You are on page 1of 24

4

EPP Home Economics


Unang Markahan - Modyul 3:
Pagsasaayos ng mga Payak na Sira
ng Kasuotan
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Home Economics – Modyul 3: Pagsasaayos ng mga Payak na Sira ng Kasuotan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Janice D. Mercader


Editor: Leann C. Luna, EdD
Tagasuri: Susana R. Cruz
Tagaguhit: Janice D. Mercader
Tagalapat: Robelyn C. Higuit
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE: Evelyn V. Mendoza
District Supervisor, Mariveles : Francisco B. Bautista
Division Lead Book Designer : Rubie Anne C. Rana
District LRMDS Coordinator, Mariveles : Marjorie M. Palomo
School LRMDS Coordinator : Concepcion D. Carmona
School Principal : Leonila B. Alcid
District Lead Layout Artist, EPP/TLE : Maria Citadel S. Cantillas
District Lead Illustrator, EPP/TLE : Janice D. Mercader
District Lead Evaluator, EPP/TLE : Leann C. Luna, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
4
EPP Home Economics
Unang Markahan - Modyul 3:
Pagsasaayos ng mga Payak
na Sira ng Kasuotan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan - Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) para sa
araling Pagsasaayos ng mga Payak na Sira ng Kasuotan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan - Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) ukol sa
Pagsasaayos ng mga Payak na Sira ng Kasuotan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawainna naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo upang matutunan ng mga mag-aaral sa Ika-apat na


baitang ang tamang pagsasaayos ng payak na sira ng kanilang kasuotan at
maisagawa ito sa kanilang sariling kasuotan.

Inaasahang matututunan ng mga mag-aaral ang araling nakapaloob dito habang


sila ay nasa kani-kanilang tahanan. Ang mga kasama sa tahanan ng mga mag-aaral
tulad ng Lolo, Lola, Nanay, Tatay, Ate, Kuya at iba pa ay maaring makatulong sa
paglinang ng kanilang kakayahan pagdating sa pananahi.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang


mga sumusunod na layunin:

1. Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamamagitan ng


pananahi sa kamay (hal. Pagkabit ng butones); (EPPHE-0b-3.1.2.2)

2. Natutukoy ang kahalagahan ng pagsasaayos ng sirang kasuot

1
Subukin

Piliin ang mga wastong pahayag ukol sa tamang pagsasaayos ng sirang kasuotan.
Isulat ang titik nito sa kahon ng pananahi na nakangiti ☺ at isulat naman ang titik
ng mga pahayag na di-wasto sa kahon ng pananahi na nakasimangot .

A. Sa pagkakabit ng butones, kailangang markahan muna ang lugar na


kakabitan nito.
B. Gumamit ng ibang kulay ng sinulid sa damit na susulsihan.
C. Ang pag-iingat sa pananahi ay gawaing binabalewala.
D. Iba’t-iba ang uri at gamit ng butones.
E. Abot-siko lamang ang hibla ng sinulid.
F. Ang pagsasaayos ng sira ay nagpapabilis sa serbisyo ng kasuotan.
G. Ang butones lamang ang maaaring magamit na pansara ng kasuotan.
H. Ang pagsasaayos ng sira ng kasuotan ay isang paraan ng pagtitipid.
I. Ibahin ang kulay ng sinulid sa butones.
J. Ang nawawalang butones ay dapat palitan ng katulad ng kasamahan.

2
Aralin
Pagsasaayos ng Sirang
1 Kasuotan

Ang pananahi sa kamay ay simple at madali. Maaaring sulsihan ang damit sa


pamamagitan ng pananahi sa kamay. Maging lalaki man o babae ay kinakailangang
matutong manahi. Ang sira ng kasuotan tulad ng tanggal na butones,
otomatiko(snap) at kawit (hook and eye) ay dapat kumpunihin at isaayos.

Ang pagsasaayos ng sira ng kasuotan ay isang paraan ng pagtitipid.

Bawat bata ay dapat matutong magsaayos ng mga sira sa sariling kasuotan. Ang
pagsasaayos ng sira ay nagpapakita ng tiyaga, kasipagan at pagmamalasakit.

