You are on page 1of 20

1

MATHEMATICS
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbabawas ng 1-Digit na Bilang
na May Minuend Hanggang 18
Ikalawang Markahan - Ikalimang Linggo

1|P ahi na
MATHEMATICS – Unang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagbabawas ng 1-Digit na Bilang na May Minuend Hanggang 18
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng GLAK

Manunulat: Liezel F. Ferido


Editor: Melody B. Ragudo / Maribel Apdal / Lyndon Badillo
Lorena C. Villanueva
Tagasuri: Flora Vanessa Mora, Ruby Ann M. Merza
Tagaguhit/ Tagalapat: Jacobo C. Gereza, Leslie A. Dela Fuente
Edilyn L. Manio, Hannah Grace F. Eata
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Rachelle Crisostomo-Diviva
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagbabawas ng 1-Digit na
Bilang na may Minuend
Hanggang 18

Panimula

Anong aklat ang paborito mong basahin? Ilang


pahina ang nabasa mo na sa iyong paboritong aklat? Ilan
pang pahina ang kailangan mong basahin para matapos
mo ito? Anong paraan ang maaari mong gawin upang
makuha mo kung ilan pa ang kulang na pahina para
matapos mo ang iyong binabasang paboritong aklat?
Sa pamamagitan ng araling ito, matututuhan mo ang
mga pamamaraan upang mas madaling matukoy ang
mga bilang na nababawas at natitira. Ito ay isang
masayang kasanayan na dapat mong matutunan at
maaaring magamit mo sa araw- araw na pamumuhay.

Kasanayang Pampagkatuto

Visualizes, represents, and subtracts the following


numbers:
• one-digit numbers with minuends through 18
(basic facts)

1|P ahi na
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naipakikita (visualize) ang pagbabawas ng 1-digit na


bilang na may minuend hanggang 18;
2. naisusulat ang tamang pamilang na pangungusap
gamit ang pagbabawas; at
3. nakapagbabawas ng 1-digit na bilang na may
minuend hanggang 18.

Balik Aral

Panuto: Isulat ang simbolo ng pagdaragdag (+) o


simbolo ng pagbabawas (-) upang mabuo ang pamilang
na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa loob ng
kahon.

1. 10 3 = 7
2. 5 5 = 10
3. 7 4 = 3
4. 9 6 = 15
5. 12 7 = 5

2|P ahina
Pagtalakay sa Paksa

Sa tulong ng nakatatanda, basahin nang mabuti ang


suliranin sa ibaba at sagutin ang mga pamatnubay na
tanong.

Si Ryan ay mahilig magbasa ng aklat sa kaniyang silid.


Kapag natapos na niya ang kaniyang pagsagot sa
modyul ay nagbabasa siya ng mga paborito niyang aklat.
Dahil sa mahilig magbasa si Ryan ng aklat, binilhan siya ng
kaniyang ama ng aklat na may 16 na pahina. Tuwang-
tuwa siyang binabasa ang ito. Nabasa na niya ang 9 na
pahina ng aklat na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama.
Ilan pa kaya ang kaniyang babasahing pahina?

3|P ahi na
Pamatnubay na Tanong:

Panuto: Mula sa sitwasyong iyong binasa o narinig, basahin


ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Sino ang mahilig magbasa ng aklat?


a. Dave b. Lito c. Rolly d. Ryan
2. Ano ang ginagawa ni Ryan pagkatapos niyang
magsagot ng modyul?
a. naglalaro sa labas c. nagbabasa ng aklat
b. kumakain sa labas d. naglilinis ng bahay
3. Ilang aklat ang binigay kay Ryan ng kaniyang ama?
a. 1 b. 8 c. 16 d. 20
4. Ilang pahina ng aklat ang kaniyang nabasa na?
a. 19 b. 9 c. 7 d. 8
5. Bakit kaya binigyan ng aklat si Ryan ng kaniyang ama?
a. Dahil mahilig siyang maglaro
b. Dahil mahilig siyang kumain ng gulay
c. Dahil mahilig siyang magbasa ng aklat
d. Dahil mahilig siyang maglinis ng bahay

