillas
Tagalapat: Gian Carlo C. Lopez

Management Team
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto Jr., Ed.D
Chief, Curriculum Implementarion Division
Rainelda M. Blanco, Ph.D
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, Ph.D
EPS-Division ADM Coordinator
Marquez T. Cartel
EPS - MAPEH
Glenda S. Constatino
Project Development Officer II
Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
5

Arts
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mga Natural at Makasaysayang
Lugar na Matatagpuan sa Pilipinas
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Sining 5 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Natural at Makasaysayang Lugar na
Matatagpuan sa Pilipinas !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Sining 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Mga Natural at Makasaysayang Lugar na Matatagpuan sa
Pilipinas!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


Subukin na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kamusta mga bata? Magandang araw. Nakapasyal at narating mo na ba ang


mga magaganda at makasaysayang lugar? Ano ang nag-udyok sa iyo na pumunta
doon? Ano-ano ang mga magaganda at makasaysayang lugar na iyong napuntahan?
Ano ang masasabi mo sa mga lugar na ito?

Ang araling ito ay magdadala sa iyo na makapunta sa iba pang mga


magaganda at makasaysayang lugar na hindi mo pa napuntahan.

Ang modyul na ito ay lilinang sa iyong kasanayan sa:


 Naipapaliwang ang complementary color sa mga natural na magagandang
tanawin na nakita at makasaysayang mga lugar sa komunidad na naitala na
kabilang sa Pandaigdigang Pamanang Pook o World Heritage Site ( hal.
Hagdan hagdang palayan ng Cordillera; Simbahan ng Paoay; Simbahan ng
Miag-ao; anyong kalupaan ng Batanes, yungib ng Callao sa Cagayan;
pamanang pamayanan ng Vigan, Ilocos Norte; at ang Torogan sa Marawi)

 Natutukoy ang Complementary Color –ang mga kulay na direktang


magkaharap sa color wheel.

1
Subukin
Piliin sa loob ng kahon ang wastong pangalan ng lugar na nasa
larawan. Isulat it sa inyong sagutang papel.
Tulay ng San
1. 2.
Juanico

Chocolate Hills

Luneta Park

3. 4. Hagdan-hagdang
Palayan ng
Cordillera
Anyong kalupaan
ng Vigan

Aralin Mga Natural at Makasaysayang


Lugar na Matatagpuan
1 sa Pilipinas

Balikan

Sumulat ng sampung (10) pangalan mga tanyag at makasaysayang lugar na


matatapuan sa Pilipinas kabilang ang ating lugar. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1
Tuklasin

Handa na ba kayo? Halina at tayo’y mag-isip! Suriin kung anu-ano ang


inilalahad sa mga larawan at sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Anu-ano ang mga nakikita mo sa larawan? Ilarawan ang mga ito.


________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Alin sa mga ito ang napuntahan mo na?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Kung pagbibigyan ka ng pagkakataon, alin sa mga ito ang gusto mong puntahan?
At bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2
Suriin

Ang mga tanawin ay lubhang nakabibighani hindi lamang dahil sa


kagandahan nitong taglay kung hindi dahil na rin sa kasaysayan at kultura sa likod
ng mga ito.

Ang Pilipinas ay tunay ngang masasabing naiiba at natatangi ang angking


ganda sapagkat matatagpuan rito ang mga likas na tanawin at mga makasaysayang
pook na nabibilang sa listahan ng mga tinaguriang mahahalagang pamanang
tanawin sa mundo. Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga ito:

Ang Rice Terraces ng Cordillera

Ito ay isa sa mga pambihirang tanawin na


matatagpuan sa mga bulubundukin ng Cordillera,
sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Ang mga Ifugao
at iba pang mga taga-Cordillera ay tinatawag itong
Páy-yo. Katunayan, ito ay pinarangalan bilang isa
sa Pandaigdigang Pamanang Pook o World
Heritage Site ng United Nations Educational,
Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
Ang Simbahan ng Paoay

Ito ay isang gusaling may malaki at malawak na


anyo at may mala-krus na hugis o parihaba. Ito rin
ay may makakapal na dingding na pinatibay ng
makakapal na poste lalo na sa panahon ng lindol.
Ito ay isa sa mga simbahan na napasama sa
listahan ng UNESCO bilang Mahalagang
Pamanang Tanawin sa mundo.

