You are on page 1of 20

Quarter 2

Mathematics 2

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

Mathematics 2

Quarter 2 – Week 3 – Moyul 3


Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:
Paglutas ng routine at non-routine na suliranin
gamit ang subtraction. ( M2NS-llc34.2 )

1
Quarter 2
Mathematics 2

PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang
inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga
simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit
nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng


modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging
batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na
pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul
na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan
pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin

2
Quarter 2
Mathematics 2

Paglutas ng routine na suliranin.


Aralin 1 (Ano ang tinatanong at ano-ano ang mga
given?)
Inaasahan
 Nakalulutas ng suliranin gamit ang subtraction.
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa suliranin.

Unang Pagsubok

Basahin at sagutin ang mga tanong sa suliranin.Isulat


ang titik lamang.
Mayroong 58 turon si Aling Betty. Naibenta na
niya ang 46 piraso. Ilang turon ang hindi naibenta?
1. Sino ang nagtitinda ng turon?
2. Ano ang ibinebenta niya?
3. Saan gawa ang turon?
4. Ano ang tinatanong sa suliranin?
5. Ano ano ang mga given?

a. 58,46 turon d. turon


b. saba e. Ilang turon ang hindi
c. Aling Betty naibenta

Balik-tanaw

Isulat ang tamang sagot.

1. 68 – 24= __ 2. 79 – 36 =___ 3. 97 – 53 =___

3
Quarter 2
Mathematics 2

Pagpapakilala sa Aralin

Unawain:
Mayroong 45 Grade Two ang nagpalista sa online
noong Lunes. 23 sa mga ito ay mga lalaki. Ilan ang
mga babae?
1. Ano ang tinatanong sa suliranin?
Sagot. Bilang ng mga babae
2. Ano-ano ang mga given? ( 45 at 23 mga lalaki)

Gawain

A. Basahing mabuti ang suliranin.Sagutin ang mga


sumusunod na tanong.
Si Cedric ay namitas ng 96 na mangga.
43 ang hinog. Ilan ang hindi hinog?
1. Ano ang tinatanong sa suliranin?
2. Ano-ano ang mga given?

B. Bilugan ang given sa suliranin.


Mayroong 59 na bulaklak sa hardin.
Pinitas ni Karla ang 26. Ilan ang natira?

Sa Magulang o Nakatatanda: Maaaring gabayan ang inyong anak


sa pagsasagawa ng Gawain C.

C. Punan ng wastong tanong.

Mayroong 65 na tao ang naghihintay para


sumakay ng bus. 33 ang naiwan, ______________?
4
Quarter 2
Mathematics 2

Tandaan
 Sa paglutas ng suliranin may mga tanong
na Dapat sagutin.
-Ano ang tinatanong sa suliranin?
-Ano- ano ang mga given o datos?

Pag-alam sa mga Natutuhan

Basahin ang suliranin. Isulat ang sagot sa mga tanong.


Habang nakalockdown nagtanim ng 48 punla ng
kamatis si Alan. 32 dito ang tumubo. Ilan ang hindi
tumubo?
1. Ano ang tinatanong sa suliranin?
2. Ano-ano ang mga given?

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at sagutin ang mga tanong sa suliranin.Isulat


ang titik lamang.

Mayroong 75 turon si Tanya. Naibenta na niya


ang 46 piraso. Ilang turon ang hindi naibenta?
1. Sino ang nagtitinda ng turon? a. saba
2. Ano ang ibinebenta niya? b. turon
c. bilang ng turon
3. Saan gawa ang turon? ang hindi naibenta
4. Ano ang tinatanong sa suliranin? d. Tanya
5. Ano ano ang mga given? e.75 at 46 turon.

5
Quarter 2
Mathematics 2

Paglutas ng routine na suliranin.


Aralin 2
( Ano ang word clues at Operation na
Dapat gamitin)
Inaasahan:
 Nakalulutas ng routine na suliranin.
 Nasasagot ang mga tanong sa suliranin.

Unang Pagsubok

Basahin ang suliranin at sagutin ang mga tanong.


Si Leila ay may 50 na goma. Ang 27 ay kaniyang
ibinigay sa kaniyang mga pinsan. Ilang goma ang
natira?
1. Sino ang may goma?
2. Ano ang tinatanong sa suliranin?
3. Ano-ano ang mga given?
4. Ano ang clue word?
5. Anong operation ang dapat gamitin?