Ngayon naman ay ating sagutin ang suliranin sa ating


sitwasyon.
Ilan pa kaya ang babasahing pahina ni Ryan?
Maaari nating makuha ang bilang ng aklat na
babasahin pa ni Ryan sa pamamagitan ng pagguhit ng
ilustrasyon o larawan.
4|P ahina
Sa larawang iyong nakita sa itaas, tinanggal o inalis sa
pamamagitan ng paglalagay ng ekis (X) ang 9 na
pahinang nabasa mula sa 16 na pahina ng aklat kung
kaya ang natira na lamang ay 7 pahina. Ang natirang
bilang ay sagot o difference ng pagbabawas o
subtraction.

Maaari nating isulat ito sa pamamagitan ng pamilang


na pangungusap.

Isa sa pamamaraan ng
pagsulat ng pamilang 16 – 9 =7
na pangungusap ay
nakaayos ng pahalang.

Isa pang pamamaraan


ng pagsulat ng
16
pamilang na
- 9
pangungusap ay
7
nakaayos ng pababa o
patayo.
5|P ahi na
Kung iyong mapapansin, walang pinagkaiba ang
nakuhang sagot o difference sa dalawang pamamaraan
ng pagsulat ng pamilang na pangungusap.

Tandaan:
Ang pagbabawas (subtraction) ay isang
operasyon o proseso ng pag-aalis o pagtatanggal
mula sa pangkat ng bagay.

Sa pagbabawas ng 1-digit na bilang na may


minuend hanggang 18, maipakikita ang
pagbabawas sa pamamagitan ng pagpapakita ng
larawan ng mga pangkat ng bagay at paglalagay
ng ekis sa mga bahaging ibinabawas o inaalis sa
pangkat.
Ang mga bagay sa pangkat na hindi nalagyan ng
ekis ang nagiging sagot o difference.

Iba pang halimbawa:

18 – 6 = 12
Naintindihan mo na ba ang ating aralin? Kung lubos
mo nang naunawaan ang ating aralin, masasagot mo na
ang mga sumusunod na gawain. Handa ka na ba?

6|P ahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Bawasan ang bilang ng larawan sa
pamamagitan ng paglalagay ng ekis at bilangin ang
natira. Isulat ang sagot o difference sa patlang.
Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa:

12 – 4 = 8

1.)

12 – 6 = _____

7|P ahi na
2.)

17 – 9 = _____

3.)

13 – 8 = _____

4.)

15 – 7 = _____

5.)

11 – 5 = _____

8|P ahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang pamilang na
pangungusap na nagpapakita ng pagbabawas
(subtraction) ayon sa larawan. Gawing halimbawa ang
nasa ibaba.

Halimbawa:

a. 15-3=12 b. 15-5=10 c. 15-4=11 d. 15-2=13

1.

a. 13 -13 = 0 c. 13 -6 = 7
b. 13 – 7= 6 d. 13 – 0 = 13

2.

a. 18 -8 = 10 c. 18 -3 = 15
b. 18 – 5= 13 d. 18 – 9 = 9

9|P ahi na
a. 12 -9 = 3 c. 12 -5 = 7
b. 12 – 7= 5 d. 12– 4 = 8
a. 17 - 5 = 12 c. 17 - 8 = 9
b. 17 – 10= 7 d. 17 – 6 = 11

a. 15 - 12 = 3 c. 15 - 6 = 9
b. 15 – 8= 7 d. 15 – 5 = 10

a. 17 – 5 = 12 c. 17 – 8 = 9
b. 17 – 10 = 7 d. 17 – 6 = 11

5.

a. 15 – 12 = 3 c. 15 – 6 = 9
b. 15 – 8 = 7 d. 15 – 5 = 10

10 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Sagutin ang mga pamilang na pangungusap
sa loob ng lobo. Isulat ang sagot sa loob ng lobo.

