You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
City Schools Division of Tacurong
ABANG-SUIZO INTEGRATED SCHOOL
Brgy. Buenaflor, City of Tacurong

Learning Area Filipino


Grade Level Grade III
Date and time Allotment Nobyembre 23, 2022/ 50 minutes
Demonstration Pre-Service Teacher Shedina D. Balino
Rater MARILOU V. DOLORFINO, T-III

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 3
I.LAYUNIN Anotasyon

A.Pamantayang Nakikilala ang pahiwatig na salita.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagbibigay ng kahulugan sa pangungusap na ginagamitan


ng pahiwatig na salita

C. Mga Kasanayan sa Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng


Pagkatuto mga salita tulad ng paggamit ng mga palatandaang nagbibigay
ng kahulugan (katuturan o kahulugan ng salita, sitwasyong
pinaggamitan ng salita, at pormal na depinisyon ng salita).

Code ng bawat kasanayan F3PT-lc-1.5

II.NILALAMAN Paggamit ng Pahiwatig upang Malaman ang Kahulugan ng


mga Salita Tulad ng Paggamit ng mga Palatandaang
Nagbibigay ng Kahulugan.

KAGAMITANG PANTURO

A. 1. Mga Pahina sa Batang Pinoy Ako, Manwal ng Guro 3, Pahina 124-125


gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa Batang Pinoy Ako, kagamitan ng Mag-aaral 3, Pahina 66-70


Kagamitang Pang
Mag-aaral
3. Curriculum Guide Grade 3, Curriculum Guide pahina 48 ng 190

4. MELC Grade 3, MELC (Most Essential Learning Competencies) pahina


152

Iba pang Kagamitang PowerPoint Presentation, Laptop


panturo

A.Balik-aral sa nakaraang Noong nakaraang aralin tinalakay natin ang mga salitang
aralin at/ o pagsisimula sa magkatugma.
bagong aralin.
Ang mga salita ay magkatugma kung magkakatulad ang mga
huling tunog ng mga ito.

B. Paghahabi sa layunin sa Hulaan mo ako.


aralin.
Panuto: Hulaan o tukuyin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga
pangungusap.

Ito ay pook pamilihan na madalas puntahan ng mga tao upang


mamili ng mga pagkain para sa pamilya.

Ito ay pook na maraming pwedeng pag-laruan ang mga bata.

Ito ay silid na tahimik at may maraming libro.

Ito ay silid kung saan nag-aaral ang mga mag-aaral.

Ito ay ang silid kung saan pwedeng magpahinga at humiga.

C. Pag-uugnay ng mga Tukuyin ang mga salitang may salungguhit.


halimbawa sa layunin ng
aralin 1. Handa kong damayan ang aking katoto na si Ramon sa
anumang mga pagsubok sa buhay sapagkat kami ay
para nang magkapatid ang turing sa isa’t is
a. Kaibigan c. Kaklase
b. Kasosyo d. kalaban
2. Nahihikayat ng local na pamahalaan sa Barangay
Amazion ang nahimokna mga kabataan sa pagsali ng
proyektong “Operasyon: Supil Covid-19.”
a. Kabataan c. operasyon
b. Pagsali d. Nahimok

D. Pagtatalakay ng bagong -Ano ang tawag sa mga salitang tinalakay natin ngayon?
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1

E. Pagtatalakay ng bagong Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinapahiwatig ng salita sa


konsepto at paglalahad tulong ng pahiwatig na pangungusap.. Punan ng titik ang bawat
pagallahad ng bagong salita.
kasanayan #2
1. Mababang halaga

Nabili ni aling Cely ang kanyang damit sa mababang halaga


lamang.

M __ r__

2.Kahiramang-suklay

Si Kyline ang aking kahiramang_suklay.

K __ __ b __ g __ n
3. Makapal ang bulsa

Si Riza ay may makapal na bulsa kung kaya’t nabibili nya ang


gusto nyang bilhin.

M __ p__ra

4. Haligi ng tahanan

Masipag at makisig ang aming haligi ng tahanan.

T__t__y

5. Ilaw ng tahanan

Mahal naming ang aming ilaw ng tahanan.

N__n__y

F. Paglilinang sa kabihasaan Piliin sa Paru-paro ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit sa tulong ng pahiwatig na pangungusap.
(Tungo sa formative
assessment)

_____1.Labis ang sukling ibinigay ng tidera.Bumalik ako at


isinauli ang pera.

