You are on page 1of 20

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng
mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban
Para sa Kalayaan
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7 Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng mga Natatanging
Pilipinong Nakipaglaban Para sa Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhea S. Bautista


Editor: Lope O. De Jesus
Tagasuri: Lope O. De Jesus
Tagaguhit: Laarnie T. Balor
Tagalapat: Fritz Brian B. Balor
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
District Supervisor, Pilar : Teresita R. Ordiales
District LRMDS Coordinator, Pilar : Joseph Ralph S. Dizon, PhD.
School LRMDS Coordinator : Jeramie J. Taclan
School Principal : Angelito M. Licup
District Lead Layout Artist, AP : Joseph Ralph S. Dizon, PhD.
District Lead Illustrator, AP : Laarnie T. Balor
District Lead Evaluator, AP : Lope O. De Jesus

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Pagpapahalaga sa mga
Kontribusyon ng mga
Natatanging Pilipinong
Nakipaglaban Para sa Kalayaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan at Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pagpapahalaga sa mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban
Para sa Kalayaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan at Ikaanim na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapahalaga sa mga
Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban Para sa Kalayaan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sino ang kilala mong Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan? Ano ang ginawa
niya sa ating bansa? Paano mo sila iginagalang at binibigyang halaga? Paano mo
sila ginugunita sa kasalukuyang panahon?

Ito ay ilan lamang sa mga katanungang mabibigyang kasagutan sa modyul na ito

Inaasahang kaya mo na ang mga sumusunod matapos pag-aralan ang modyul na


ito.
1. makilala ang mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan
2. mabigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan

5
Subukin

Bago mo simulang pag-aralan ang bahaging ito, narito ang isang simpleng pagsubok
sa iyong kaalaman ukol sa paksang nabanggit.

Hikayatin ang mga kasama sa bahay na kantahin ang pamaskong awit na nasa
ibaba.

Noche Buena
Sinulat ni: Levi Celerio
Musika ni: Felipe de Leon

Kay sigla ng gabi


Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok at tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro’ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba’t iba

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro’n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng pasko

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro’n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng pasko

Kay sigla ng gabi


Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok at tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro’ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba’t iba

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro’n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng pasko

6
Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro’n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng pasko

Kay sigla ng gabi


Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok at tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro’ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba’t iba

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro’n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng pasko

Sino-sino ang mga dumalo sa piging? Ano-ano ang kanilang mga dinala? Ano ang
naidulot nito sa pamilya? Sa palagay mo, anong klaseng pamilya mayroon ang
nasa awit? Ilarawan mo ito.

7
Aralin Pagpapahalaga sa mga
Kontribusyon ng mga Natatanging
1 Pilipinong Nakipaglaban Para sa
Kalayaan
Kagaya ng pamilya na nasa awit, ang ating mga bayani ay marami ring naging
kontribusyon sa ating bayan. Kung babalikan natin ang mga pangyayaring naganap
bago ang paghahayag ng ating kasarinlan, ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga
aral at halimbawa nang sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating
kalayaan. Sila ay nagpamalas ng pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi.
Itinanim din nila sa ating mga puso’t isipan na ang pagkakaroon ng sariling
pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa. Ipinaranas nila sa atin ang
pagkakaroon ng isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at ipinagmamalaki ng
mga nasasakupan.

8
Balikan

Pumili ng isa sa mga pangyayari na nasa kahon at magbigay ng tatlong


mahahalagang detalye na naganap dito.

Unang Putok sa Panulukan ng Labanan sa Pasong Tirad


Calle Sociego 1. __________________________
1. ____________________ 2. __________________________
2. ____________________ 3. __________________________
3. ____________________

Labanan sa Balangiga
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
matalakay ang ambag o partisipasyon ng mga kababaihan sa
rebolusyong Pilipino.

9
Tuklasin

Sa pamamagitan ng graphic organizer na Fishbone, isa-isahin ang mga natatanging


Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan noong panahon ng digmaang Pilipino-
Amerikano.

Mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban

Ang Kanilang mga Naging Kontribusyon

10
Suriin

Ipikit mo ang iyong mga nata at isipin na ikaw ay isa sa mga Pilipinong nakipaglaban
sa mga Amerikano. Ano ang iyong gagawin? Ano ang iyong mararamdaman?

Bilang kabataan, anong gintong aral ang iyong mapupulot mula sa mga
kabayanihang nagawa ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa
kalayaan n gating Inang Bayan? Paano mo bibigyang halaga ang kanilang
kontribusyon sa pakikipaglaban para sa kalayaan?
________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________

11
Pagyamanin

Pumili ng isa sa mga gawain sa ibaba upang ipamalas o ipakita ang pagpapahalaga
sa kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan.