11 | P a h i n a
Pagsusulit

A. Panuto: Isulat ang pangungusap na pamilang at


sagot o difference mula sa mga larawan. Isulat ang
sagot sa guhit na nakalaan.

1.

___________________________

___________________________

12 | P a h i n a
B. Panuto: Isulat ang sagot o difference sa bawat
pamilang na pangungusap gamit ang natutunang
pamamaraan sa pagbabawas.

3. 4. 5.
11
12 10
-5
-8 -2

Pangwakas

Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo


ang kaisipan. Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon at
isulat sa patlang.
Pagbabawas (subtraction) ekis larawan difference

1. Ang _________________________ ay isang operasyon na


nagtatanggal o nag aalis mula sa pangkat ng mga
bagay.
2. Naglalagay ng ___________________ kung
magtatanggal sa pangkat ng mga bagay.
3. Mga bagay na hindi nalagyan ng ekis ang siyang
nagiging sagot o _______________.
4. Mas madaling naipakikita ang pagbabawas o pag
aalis ng mga bagay sa pamamagitan ng pagguhit ng
__________________ ng mga bagay.

13 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Padilla, Danilo, Rodrigo Pascua, Lolita Dacuba, Marivic


Calelao, Dahlia Silvania, and Maybellene Garlejo.
2017. Mathematics 1 Kagamitan Ng Mag-Aaral
(Tagalog). 2nd ed. Pasig City: Republika ng Korea
ng Prinpia Co., Ltd., 54 Gasanro 9 Gil,
Geumcheongu, Seoul, Korea.

Ulep, Soledad, Lydia Landrito, Edna Callanta, Allan


Canonigo, Dana Ong, Guillermo Bautista, Jr.,
Erlinda Ronda, Tesita Manalac, Gladys Nivera, and
Shirley Remoto. 2012. Math-Unang Baitang
(Kagamitan Ng Mag-Aaral Sa Tagalog (Quarters 3
& 4). 1st ed. Pasig City: DepEd-IMCS.

Villamayor, Adela, and Amelia Celeridad-Wright. 2006.


Math For Life 1 (A Worktext In Mathematics For
Grade One). 1st ed. Quezon City: Rex Printing
Company, Inc. Sta. Mesa Heights.

Most Essential Learning Competencies Mathematics


Grade 1 page 197

14 | P a h i n a
15 | P a h i n a
Balik Aral Pang-isahang Pagsasanay
1. -
2. +
3. -
4. +
5. –
Pamatnubay na Tanong
1. D
2. C
3. B
4. B
Pagsusulit
5. C
A. 1. 12-5=7
2. 14-9=5
Pinatnubayang Pagsasanay 1
B.
3. 4
1. 6
4. 8
2. 8
5. 6
3. 5
4. 8
Pangwakas
5. 6
1. pagbabawas
2. ekis
Pinatnubayang Pagsasanay 2
3. difference
1. B
4. larawan
2. D
3. C
4. A
5. B
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga
Paaralan ng Zambales ang taos-pusong pasasalamat sa
mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay para
sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad,
paglimbag at pamamahagi ng Ikalawang Markahang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon
sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang
pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na
nakabatay sa mga pamantayan ng pinatnubayang
kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na
binubuo ng mga manunulat at tagaguhit, sa kanilang
iginugol na panahon at kakayahan upang makabuo ng
iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman,
tagasuring pangwika, at mga tagasuring pandisenyo na
maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang
matiyak ang kawastuhan at katugunan sa mga
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales
sa kanilang patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal
upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng mga
kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga
magulang at mag-aaral sa tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro
sa bawat asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-

16 | P a h i n a
ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang lingguhang
pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang
madalas na pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa
lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang
pantahanang tagapagdaloy sa kanilang pagbibigay sa
mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na
matulungan ang bawat mag-aaral na maging
responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa
mapanghamong panahon ay lubos na makamit ang sama-
samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o
tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No.: (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like