_____2.Dahan-dahang dumampi ang lamok sa balat ko.

_____3.Ang babala kaugnay sa pag-dating ng malakas na bagyo


ay sinunod ng mga tao.

______4.Narinig ng lahat ang hiyaw ng babaeng humihingi ng


tulong.

______5. Sinaklolohan nina Bert at Rea ang jsong nalulunod.

G. Paglalapat ng aralin sa Hatiin sa tatlo ang klase.


pang araw-araw na buhay
Bigyan ng basahin na maikling kwento ang mga bata.

Hikahos ang pamilya nina mang Ben, madalas ay wala silang


ulam. Ganun pa man ay makikita pa rin silang maligaya dahil
sama-sama sila. Nagkakapit-bisig sa lahat ng gawain. Yan ang
pamilya ni Mang Ben.

Panuto: Bigyang ng sariling kahulogan ang mga sumusunod na


salita;

Hikahos

Maligaya

Nagkakapit-bisig

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang pahiwatig na salita?

Naranasan n’yo bang magbasa at matagpuan ang mga


salitang hindi mo alam ang kahulugan? Isa sa mga estratehiya
upang malaman ang kahulugan ng salitang hindi mo alam ang
kahulugan nito ay ang pag-unawa sa mga salita sa loob ng
pangungusap. Ang tawag sa mga salitang ito ay pahiwatig na
salita o context clues.

Pahiwatig na Salita – salita o parirala na magbibigay ng


pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng salitang
dipamilyar sa loob ng pangungusap.

May mga paraan upang matukoy ang pahiwatig sa


kahulugan ng salita sa loob ng pangungusap.

1. Depinisyon – direktang mababasa ang kahulugan ng salita sa


loob ng pangungusap.

Halimbawa:

Kaninang umaga, nagwalis ako sa labas ng


bahay nang may napansin akong makahiya, isang
halaman na tinuturing na damong ligaw na tumutubo saan man
sa mabababang lugar sa Pilipinas.

Ang salitang nakadiin sa loob ng pangungusap ay ang

makahiya

Unawain ang nasalungguhitang mga salita

isang halaman na tinuturing na damong ligaw na tumutubo


saan man sa mabababang lugar sa Pilipinas.

Maituturing itong pahiwatig na mga salita dahil ito ay


nagbibigay kahulugan o depinisyon sa salitang makahiya.
2. Karanasan - nabuo ang kahulugan batay sa karanasang
nabanggit sa pangungusap

Halimbawa:

Ako’y nagsaliksik tungkol sa makahiya dahil wala akong sapat


na kaalaman sa halamang ito.

Ang salitang di-pamilyar sa loob ng pangungusap ay ang

nagsaliksik

Intindihin ang nasalungguhitang mga salita

wala akong sapat na kaalaman

Maituturing itong pahiwatig na mga salita dahil ito ay


nagbibigay pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng
salitang nagsaliksik batay sa kanyang karanasang wala siyang
sapat na kaalaman tungkol sa halamang makahiya.

Ang kahulugan ng salitang nagsaliksik ay…

nagkalap ng impormasyon

Nagbabago ang ating dating kaalaman o nakatutuklas tayo ng


panibagong mga kaalaman, konsepto, o ideya sa
pamamagitang ng:

 Pananaliksik gamit ang iba’t ibang mga babasahin tulad


ng:
 aklat
 magasin
 pahayagan
 mga leaflet
 Pananaliksik gamit ang internet

I.Pagtataya ng Aralin Panuto: Kompletuhin ang talata at isulat sa patlang ang


wastong salita na ipinahihiwatig ng mga larawan. Piliin sa
kahon ang iyong sagot.

Bata malusog maghugas ng kamay

Alcohol matanda facemask


Bawal lumabas ang ______ at ang mga matatanda na

may edad 65 pataas. Dahil sa pandmeyang kumakalat ngayon

sa buong mundo. Kailangan lagi tayong malinis sa katawan at

maging ______ . Mag-suot ng _______ kapag

lalabas ng bahay. Ugaliing _______ o kaya’y gumamit

ng ______. Upang maiwasana ang sakit na

nakakahawa.

J. Karagdagang Gawain para Panuto: Magsaliksik ng limang salita at gamitin ito sa


sa takdang aralin at pangungusap.
remediation
1.

2.

3.

4.

5.

Inihanda ni :

SHEDINA BALINO
Pre-Service Teacher

Iwinasto ni:
MARILOU V. DOLORFINO, T-III
Cooperating Teacher

You might also like