You are on page 1of 15

EPP-HOME ECO.

ARALIN 17
KASIYA-SIYANG PAGGANAP SA MGA
GAWAING BAHAY
Ang pagganap sa mga nakatakdang
gawain sa bahay ay isa sa mga
mahahalagang sangkap tungo sa maayos
at masayang pamilya. Nararapat lamang
na alam nang bawat kasapi ng pamilya
ang kaniyang tungkulin at malugod niya
itong ginagampanan. Kung ang bawat isa
ay magtutulungan sa pagganap sa mga
nakatakdang tungkulin magiging magaan
ang paggawa at maiiwasan ang
pagkakaroon ng suliranin ng pamilya.
Pag-aaralan sa modyul na ito kung
paano makasusunod sa mga gawaing
nakatakda sa sarili sa mga gawaing
bahay at kung paano maisasagawa ang
mga ito nang may kusang loob.
Inaasahan din na pagkatapos mapag-
aralan ang aralin ukol dito ay
maipakikita ng bawat kasapi ng pamilya
ang kahalagahan ng pagkakaisa sa
pagtugon sa kani-kanilang tungkulin.
1.Bakit kailangang pagpangkat-
pangkatin ang mga gawain sa
bahay?
2.Maliban sa iyo, may iba pa
bang gumagawa sa mga ito?
3.Ano ang pakiramdam kapag
nasunod ang gawaing
nakatakda sa iyo?
a. Paano mapadadali ang
pagganap sa mga nakatakdang
gawaing bahay?
b. Paano kung hindi
makipagtulungan ang ibang
kasapi ng mag-anak, ano ang
iyong gagawin?
c. Bakit kailangang magtulungan
ang bawat kasapi ng mag-anak sa
paggawa ng mga nakatakdang
gawaing bahay?
d. Ano ang maaaring maganap
kung ang bawat kasapi ng mag-
anak ay tulong-tulong sa paggawa
ng mga gawaing bahay?
e. Ano ang magandang kaugalian
Ang sumusunod ay maaaring
maging susi sa pagtutulungan at
pagsusunuran upang
magampanan ang nakatakdang
gawain.
1.Ang pagganap sa tungkulin ay
dapat ginagawa nang bukal sa
kalooban.
2.Bawat isa ay handang tumulong
upang matapos agad ang mga
gawain.
3.Linawin kung paano isasagawa ng
nakatakdang gawain para ito ay
madaling maisakatuparan
4.Maging bukas sa mga mungkahing
maaaring ibigay ng nakatatandang
kapatid o kaya ng iyong mga magulang.
5.Ipadama ang pagmamalasakit at
pagmamahal sa bawat kasapi ng
pamilya habang isinasagawa ang
nakaatang na gawain.
6.Ugaliing sumunod sa napagkasunduan
at sa ginawang talatakdaan.
Gumupit ng larawan mula sa magasin
na nagpapakita ng pagsunod o
pagsagawa ng mga gawaing nakatakda
sa bawat kasapi ng pamilya. Iayos ito
ayon sa iyong gusto. Idikit sa recycled
cardboard at lagyan ng maikling
paliwanag tungkol dito.
Sagutin ang sumusunod. Isulat ang iyong
sagot sa isang buong papel.
1. Ano-ano ang mga gawaing bahay na
nakatakda sa iyo?
2. Paano mo sinusunod ang mga gawaing
nakalista sa talatakdaan?
Nagagawa mo ba ito nang may kusang
loob? Bakit?
3. Nagagawa mo ba ito nang
may kusang loob? Bakit?

4. Ano ang kahalagahan sa


paggawa ng nakatakda sa
iyo ng kusang loob?
Takdang-aralin:
Magpagawa ng isang larawan
na nagpapakita ng pagsunod sa
mga nakatakdang gawaing bahay
tungo sa masayang samahan ng
pampamilya. Palagyan ng
maikling salaysay sa ibaba ng
larawan.

You might also like