3
Balikan

Buuin ang crossword


puzzle. Tingnan natin
kung naaalala mo pa ang
mga kagamitang ginagamit
sa pananahi.

Crossword Puzzle ng Kagamitan sa Pananahi

6.

4. 5.

1.

2.

3.

Pahalang Pababa

Dapat kasingkulay nito ang tela o Dito itinutusok ang karayom at


1. damit na tinatahi 4.
aspile matapos manahi
Dito isinusulot ang sinulid upang Pamutol ng telang tatahiin o damit
2. makapanahi 5.
na susulsihan
Isinusuot sa gitnang daliri ng kamay
upang itulak ang karayom sa Ginagamit na panukat sa telang
3. 6.
pagtatahi tatahiin

4
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang maisaayos
ang payak na sira ng kasuotan tulad ng natanggal na butones,
otomatiko o kutsetes ng damit upang maging kaaya-aya itong tingnan
kapag isusuot muli ang damit.

Tuklasin
Mayroon akong isang tula. Bigkasin
mo ito nang malakas. Lapatan ng
kilos ang tula habang binibigkas.
Maaari mo itong gawin kasabay ang
mga kasama sa bahay upang
maging kasiya-siya at nakaaaliw
ang gawaing ito.

Tanggal na Butones
ni Janice D. Mercader
Masayang umaga aking nasilayan
Nakita ang nanay sa munting tahanan
Nagbatian at nagkumustahan
Di alintana maghapong nagdaan.
Subalit nanay ko’y nagulat sa kanyang nasilayan
Tanggal na butones sa aking kasuotan
Dali-daling kumuha kagamitang gagamitin
Pagsasaayos nitong muli di mabibitin.
Agad-agad nagpalit ng aking kasuotan
Ibinigay kay nanay upang masulsihan
Nagmasid nang mabuti sa kanyang ginagawa
Upang matutunan at maisagawa.
Laking tuwa ko sa nasaksihang paggawa
Hindi ko akalaing ito’y magagawa
Kaya naman ang nanay ako’y tinuruan
Upang maisaayos sira kong kasuotan.
Tanggal o maluwag na butones hindi na maiinis
Ngayong alam ko na kung paanong ito’y di malilihis
Maayos na kasuotan meron na akong muli
Pagka’t ikinabit at isinaayos na itong muli.

5
Ngayon naman ay talakayin natin
ang tulang iyong binasa upang mas
maunawaan mo ang ating aralin.
Sagutin mo ang mga katanungan.
Maaari kang magpatulong sa iyong
mga kasama sa bahay upang
magabayan ka nila sa iyong mga
kasagutan.

1. Sino ang kanyang nakita sa kanilang munting tahanan?


2. Ano ang kanyang naramdaman nang makita niya ang nanay?
3. Ano ang ikinagulat ng kanyang nanay?
4. Isinaayos ba ng nanay ang kanyang natanggal na butones?
5. Gusto niya rin ba na matutunan ang pagsasaayos ng kanyang natanggal na
butones?
6. Ano ang magandang dulot ng pagkatuto niya sa pagsasaayos ng natanggal
niyang butones?
7. Nagkaroon ka na ba ng kasuotang may maluwag o tanggal na butones? Kung
Oo ang iyong sagot, ano ang iyong ginawa?
8. Sa iyong palagay, ano ang kabutihang maidudulot kapag marunong kang
magsaayos ng iyong sirang kasuotan katulad ng natanggal o lumuwag na
butones?
9. Bakit kailangan nating isaayos ang mga nasirang kasuotan?
10. Bilang isang batang nasa ikaapat na baitang, paano ka makatutulong sa
pagsasaayos ng kasuotang may sira?

Suriin

Ang kasuotan ay nagmumukhang maayos at magagamit nang matagal kung wasto


ang pangangalaga rito. Ang pangangalaga sa kasuotan ay kailangan upang ang ating
sarili ay maging kalugod-lugod pagmasdan. Ang damit na may sira tulad ng
natanggal o lumuwag na butones, otomatiko o kutsetes, at kawit (hook and eye) ay
dapat kumpunihin at isaayos.

