You are on page 1of 5

Lagumang Pagsusulit 1 sa Filipino 6 Kuwarter 1

Pangalan: ___________________________________________ Baitang/Pangkat: __________________


Paaralan: ___________________________________________ Petsa: ____________________________
Guro: Viviene Lorane G. Cullantes________________________ Iskor: ___________________________

I. A. Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang pinag-uusapan sa teksto?


A. Lutasin ang Dengue B. Maging malinis C. Maging malusog D. Matakot sa sakit

2. Batay sa binasang teksto, anong sakit ang naghatid ng matinding pinsala sa karamihan
A. COVID-19 B. Dengue C. Malaria D. Zika Virus 13

3. Sa iyong naobserbahan at nabalitaan, ano ang sakit na Dengue?


A. Ito ay nakatatakot. B. Ito ay nakamamatay.
C. Ito ay dala ng lamok. D. Ito ay walang bakuna.

4. Sino-sino ang dapat na may gawing pagkilos upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito?
A. Gobyerno B. Bawat Pilipino C. Mga kabataan D. Pribadong Institusyon

5. Kalimitan, sino ang nagiging biktima ng sakit na ito?


A. mga bata B. mga lalaki C. mga babae D. mga matatanda

6. Ano-ano ang dapat gawin upang malutas ang sakit na dengue?


A. Panatilihin ang kalinisan B. Sumunod sa payo ng gobyerno
C. Pangalagaan ang pangangatawan D. Makinig sa utos ng mga magulang

7. Sino ang may akda sa teksto?


A. Marijo N. Panuncio B. Dengue C. Gng. Cullantes D. Hindi nabanggit

I. B. 8 – 10 Panuto: Gumawa ng talata tungkol sa tanong na ito. (3 Puntos)

Bilang kabataan, ano ang maitutulong mo upang malutas ang dengue?

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
I. C. Panuto: Basahin ang patalastas o anunsiyo sa kahon. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

11. Ano ang tawag sa binasa mong teksto?


12. Anong patimpalak ang sasalihan ng mga kalahok?
13. Sino-sino ang maaaring maging kalahok sa timpalak?
14. Kailan gaganapin ang nasabing patimpalak?
15. Kanino dapat makipag-ugnayan ang mga kalahok para sa karagdagang impormasyon?

II. A. Panuto: Basahin ang susunod na seleksiyon, bawat isa ay susundan ng mga katanungang dapat mong
sagutin. Piliin mula sa kahon ang iyong sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Matalinong Desisyon

Pinag-uusapan sa klase ni Bb. Clarisse Alindao sa ikaanim na baitang ang tungkol sa paninigarilyo. “Alam
ba ninyo ang hindi magandang dulot ng paninigarilyo?” tanong ni Titser Clarisse. “Nagpapaitim po ito ng ngipin at
labi.” agad na sagot ni Wilbel. “Masama po ito sa baga.” ani Sarah. Nagbubunga rin ito sa pagkakaroon ng kanser
sa baga.” sambit naman ni Karyl. “Hindi lang iyan. Ito ay pinagmumulan rin ng kanser sa lalamunan.” wika ni Bb.
Alindao.
Tahimik lang na nakikinig si Charlou sa pinag-uusapan. Palibhasa, bata pa’y marunong na siyang
manigarilyo. “Ngayon, hindi na ako maninigarilyo,” pangako niya sa sarili.

Sariling Akda ni Marissa A. Olilang

Sagutin ang sumusunod:


16. Ano ang pinag-uusapan sa klase ng ikaanim na baitang?
17. Bakit hindi mabuti sa kalusugan ang paninigarilyo?
18. Paano nakikinig si Charlou sa pinag-uusapan?
19. Paano napagtanto ni Charlou na mali ang paninigarilyo?
20. Bakit nangako siya sa sarili na hindi na maninigarilyo?

B. Panuto: Basahin ang isang akdang magtuturo sa atin ng halaga ng pagkakaroon ng kapatid. At pagkatapos
nito’y sagutin ang mga tanong. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

Mapagmahal na Kapatid

Si Ciara ay isang mabait na bata at mapagmahal na kapatid. Inaalagaan niya ito lalo na kung wala ang
kaniyang nanay. Ngunit isang araw, nagalit si Ciara. Sinira ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki ang papel
na sinulatan ng kaniyang takdang-aralin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng kama. Kinuha ito ni Hero, ang kaniyang
kapatid. Pinaglaruan niya ito. Ginawa niya itong eroplanong papel hanggang sa mapunit ito.

“Ayaw ko na sa kaniya!” Nasambit niya habang lumuluha at hawak ang papel. Pinagsumikapan niyang
sumulat muli ng panibagong takdang-aralin. Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng isang malakas na
kalabog. Nahulog ang kaniyang kapatid na si Hero mula sa silya. May galos ito sa pisngi. Pumalahaw ito ng iyak.
Umaagos ang luha nito.