Balik-tanaw

Basahin ang suliranin at sagutin ang mga tanong.

Bumili si Karla ng 65 na tsokolate. Kinain niya ang


23. Ilan ang natira?
1. Ano ang tinatanong sa suliranin?
2. Ano ang given?
6
Quarter 2
Mathematics 2

Pagpapakilala sa Aralin

Unawain:
Habang wala pang pasok nagtinda ng paper bag
si Karla. Kumita siya ng Php90. Inilagay niya sa
alkansiya ang Php70. Magkano ang natira sa kaniya?

Tanong:
1. Ano ang word clue sa suliranin? Natira
2. Anong operation ang Dapat gamitin?(Subtraction)

Gawain

A. Basahin nang mabuti at sagutin ang tanong.


Naghain ng 85 pandesal sa mga
panauhin si nanay. Naubos nila ang 67 piraso.
Ilan ang natirang pandesal?
1. Word clue: ______ 2. Operation: ________

B. Basahin nang mabuti at sagutin ang tanong.


Mayroong 76 na puto si Carol. Naibenta
niya kanina ang 49.Ilan ang natirang puto?
1. Ano ang word clue?
2. Anong operation ang Dapat gamitin?

Sa Magulang o Nakatatanda: Maaaring gabayan ang inyong


anak sa pagsasagawa ng Gawain C.

7
Quarter 2
Mathematics 2

C. Sagutin ang tanong sa suliranin.


Namitas si nanay ng 43 pirasong talong. Niluto
niya ang 18 piraso? Ilang talong ang natira?
Dapat ba tayong kumain ng gulay? Bakit?

Tandaan
Sa paglutas ng suliranin may mga tanong na
dapat sagutin.
1. Ano ang clue word?
2. Anong operation ang dapat gamitin?

Pag-alam sa mga Natutuhan

Basahin nang mabuti at sagutin ang mga tanong.


Bumili si Kapitan ng 96 cup noodles.Ibinigay niya sa
mga tanod ang 78 . Ilang cup noodles ang natira?
1. Clue word: ________2. Operation:_________

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang suliranin at sagutin ang mga tanong.


Si Shiena ay may 43 cookies. Ang 28 ay kaniyang
ibinigay sa kaniyang mga pinsan. Ilang cookies ang
natira?
1. Sino ang may cookies? 4. Ano ang clue word?
2. Ano ang tinatanong sa suliranin? 5. Anong operation
3. Ano-ano ang mga given? ang dapat gamitin?

8
Quarter 2
Mathematics 2

Aralin 3 Paglutas ng suliranin. ( Ano ang


mathematical sentence at tamang sagot?

Inaasahan:
 Nakalulutas ng suliranin gamit ang subtraction.
 Naibibigay ag wastong sagot sa bawat suliranin .

Unang Pagsubok

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa


inyong kuwaderno.
Naghanda ng 83 sandwiches si nanay sa aking
kaarawan. Kung 68 ang nakain , ilan ang natira?
1. Tanong: _______
2. Given:_________
3.Operation:_______
4. Mathematicl sentence: ___________
5. Sagot: ________________

Balik-tanaw

Isulat ang inyong sagot.

Mayroong 43 na lollipop si Karen. Ibinigay niya


ang 19 sa kaniyang pinsan. Ilan ang natira sa kaniya?
1. Clue word: ______
2. 2. Number sentence: _______

9
Quarter 2
Mathematics 2

Pagpapakilala sa Aralin

Unawain:
Mayroong Php 100 si Susan. Bumili siya ng donut
na Php 45. Magkano ang kaniyang sukli?

Tanong:
1. Ano ang mathematical o number sentence?
Php100 – Php45=N
2. Ano ang tamang sagot? (Isubtract ang 45 sa 100)
Php55

Gawain

A. Basahin at unawain ang suliranin. Sagutin ang


tanong.

Si Ken at Ana ay nagbigay ng 185 na noodles


sa mga kapitbahay. 67 ang ibinigay ni Ken, ilan
kay Ana?
1. Number sentence: _____

B. Ipakita ang solusyon ng suliranin sa A.

Sa Magulang o Nakatatanda: Maaaring gabayan ang inyong


anak sa pagsasagawa ng Gawain C.