Bawat isa sa atin, babae man o lalaki ay dapat magkaroon ng kaalaman sa wastong
pagsasaayos ng sira ng kasuotan tulad ng pagkakabit ng natanggal o lumuwag na
butones, otomatiko o kutsetes, at kawit (hook and eye).

Sa pagsasaayos ng sirang kasuotan nararapat rin na malaman mo ang mga


panuntunan upang ika’y maging ligtas habang isinasagawa ang gawaing ito tulad ng
maingat at wastong paggamit ng mga kagamitan sa pananahi, pagpapanatiling
malinis at maayos ng lugar na pinaggawaan, at maayos na pagliligpit ng lahat ng

6
ginamit matapos ang isang gawain. Dahil higit sa kahit ano pa mang kaalaman o
kasanayan na maaari mong matutunan importante pa rin na ika’y maging ligtas.

Narito ang mga pamamaraan ng pagsasaayos ng mga natanggal o lumuwag na


butones, otomatiko o kutsetes, at kawit (hook and eye):

Mga Paraan ng Pagkakabit ng Butones


(Flat Button-two-hole at Four-hole button)

1. Maglagay ng sinulid sa karayom. Ang sinulid ay


dapat na kakulay ng tela at butones na ikakabit.
Ang sukat ng sinulid ay hanggang siko lamang.
Hawakan ang karayom at iikot ang dulo ng sinulid
sa may tulis ng karayom ng 3 beses at hilahin
pababa upang magkaroon ng buhol ang dulo ng
sinulid.

2. Lagyan ng marka ang lugar na kakabitan ng


butones.

3. Itusok ang karayom sa lugar na minarkahan. Isuot


dito ang butones. Siguraduhin na nakabuhol ang
butones.

4. Lagyan ng aspile ang pagitan ng dalawang butas ng


butones.

5. Idaan sa ibabaw nito ang sinulid patungo sa


kabilang butas. Gawin ito nang limang ulit.

6. Ilabas ang karayom sa pagitan ng dalawang


butones at ng tela; alisin ang inilagay sa aspile.

7
7. Iangat ang butones habang ikinakabit ang sinulid sa
tahi upang makagawa ng matibay na shank.

Mga Paraan ng Pagkakabit ng Butones


(Shank Button)

1. Gumawa ng maliit na tahi sa bahagi ng tela na


paglalagyan ng butas.

2. Ipasok ang karayom sa butas ng shank ng


butones. Gawin ito na ang tulis ng karayom ay
palayo sa iyo. Ituloy ang pagtusok ng karayom
sa tela (nakaturo sa iyo ang tulis) tuloy sa butas
ng butones (na nakalayo sa iyo ang tulis). Ulitin
ito ng limang beses hanggang magkaroon ng
sapat na tali na hahawak sa butones.

3. Ibuhol ang sinulid sa pamamagitan ng mga


maliliit na telang malapit sa shank.

8
Mga Paraan ng Pagkakabit ng Kutsetes/Otomatiko

1. Itahi ang isang bahagi ng kutsetes na may


butas sa tela.

2. Ibuhol ang sinulid sa ilalim ng tela nang


hindi makita.

3. Simulan ang pagtusok ng karayom sa mga


butas at ilipat sa ikalawang butas.

4. Gawin ito ng paulit-ulit hanggang sa matahi


ang bahaging ito sa tela.

5. Ganito rin ang gawin sa isa pang bahagi ng


kutsetes.

Ang mga kutsetes o otomatiko(snaps), at kawit (hook and eye) ay laging may
kapares o katapat. Ikinakabit ito sa pagitan ng magkapatong na tela ng
bukasan ng damit. Hindi ito nakikita sa harap kung naikabit na. Ang sinulid
ay dapat kakulay ng damit upang di masyadong mapansin ang tinatahian
nito.