Nakalimutan ni Ciara ang kaniyang galit. Agad na niyakap niya ang kaniyang kapatid.
Sariling akda: Marissa A. Olilang

21. Bakit nagalit si Ciara sa kaniyang kapatid na si Hero?


A. Makulit ang kaniyang kapatid.
B. Hindi sumama sa kaniyang nanay si Hero.
C. Masyadong malikot ang nakababatang kapatid.
D. Pinaglaruan ang papel na sinulatan ng kaniyang takdangaralin.
22. Paano ipinakikita ni Ciara ang pagmamahal sa kapatid?
A. Binibigyan niya ito ng kendi. C. Pinagsasabihan niya ang kapatid.
B. Inaalagaan niya ang kapatid. D. Isinusumbongniya sa nanay.
23. Bakit may narinig na malakas na kalabog si Ciara?
A. Nahulog si Hero. C. Isinara ng nanay ang pinto.
B. May inihagis si Hero. D. Binato nang malakas ang bahay nila.
24. Paano nakalimutan ni Ciara ang galit sa kaniyang kapatid?
A. Nagpakitang-gilas ang kapatid. C. Niyakap siya ng kaniyang kapatid na si Hero.
B. Binigyan siya ng pagkain ng kapatid. D. Nakita niyang may galos sa pisngi at umiiyak ito.
25. Paano ipinadama ni Ciara ang pagdamay at pag-alo sa kapatid?
A. Pinalo niya ang kapatid. C. Pinatulog niya ang kapatid.
B. Niyakap niya ang kapatid. D. Isinumbong niya ang kapatid sa nanay.

C. Panuto: Basahin ang isang akda at Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Nang Dahil sa Online Game

Hatinggabi na nang matulog si Loraine sa kalalaro ng online game sa kaniyang cellphone. Tinanghali siya
ng gising at kung hindi siya magmamadali ay mahuhuli siya sa klase. Dali-dali siyang bumangon at naligo. Hindi
na siya kumain ng almusal. Sumakay na lamang siya sa traysikel kahit malapit lamang ang kanilang bahay sa
paaralan.
Sariling akda: Abadesa D. Sabordo

26. Bakit hatinggabi na natutulog si Loraine?


27. Tama ba ang kaniyang ginagawa? Bakit?
28. Bakit hindi siya kumain ng kaniyang almusal?
29. Paano siya pumunta sa paaralan upang hindi siya mahuli sa klase?
30. Paano niya maiiwasan ang pagtulog ng hatinggabi?

Table of Specification
Filipino 6
Lagumang Pagsusulit 1
Quarter 1

Kategorya, Kalagayan ng bawat aytem ng


Pagsubok
Mga Kasanayang Susubukin Kaalaman at Analisis at Sintesis at Kabuuan
Pag-unawa Aplikasyon Ebalwasyon
(60%) (30%) (10%)
1. nakasasagot ng mga tanong
tungkol sa
napakinggan/nabasang
pabula, kuwento, tekstong 1-7
8-10
pangimpormasyon at usapan. 11-15 15
(F6PN-Ia-g3.1, F6PN-Ia-g-3.1,
F6PB-Ic-e-3.1.2, F6PN-Ia-g-
3.1)
2. nasasasagot ang mga tanong
na bakit at paano (F6PB-If- 16-25 26-30 15
3.2.1)
Kabuuang Bilang ng mga Aytem 22 5 3 30

Inihanda ni:

VIVIENE LORANE G. CULLANTES


Adviser

Lagumang Pagsusulit 1

Talaan ng mga sagot:

Test I. A

1. A
2. B
3. ABCD
4. B
5. A
6. AB
7. A

Test I. B (8-10) Nasa guro ang pagbibigay ng puntos sa sagot ng mga mag-aaral

Test I. C (11-15)

11. Patalastas o Anunsiyo


12. Patimpalak sa Pagbigkas
13. mga batang may 8-12 taong gulang
14. ika Nobyembre 22, 2019, 1:00 ng hapon
15. Gng. Marijo Panuncio

Test II. A

16. Pinag-usapan ang tungkol sa paninigarilyo.


17. Nagpapaitim ito ng ngipin at labi.
Masamaito sa baga.
Nagbubunga rin ito sa pagkakaroon ng kanser sa baga
. Ito ay pinagmumulan rin ng kanser sa lalamunan
18. Tahimik lang na nakikinig si Charlou.
19. Nang dahil sa kanilang pag-uusap tungkol ditto at masamang maidudulot nito
20. Para hindi siya magkasakit sanhi nito.

Test II. B
21. D
22. B
23. A
24. D
25. B

Test II. C
26. Hatinggabi na nang matulog si Loraine sa kalalaro ng online game sa kaniyang cellphone.
27. Hindi ito tama dahil masama ito sa kalusugan at maapektohan ang kanyang pag-aaral.
28. Hindi siya kumain ng almusal dahil mahuhuli na siya sa klase.
29. Sumakay na lamang siya ng traysikel kahilt malapit lang ang bahay nila.
30. Itigil na ang paglalaro ng online game.

You might also like