You are on page 1of 9

Catarman II District

BANGHAY ARALIN SA MATEMATIKA 3


Unang Markahan
Aralin 27

I. LAYUNIN
● Makapaglutas ng dalawang- paraang suliranin gamit ang pagsasama at
pagbabawas ng bilang kasama ang pera

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Solving Two-Step Problems involving Addition and Subtraction
B. Sanggunian:Mathematics CG Learning Competency 27
Mathematics TG Lesson 27 pp. 111- 115
Kagamitan ng Mag-aaral (LM), pahina 111- 114
C. Kagamitan: Word problems sa tsart, flash cards ng pagsasama at pagbabawas
D. Pagpapahalaga:Pagbibigay

III. PAMAMARAAN
A. Daily Routine
1. Drill
Flash cards ng pagsasama at pagbabawas ng bilang.

2. Balik- aral
Ipabasa ang suliranin.

Mayroong 234 na Grade 1 at 357 na Grade 2 mag-


aaral sa Catarman ll Central School.
 Ilan lahat ang mga mag-aaral?
 Ilan ang lamang ng mga mag-aaral sa Grade 2
kaysa Grade 1??

IItanong: Ano ang mga tinatanong sa suliranin?


Paano ninyo nasagot ang suliranin?
Ano-ano ang mga paraan upang malutas ang suliranin?

3. Pagganyak
Hayaang bumuo ang mga mag-aaral ng puzzle na may tatlong bahagi katulad ng
nasa ibaba.
Bigyan sila ng
mga colored cut-outs na ididikit sa mas matigas na papel.
Itanong: Anong gusto ninyong malaman tungkol sa larawan?

B. Developmental Activities
1. Activity
Gamitin ang mga bahagi ng puzzle upang ilahad ang aralin.

Itanong: Ilang bangus ang nasa bawat bahagi ng puzzle?

Ilang bangus ang nasa buong puzzle?

Gamitin ang 2 o 3 bahagi ng puzzle sa paglalahad ng suliranin tulad ng:

Itanong: Kung pagsasamahin lahat ng


bangus at babawasan ng 10, ilang bangus ang
matitira?

Ano ang gagawin ninyo para malutas ang suliranin?


Anong mga hakbang ang inyong gagamitin?
Sabihin: Pag-aralan ang mga hakbang.
2. Analysis

Understand Plan Solve Look back

Ano ang Anong pamamaraan Sagutin ang Tingnan kung tama


tinatanong? ang gagamitin? pamilang na ang sagot.
pangungusap.

(8 + 5 + 6) – 10 =
Ilang bangus ang Pagsasama at 9 + 10 = 19
matitira? Pagbabawas 19 – 10 = 9

Ano ang pamilang


na pangungusap?
Ano ang mga
nailahad o binigay
na datos?
(8 + 5 + 6) – 10 =
8, 5, and 6

Masusing talakayin ang pamamaraan sa mga mag-aaral.

Sabighin: Narito pa ang isang suliranin.

Kapag pinagsama ang malalaki at maliliit nab angus , at binawasan ito ng 3, ilang
bangus ang matitira?

Itanong: Paano ilalarawan ang sagot gamit ang blocks?


Ano ang ginawa mo?

Gabayan ang mga mag-aaral na makuha ang tamang sagot gamit ang pagbilang.
(Hayaang bilangin ng mga mag-aaral ang mga bangus na kinakatawan ng mga blocks.)

Itanong: Ilang (bangus) blocks mayroon lahat?


Balikan ang suliranin at itanong sa mga mag-aaral kung ilang bangus ang
babawasin.

Sabihin: Mula sa huling block magbilang tayo ng tatlo pabalik. Ilang blocks ang natira?

Sabihin sa mga mag-aaral na maaari ring malutas ang suliranin gamit ang pamilang na
pangungusap.
Patnubayan silang mailarawan ang suliranin gamit ang mga sumusunod:

(5 + 6) – 3 = 8.

Tingnan ang iba pang bahagi ang puzzle.


Ibigay ang suliranin.

1. Kapag pinagsama ang katamtaman at malalaking bangus, at binawasan ito ng 4,


ilang bangus ang matitira?

Itanong: Paano ilalarawan ang sagot gamit ang number


line?
Gabayan ang mga mag-aaral na makuha ang tamang sagot gamit ang pagbilang.
Sabihin sa mga mag-aaral na maaari ring malutas ang suliranin gamit ang pamilang na
pangungusap.
Patnubayan silang mailarawan ang suliranin gamit ang mga sumusunod:
( 8 + 5 ) – 4 = 9.

Maglahad ng iba pang halimbawa.

