You are on page 1of 39

PAG UNLAD SA KASANAYAN

Worksheets para sa mga Di Gaanong Nalinang na Kasanayan sa


Filipino para sa Ikaapat na Baitang
Unang Edisyon 2020

ISBN 978-621-8218-03-1
Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi Maaring Magkaroon ng Karapatang-
ari (sipi) sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ng pahintulot
g ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak
o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa worksheet na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari.

Inilathala ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Cabuyao

Punong Lungsod : Atty. Rommel A. Gecolea


Pangalawang Punong Lungsod : Atty. Leif Opina
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan : Dr. Doris DJ. Estalilla
Katuwang Pansangay na Tagapamanihala : Dr. Elvira B. Catangay

Kasalukuyang Pamunuan ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Cabuyao


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan : Hereberto Jose D. Miranda, CESO VI
Katuwang Pansangay na Tagapamanihala : Dr. Neil G. Angeles

Mga Bumuo ng Worksheets

Punong Tagapangasiwa : Dr. Jonathan F. Bernabe


Education Program Supervisor - Filipino
Mga Manunulat : Grace M. Cardoza, Rochelle S. Gundran
Jessica T. Gimenez at Maria Luisa R. Albor
Mga Konsultant : Dr. Edna F. Hemedez, Chief, CID
Dr. Jose Charlie S. Aloquin, OIC Chief, SGOD
Mga Tagaguhit : Patrick Lemuel V. Reyes
Patrick L. Pernia
Disenyo ng Pabalat : Patrick Lemuel V. Reyes
Tagasuri ng Kalidad ng Katiyakan : Dr. Jackie Lou A. Almira, EPS-LRMS

Printed by : Hercules Publication Enterprises, Binan City, Laguna


Published by : City Schools Division of Cabuyao
Osmena St. Poblacion Dos, Cabuyao City, Laguna
Tel No. (049) 545-4878, (049) 545-4597
Email: division.cabuyao@deped.gov.ph

All rights reserved


No parts of this book maybe reproduced in any form by any means without permission from the
publisher

GOVERNMENT PROPERTY, NOT FOR SALE

2
PAUNANG SALITA

Mahal na mga mag-aaral,

Ang Workbook na ito ay inihahandog namin sa inyo upang higit na


malinang ang inyong kakayahan at mapaunlad ang kaalaman
paggamit ng Wikang Filipino. Ito ay binubuo ng mga worksheets na
isinulat ng mga pili at mahuhusay na guro ng kasalukuyang henerasyon.
Ang mga paksa na napili ay ayon sa Ulat ng mga Di Gaanong Nalinang
na Kasanayan mula sa mga isinagawa ninyong pagsusulit. Ang Gabay
Pangkurikulum 2016 ang basehan ng mga manunulat sa pagbuo ng
mga gawaing pagkatuto na lilinang sa inyong mga kaalaman.
Layunin ng mga gawaing pagsasanay na mapayabong at
mapaunlad ang inyong mga kasanayan upang masiguro na ang lahat
ng mga kompetensi na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon ay inyong
natutunan. Nawa ay makatulong ito sa inyo upang lalong humusay at
maging handa sa mga hamon ng makabagong panahon.
Gamitin niyo ito nang maayos, sundin at unawain ang mga
panuto sa bawat gawaing pagsasanay. Magkaroon ng positibong
pananaw sa pag-aaral upang mapagtagumpayan lahat ng pagsubok
na mararanasan. Tandaan, na ang aming pagsisikap na maturuan at
mapahusay ang inyong kakayahan ay tanda ng aming pagmamahal
sa inyo bilang aming mag-aaral.
Gabayan at Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal.
Maligayang pag-aaral.

Dr. Jonathan F. Bernabe


Education Program Supervisor

3
Talaan ng Nilalaman

Karapatang Sipi ……………………………………………………..…….. 2


Paunang Salita ……………………………………….………………….. 3

Talaan ng Nilalaman ………………………………………….……………….. 4

Worksheet Blg. 1 Gamit ng Pandiwa Ayon sa Panahunan …………………. 5

Worksheet Blg. 2 Pagtukoy ng mga sumusuportang detalye sa mahalagang


kaisipan ng nabasang kwento ………………………………. 9

Worksheet Blg. 3 Pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang


napakinggang isyu, sitwasyon o tula ……………………….. 12

Worksheet Blg. 4 Wastong Gamit ng Pang-uri …………………………………. 15

Worksheet Blg. 5 Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento ……….. 18

Worksheet Blg. 6 Sanhi at Bunga ………………………………………………… 21

Worksheet Blg. 7 Gamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa


Pagsasalaysay …………………………………………………. 25

Worksheet Blg. 8 Gamit ng Pag-angkop …………………………………………. 27

Worksheet Blg. 9 Mga Uri ng Panghalip ………………………………………… 29

Worksheet Blg. 10 Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng


Pag -uugnay sa Sariling Karanasan………………………… 32

Worksheet Blg. 11 Gamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa


Pakikipag-usap …………………………………………………. 35

4
Worksheet Blg. 1

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain

Gamit ng Pandiwa ayon sa Panahunan

II. Kasanayang Pampagkatuto

Nagagamit ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng


nasaksihang pangyayari. (F4WG-IId-g-5)

III. Panuto

Basahin at unawain ang maikling talakayan tungkol sa paksa.

