You are on page 1of 13

EDUKASYONG

4
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN

HOME ECONOMICS
EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN 4

MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL

Modyul 7.2
KASIYA-SIYANG PAGGANAP SA
MGA GAWAING BAHAY

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat : Camille M. San Agustin – Teacher III/ Mawacat Elementary School


Editor : Maria Carmen M. Evangelista / Education Program Supervisor
Tagalapat : Alzien S. Malonzo – MT-1 / Senior High School in Apalit (Stand Alone 1)
Mica Rose A. Cruz – Teacher 1 / San Pablo Elementary School
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen M. Evangelista – EPS – EPP/TLE/TVL/EsP
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
ALAMIN

Ang pagganap sa mga nakatakdang gawain sa bahay ay isa sa


mga mahahalagang sangkap tungo sa maayos at masayang pamilya.
Nararapat lamang na alam ng bawat isa ang kaniyang tungkulin at
malugod niya itong ginagampanan. Kung ang bawat isa ay
magtutulungan sa pagganap ng mga tungkulin magiging magaan ang
paggawa at maiiwasan ang pagkakaroon ng suliranin ng pamilya.

Sabay-sabay nating alamin kung paano makasusunod sa mga


gawaing nakatakda sa sarili sa mga gawaing-bahay at kung paano
maisasagawa ito ng kusang loob.

Learning Competencies

1.7.2 Paglilinis ng bahay at bakuran


1.7.2.a.Nasusunod ang mga gawaing nakatakda sa sarili sa mga
gawaing bahay
1.7.2.b Naisasagawa ang mga gawaing bahay nang kusang loob at
may kasiyahan

SUBUKIN

Iguhit ang masayang bahay kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap at malungkot na bahay kung hindi.

______1.Ligpitin ang higaan paggising sa umaga.


______2. Hayaang tumubo ang mga ligaw na damo sa bakuran

2
______3. Bawat kasapi ng pamilya ay dapat magtulungan upang
matapos agad ang gawain.
______4.Ugaliing magwalis sa loob at labas ng bahay araw-araw.
______5.Magdabog kapag inuutusan ni tatay.

BALIKAN

Sa nakaraang aralin, ating natutuhan ang mga wastong paraan ng


paglilinis ng bakuran at kung paano naisasagawa ang wastong
paghihiwalay ng basura sa bahay. Ngayon, ating talakayin kung paano
maisasagawa ang mga gawaing bahay nang kusang loob at may
kasiyahan.

TUKLASIN

Ang Kasipagan Sa Tahanan Nagmumula


(Pinoy Edition.com)

Ang pagtulong sa tahanan ay di dapat ikahiya


Ng lahat ng mag-aaral, maging mayaman at dukha;
Ang mag-ayos ng halaman, ang maglaba't mangusina,
Ang maglinis ng tahanan ay isang mabuting gawa.

Ang utos ng ama't ina ay sundin nang buong tamis,


Ang pagsuway at pagdabog sa matanda'y sadyang pangit;
Ang gawaing malalaki ay hatiin nang lumiit,
At sa lahat ng gagawin, paghariin ang pag-ibig.

Yaong pagkamasunuri'y ating pakikinabangan,


Ngunit ang pagkasuwail ay ating pagdurusahan;
Kaya't dinggin ang payo ko, kayong mga mag-aaral,
" Pagpapalain ng Diyos ang tumulong sa tahanan

3
SURIIN

Kulayan ang puso sa loob ng bahay gamit ang pulang krayola


kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kasiya-siyang pagganap sa
mga gawaing bahay at itim na krayola naman kung hindi.

1. Ang pagganap sa tungkulin ay dapat ginagawa ng bukal sa


kalooban.

2. Linawin kung paano isasagawa ang nakatakdang gawain


para ito ay madaling maisakatuparan.

3. Magkunyaring masakit ang ulo para hindi utusan sa mga


gawaing bahay.

4. Maging bukas sa mga mungkahing maaaring ibigay ng


nakatatandang kapatid o kaya ng iyong magulang.

5. Ipagawa sa nakababatang kapatid ang mga gawaing


nakatakda sayo.

6. Ipadama ang pagmamahal at pagmamalasakit sa bawat


kasapi ng pamilya habang isinasagawa ang nakaatang na
gawain.

7. Ugaliing sumunod sa napagkasunduan at sa ginawang


talatakdaan.

8. Manood muna ng iyong paboritong palabas sa telebisyon


bago gawin ang inuutos ni nanay.

4
9. Huwag gawin nang maayos ang mga gawaing bahay para
mabilis matapos.

10. Laktawan ang pagpapakain sa mga alagang hayop


para hindi mapagod.

PAGYAMANIN

Iugnay ang larawan sa tamang salita sa pamamagitan ng guhit.

pag-iigib

paglalaba

paglalampaso

pagwawalis

pagluluto

pagsisibak

pag-aalaga

paghahalamanan

ISAISIP

“Ang batang matulungin saan man


makarating ay pagpapalain”

5
Napakasarap mamuhay sa isang tahanan kung ang lahat ay
ginagawa ang mga kanya-kanyang tungkulin. Lahat ng gawain ay
napapadali kung lahat ay kumikilos.