9
Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang mga pamamaraan ng pagkakabit


ng butones, otomatiko at kawit, subukin natin ang iyong
natutunan sa pamamagitan ng gawain na ito.
Narito ang mga larawan ng mga pamamaraan ng
pagkakabit ng butones. Pagsunud-sunurin ang mga
larawan sa pamamagitan ng paglalagay ng titik nito sa
ibaba at pagtukoy kung ano ang mabubuong salita sa
pamamagitan ng pagbasa nito ng pabaliktad.

T N U

S B O

_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____


1 2 3 4 5 6 7

10
Isaisip

Awitin ang nakatala sa ibaba sa tono ng


Leron-Leron Sinta. Ayusin ang mga katagang may
salungguhit batay sa konseptong natutunan mo
sa ating aralin. Maaari kang magpatulong sa
kasamahan mo sa bahay at sabay-sabay niyong
awitin ito at sabayan ng palakpak habang inaawit.

Kaya Natin ‘to


ni Janice D. Mercader

Kung damit mo’y sira, hansisul, inhita


Kakayanin mo ‘to, kakayanin natin.
Kahit bata pa man, nais nang matuto
Tamang soaya-pag ng rangsi mitda ko.

Galtang na nestobu, aking natutunan


Tamang pagkakabit, laging mananahan
Flat button, shank button, uri ng butones
Nalaman ko na rin tahi ng tessekut.

Layku ng dilnusi dapat mong malaman


Tela at butones dapat kakulay rin
Toba kosi man yan tama lang naman yan
Ibuhol sa dulo at simulan na rin.

Tiyaga ang kailangan tayo’y matututo


Yakpa na rasi lang kayang-kaya ito
Mag-iingat lamang sayong pananahi
Husayan mo lamang di ka mahuhuli.

11
Isagawa
Sa bahaging ito ay susubukin natin ang
iyong natutunan sa ating aralin.
Basahin mong mabuti ang mga
pahayag sa bawat bilang. Piliin mo ang
titik ng tamang sagot.
Isulat mo ang iyong sagot sa papel at
ipakita ito pagkatapos sa iyong kasama
sa bahay upang matulungan kang
maitama ito.

1. Habang nag-aayos ng damitan ang iyong kapatid ay napansin mong maluwag


ang isang butones ng kanyang damit, ano ang dapat mong gawin?
a. Pagtawanan ang kapatid dahil hindi maayos ang damit.
b. Huwag na lang pansinin dahil hindi ka naman rin marunong manahi.
c. Sabihin sa nanay na bumili na lang ng bagong damit para sa iyong
kapatid.
d. Sabihin ito sa iyong nanay at magpatulong upang maisaayos ang tahi
ng butones.
2. Habang nananahi ang iyong nanay ay napansin mong nakakalat ang mga
kagamitan niya sa pananahi, ano ang maaari mong gawin?
a. Paglaruan ang mga ito.
b. Ipalaro ang mga ito sa iyong kapatid.
c. Iayos at ilagay ang mga ito sa sewing box.
d. Itapon ang mga ito sa basurahan dahil pakalat-kalat.
3. Natanggal ang kawit ng palda ng iyong ate, nakita mo na ang sinulid na
ginamit niya ay iba sa kulay ng tela ng kanyang tinatahi, ano ang maaari
mong gawin?
a. Hayaan na lang siya dahil mas matanda naman siya sa iyo.
b. Sabihin mo nang maayos na dapat kakulay ng tela ang sinulid na
gagamitin.
c. Pagtawanan mo siya dahil hindi niya pa alam magsaayos ng sarili
niyang kasuotan.
d. Kunin mo ang kanyang tinatahi dahil alam mo na mas marunong ka
kaysa sa kanya.
4. Sinabi ng nanay mo na hindi ka muna ibibili ng bagong uniporme sa pasukan
at isasaayos na lang niya ang mga sira nito, ano ang iyong magiging reaksyon
patungkol dito?
a. Magtatampo dahil wala kang bagong uniporme.
b. Magagalit dahil dapat kapag pasukan bagong uniporme rin.
c. Tatanggapin ko nang maluwag sa dibdib dahil pwede pa namang
maisaayos ang aking uniporme upang magamit itong muli.
d. Sasabihin mo na hindi ka na mag-aaral dahil hindi ka naman bibilhan
ng bagong uniporme na magagamit mo sa pasukan.
5. Binigyan ka ng gawain ng iyong guro na ayusin ang mga payak na sira ng
iyong mga kasuotan, ano ang iyong gagawin?