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng


isang tao, bagay, o hayop. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay takbo, sayaw,
uminom, kumain, umiyak, ay binigyan.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nangyari, nangyayari, o


mangyayari pa ang kilos.

Handa ka na ba?

Isagawa ang mga sumusunod na gawain sa pagsasanay, pagpapayabong at


pagpapaunlad.

5
IV. Gawain

A. Pamamaraan

Basahin at unawain ang kuwento.

Rosas na Damit
ni Grace M. Cardoza

Pumunta sa mall ang mag asawang Nestor at Andrea kasama ang kanilang
anak na si Myla. Nanlaki ang mga mata ni Myla pagkapasok sa mall. Manghang
mangha sa mga taong nakikita sa loob. May mga namimili ng damit at sapatos.
Sama sama silang naglalakad sa loob ng mall wala siyang tigil sa pag-ikot
hanggang nakakita siya ng rosas na damit. Patakbo siyang nagtungo sa
kinaroroonan nito. Hindi mapigilan ang kanyang pananabik na mahawakan at
maisukat ito. Nagmadali niyang niyayaya ang kanyang nanay habang hila-hila ang
kamay nito. Pahaplos-haplos at wari’y nangungusap ang kanyang mga mata sa
kanyang nanay na bilhin ang damit. Naramdaman ni Aling Andrea ang pananabik
ng anak kaya’t kinuha ang damit at agad namang isinukat ito kay Myla umikot na
parang prinsesa. Nakangiting nagtungo sa cashier si Aling Andrea. Hinalikan ni
Myla ang kanyang nanay at nagpasalamat.

B. Mga Tanong tungkol sa Kuwentong binasa.

1. Sino ang mga tauhan sa kwento? ____________________________

2. Saan sila pumunta? __________________________________________

3. Ano-ano ang mga nakita ni Myla sa mall? ________________________

4. Bakit siya nagpasalamat sa kanyang nanay? _______________________

5. Sa palagay mo bakit ganon na lamang ang pagkamangha ni Myla nang


nakapasok na siya sa mall? ____________________________________

6
1. Pagsasanay

Piliin ang mga pandiwa sa binasang kuwento. Isulat ang sagot sa loob
ng bilog.

Pandiwa

2. Pagpapayabong

A. Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap at tukuyin ang


panahunan nito. Isulat ang sagot sa patlang.

_________ 1. Pumunta sa mall ang mag-asawang Nestor at Andrea.

_________ 2. Maraming namimili ng damit sa mall.

_________ 3. Sama-samang naglalakad ang pamilya ni Myla sa loob ng mall.

_________ 4. Isinukat ni Myla ang nagustuhan niyang rosas na damit.

_________ 5. Hinalikan ni Myla ang kanyang nanay.

7
3. Pagpapaunlad

Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na pandiwa


ayon sa hinihingi ng talahanayan.

Pandiwa Ginaganap Naganap na Gaganapin pa

gawa

inom

sayaw

nood

tulog

Pamantayan sa Pagmamarka

5 - nakabuo ng mga pangungusap sa bawat bilang na may kaayusan at


kaisahan ayon sa hinihingi ng talahanayan.
4 - nakabuo ng 2 pangungusap sa bawat bilang na may kaayusan at
kaisahan ayon sa hinihingi ng talahanayan.
3 - nakabuo ng 2 pangungusap sa bawat bilang na may kaayusan ayon
sa hinihingi ng talahanayan.
2 - nakabuo ng 1 pangungusap sa bawat bilang na may kaayusan ayon
sa hinihingi ng talahanayan.

8
1 - nakabuo ng 3 pangungusap na may kaayusan ayon sa hinhingi ng
talahanayan.
V. Panapos

Mahusay!

Binabati kita dahil napagtagumpayan mong isagawa ang lahat ng mga gawain.

9
Worksheet Blg. 2

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain

Pagtukoy ng mga sumusuportang detalye sa mahalagang kaisipan ng


nabasang kwento.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang mga pansuportang detalye sa mahahalagang kaisipan sa


nabasang teksto. (F4PB-IIIe-h-11.2)

III. Panuto

Basahin at unawain ang maikling talakayan tungkol sa paksa.

Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy kung ano ang nais


ipaunawa ng may akda tungkol sa paksa na babasahin ng kanyang mga
mambabasa. Ito ay madalas na makikita sa unahan o hulihang parte ng
talata.

Ang pantulong na kaisipan ay ang mga detalye na gagabay at


susuporta sa pangunahing kaisipan upang mas labis na maunawaan ang
mensahe ng talata.

Handa ka na ba?

Isagawa ang mga sumusunod na mga gawain sa pagsasanay,


pagpapayabong at pagpapaunlad.

10
IV. Gawain

A. Pamamaraan

Basahin at unawain ang teksto.

Ang mamamayan ng barangay Mamatid ay masisipag. Sabay-sabay na


naglilinis ng kapaligiran ang mga tao tuwing umaga. Ang mga kababaihan ay
nagwawalis habang ang mga kalalakihan ay naglilinis ng mga kanal. Tumutulong
din ang mga bata sa paglilinis. Lahat sila ay masayang naglilinis ng paligid.

B. Mga Tanong

1. Tungkol saan ang binasang teksto?

2. Aling pangungusap ang tumutukoy sa pangunahing detalye sa

binasang teksto?

