You are on page 1of 10

1

Araling Panlipunan
Kwarter 2: Modyul 7
Wastong Pagkilos sa
Pagtugon sa mga Alituntunin
ng Pamilya
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kwarter 2, Linggo 7
Modyul 7: Wastong Pagkilos sa Pagtugon sa mga
Alituntunin ng Pamilya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng mga Modyul

Manunulat: Janet B. Bualoy

Editor: Ma. Lourdes B. Brutas


Noel L. Desquitado

Tagasuri: Edgar B. Collantes


Florenia C. Toralde

Tagalapat: Ricky B. Tangtang


Jenalyn B. Vista
Pamagat ng Kagamitan/ Panimula

Sa modyul na ito pag-aaralan mo naman ang mga


wastong pagkilos sa pagtugon sa mga alituntunin ng
pamilya. Maipamamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at
bahaging iyong kinagampanan. Maipapakita mo ang
pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pilipino sa mga
pagsunod ng mga alituntunin ng pamilya.

Layunin:

Nakagagawa ng wastong pagkilos sa pagtugon sa mga


alituntunin ng pamilya

Talahulugan:

alituntunin- Ang mga ugali o gawi na ipinapatupad ng


inyong magulang o nakatatandang kasapi ng Pamilya.

Panimulang Pagsubok:

Sagutin mo ang panimulang pagsusulit sa ibaba upang


mataya ang iyong kaalaman. Sundin ang panuto.

1
Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung wasto
ang sinasabi ng pangungusap ay alituntunin ng pamilya at
malungkot na mukha kung di-wasto.
____ 1. Dumulog sa hapag-kainan na marumi ang kamay.
____ 2. Magsuot ng malinis na damit.
____ 3. Magdabog kapag inuutusan ng nanay.
____ 4. Pumunta sa bahay ng kaibigan na hindi
nagpapaalam.
____ 5. Matulog at gumising nang maaga.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Pag-aralan ang mga larawan.

Source: AP1 DLP p. 113

Makikita sa larawan sa taas na ang bawat miyembro ng


pamilya ay may kanya kanyang alituntuning sinusunod sa
loob ng tahanan. Nagdidilig ng halaman, nagpapakain
ng alagang pusa, naghuhugas ng pinagkainan at
tumutulong sa paglilinis ng bahay.

2
Pag-aralan ang ginagawa ng dalawang bata na nasa
larawan.
Lito Victor

Maagang gumising Tanghali nang gumising

Gumagawa ng kalat sa
Tumutulong sa gawaing bahay
bahay

Nag-aaral nang mabuti Hindi nakikinig sa guro

Kumakain ng Mahilig sa junk foods


masusustansiyang pagkain

Inaaway ang kapatid


Iginagalang ang
nakatatanda
Source: AP1 DLP p. 151-152

3
Sa dalawang bata kailangan mong tularan si Lito dahil
maganda ang kanyang pinapakitang gawain. Sa
ipinakitang kilos ni Victor hindi matutuwa ang kanyang
mga magulang kaya kailangan niyang gayahin ang
ginagawa ni Lito.

Pagsasanay 1
Bilugan ang titik ng larawan na nagpapakita ng mga
alituntunin na dapat sundin.
A B

4
D E

Source: AP1 DLP p. 124-126

Pagsasanay 2
Isulat sa patlang ang W kung wasto ang sinasabi ng
pangungusap at DW kung di-wasto.
____ 1. Itapon ang basura kahit saan.
____ 2. Manood ng telebisyon pagkagaling sa paaralan
____ 3. Gumamit ng po at opo kung nakikipag-usap lalo na
sa matatanda.
____ 4. Tumulong sa mga gawaing bahay.
____ 5. Hayaang nakabukas ang mga ilaw kahit
maliwanag ang sikat ng araw.

5
Pagsasanay 3
Gamit ang concept map. Iguhit sa patlang ang puso
kong ang larawan ay alituntunin na dapat sundin
upang magkaroon ng kalinisan at kaayusan sa inyong
tahanan,at bituin kong hindi.
1. _____ 2. _____

3._____ 4.______

Alituntunin ng
Pamilya sa Tahanan

5._____ . 6._____

Source: AP1 DLP p. 124-128

6
Pangwakas na Pagsubok:
Lagyan ng tsek (√) kung ang sumusunod na sitwasyon ay
nagsasaad ng wastong gawain at X kung hindi.
____ 1. Palaging nanonod ng telebisyon si Peter pagdating
galing sa paaralan.
____ 2. Inaayos ni Joy ang hinigaan bago lumabas sa
kanyang silid-tulugan.
____ 3. Kinakain ni Dan ang masusustansiyang pagkaing
niluto ni nanay
____ 4. Tumutulong sa mga gawaing bahay si Sid na
masayang ginagawa ang nakaatang sa kanya.
____ 5. Gumagamit ng baso sa pagsisipilyo si Ana upang
makitipid sa tubig.

Karagdagang Gawain
Palaging sundin ng mga alituntunin na ipinatutupad ng
iyong pamilya upang magkaroon ng kalinisan at kaayusan
sa tahanan.

7
Susi sa Pagwawasto
Panimulang Pagsubok
1. 2. 3. 4. 5.

Pagsasanay 1
A B C D E
Pagsasanay 2
1. DW 2. DW 3. W 4.W 5. DW

Pagsasanay 3

1. 2. 3. 4. 5. 6.
Pangwakas na Pagsubok
1. x 2. √ 3. √ 4.√ 5. √

Binabati kita sapagkat maluwalhati mong natapos ang


modyul na ito. Hinahamon kita na maipakita ang
wastong pagkilos sa pagtugon sa mga alituntunin ng
pamilya.

You might also like