Awit Skit Patalastas Poster


Lumikha o pumili Bumuo ng skit na Lumikha ng isang Gumuhit ng poster
ng isang awit na nagpapakita ng patalastas na na naglalarawan ng
nagpapahalaga sa nagpapahalaga sa nagpapahalaga sa iyong
kontribusyon ng kontribusyon ng kontribusyon ng pagpapahalaga sa
mga natatanging mga natatanging mga natatanging kontribusyon ng
Pilipinong Pilipinong Pilipinong mga natatanging
nakipaglaban para nakipaglaban para nakipaglaban Pilipinong
sa kalayaan. sa kalayaan. para sa kalayaan. nakipaglaban para
sa kalayaan.

Ang napiling Gawain ay dapat na makasunod sa pamantayan sa ibaba.

Pamantayan
5 4 3 2 1
Naipakita sa Naipakita sa Bahagyang Kaunting- Hindi
nabuo ang nabuo ang naipakita sa kaunti lamang naipakita sa
pagpapahalag pagpapahalag nabuo ang ang nabuo ang
a sa a sa pagpapahalag naipakitang pagpapahalag
kontribusyon kontribusyon a sa pagpapahalag a sa
ng mga ng mga kontribusyon a sa kontribusyon
natatanging natatanging ng mga kontribusyon ng mga
Pilipinong Pilipinong natatanging ng mga natatanging
nakipaglaban nakipaglaban Pilipinong natatanging Pilipinong
para sa para sa nakipaglaban Pilipinong nakipaglaban
kalayaan nang kalayaan. para sa nakipaglaban para sa
higit pa sa kalayaan. para sa kalayaan.
inaasahan. kalayaan.

12
Isaisip

❖ Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y
lumaban at nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Ipinamalas
nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang
pinakadakilang anyo ng pag-ibig.
❖ Ang pagiging mabuting mamamayang Pilipino ay pagpapakita ng
pagpapahalaga sa mga kontribusyon o naiambag n gating mga bayani
para sa ating bayan.
❖ Ang pagmamahal sa bansa ay isa sa mga paraan ng pagpapahalaga sa
ating mga bayani.
❖ Maaari rin na maipakita ito sa pagsasabuhay ng mga katangian,
kultura at kaugaliang kumakatawan sa isang tunay na Pilipino.
❖ Ipagmalaki natin na tayo ay Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.

13
Isagawa

Talakayin ang mga kontribusyon na nagawa ng mga Pilipinong nasa talahanayan


para sa kalayaan at pagkatapos ay maglahad ng emosyon o damdaming naghari sa
iyong puso hinggil sa mga bayaning ito. Sa huli ay sumulat ng kongklusyon kung
paano mapahahalagahan ang kanilang mga ginawa.

Natatanging Pilipino Kontribusyon Emosyong Naramdaman

Pangulong Emilio
Aguinaldo

Heneral Gregorio del Pilar

Heneral Vicente Lukban

Macario Sakay

Heneral Miguel Malvar

Kongklusyon:

14
Tayahin

Isulat ang Tama sa patlang kung ang mga pahayag ay nagbibigay ng pagpapahalaga
sa mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan
at Mali kung hindi.

________ 1. Patuloy na paglalakad sa tuwing umaawit ng Lupang Hinirang.


________ 2. Yumuyuko sa tuwing nakakasalubong ng dayuhan.
________ 3. Mahilig mamili ng mga produktong gawa sa Pilipinas.
________ 4. Ipinagmamalaki sa buong mundo ang lahi na pinagmulan.
________ 5. Pinagtatawanan ang mga tradisyon at kaugalian ng mga Pilipino.
________ 6. Aktibong nakikibahagi sa mga pagdiriwang tulad ng Araw ng Kalayaan.
________ 7. Ipinagmamalaki ang mga Pilipinong kilala sa iba’t-ibang larangan.
________ 8. Mas gustong magsalita ng wikang Ingeles kaysa Filipino.
________ 9. Ipinagdarasal ang sariling bayan, mga lider ng bansa at mga kapwa
Pilipino.
________ 10. Ipinapakita ang pagiging Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.

Karagdagang Gawain

Sa pamamagitan ng isang bukas na liham ay iparating mo sa mga Pilipinong nakipag


Nakipaglaban sa himagsikan ang iyong paghanga at pasasalamat sa kanilang
katapangan at kabayanihan para maranasan mo ngayon ang kalayaan. Isulat ang
iyong liham sa isang buong papel.

15
16
Tayahin
1. Mali
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Mali
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_12_ANG_PANANAKOP_NG_MG
A_.PDF

https://buklat.blogspot.com

https://philippineculturaleducation.com.ph/pasong-tirad/

Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

18

You might also like