12
a. Hindi ko susundin dahil hindi naman ako marunong magsaayos ng
mga kasuotan.
b. Ipaaayos ko na lamang sa ate ko dahil napag-aralan naman nila ang
pananahi.
c. Uutusan ko ang nanay ko na manahi para sa akin dahil siya naman
talaga ang dapat magsaayos nito.
d. Magpapatulong ako sa aking mga kasama sa bahay at susubukang
matutunan ang pag-aayos upang ako mismo ang manahi sa mga sira
ng aking kasuotan.
6. Nalaman ng nakababata mong kapatid na marunong ka ng magkabit ng
butones, nais niyang magpaturo sa iyo, ano ang iyong gagawin?
a. Magalit dahil marami kang ginagawa.
b. Turuan siya ng mga maling gawi sa pananahi upang siya ay
mapahamak.
c. Sabihan siya na hindi na niya kailangang matuto dahil marunong ka
naman.
d. Turuan nang maayos ang iyong kapatid na may gabay pa rin ng
nakatatanda niyong kasama sa bahay.
7. Nais mong matutunan kaagad ang tamang pagsasaayos ng sira mong
kasuotan ngunit hindi ka matulungan ng kahit na sino sa mga kasama mo
sa bahay, ano ang gagawin mo?
a. Aayaw na lang dahil wala namang gustong magturo sa iyo.
b. Susubukang matutunan ang wastong pagsasaayos ng mga sirang
kasuotan.
c. Aawayin ang mga kasama mo sa bahay dahil hindi ka man lang
matulungan.
d. Hindi na lang nanaisin pang matuto dahil nandyan naman ang nanay
mo para tulungan ka.
8. Ano ang maaari mong sabihin sa ate mo dahil hindi maayos ang kanyang
kasuotan dahil nilagyan niya lang ito ng pardible?
a. “Ate, hindi ka ba marunong manahi?”
b. “Ate, nakakahiya ka! Hindi ka man lang marunong mag-ayos ng sira
mong kasuotan.”
c. “Ate, hindi magandang tingnan yung pardible sa kasuotan mo. Maaari
ka ring matusok niyan. Pagtulungan po nating ayusin.”
d. “Ate, hindi magandang tingnan ang pardible sa damit mo. Bahala ka
nga dyan! Tutal mas may alam at matanda ka naman sa akin.”
9. Sa iyong pag-aayos ng iyong damitan, nakita mo na marami kang damit na
may sira, ano ang iyong maaaring gawin?
a. Kumpunihin ang mga ito.
b. Isuot ang mga ito kahit may mga sira pa ang mga ito.
c. Itapon na lang ang mga ito dahil hindi na ito magagamit pa.
d. Magpabili na lang ng bago, tutal ay marami naman kayong perang
pambili.
10. Naniniwala ang kuya mo na hindi niya na kailangan pang matutong
magkumpuni ng kanyang mga sirang kasuotan sapagkat ang mga babae
lamang raw ang dapat gumawa ng gawain na iyon. Ano ang maaari mong
sabihin sa kuya mo?
a. “Napakatamad mo talaga kuya!”
b. “Tama ka kuya. Pambabae lamang ang pananahi.”
c. “Namihasa ka po kasi na si nanay ang nananahi para sa iyo.”
d. “Kuya, ang pananahi ay hindi lamang pambabae. Ang bawat isa, lalaki
man babae ay kinakailangang matuto ng pagsasaayos ng sirang
kasuotan.”

13
Tayahin

Sa bahaging ito ay susubuking muli natin ang iyong


natutunang kasanayan sa araling ito. Maaari kang
mamili ng isa sa mga gawain. Pumili ng isa mula sa
mga gawaing nakasulat sa mga damit.