3. Aling mga pangungusap ang tumutukoy sa mga sumusuportang

detalye sa binasang teksto?

1. Pagsasanay

Salungguhitan ang mga pangungusap na tumutukoy sa mga


sumusuportang detalye sa mahalagang kaisipan sa nabasang teksto.

1. Ang aming pamilya ay punung-puno ng pagmamahalan. Masayang


nagsasama sina nanay at tatay. Inaalagaan kaming magkakapatid ni nanay. Si
tatay ay tumutulong kay nanay sa mga gawaing bahay. Inaalagaan ko at nilalaro
ang mga kababata kong kapatid.

2. Mahal na mahal ni Garrick ang alaga niyang aso. Pinapakain niya ito araw-
araw. Pinapaliguan niya ito tuwing Sabado. Magkasama silang naglalaro sa
kanilang bakuran. Tumatabi ito sa kanya tuwing siya ay nagpapahinga sa sala at
nanood ng TV.

11
2. Pagpapayabong

Magbigay ng mga pangungusap na tumutukoy sa sumusuportang detalye


ayon sa sumusunod na kaisipan.

1. Palaging bumabaha sa loob ng paaralan ng Mamatid tuwing umuulan.


a. _______________________________________________________
b. ________________________________________________________
c. ________________________________________________________
2. Ang Health Center ng Mamatid ay maayos na nagbibigay serbisyo sa mga
mamamayan.
a. _______________________________________________________
b. ________________________________________________________
c. ________________________________________________________

3. Pagpapaunlad

Gumawa ng talata na may lima (5) hanggang walong (8) pangungusap


tungkol sa hindi mo makakalimutang masayang karanasan sa paaralan.

Pamantayan sa Pagmamarka

5 - nakabuo ng talata na may 8 na pangungusap, may kaayusan at kaisahan

4 - nakabuo ng talata na may 6 na pangungusap, may kaayusan at kaisahan

3 - nakabuo ng talata na may 4 na pangungusap, may kaayusan at kaisahan

2 - nakabuo ng talata na may 3 na pangungusap, may kaayusan

1 - nakabuo ng talata na may 2 na pangungusap, may kaayusan

V. Panapos

Mahusay! Binabati kita dahil napagtagumpayan mong isagawa ang lahat ng mga
gawain.

12
Worksheet Blg. 3

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat g Gawain

Pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu,


sitwasyon o tula.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu,


sitwasyon o tula (F4PS-Id-I-1)

III. Panuto

Handa ka na ba?

Isagawa ang mga sumusunod na mga gawain sa pagsasanay, pagpapayabong


at pagpapaunlad.

IV. Gawain

A. Pamamaraan:

Basahin at unawain ang tula.

Teka Muna!
Ni Grace M. Cardoza

May mga bata sa laro’y nawiwili

Mga gawain ay hindi maintindi

Kapag tinawag mo’y wari mo ay bingi

Di maunawaan aking sinasabi

13
Pindot dito, pindot doon at may pasigaw pang sambit

Di pwedeng itigil sapagkat magaling ang katunggali

Abalahin mo’y agad nagagalit

Hintaying matapos upang makapuntos nang higit.

Teka muna! Teka muna! Sa mga bata palaging naririnig

Hindi alintana mga nangyayari sa paligid.

Sana sa paglalaro sila ay tumigil

upang matutunan pagtalima sa gawain.

B. Mga Tanong.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano ang ipinapahiwatig ng tula?

1. Pagsasanay

1. Ano ang inilalarawan ng tula tungkol sa mga kabataan? Ilahad ito.

a. __________________________________________________

b.__________________________________________________

c. __________________________________________________

2. Pagpapayabong

Ibigay ang iyong reaksyon o opinyon sa mga sumusunod na paksa.

a. Edukasyon

b. Facebook o iba pang Social Media accounts

c. Mga bisyo ng kabataan

14
3. Pagpapaunlad

Bumuo ng talata ukol sa napapanahong isyu sa ating kapaligiran.

_______________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka

5 - nakabuo ng komprehensibong talata na may kaayusan at kaisahan.

4 - nakabuo ng talata na kumpleto ang nilalaman na may kaayusan at


kaisahan.

3 - nakabuo ng talata na kumpleto ang nilalaman

2 - nakabuo ng talata na may ilang kakulangan sa nilalaman.

1 - nakabuo ng talata na may maraming kakulangan sa nilalaman

V. Panapos

Mahusay! Binabati kita dahil napagtagumpayan mong isagawa ang lahat ng mga
gawain.

15
Worksheet Blg. 4

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain: Wastong Gamit ng Pang-uri


II. Kasanayang Pampagkatuto: Paggamit nang wasto ng pang-uri sa
paglalarawan ng tao,lugar,bagay,at pangyayari. F4WG-IIa-c-4
III. Panuto:

Handa ka na ba?

Basahin ang maikling kuwentong ”Kabutihang Loob”. Isagawa ang mga


sumusunod na gawain sa pagsasanay,pagpapayabong at pagpapaunlad.

IV.Gawain

A. Pamamaraan

Kabutihan ng Loob
ni Rochelle S. Gundran

Masagana at maykaya ang pamumuhay na kinalakihan ni Yazmien, ang


bukod tanging anak ng mag-asawang Lorna at Celso. Kinamulatan ng dalaga
ang pagiging matulungin nito sa kanyang kapwa at hindi sumagi sa isipan niya
na maginhawa ang buhay nila.

