You are on page 1of 1

FILIPINO WEEK 1

NAME: _____________________________________________________
Ang pandiwa ay salitang nagpapahiwatig ng kilos o galaw. Nagbabago ang anyo nito ayon sa
panahon kung kailan nangyari o naganap ang kilos. Ito ang tinatawag na panahunan o aspekto
ng pandiwa. Ito ay ang naganap, nagaganap at magaganap.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin ang pandiwa sa bawat pangungusap. Isulat sa iyong
sagutang papel ang naganap, nagaganap at magaganap na pandiwa bilang pagtugon sa
panahunan nito.
1. Kung nakinig ang gamugamo sa kaniyang kasama, hindi sana nasunog ang pakpak niya.
2. Laging sinisikap ni Jessica na sundin ang payo ng nanay niya.
3. Kung magkakamali si Aldrin, pagsasabihan siya ng kaniyang kuya.
4. Nagtatanong si Andrea kapag hindi niya naiintindihan ang utos ng kaniyang lola.
5. Hindi siya maliligaw dahil nakinig siya sa kaniyang kuya bago siya umalis sa bahay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Piliin ang letra ng angkop na pandiwa na bubuo sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Isa-isang _________________ ang mga panauhin ni Kate. A. dumarating B. dumating C.
darating
2. __________________ si Lara ng masagana at masarap na pagkain sa mga bisita. A. Naghanda
B. Naghahanda C. Pinaghandaan
3-4. Kahit na malakas ang ulan, __________ pa rin si Lara para _____________ pa ng prutas.
3. A. lumabas B. lalabas C. lumabas 4. A. bumili B. nagbili C. magbili
5-6. Kinulang pa ng upuan para sa mga bisita kaya ____________ pa rin si Arnold para
______________ sa multi-purpose.
5. A. humakot B. naghakot C. hinakot 6. A. dala B. dalahin C. dalhin
7-8. _____________ ng ilang bisita ang taong __________ nila sa kanilang pakay.
7. A. Hinanap B. Naghanap C. Maghanap 8. A. kakausapin B. kakausap C. kausap
9-10. ____________ na ng linaw ang pakay ng mga bisita kapag __________ na sila.
9. A. Nagkaroon B. Magkakaroon C. Magkaroon
10. A. nagpulong B. makapagpulong C. nagpupulong

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Umisip ng isang kuwentong nabasa o kuwentong napanood


tungkol sa pagharap sa isang hamon o suliranin sa buhay ng isang mag-aaral. Iguhit ang iyong
napanood na sumisimbolo na naging matatag sa pagharap sa buhay. Pagkatapos, sumulat ng
dalawa hanggang tatlong pangungusap na nagpapaliwanag kung bakit ito ang napili mong
simbolo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

You might also like