Hingin mo rin ang gabay ng iyong mga kasama sa


bahay bago mo gawin ang gawaing ito. Hayaan mo
ring bigyan ka ng marka ng iyong mga kasama sa
bahay gamit ang mga pamantayan sa ibaba.

Pumili ng isa mula


Humanap ka ng isang
kasuotan na maaaring sa butones, otomatiko o
isaayos sa inyong kutsetes at kawit
tahanan (natanggal o (depende kung ano ang
mayroon kayo sa bahay).
lumuwag na butones,
otomatiko o kutsetes, Tahiin ito sa tela
at kawit(hook and eye). habang sinusunod
Pagkatapos ay isaayos ang wastong paraan
ng pananahi na
mo ito at sundin ang
mga pamamaraan ng napag-aralan.
pananahi sa mga ito.

Mga Pamantayan sa Pagkakabit ng


5 4 3 2 1
Butones
1. Angkop ang butones sa damit/tela.

2. Nasa ilalim ng butones ang buhol.

3. Katamtaman ang sikip/luwag ng tahi.

4. Wasto ang sinunod na hakbang.

5. Malinis ang pagkakatahi.

14
Mga Pamantayan sa Pagkakabit ng
5 4 3 2 1
Otomatiko at Kawit (Hook and Eye)
1. Kakulay ng tela ang sinulid.

2. Katamtaman ang higpit ng tahi.

3. Nasunod ang tamang hakbang.

4. Malinis ang pagkakatahi.


5. Magkatapat ang pares ng otomatiko at
kawit.

Karagdagang Gawain

Suriin ang iyong mga kasuotan sa lagayan nito. Ilarawan ang kalagayan ng iyong
pananamit. Iguhit ang naaayon na reaksyon para rito sa nakalaang mga kahon.

Maayos Magulo

Walang butones,
Kumpleto
otomatiko, kawit

• Kung ang iyong kasagutan ay magulo sikapin mong ayusin ito.


• Kung ang kasagutan mo naman ay walang mga butones/otomatiko/kawit
sikaping ikumpuni ito sa pamamagitan ng paghahanap ng panibagong panara at
maikabit ito nang maayos. Maaari mong balikan ang mga pamantayan sa
wastong pagkakabit ng mga nabanggit.
• Kung ang kasagutan mo naman ay maayos at kumpleto, siyasatin mo naman ang
lagayan ng damit ng iyong mga kasama sa bahay. Kung ang mga kasuotan nila
ay kinakailangang ayusin, ayusin mo ito nang may paggabay ng nakatatandang
miyembro ng iyong pamilya gamit pa rin ang mga pamantayan sa
pagkakabit/pagsasaayos ng mga ito.

15
16
Isagawa Tuklasin:
1. d 6. d 1. nanay
2. c 7. b 2. masaya
3. b 8. c 3. ang tanggal niyang butones
4. c 9. a 4. Oo
5. d 10. d 5. Oo
6. -Naging maayos na ang kanyang damit
Isaisip: -Makakatipid dahil hindi na niya
kailangang bumili ng panibago
- sulsihan, tahiin
7. depende sa sagot ng bata
- pag-aayos ng sirang damit
8. depende sa sagot ng bata
- Tanggal na butones
9. depende sa sagot ng bata
- kutsetes
10. depende sa sagot ng bata
- Kulay ng sinulid
- Abot siko
- Payak na sira
Pagyamanin: Balikan: Subukin:
1. sinulid Nakangiti Nakasimangot
S E N O T U B 2. karayom A B
3. didal D C
4. pin cushion E F
5. gunting H G
6. medida J I
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alviar, H., Maguyon, M. and Alviar, T., 2001. Sa Isip At Gawa 4 Batayan/ Sanayang
Akalat Para Sa Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan-Ikaapat Na
Baitang (Batay Sa PELC Ng DECS). 1st ed. 856 Nicanor Reyes, Sr.St.,: Rex
Book Store, pp.35-43.

De Guzman, A., Hilario, L., Watson, R., Pontigon, H. and Cristobal, G.,
2005. Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan 4. 1st ed. Manila: Rex
Bookstore, pp.11-16.

2016. K To 12 Curriculum Guide: Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan.


DepEd.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like