Nagtuturo siya sa mga batang lansangan hindi alintana ang init at usok sa
kalsada maging ang mga sariling gawain makapagturo lamang sa mga bata
sa bangketa. Naaawa siya kapag nakikita niya ang mga batang marumi,
gutom at nagtitiis. Kuwento niya sa kanyang kaibigan “Inspirasyon niya ang
mga batang lumaking may pagmamahal sa sarili kahit alam nilang wala silang
kinamulatang magulang at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay”.
Napabilib si Ana kay Yazmien bukod sa maganda at mabait ito, tumutulong ito
ng walang hinihintay na kapalit.

Malapit ang loob ni Yazmien sa mga batang lansangan. Isang


araw ,ibinahagi niya sa kaibigan ang totoong dahilan kung bakit ganun na
lamang ang pagmamahal niya sa mga bata. Sa isip ni Ana, “mailalarawan si
Yazmien ng may kabutihan ang loob, mapagmahal at malinis ang hangarin.

16
B. Mga Tanong

1.Sino ang mga tauhan sa kuwento?

2.Ano-ano ang mga mabubuting katangian ni Yazmien?

3.Ano ang kinalakihang buhay ng dalaga sa piling ng mag-asawa?

4.Bakit malapit ang loob ni Yazmien sa mga batang lansangan?

5.Kung ikaw si Yazmien gagawin mo rin ba ang pagtulong sa kapwa? Bakit?

1. Pagsasanay

Sa loob ng mga bilog isulat ang mga katangian ni Yazmien.

YAZMIEN

2. Pagpapayabong

Piliin ang wastong pang-uri sa bawat bilang.

1. Si Yazmien ay ______ sa kanyang mga magulang.


(mapagmahal,masayahin,masipag)

2. Siya ay ______sa mga batang lansangan na nangangailangan ng


atensiyon.(masikap,malapit,maayos)

3._____ang kinagisnan na pamumuhay ng dalaga sa piling ng kanyang mga


magulang. (Mahirap,Masaya,Maginhawa)

4. Pinalaki ng magulang ang dalaga na may _______ ang kalooban.


(busilak,galit,mahiyain)

5. ___________ si Yazmien sa mga taong nangangailangan ng kanyang tulong.


(Matulungin,Masipag,Matiisin)

17
3.Pagpapaunlad

Bumuo ng isang talata gamit ang mga salitang naglalarawan ukol sa isang lugar
na paborito ninyong pasyalan.

Pamantayan sa Pagmamarka

Rubriks sa Pagsulat ng Talata

5 - Malinaw at may buong diwa ang talatang sinulat na naglalarawan.

4 - Malinaw at may buong diwa ang talatang sinulat na naglalarawan ngunit may
kulang ng isang pangyayari

3 - Malinaw at may buong diwa ang talatang sinulat na naglalarawan ngunit kulang
ng dalawang pangyayari.

2 - Malinaw at may buong diwa ang talatang sinulat na naglalarawan ngunit may
kulang ng tatlong pangyayari.

1 - Hindi malinaw ang talatang sinulat na naglalarawan.

V.Panapos

Binabati kita sa matagumpay na pagsagot sa wastong gamit ng pang-uri.

18
Worksheet Blg. 5

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain: Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento

II. Kasanayang Pampagkatuto: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa


kuwento.F4PB-Ic-5.4

III.Panuto

Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain upang


makatugon ka nang wasto at angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng
mga gawain.

IV.Gawain

A. Pamamaraan

Munting Pangarap
ni Rochelle S. Gundran

Mahirap na bata si John na ang pangarap lang ay maging isang guro.


Pagkagradweyt niya ng highschool ay hindi na siya nakapag-aral sa
kolehiyo.Kinausap niya ang kanyang ina, “Inay makakapagtapos pa kaya ako?”tanong
niya sa kanyang inay. “Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa
rin ang Panginoon basta’t maniwala lang tayo sa kanya. “ Ano na lang kaya kung
mamasukan na lang ako bilang katulong? Para naman makatulong ako sa inyo. “
Salamat anak! Pero bata ka pa, hayaan mo na lamang kami ng iyong itay ang
magtrabaho. Gumawa ng paraan si John at pumunta siya sa Maynila para
makipagsapalaran. Naghanap siya ng trabaho para siya ay makapag-aral sa kolehiyo.
Nagtatrabaho siya sa umaga at sa gabi naman ay pumapasok siya sa pampublikong
paaralan.Hindi hadlang kay John ang kahirapan sa buhay makamit lamang ang
kanyang munting pangarap. Maraming problema ang dumating sa kanyang buhay
pero kahit minsan hindi siya sumuko. Sa pagsusumikap ni John sa buhay
nakapagtapos siya ng kolehiyo sa sarili niyang pawis at tiyaga. Ngayon, isa na siyang
magaling na guro sa kanilang lugar at ang lagi niyang payo sa kanyang mga mag-
aaral basta’t gusto mo ang isang bagay,magagawa at makukuha mo kung ito ay iyong
pagsusumikapan.