Ang Simbahan ng Miag-ao sa Iloilo


Ang simbahang ito ay kilala rin bilang Simbahan
ng Sto. Tomas de Villanueva na itinayo noong
1786. Ito rin ay naging bahagi sa listahan ng
UNESCO bilang Mahalagang Pamanang
Tanawin sa mundo dahil sa katangi-tangi ang
estilong arkitekto nito. Ito ay tinatawag na estilong
Rococo noong ika-18 siglo sa huling bahagi ng

3
panahong Baroque. Taglay ng disenyo ng simbahan ang mga anyong tunay na
kaloobang Pilipino.

Ang Anyong Kalupaan ng Batanes


Ang anyong lupang ito ay binubuo ng matatarik
na gulod, mabababang burol, mabatong mga gilid
sa bundok pababa ng dagat at malalalim na
kanyon. Ang mga Ivatan ay nakatira sa bahay na
bato na gawa sa apog (limestone) at dahon ng
kogon sa kadahilanang ang Batanes ay madalas
dalawin ng bagyo. Tunay na kakaiba ang likas na
ganda ng Batanes sapagkat ang sinumang
dahuyan ay namamangha sa kagandahan nitong
taglay.

Ang Yungib ng Callao sa Cagayan


Ito ay isa sa mga yungib na apog na matatagpuan
sa bayan ng Peñablanca, Cagayan. Isa ito sa 300
na yungib na kilala bilang likas na pang-turistang
atraksyon ng lalawigan. Peñablanca ang
ipinangalan sa bayan na ito na ang ibig sabihin ay
“mga puting bato” sapagkat mayroong mga puting
batong apog na matatagpuan sa bayan pati na rin
sa yungib ng Callao.

Ang Pamanang Pamayanan ng Vigan

Ito ay isa sa mga iniingatang mahahalagang lugar


ng kultura at kasaysayan sa buong mundo ng
UNESCO. Ang pamayanang ito ay binubuo ng
mga tirahan na tinatawag na bahay na bato. Ang
pamayanan ay nabuo mahigit isang daang taon
na ang nakalilipas at nananatiling buhay dahil sa
tibay ng pagkakagawa ng mga gusali rito.
Matatagpuan dito ang mga komersyal,
panrelihiyon at pampamahalaang institusyon.

Ang Torogan sa Marawi


Ang Torogan ay isang mahalagang tanawin na
matatagpuan sa Timog, Marawi. Ito ay isang
malaking tirahan na gawa sa kahoy at nakatayo
sa malaking poste na pinalamutian ng panalong
(ang katutubong disenyong Muslim na
Sarimanok) at Naga na inukit sa kahoy. Dito

4
naninirahan ang pinakamataas na antas ng tao sa kanilang lipunan gaya ng mga
pinuno o ang datu ng Maranao.

Ang mga nabanggit at tinalakay na mahahalagang pamanang tanawin sa


Pilipinas ay mga lugar na nagbibigay at nagsasaad ng mahahalagang kaalaman
tungkol sa buhay ng mga tao sa mga nakaraang panahon. Ito ay nagpapatunay na
ang ating bansa ay mayaman sa kultura at kasaysayan.

Harmony sa Paglikha ng Lanscape Painting

Marami ng pintor ang sumubok at gumamit ng mga nabanggit na


mahahalagang pamanang tanawin sa Pilipinas bilang isang paksa sa mga likhang
sining. Landscape painting ang tawag sa mga likhang sining na gamit ang mga likas
na tanawin.

Ang harmony o pagkakaisang diwa ay ang maayos at kaakit-akit na


pagkakaayos ng mga kulay at iba pang element tulad ng mga linya at hugis upang
makalikha ng magandang kabuuan.

