You are on page 1of 4

IKALAWANG BAITANG

Ikatlong Markahan
MODYUL 1 (Unang Linggo)

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Pagpapakita at pagrepresent ng paghahati-hati
at pagsulat nang tamang equation sa bawat uri ng
sitwasyon katulad ng pantay na paghahati-hati, paulit–ulit
na pagbabawas, equal jumps sa number line at
pormasyon ng pantay na grupo ng mga bagay.

Layunin
Naipapakita at nairerepresent ang paghahati-hati
at pagsulat nang tamang equation sa bawat uri ng
sitwasyon katulad ng pantay na paghahati-hati, paulit–ulit
na pagbabawas, equal jumps sa number line at
pormasyon ng pantay na grupo ng mga bagay.

Balikan Natin
Sagutin ang suliranin.
1. Mayroong 5 plato sa mesa na may tig-aapat na
donut. Kinain nila ate ang 8, ilang donut ang natira?
2. May 10 babae at 5 lalaking anak si Gng. Castro. Kung
ang bawat isa sa kaniyang mga anak ay may
pasalubong na tiglilimang candy, ilan lahat ang candy
na bibilhin niya?
3. Kung pagsamahin natin ang 20 at 10 at imumultiply
natin ang sagot sa 5, ano ang tamang sagot?
4. Alisin ang 59 sa 159 at imultiply sa 4, ano ang tamang
sagot?
5. Idagdag ang 40 sa 100 at imultiply sa 8, ano ang
tamang sagot?
Unawain Natin
Unawain 1: (Equal Sharing)
Pinaghatian ng 3 bata ang 9 na talong.
Ang siyam (9) na talong ay hahatiin natin sa tatlo (3)
sa pamamagitan ng pagdivide.

÷ 3 =

9 3
Paraan:
3 → bilang ng piraso ng talong na nakuha(quotient)
bilang ng bata←3 9 → bilang ng talong na paghahatian
na maghahati sa - 9 (dividend)
talong (divisor) 0

Unawain 2: Repeated Subtraction


Ang siyam (9) na talong ay hahatiin natin sa tatlo (3)
sa pamamagitan ng pagdivide gamit ang repeated
subtraction.
9–3=6
6–3=3
3–3=0
Unawain 3: Equal Jumps in Number Line

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9
Sa pagsasalarawan ng division gamit ang equal jumps
sa number line, ang bilang ng talon ay ang divisor at ang
bilang ng space ay ang dividend. Ang huling bilang na
tinalon ay ang quotient.
Subtraction Sentence
Division Sentence:
9–3=6
6–3=3 9÷3=3
3–3=0

2|P age
Unawain 4: Division Sentence for Formation of Equal
Groups of Objects
Hatiin ang 18 na mansanas sa 6 na basket.

Ang 18 na mansanas ay hinati sa 6 na basket kaya


ang bawat isang basket ay may laman na tig tatatlong
mansanas.

18 ÷ 6 = 3

Ilapat Natin:
Basahing mabuti ang panuto. Bilugan ang letra
nang tamang sagot.
1. Ang 20 pirasong mais ay pinaghiwalay sa 5 bahagi, ano
ang tamang sagot?
a. 3 b. 4 c. 6
2. Ano ang tamang equal jumps sa number line?

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21
a. 21 ÷ 3 b. 20 ÷ 2 c. 18 ÷ 2
3. Ano ang tamang sagot sa 30 ÷ 5 =?
a. 6 b. 5 c. 3
4. Ano ang tamang sagot sa tanong na ito?
Ang 30 pirasong upuan ay hinati sa 3 baitang.
a. 4 b. 5 c. 10
3|P age
5. Ano ang sagot kapag ang bilang na 24 ay hinati sa 4?
a. 5 b. 6 c. 7

Tayain Natin
Basahin ang mga sumusunod sa ibaba at pumili ng isa
sa apat na paraan ng division equation na natutunan.
1. Pinaghatian ng 5 bata ang 10 mangga.
2. Ipinamahagi sa 6 na katao ang 18 kilong bigas.
3. Ibinahagi ang 16 na damit sa 8 pamilya.
4. Ang 6 na basket ng prutas ay ipinamahagi sa 3
bisita.
5. Ipinamigay ni John ang 10 na pares ng sapatos sa 5 na
bata.

Likhain Natin:
Kung ipamamahagi mo ang mga bagay ayon sa
paglalarawan, ilan kaya ang matatanggap ng bawat isa?
1. Dalawang tao 2. Apat na katao

3. Anim na bata 4. Dalawang mag-aaral

5. Dalawang magkaibigan

4|P age

You might also like