19
B. Mga Tanong

1. Ano ang pangarap ni John?

2. Saan siya nagpunta para makipagsapalaran?

3. Bakit kailangan magtrabaho ni John?

4. Ano ang ginawa ni John upang makapagtapos sa kanyang pag-aaral?

5. Kung ikaw si John gagawin mo rin ba ang ginawa niya para makapagtapos ng
pag-aaral? Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Pagsasanay

Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.

____a. Nakapagtapos ng kolehiyo si John

____b. Pumunta siya sa Maynila para makipagsapalaran

____c. Nagtrabaho siya sa umaga at sa gabi naman ay pumapasok sa paaralan

____d. Mahirap na bata si John na may munting pangarap

____e. Ngayon,isa na siyang magaling na guro

2.Pagpapayabong

Isulat sa loob ng kahon ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.

WAKAS

GITNA

SIMULA

20
3. Pagpapaunlad

Sumulat ng isang yugto sa iyong buhay at ayusin ayon sa pagkakasunod-sunod


ng mga pangyayari.

Pamantayan sa Pagmamarka

Rubriks sa Pagsulat ng Talata

5 - Malinaw at may buong diwa ang talatang sinulat .

4 - Malinaw at may buong diwa ang talatang sinulat ngunit may kulang ng isang
pangyayari

3 - Malinaw at may buong diwa ang talatang sinulat ngunit kulang ng dalawang
pangyayari.

2 - Malinaw at may buong diwa ang talatang sinulat ngunit may kulang ng
tatlong pangyayari.

1 - Hindi malinaw ang talatang sinulat na naglalarawan.

V. Panapos

Binabati kita dahil matagumpay mong naisaayos ang pagkakasunod sunod ng


mga pangyayari sa kuwento.

21
Worksheet Blg. 6

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain: Sanhi at Bunga


II. Kasanayang Pampagkatuto:Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
sa binasang teksto.F4PB-IIIe-i-99

III. Panuto

Handa ka na ba?

Basahin ang maikling kuwento na may pamagat na “Kabutihang Loob”.


Isagawa ang mga sumusunod na gawain sa pagsasanay, pagpapayabong at
pagpapaunlad.

IV.Gawain

A. Pamamaraan

Mobile Legend
ni Rochelle S. Gundran

Laro na kung saan maraming bata ang nahuhumaling at isa na dito si Michael.
Walang ginawa si Michael kundi tumutok lamang sa kanyang nilalaro, ang pahinga
lamang niya ay kumain at matulog na kung minsan ay nakakaligtaan na niya. Sa
nagdaang araw hindi niya alintana na lagi niyang hanap ang larong ito na kahit
ang kanyang magulang ay hindi niya pinapansin ang mga sinasabi nito. Hanggang
sa mapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral. Tanghali na kung gumising at
madalas walang takdang-aralin. Ipinatawag siya ng kanyang guro at kinausap ito
kung ano ang nangyari sa kanya. Habang naglalakad siyang pauwi iniisip niya
kung ano ang sasabihin niya sa kanyang mga magulang kapag nalaman na ang
kanyang grado ay bumaba. Pagdating niya sa bahay nakita niya ang kanyang
ama’t ina at agad niya itong kinausap tungkol sa kanyang kalagayan.
Pinangaralan siya ng kanyang mga magulang, “ Anak alam mo ba na may
negatibong epekto ang paglalaro ng computer games o mobile legend na kung

22
saan hindi mo napapansin na bumababa na ang iyong grado dahil sa palagian
mong paglalaro, hindi ka na nakakagawa ng iyong mga gawain sa paaralan.
“Patawarin ninyo po ako nanay at tatay simula po ngayon tatapusin ko muna ang
mga takdang aralin ko at makikinig ng mabuti sa itinuturo ng guro para makakuha
ng magandang grado. Ipinangako niya sa sarili niya na mag-aaral na siyang
mabuti at susunod sa mga sinasabi ng kanyang mga magulang.

B. Mga Tanong

1. Ano ang paboritong gawin ni Michael?

2. Bakit napabayaan niya ang kanyang pag-aaral?

3. Sino ang kumausap sa kanya?

4. Saan niya kinausap ang kanyang magulang tungkol sa kanyang kalagayan?

5. May aral ka bang napulot sa kuwento? Ipaliwanag.

6. Ibahagi ang inyong karanasan sa paglalaro ng online games. Nakatulong ba


ito sa inyong pag-unlad bilang mag-aaral?

1.Pagsasanay

Bilugan ang letra ng tamang bunga ng sumusunod na sanhi.

1. Mahilig maglaro si Michael.

a. walang ginagawa sa bahay

b. masipag tumulong sa gawain

c. may atensiyon sa sinasabi ng magulang

2. Tanghali na kung gumising si Michael.

a. maagang nakakapasok sa paaralan

b. late pumasok sa paaralan

c. araw-araw may takdang-aralin

3. Hindi niya pinapansin ang sinasabi ng kanyang magulang

a. natutuwa ang mga ito sa kanya

b. ipinagmamalaki nila si Michael

c. pagsasabihan ng mga magulang si Michael


23
4. Pinatawag siya ng kanyang guro at masinsinang kinausap ito

a. dahil sa napapabayaan nito ang kanyang pag-aaral

b. dahil natutuwa ito sa kanyang ginagawa

c. dahil may ibibigay ang guro sa kanya

5.Tamad mag-aral si Michael

a. mataas ang nakuhang marka nito

b. mababa ang nakuhang grado nito

c. sabik pumasok sa paaralan

2. Pagpapayabong

Iugnay ang mga parirala sa hanay A sa mga pariralang nasa hanay B upang
mabuo ang pangngusap na nagpapahayag ng sanhi at bunga.

