You are on page 1of 43

Paggamit ng iba’t ibang uri ng

panghalip sa iba’t ibang


sitwasyon
Tuklasin Mo

Basahin at pag-aralan ang usapan.


Carla, halika Pumunta tayo sa mall


Anong gagawin natin doon? Bibili ako
ng mga damit. Ano, sasama ka ba?
Siyempre sasama ako

Nakikilala mo pa ba ang mga salitang


may guhit? Anong bahagi ng pananalita
ito?

Pa

Ano ang hinalinhan ng mga salitang


may guhit?

Aling salita ang humalili sa tao?


Aling salita ang nagtatanong?


Aling salita ang ginamit sa


pagtuturo sa tao, hayop, lugar o
pangyayari?
Alamin Mo

Matutukoy mo ba ang mga gamit ng mga


panghalip sa bawat pangungusap?

1. Siya ang maybahay na uliran at minahal ng


kaniyang mga anak.

2. Nakita niya ang kahirapan dinaranas ng


pamilya.

3. Sino ang dapat sisihin sa katayuan ng


pamilya? “Doon muna kayo sa aming
munting tirahan”, alok ng taong
nagmamalasakit.

4. Anuman ang mangyari ay sama-sama


tayong makibaka sa buhay.

5. Lahat ay nagpasalamat sa kabutihang


loob ng kaibigan

6. Para sa mahihirap handa akong


tumulong at paglingkuran ang mga
nangangailangan.

7. Dito sa lugar ko, ligtas kayo at sana


magtulungan tayo upang labanan ang
kahirapan.

8. Ito ang misyon ko sa buhay, ang


makatulong sa mga taong
nangangailangan ng kalinga.

9. Kami po ay labis na nagpapasalamat


sa kabutihang loob ninyo. Pagpapalain
po kayo ng Poong Maykapal

Panghalip na Panao ang tawag sa salitang


ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao.
May panauhan at kailanan ang panghalip
panao.
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan

(nagsasalita) Ako, ko, akin Kita, kata Kami, tayo

(kausap) Ikaw, ko, akin Kayo

(Pinag-uusapan) Siya, niya, kanya Sila


Ang Panghalip na pamatlig ang tawag sa


salitang ginamit na panghalili sa
pagtuturo ng tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari. Ito ay may panauhan na
nagsasaad ng layo ng taong nagsasalita
sa taong kinakausap.
Panauhan Paturol Paari Patulad Pahimaton

Malapit sa Ito, Ire Nito,nire Ganito, ganire, Heto, eto


nagsasalita ganyan

Malapit sa Iyan Niyan Ganyan, ayan


kausap ganiyan

Malayo sa nag- Iyon, yaon Niyan, noon Ganoon, gayon Ayan, hayan
uusap Ayun, hayun

Panghalip na pananong ang tawag sa


mga katagang ginagamit sa
pagtatanong, maaaring tungkol sa tao,
bagay, panahon, lunan o pangyayari.
Maaari itong isahan o maramihan.
Isahan Maramihan Isahan Maramihan

Ano Ano-ano Kailan Kai-kailan

Sino Sino-sino Kanino Kani-kanino

Ilan Ilan-ilan Paano Paa-paano

Alin Alin-alin Gaano Gaa-gaano

Saan Saan-saan magkano Magka-magkano


Gawin nyo

Ilista sa papel ang limang tanong na


nabuo para sa pananaliksik ng alamat.
Rebisahin ito gamit ang mga uri ng
panghalip na natutunan. Humanda para
sa pagsusuri ng pangkat.
Gabay sa Pagsusuri

1. Direktang tumutugon ang mga nabuong


tanong sa alamat.

2. Gumamit ng panghalip bilang aplikasyon


ng aralin.

3. Ang mga tanong ay hihikayat sa mga


tatanungin na maglahad ng kanilang
alamat.

4. Ang mga tanong ay tutumbok sa


inaasahang awtput.
Gawin Mo

Basahin ang maikling tula. Tukuyin ang


mga panghalip pamatlig

Ganoon ang nakita ko sa karagatan


Ganitong mga isda ang aking
natunghayan Kasama’y mga sirena yari’y
ang kagandahan Ganyan ang mga kulay
na nagkikislapan

Gaano ba kaganda ang karagatan? Ano-


ano ang ginagawang kapinsalaan? At
sino-sino ang pinagbibintangan?
Isaisip Mo

Isipin na sisimulan na ang pananaliksik


sa napiling alamat. Tukuyin kung sino-
sino ang tatanungin at kung paano
makakuha ng impormasyon.
Isulat Mo

Sagutin at dugtungan ang pahayag


Sa araling ito, lubos kong natutuhan ang


pagiging mapagkawanggawa at ito ay
_________________________________
_____________________
_________________________________
_____________________

You might also like