ISAPUSO
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng pagsunod o pagsagawa ng
mga gawaing nakatakda sa bawat kasapi ng pamilya.

1 2 3
. . .

4.

5.

6. 7. 8.

9. 10
.

6
ISAGAWA

Basahin ang talatakdaan na nasa ibaba. Lagyan ng tsek kung kalian


dapat gawin ang mga sumusunod na gawaing bahay.

Gawain Araw Lingguhan Ayon sa


- pangangailan
araw gan
1. Paglilinis ng kisame
2. Pagwawalis ng sahig
3. Paglilinis ng mga muwebles
4. Paglilinis ng palikuran

5. Pagpapalit ng kurtina

6. Paghihiwalay ng basura
7. Pagdidilig ng halaman
8. Pag-aayos ng bawat silid ng
tahanan
9. Pagwawalis ng bakuran
10. Pagpapakintab/pagbub
unot ng sahig sa sala.

TAYAHIN

A, Basahin at kwentahin
1. Maglalaba si nanay. Bumili siya ng apat na paketeng sabon, 7 piso
ang kada paketa ng sabon. Magkano lahat ang binili ni nanay?

2. Iigib sa poso si Tano. Anim ang dala niyang timba. Hiniram pa niya
ang 2 ni lolo. Ilan lahat ang timbang malalagyan niya ng tubig?

7
3. Sampung putol ang nasibak na kahoy ni tatay, 5 ang kay kuya. Ilang
putol ng kahoy ang nasibak nila?

4. Si nanay at ate ay naglaba ng 12 na pantalon at 5 blusa. Ilang piraso


ng damit ang nilabhan nila?

5. Nag-ani ng 13 kilong talong si tatay sa aming bakuran. Ibinahagi niya


ang apat na kilo sa aming kapitbahay. Ilang kilo ng talong pa ang
natira?

B. Hanapin sa Hanay B ang gawaing bahay na inilalarawan sa hanay A.


Isulat ang wastong sagot sa patlang.

A B

______1. Ito ay ginagawa upang maputol a. Pag-iigib


ang mga kahoy na panggatong.

______2. Ito ang paraan ng pangunguha ng b. Pagsisibak


tubig sa poso gamit ang timba.

______3. Ito ay isang gawain ng pagpapalago c. Paghahalaman


sa mga halaman.

______4. Ito ay kadalasang katambal ng d. Pagluluto


pagdangkot.Ginagawa ito sa labas
at loob ng bahay.

______5. Ito ay paraan ng paghahanda e. Pagwawalis


ng pagkain para kainin.

8
C. Hanapin at bilugin ang mga magandang epekto ng maayos na
paglilinis sa ating tahanan.

M A L I N I S A S M
P T A O D A M E S A
A G K L N R A W I S
M L A N G I T B A I
A B A I T T A G H N
A G U R O A K L A O
Y T M A G A N D A P
O A P A R A L A N B
S A R A L I N S A A
A B A S O P A Y O T
N S I M B A H A N A
B P I S A R A D O N
M A A L I W A L A S
H M A W P T A L A A
A B U L A K L A K W

Kapag tayo ay naglilinis ng maayos ang ating tahanan ay magiging:

1. Ma_______________
2. Ma_______________
3. Ma_______________
4. Ma_______________
5. Ma_______________

9
10
Subukin
1. 104
2.
3.
4.
5.
Suriin
1. pula
2.pula
3. itim
4.pula
5. itim
6. pula
7. pula
8. itim
9. itim
10.itim
Pagyamanin
pag-iigib
paglalaba
paglalampaso
pagwawalis
103
pagluluto
pagsisibak
pag-aalaga
paghahalamann
Modyul 7.2: KASIYA-SIYANG PAGGANAP SA MGA GAWAING BAHAY
11
Isapuso
1. hindi kulayan
2.kulayan
3.hindi kulayan
4.hindi kulayan
5.kulayan
6. kulayan
7. hindi kulayan
8. kulayan
9. hindi kulayam
10. kulayan
Isagawa
1. Lingguhan
2. Araw-araw
3. Lingguhan
4. Araw-araw
5. Ayon sa pangangailangan
6. Araw-araw
7.Araw-araw
8. Ayon sa pangangailangan
9.Lingguhan
10. Lingguhan
Tayahin
A. Basahin at kwentahin
1. 28 pesos
2. 8 na timba ang malalagyan ng tubig
3. 15 putol ng kahoy ang kanilang nasibak
4. 17 piraso ng damit ang nilabhan nila
5. 9 kilo ng talong ang natira
12
B. Pagtambalin
1. b
2. a
3. c
4. e
5. d
C.Hanapin at bilugin
M A L I N I S A S M
P T A O D A M E S A
A G K L N R A W I S
M L A N G I T B A I
A B A I T T A G H N
A G U R O A K L A O
Y T M A G A N D A P
O A P A R A L A N B
S A R A L I N S A A
A B A S O P A Y O T
N S I M B A H A N A
B P I S A R A D O N
M A A L I W A L A S
H M A W P T A L A A
A B U L A K L A K W

You might also like