Sa paggamit ng tama at wastong kombinasyon ng kulay sa isang likhang sining


ay maipapakita ang tinatawag na harmony. Makikita ang color wheel sa ibaba bilang
gabay sa paggawa ng likhang sining.

Ang mga Complimentary Colors

Ang mga kulay na direktang magkaharap sa color wheel ay tinatawag na mga


complementary color. Makabubuo ng kulay abo, puti, at itim kung ang mga kulay na
makaharap ay paghahaluin. Ngunit kung ang mga ito ay gagamiting kombinasyon sa
pagkukulay sa isang likhang sining, ito ay makapagbibigay ng natatanging ganda sa
isang sining lalo na isang landscape painting kasama rin ang wastong paggamit ng
iba pang elemento at prinsipyo sa paggawa ng nito.

5
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Kilalanin ang sinasaad sa bawat bilang.

__________ 1. Ito ay isang malaking tirahan na gawa sa kahoy at nakatayo sa


malaking poste na pinalamutian ng panalong at Naga na inukit sa
kahoy.

__________ 2. Ito ay isang gusaling may malaki at malawak na anyo at may mala-
krus na hugis o parihaba. Ito rin ay may makakapal na dingding na
pinatibay ng makakapal na poste lalo na sa panahon ng lindol.

__________ 3. Ito ay isa sa mga pambihirang tanawin na matatagpuan sa mga


bulubundukin ng Cordillera, sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

__________ 4. Ito ay binubuo ng mga tirahan na tinatawag na bahay na bato.


Matatagpuan dito ang mga komersyal, panrelihiyon at
pampamahalaang institusyon.

__________ 5. Ito ay binubuo ng matatarik na gulod, mabababang burol, mabatong


mga gilid sa bundok pababa ng dagat at malalalim na kanyon.

Gawain 2

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng iba pang mahalagang


pamanang tanawin sa Pilipinas. Gamitin ang wastong kombinasyon ng kulay
o harmony sa pamamagitan ng color wheel sa paggawa ng isang landscape
painting. Gawin ito sa iyong kwaderno.

6
Gawain 3

Panuto: Isalaysay kung paano mo mabibigyang halaga ang isang mahalagang


pamanang tanawin tulad ng iyong ginawang larawan. Isulat ang iyong sagot
sa kwaderno.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Ano-ano ang mga natural at tanyag na mga makasaysayang lugar sa Pilipinas?


Paano nakatulong ang sining na ginamit sa mga lugar na ito sa turismo at ekonomiya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga natural at makasaysayang lugar


tanawin na makikita sa ating bansa. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga
Cloud Graphic Organizer.

Ang Kahalagahan ng
mga Natural at
Makasaysayang
Lugar sa Ating Bansa

7
Tayahin

Gawain 1
Panuto: Pangalanan ang sumusunod na mga natural at makasaysayang mga larawan
sa ating bansa. Isulat ang iyong sagot sa mga linyang nakalagay sa ibaba ng
bawat larawan.

1._____________________ 2.____________________ 3.___________________

4.___________________ 5.___________________

Karagdagang Gawain

Pagguhit at Pagpinta ng isang Makasaysayang pook dito sa Pilipinas.

Kagamitan: lapis, papel, water container, water color at brush

1. Umisip ng isang larawan na iyo ng napuntahan o nakita na. Gamitin ang iyong ala
ala upang ito ay iyong maiguhit.
2. Iguhit sa pamamagitan ng lapis.
3. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang
paggagawaan.
4. Isawsaw ang brush sa water color at ipang-kulay. Maaaring gumamit ng iba’t
ibang istilo sa pagpipinta. Gawing gabay din ang mga istilo inyong natutuhan.
5. Patuyuin

8
6. Iligpit ang mga gamit.
7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain

Panuto: Bigyan ng kaukulang puntos ang antas ng iyong naisagawa batay sa rubrik
at pamantayan sa pagguhit.