Hanay A Hanay B

1.Naglalaro palagi ng Mobile Legend a.Palaging late sa pagpasok

2.Tanghali kung pumasok sa paaralan b.Mababa ang nakuhang grado

sa kard

3.Kinausap ng guro si Michael c.walang ginagawa sa bahay

4.Hindi sumusunod sa utos ng magulang d.pagsasabihan na mali ang

kanyang inaasal

5. Walang pakialam sa paggawa ng e.dahil napapabayaan ang

takdang-aralin pag-aaral

24
3.Pagpapaunlad

Isulat ang magiging bunga sa mga sumusunod na sanhi.

1.Sanhi: Hindi gumagawa ng takdang aralin.

Bunga:__________________________________

2.Sanhi:Paboritong gawin ay maglaro lamang

Bunga:_________________________________

3.Sanhi:Laging nagdadabog sa utos ng magulang.

Bunga:_________________________________

4.Sanhi:Puyat palagi sa paglalaro ng mobile legend.

Bunga:_________________________________

5.Sanhi:Pumapasok ng tanghali sa paaralan.

Bunga:________________________________

V. Panapos

Binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa ang mga gawain.

25
Worksheet Blg. 7

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain : Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa


Pagsasalaysay
II. Kasanayang Pampagkatuto :
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng sariling
karanasan. F4WG – IVa-13.

Ang mga pangungusap ay lipon ng mga salita na may buong diwa…


• Ito ay binubuo ng simuno at panaguri.
• Ito rin ay gumagamit ng iba’t ibang bantas tulad ng tuldok, kuwit, tandang
pananong at tandang padamdam depende sa uri ng pangungusap

Apat na Uri ng Pangungusap

1. Pasalaysay o Paturol
Halimbawa: Malapit na ang pista ditto sa amin.

2. Patanong
Halimbawa: Maghahanda po ba tayo?

3. Pautos o Pakiusap
Halimbawa: mag-imbita kayo ng mga kaibigan. Maari po ba kaming mag imbita sa
pista?

4. Padamdam
Halimbawa: Naku! Ang ganda ng palamuti sa daan

III. Panuto

Handa ka na ba?

Basahin at unawain ang maikling kwento. Isagawa ang mga sumusunod na


gawain sa pagsasanay, pagpapayabong at pagpapaunlad.

26
IV. Gawain

A. Pamamaraan

Sa Santolan
ni Jessica T. Gimenez

Abalang-abala ang magkapatid sa pagpunta sa bukid. Inay, sasama ba ako


kay kuya Titoy? Oo anak, sige mag-iingat kayo. Matthew, puntahan mo sandali si
Natoy. Isama natin. Sige kuya, dalhin mo na ang basket. Aba! Nandito na si Natoy!
Kung gayon, tayo na sa bukid. Lumakad na ang magkapatid at ang kanyang kaibigan
papunta sa bukid. Naku! Ang daming bunga ng santol! Sino ba ang sanay umakyat?
“Ako na lang, magaling akong umakyat” wika ni Natoy. “Ako na ang aabot at
maglalagay sa basket” dagdag ni Titoy. “Baba kana Natoy, puno na ang basket”
tuwang-tuwang sabi ni Matthew.
“Sige, bababa na ako” tugon ni Natoy.

B. Mga Tanong
1. Pagsasanay
Sagutin ang bawat katanungan sa maikling kwentong binasa.
1. Ano ang sinabi ni Matthew sa kanyang Inay?
2. Ano naman ang sabi ni Titoy kay Matthew?
3. Sino ang nakita ni Matthew na parating na ikinatuwa niya?
4. Saan pupunta sina Matthew, Titoy at Natoy?
5. Nakarating ba sila sa kanilang pupuntahan? Isalaysay.

2. Pagpapayabong
Isulat sa patlang ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.

__________1. Inay, sasama ba ako kay kuya Titoy?


__________2.Naku! Ang daming bunga ng santol!
__________3. Matthew, puntahan mo sandal si Natoy. Isama natin.
__________4. Sino ba ang sanay umakyat?
__________5. Ako na ang aabot at maglalagay sa kaing.

3. Pagpapaunlad
Pumili ng pangungusap sa kwento at uriin ang bawat pangungusap
ayon sa gamit.

27
Pangungusap Uri ng Pangungusap

V. Panapos

Binabati Kita sa iyong matagumpay na pagtatapos ng mga gawain.

28
Worksheet Blg. 8

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain : Gamit ng Pag-angkop

II. Kasanayang Pampagkatuto :

Nagagamit nang wasto ang pang-angkop sa pakikipagtalastasan. F4W6-IIIf-g-10


Pang-angkop - ito ang mga salitang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan
Halimbawa: na,-g,-ng

III. Panuto

Handa ka na ba?
Basahin at unawain ang maikling kwento. Isagawa ang mga sumusunod na
gawain sa pagsasanay, pagpapayabong at pagpapaunlad.

IV. Gawain
A. Pamamaraan

ARAW NG PAMILYA
ni Jessica T. Gimenez

Tuwing Linggo, maagang nagigising ang pamilya ni Mang Juan.