10
Quarter 2
Mathematics 2

C. Ipakita ang solusyon.


Kumita si Aling Nila ng Php250 sa pagtitinda ng
basahan. Bumili naman siya tinapay sa halagang
Php45. Magkano ang natira niyang pera?

Tandaan
 Sa paglutas ng suliranin may mga tanong na
Dapat sagutin.
1. Ano ang mathematical sentence
2. Ano ang tamang sagot?

Pag-alam sa mga Natutuhan

Isulat ang mathematical sentence at sagot.

Mayroong 379 na avocado. Nabulok ang 38. Ilan


ang hindi nabulok?

Pangwakas na Pagsusulit

Sagutin ang mga tanong.


Naghanda ng 190 sandwiches si nanay sa aking
kaarawan. Kung 38 ang natira , ilan ang kinain?
1. Tanong: _______ 4. Mathematicl sentence:
2. Given:_________ 5. Sagot: ______
3. Operation:_______

11
Quarter 2
Mathematics 2

Aralin 4 Paglutas ng suliranin gamit ang


subtraction.

Inaasahan: Nakasasagot sa mga tanong sa suliranin.

Unang Pagsubok

Basahin ang suliranin. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang


titik lamang.

Si Mang Teryo ay namitas ng 197 na upo.


Naibenta niya ang 95. Ilang upo ang hindi
naibenta?
1. Tanong:
2. Given:
3. Operation:
4. Number Sentence:
5. Sagot:
a. 102 upo
b. subtraction
c. 1197 – 95 = N
d. 197 at 95 upo
e. Ilang upo ang hindi naibenta?

Balik-tanaw

Isulat ang tamang sagot.

Mayroong 227 na bulaklak. Nalanta ang


114. Ilang bulaklak ang hindi nalanta?

12
Quarter 2
Mathematics 2

Pagpapakilala sa Aralin

Unawain:
Si Mang Ramon ay mayroong 542 bangus na
ibebenta. May natira pang 91 na bangus. Ilang
bangus ang naibenta niya?

Narito ang 5 step na Dapat sagutin.


1. Ano ng tinatanong sa suliranin? Bilang bangus ang
naibenta.
2. Ano-ano ang mga given?( 542 at 91 bangus)
3. Anong operation ang dapat gamitin?( Subtraction)
4. Ano ang mathematical sentence?( 542 – 91 = N)
5. Ano ang tamang sagot? (451 bangus na naibenta)

Gawain

A. Sagutin ang tanong sa suliranin.

175 na bata ang inimbita ni Kassy sa


kaniyang kaarawan. 48 ang hindi nakadalo. Ilan
ang dumalo sa kaniyang kaarawan?
1. Ano ang tinatanong sa suliranin?

B. Isulat ang mathematical sentence ng suliranin sa A.


Sa Magulang o Nakatatanda: Maaaring gabayan ang inyong anak
sa pagsasagawa ng Gawain C.

C. Ipakita ang solusyon ng suliranin sa A.


13
Quarter 2
Mathematics 2

Tandaan

Sa paglutas ng suliranin may mga step na Dapat


tandaan.
- Ano ang tinatanong?
- Ano – ano ang mga given o datos?
- Anong operation ang Dapat gamitin?
- Ano ang mathematical sentence?
- Ano ang tamang sagot?

Pag-alam sa mga Natutuhan

Ipakita ang wastong solusyon ng suliranin.

Ang tindera ay mayroong 196 na pinyang ibebenta.


Naibenta niya ang 77 piraso. Ilan ang natirang pinya?

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang suliranin. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang


titik lamang.
Si Mang Benjo ay namitas ng 183 na upo.
Naibenta niya ang 72. Ilan ang hindi naibenta?
1. Tanong: a. 183 at 72 na upo
2. Given: b. 183-72=N
c. subtraction
3. Operation:
d. 111 upo
4. Number Sentence: e. Ilang upo ang hindi naibenta?
5. Sagot:
14
Quarter 2
Mathematics 2

Aralin 5 Paglutas ng non- routine na suliranin gamit


ang subtraction.

Inaasahan:
Naipakikita ang wastong solusyon sa pagsagot
ng suliraning non-routine.

Unang Pagsubok

Basahin nang mabuti ang suliranin. Piliin ang titik ng


tamang sagot.