RUBRIK PARA SA PAGSASALAYSAY


Pamantayan Higit na Nasunod Hindi
nasunod ang ang nasunod ang
pamantayan pamantayan pamantayan
sa pagsulat sa pagsulat sa pagsulat
ng salaysay ng salaysay ng salaysay
(5) (3) (2)
1. Nakapanghihikayat ang
introduksyon. Malinaw na
nakalahad ang pangunahing
paksa ng salaysay.
2. Mahusay na naipaliwanag kung
paano bibigyang halaga ang
mga pamanang tanawin.
3. Walang mali sa gramar, baybay
at gamit ng bantas, may
mayamang bokabularyo
4. Malinis at maayos ang
pagkakasulat.

RUBRIK SA PAGGUHIT

Pamantayan Higit na Nasusunod Hindi


nasusunod ang nasusunod
ang pamantayan ang
pamantayan sa pagbuo pamantayan
sa pagbuo ng ng likhang sa pagbuo
likhang sining ng likhang
sining (3) sining
(5) (2)
1. Ang buong canvas o papel ay
napinturahan nang maganda at
makatotohanan at walang
naiwan na puting bahagi.
2. Naiguhit nang maayos ang mga
hugis at anyo ng tanawin sa
likhang sining.
3. Naipakita ang iba’t-ibang istilo at
teknik sa pagpinta
4. Nakikita ang malikhaing
paggamit ng sari-saring kulay at
kumbinasyon ng mga kulay.

9
10
Balikan Natin: Pagyamanin
Maaaring magkaiba ang sagot Gawain 1
1. Ang Torogan sa Marawi
2. Ang Simbahan ng Paoay
Subukin Natin 3. Ang Rice Terraces ng Cordillera
4. Ang Pamanang Pamayanan ng Vigan
1.Luneta Park 5. Ang Anyong Kalupaan ng Batanes
2.Tulay ng San Juanico
3.Chocolate Hills Gawin 2
4.Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue
Depende sa guhit ng mag-aaral
Gawin 3
Tayahin
Depende sa sagot ng mag-aaral
1. Anyong Kalupaan ng Batanes
2. Pamayanan ng Vigan
3. Torogan sa Marawi
4. Rice Terraces ng Coldillera Tuklasi
5. Simbahan ng Paoay
Depende sa sagot ng mag-aaral
Karagdagang Gawain
Depende sa guhit ng mag-aaral
(refer to rubric)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Tulay ng San Juanico, Chocolate Hills, Luneta Park, Hagdan-hagdang Palayan ng Bana
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
Copiaco, Hazel, and Emilio Jacinto Jr. Halinang Umawit At Gumuhit 5. Reprint,Gregorio
Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Incorporated. 2016,2016,
pahina 120-135
Ballesteros, Joseph Figueras. Yungib ng Callao. Paco, Manila, Phippines. 2018.
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Yungib_ng_Callao
Ang Pamanang Pamayanan ng Vigan.
https://www.google.com/amp/s/picksfrommystick.wordpress.com/2013/09/09/vintage-
vigan/amp/
Ang Rice Terraces ng Cordillera
https://www.pinterest.de/pin/63050463505911719/?send=true
Ang Anyong Kalupaan ng Batanes. http://canvas.pantone.com/gallery/55540611/batanes
Ang Simbahan ng Paoay.
https://www.trekearth.com/gallery/Asia/Philippines/Ilocos/Ilocos_Norte/Paoay/photo105
920.htm
Ang Simbahan ng Miag-ao sa Iloilo.
https://www.google.com/amp/s/junsjazzimages.wordpress.com/2013/03/30/venerable-
venues/amp/
Ang Yungib ng Callao sa Cagayan.https://www.blogarama.com/destinations-blogs/301650-
turista-trails-blog/5405495-callao-cave-penablanca-reclusive-black-white
Ang Torogan sa Marawi.https://.facebook.com/111131982293260/photos/torogan-house-a-
traditional-house-of-maranaos-still-intact-and-located-in-
marawi/1388017957937983/?_rdc=1&_rd

http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

https://www.tripadvisor.co.uk/LocationPhotoDirectLink-g1392978-d7096798-i239786714-
Cotta_Fort-Ozamiz_City_Misamis_Oriental_Province_Mindanao.html

https://www.flickr.com/photos/iloilocity/4993546366

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like