Kailangang bago magbukang-liwayway ay makarating na sila sa Nuvali para mag
jogging. Dalawang oras ang pamilya sa pag-eehersisyo. Pagkatapos nilang mag-
inat-inat ng katawan, magpapalit na sila ng kanilang damit upang makapagsimba.
Nagdadasal para sa katahimikan ng bansa at magpapasalamat sa pagpapalang
natatamo araw-araw. Pagkatapos magsimba, sila ay namamasyal sa mga lugar
na gusto nilang puntahan.
Ang araw na iyon ay napakahalaga sa pamilya.

29
B. Mga Tanong

1. Pagsasanay

Sagutin ang mga tanong tungkol sa kwento.

1. Saan pumupunta ang mag-anak tuwing linggo?


2. Ano-ano ang mga gawain na gustong gawin ng pamilya ni Mang Juan
tuwing araw ng linggo?
3. Anong araw naman gustong mamasyal ng pamilya ni Mang Juan?
4. Bakit napakahalaga ng araw ng Linggo para sa pamilya?
5. Ibahagi ang iyong karanasan kasama ang iyong pamilya.

2. Pagpapayabong
Punan ng wastong pang-angkop ang mga salita. Isulat ito sa patlang.

1. dalawa___ oras
2. pagpapala___ natamo
3. masakit ____ katawan
4. tahanan__ maliit
5. maaga__ gumising

3. Pagpapaunlad
Hanapin ang mga pang-angkop sa maikling kwentong “Araw ng Pamilya”.
Isulat ito sa mga kasunod na bilang.

1.

2.

3.

4.

5.

V. Panapos:
Napagtagumpayan mo ang gawaing ito! Binabati kita!
30
Worksheet Blg. 9

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain : Mga Uri ng Panghalip


II. Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol
sa sariling karanasan. F4W6-If-j-3

Mga Uri ng Panghalip


1. Panghalip na Panao
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila,
siya, kanya

2. Panghalip na Pamatlig
Malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
Malapit sa kinakausap: iyan, niya, ayan, hayan, diyan
Malayo sa nag – uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon

3. Panghalip na Pananong
Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw
Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

III. Panuto

Handa ka na ba?
Basahin ang maikling usapan. Isagawa ang mga sumusunod na gawain sa
pagsasanay, pagpapayabong at pagpapaunlad.

31
IV. Gawain

A. Pamamaraan

Gng. Gomez : Kailangang ayusin ninyong mabuti ang ating gulayan sa


paaralan. May paligsahan sa pinakamagandang mga pananim at
pinakamagandang ayos ng ating gulayan. Sana’y manalo tayo.

Shain : Saan po ba dapat itanim itong mga napunlang petsay?

Jannah : Dito nalang sa mga nireseklong plastik na bote.


Hindi iyan makikita kung doon sa sulok ilalagay.

Clare : Ito namang mga siling malalago na diyan ko nalang itatanim sa


tabi ng talong.

Gerald : Dito ko nalang po ilalagay ang mga wala pa pong tanim na


mga nireseklong taniman ng iba pang gulay sa sulok.

Gng. Gomez : O sige, diyan nalang ninyo ilagay sa tabi, Maraming Salamat sa
inyo.
B. Mga Tanong
1. Pagsasanay
Sagutin ang bawat katanungan sa maikling usapang binasa.
1. Ano ang pinaghandaan ng klase ni Gng. Gimenez?
2. Sino-sino ang mga tumutulong sa guro?
3. Saan nila itinanim ni Shain ang mga punlang petsay?
4. Saan naman itinanim ni Clare ang mga sili?
5. Ano ang mga ginamit nilang taniman ng mga gulay?

2. Pagpapayabong
Sumulat ng dalawang pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng panghalip
batay sa mga sumusunod na paksa.
1. Ang kahalagahan ng Pag-aaral
2. Ang magulang
3. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa
4. Ang pag-aaral ng pagluluto
5. Ang kagandahan ng kalooban
32
3. Pagpapaunlad
Bumuo ng mga pangungusap na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng
panghalip tungkol sa isang dalagang Filipina.

1.

2.

3.

4.

5.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Tseklist
OO HINDI
Pagkakaugnay ng detalye
Pagkakabuo ng pangungusap
Kaangkupan ng panghalip sa pangungusap
Wasto ang ginamit na panghalip
Puntos
Kabuuan:

V. Panapos
Binabati kita

33
Worksheet Blg. 10

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain

Pagbibigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng Pag- uugnay sa


Sariling Karanasan

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling


karanasan. (F4PT-Iva-1.12 )

III. Panuto

Handa ka na ba?

Isagawa ang mga sumusunod na gawain sa Pagsasanay, Pagpapayabong at


Pagpapaunlad.

IV. Gawain

A. Pamamaraan

Basahin at unawain ang tula

Umagang Kay Ganda


ni Maria Luisa R. Albor

Bukang-liwayway
tuwing ika’y sasapit
Siyansi’t kawali’y
Iyo nang maririnig

Mapag-arugang ina’y
Matiyagang nangungulit
Masarap na inihain dapat kainin
Para sa mahal at magiliw na supling

34
B. Mga tanong

1. Ano ang paksang tinatalakay sa tula?


2. Ano ang nais ipahiwatig ng may-akda ng tula?

1. Pagsasanay

Bilugan ang salita sa panaklong na nagbibigay kahulugan sa ibinigay na salita

1. bukang-liwayway (umaga, hapon,gabi)

2. magiliw (mabangis,matapang, maamo)

3. supling (anak, gamit,higaan)

4. sasapit (kakain, darating, aalis)

5. maaruga ( masungit, maalaga,matampuhin)

2. Pagpapayabong

Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang mga salitang may parehong
kahulugan.