Maghanda ng number blocks para sa susunod na gawain.


Sabihin sa mga mag-aaral na gamitin ang mga bilang sa number blocks at sagutin ang
mga sumusunod na tanong. Narito ang halimbawa ng mga bilang sa dice.

8 9 7 2 6 5 8 3 6 4 5 1

Itanong: Kapag pinagulong ng dalawang beses ang number block sa A at B, anong


mangyayari?Kung sa A ay lumabas ang 7 at 6 at pinagsama ito, ano ang magiging
sagot? Kung sa B ay lumabas ang 8 at 9 at pinagsama ito, ano ang magiging sagot?
Kapag binawas ang mas maliit na bilang kaysa malaking bilang, ano ang magiging
sagot?

Isa-isang pasagutin ang mga mag-aaral.

Maglahad ng iba pang suliranin.

Sina Jose at Nilo ay umakyat ng bundok upang pumutol


ng kawayan para sa kanilang “ Arkong Kawayan”. Si
Jose ay nakaputol ng 231 kawayan samantalang si Nilo
ay 187 kawayan. Pinagsama nila ang kanilang kawayan
at binigyan si Helena ng 115. Ilang kawayan ang natira
sa kanila?

Bigyang diin ang paggamit ng grouping symbols sa pagsulat ng pamilang na


pangungusap sa dalawang hakbang na suliranin.
Sabihin sa mga mag-aaral na ang hidden question ay maipapakita gamit ang simbolo,
tulad ng grouping symbols.
Gamit ang mga bahagi ng puzzle, tumawag ng mag-aaral upang bumuo ng sariling
suliranin at ibigay ang sagot gamit ang dalawang paraang natutuhan.

3. Abstraction

Itanong: Paano malulutas ang suliranin na may dalawang hakbang gamit ang
pagsasama at pagbabawas ng mga bilang?

Sa paglutas ng suliranin na may dalawang hakbang gamit ang pagsasama at


pagbabawas ng mga bilang, sundin ang mga sumusunod:

1. Basahin, unawain, planuhin, sagutin ang suliranin at tingnan kung tama ang
sagot. (Polya’s method).
2. Gumamit ng ibang paraan o istratehiya sa pagsagot ng suliranin tulad ng
block model at number line.

4. Application
Isulat ang wastong pamilang na pangungusap para sa suliranin at sagutin.

Bumili si Gina ng Php 5.00 bibingka at Php 5.00 gulaman para sa kanyang meryenda.
Kung ang baon niya ay Php 20.00, magkano ang natira sa kanya?

IV. PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na suliranin gamit ang angkop na istratehiya.

1.) Gumastos si Diana ng Php 125.00 para sa kanyang proyekto at Php 36.00 para sa
pamasahe.Kung mayroon siyang Php 100.00,magkano na lamang ang natira sa kanya?
____________________________________________________________

2.) Si Garry ay may 62 pulang popsicle sticks at 37 berdeng popsicle sticks para sa
kanyang proyekto.Ginamit niya ang 45 na sticks sa unang araw. Ilang popsicle sticks
ang hindi niya nagamit?
____________________________________________________________

3.) Bibili ang magulang ni Dino ng bagong TV set sa halagang Php 5 500.00 at kalan sa
halagang Php 2 500.00. Kung mayroon lamang silang Php 6 500.00, magkano pa ang
kanilang kailangan?
____________________________________________________________

Answer Key:
1) (PhP125.00 + PhP36.00) – PhP100.00 = PhP61.00
2) (62 + 37) – 45 = 54
3) (PhP5 500.00 + PhP2 500.00) – PhP6 500.00 = PhP1 500.00

V. PAGPAPAHALAGA
Mas mabuting magbigay kaysa tumanggap.

VI. TAKDANG ARALIN


Sagutin ang mga sumusunod na suliranin.

1.) Naitabi ni Dave ang 45 holen sa unang kahon at 50 holen sa isa pang kahon.
Binigyan niya sa John ng 35 holen. Ilang holen ang natira sa kanya?

2.) Si Marta ay may Php 2 680.00 sa kanyang pitaka. Nagbayad siya ng Php 670.00
para sa kanyang groceries at Php 56.00 para sa pamasahe. Magkano ang natira sa
kanya?

Answer Key:
1) (45 + 50) – 35 = 60 2) PhP2 680 – (PhP670.00 + PhP56.00) = PhP1 954.00

Inihanda ni:

JEANETTE L. GABITA
Master Teacher 1
Catarman ll District

CONTEXTUALIZED
LESSON PLAN IN
MATHEMATICS 3

Prepared by:
FRANCISCO B. BOTAIRE, JR., Ed. D.
District Head

You might also like