Handang-handa na ang google classroom ni Gng.


Reyes. Mayroon siyang 38 na mag-aaral sa kaniyang
klase. 17 dito ay mga lalaki, ilan ang mga babae?

1. Sino ang guro sa kuwento?


A. Gng. Reyes C. Gng. Torres
B. Gng. Robles D. Bb. Reyes
2. Saan gaganapin ang klase ni Gng. Reyes?
A. Sa paaralan C. sa google classroom
B. Sa silid- aklatan D. sa canteen
3. Ilan ang kaniyang mag-aaral lahat?
A. 32 B. 34 C. 36 D. 38
4. Ilan ang mga lalaking mag-aaral?
A. 15 B. 17 C. 19 D. 21
5. Ano ang tamang sagot?
A. 18 B. 19 C. 21 D. 22

15
Quarter 2
Mathematics 2

Balik-tanaw

Isulat ang mathematical sentence.


Si Mang Celso ay may 126 na alagang manok.
95 ay mga inahin. Ilan ang tandang?

Pagpapakilala sa Aralin

Unawain:

Bumili si Anne ng 5 na pares ng medyas para sa


pasukan. Ang 6 na piraso ay para kay Cythia at ang
natira ay para sa kaniya. Ilang pirasong medyas ang
natira kay Anne?

Solusyon: ( Gamit ang larawan)

1 pares ng
medyas 2

2 2 2 2 2 = 10 10 – 6 = 4
10
6 kay Cythia 4 kay Anne
- 6
4

16
Quarter 2
Mathematics 2

Gawain

A. Isulat ang solusyon sa pamamagitan ng pagguhit.

Mayroong 16 na lobo si Karla. Binigyan niya ng


tigdadalawang lobo ang 5 bata . Ilang lobo ang
natira sa kaniya?

B. Ipakita ang wastong solusyon ng suliranin sa A.

Sa Magulang o Nakatatanda: Maaaring gabayan ang inyong anak


sa pagsasagawa ng Gawain C.

C. Isulat ang tamang sagot.


Si Becca ay nagbigay ng 75 na pinaglumaang
damit sa kaniyang mga kabaranggay. Sa mga damit
na ito 32 ang short pants. Ilan ang hindi short pants?

Sagot: ___________________

Tandaan

Sa paglutas ng non-routine na suliranin


walang step na susundin. Maaaring gamitan ng
pagguhit ng larawan upang makuha ang
tamang sagot.

17
Quarter 2
Mathematics 2

Pag-alam sa mga Natutuhan

Ipakita ang wastong solusyon.

Mayroong 56 na tao ang nakapila sa pagsakay


ng LRT. 33 ang mga babae. Ilan ang mga lalaki?

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang suliranin. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Dumating ang mga kaibigan ni Lanie. Nagpabili


ang kaniyang nanay ng dalawang kahon ng
softdrinks para inumin nila. Nainom nila ang 37 na
bote. Ilang bote ang natira?

1. Sino ang dumating?


A. Kapatid B. pinsan C. kaibigan D. guro
2. Ilang kahon ng softdrinks ang pinabili ni nanay?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
3. Ilang bote ng softdrinks mayroon sa isang kahon?
A. 12 B 16 C. 18 D.24
4. Ilang bote ang nainom nila?
A. 36 B. 37 C. 39 D.42
5. Ilang bote ang natira?
A. 9 B. 11 C. 15 D. 16

18
Quarter 2
Mathematics 2

19
Quarter 2
Mathematics 2

References

Websites:
clipart-library.com
https://clipart-library.con/img/1115794.jpg
https://www.google.com
http://https//pinterest.com
http://sparklebox.com/
https://www.jpegfreeclipartmaxz.com
Textbooks
Mathematics 2 LM
K to 12 Learners’ Materials
Lesson Guide in Elementary Mathematics
Power in Math 2

Development Team of the Module

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Remylinda T. Soriano
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID LRMS Librarian II: Lady Hannah C. Gillo
CID LRMS PDO II: Albert James Macaraeg
Reviewers/Validators: Remylinda T. Soriano, EPS, Math
Teofilo R. Norombaba, PSDS

Editor: Glen M. Talosig


Writer/Illustrator: Glen M. Talosig

20

You might also like