1. magiliw
Bakit tila para kang maamo? Hindi kaya ikaw ay may hihilingin?
2. Bukang-liwayway
Ang mga magsasaka ay maaga nang nagsisimula sa kanilang paggawa.
3. Sasapit
Ang Tito Rico ay galante sa regalo pagdating ng pasko.
4. Supling
Ang mga magulang ay mapagmahal sa kanilang mga anak.
5. maaruga
Ang mga nurse ay maalaga sa kanilang mga pasyente.

3. Pagpapaunlad

Piliin sa loob ng kahon ang tamang kahulugan ng mga sumusunod na mga


salita at gamitin ito sa pangungusap.

Umaga maalaga maamo

anak darating

35
1. sasapit –
____________________________________________________
2. bukang-liwayway-
____________________________________________________
3. maaruga-
____________________________________________________
4. supling-
____________________________________________________
5. magiliw-
____________________________________________________

V. Panapos na Gawain

Binabati kita sa matagumpay na pagtatapos ng mga gawain.

36
Worksheet Blg. 11

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _________________________________________

I. Pamagat ng Gawain

Gamit ng Iba’t ibang Uri Ng Pangungusap sa Pakikipag-usap

II. Kasanayang Pampagkatuto

Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-usap.

(F4WG-IVb-e-13.2)

III. Panuto

Handa ka na ba?

Basahin at unawain ang maikling kuwento. Isagawa ang mga gawain na may
kaugnayan sa kuwentong binasa.

IV. Gawain

A. Pamamaraan

Ang Manika
Ni Maria Luisa R. Albor

Sabado. Nagkita ang mag kaibigan sa labas ng bahay ni Ella.“Aba! Ella


may bago kang laruan. Masayang sambit ni Kenchie habang hinahagod ng
tingin ang maamong mukha ng manika.“Oo ,Kenchie, maganda ba?” ang
tanong ng kaibigan. “Wow! paborito ko kaya ang kulay rosas na damit nito.”
Nang bigla na lang may humablot sa manika, nagulat ang magkaibigan. Hindi
nila napansin na may tao sa kanilang likuran at ito ay si Jay-ar.

Si Jay-ar ay ang batang kulang sa pansin kung tagurian sa kanilang lugar.


Kahapon, habang naglalakad si Kiko na kapitbahay nila, ay tinilapid niya ito.
Habang papalayo sa kanya ay walang habas ang tawa ni Jay-ar. Noong
Huwebes, pilit nitong hinawakan ang dalawang kamay ni Petra at sabay ikot

37
sa kanya...sige ikot .. ikot pa! Hanggang sa matimbuwang sa hilo ang bata.
Naiwan itong luhaan. Agad na kumaripas ng takbo ang batang lalaki.

“Hoy! Jay –Ar , umagang –umaga, pwede ba wag kang mang-inis.” Sigaw ni
Kenchi. “Isauli mo nga iyan kay Ella.” Pagtatangol ng kaibigan. “Sige na! ibigay
mo na sa akin ang manika ko.” Pagmamakaawa ni Ella, ngunit nagbingi-bingihan
lang ito. Iwinawasiwas ng batang pilyo ang magandang manika habang patalon-
talong lumayo sa magkaibigan. Hinabol ng dalawang babae ang batang pilyo
subalit likas itong maliksi. Hanggang sa nawala na ito sa kanilang paningin.

B. Mga Tanong

1. Sino ang magkaibigan sa kuwento?

2. Sino ang batang pilyo sa kuwento?

3. Ano ang ginawa ng batang pilyo sa manika ni Ella?

4. Ano ang magiging damdamin mo kapag sa iyo nangyari ang karanasan ni Ella?

5. Karapat-dapat ba ang ginawa ni Jay-ar? Bakit?

1. Pagsasanay

Iugnay ang mga pangungusap ayon sa uri nito.Piliin ang angkop na titik at isulat
ito sa unahan ng bilang ng pangungusap.

Hanay A Hanay B

_______ 1. Naku! Inagaw ang manika a. pasalaysay

_______ 2. Ibinili ng nanay si Ella ng bagong laruan b. pautos

_______ 3. Maaari bang mahiram ang iyong manyika. c.Padamdam

_______ 4. Saan nagtago si Jay-ar? d. patanong

_______ 5. Sige na ibalik mo sa akin iyan. e. pakiusap

2. Pagpapayabong

Lagyan ng angkop na bantas ang mga sumusunod na pangunusap upang


maipahayag ang uri nito.

1. Hoy Jay-ar umagang umaga ha


2. Maganda ba ang manika ko
3. Kumaripas ng takbo si Jay-ar
4. Ibalik mo ang manyika
5. Wow paborito ko ang kulay rosas

38
3. Pagpapaunlad.

Bumuo ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat kolum.

Pasalaysay

Patanong

Padamdam

Pakiusap

Pautos

V. Panapos

Binabati kita sa matagumpay na pagsagot sa mga gawain.

39

You might also like