You are on page 1of 4

PANGALAN: _____________________________________ANTAS at

SEKSYON:__________
WORKSHEET #9 ARAW: 3 Araw

WORKSHEET SA FILIPINO 6
UNANG MARKAHAN-IKALIMANG LINGGO

Iba’t ibang Uri ng Panghalip

TUKLASIN

Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Madalas makikita mo ang mga langgam na sama-sama
sa pagtahak sa iisang daan. Naitanong mo ba sa iyong sarili kung ano ang ginagawa ng mga
langgam? Bakit kaya sama-sama sila palagi sa kanilang ginagawa? Basahin ang tulang “Ang
Munting Langgam” upang malaman mo ang ginagawa ng mga langgam.

a. Sino ang pinag-usapan dito?


b. Ano-ano ang mga ginagawa niya?
c. Habang binabasa mo ang tula, napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa bawat
linya nito?
d. Ano- anong mga salita ang may salungguhit?
e. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ano ang panghalip?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.1: Basahin mong muli ang tulang “Ang Munting Langgam” nang
sa gayon ay makikilala mo pa ang iba pang uri ng panghalip na ginamit sa bawat linya nito.
Tukuyin at piliin ang mga panghalip na ginamit sa mga linya ng tula.

1. Kayang-kaya mo dalhin ang bagay na iyong pasan.


2. Ano ang dala mo? Nahulog na piraso ng ulam namin?
3. Langgam, langgam, hayan ka na naman!
4. Saan ka ba pupunta?
5. Sana balang araw, kasingsipag n’yo rin ako.

PAGYAMANIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba at ibigay ang
angkop na panghalip. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

A. (Panghalip Panao)
1.Nilo: Halika na. Pumunta na ___________ sa kabilang barangay. Manood ______ ng
basketball tournament doon.
2.Mario: Gabi na, ___ ba ay hindi natatakot?

B. (Panghalip Paari)
1.Maraming produktong mabibili rito sa ______bansa.
2.Gustong- gusto rin ang ______ bag na yari sa abaka at nito.

C. (Panghalip na Pananong)
1._______ang pipiliin mo manirahan sa lungsod o sa nayon?
2.________ ang mga nakatira sa malaking gusaling iyon?

D. (Panghalip na Pamatlig)
1.(Ito, Dito, Ganito) pupunta sa bahay natin si Maria.
2. Ang pagkain ay (ganoon, doon, iyon) bibilhin.

E. (Panghalip na Panaklaw)
1. (Anuman, Sinoman, Kailanman) hindi kita pababayaan lalong-lalo na ngayong panahon ng
krisis.
2. (Lahat, Madla, Anuman) tayo ay magsisikap para umunlad ang ating bayan.

LINANGIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1:Lagyan ng (/) tsek ang patlang kung tama ang panghalip na
may salungguhit sa pangungusap. Kung mali, palitan at isulat sa patlang ang wastong panghalip
na dapat gamitin sa pangungusap.
__________1. Nagpulong ang mga guro sa opisina ng punongguro. Kanina
pa sila nagsimula.  
__________2. Maraming gulay at prutas sa palengke. Doon tayo mamimili.
__________3. Tingnan mo ang pitaka na napulot ni Jody. Ganoon ang
nawawala kong pitaka.
__________4. Kailangan natin ng telang pula para sa ating proyekto. Ano
tayo bibili?
__________5. Akin ang aklat na ito. Binili ito ni tatay para sa ating dalawa.
__________6. Si Tatay, Si Nanay, at ako ay pupunta sa bukid bukas. Sila ay
magtatanim ng gulay sa bukid.
__________7. Ikaw at ako ay kasali sa palatuntunan. Tayo ay magsasayaw
ng Tinikling.
__________8. Si lola ay isang mananahi. Siya ay magaling manahi ng
bestida at blusa.

__________9. Ang aking tatay ay pumunta sa Maynila. Heto siya nagtatrabaho.


__________10.Si Aliyah, Ryza, at Lyka ay tulong-tulong sa pagbuo ng proyekto. Nakakuha sila ng
mataas na marka sa kanilang proyekyo.

IANGKOP
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.2
Ang bayanihan ay isang kahangahangang kaugalian ng mga Pilipino. Bilang isang mag-
aaral, paano mo maipakikita ang bayanihan. Gamitin ang iba’t ibang uri ng panghalip sa pagbuo
ng talata kung paano mo maisasagawa ang bayanihan sa iba’t ibang sitwasyon.

ISAISIP (Kokopyahin ito sa inyong notebook sa Filipino)

Mahalaga na matutuhan ang iba’t ibang uri ng panghalip upang matukoy ang angkop na
panghalip na gagamitin sa iba’t ibang sitwasyon.
 
 Ang mga panghalip ay salitang panghalili sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, o
pangyayari. Ito ay maaaring gamitin sa iba’t ibang posisyon o bahagi ng pangungusap.

Uri ng Panghalip
 Ginagamit na panghalili sa sa tao
Panghalip na Panao
Halimbawa: ako, siya, kami, tayo,
ikaw, sila
 Ginagamit na panghalili sa salitang
Panghalip na Paari nagpapa-hayag ng pagmamay-ari
Halimbawa: akin, iyo, kanya, atin,
kanila
 Ginagamit na panghalili sa sumasaklaw
ng bilang, dami, kaisahan o kabuuang
tinutukoy
Panghalip na Panaklaw
Halimbawa: lahat, bawat, balana, madla,
tungkol, isa, sinuman, anuman, kailanman
 Ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng
tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari
Panghalip na Pamatlig
Halimbawa: dito, doon. diyan, ganito,
ganyan, ito, iyan, iyon, ganoon, hayan
 Ginagamit na panghalili sa paraang
Panghalip na Pananong patanong

Halimbawa: ano, saan, ilan, kailan, kanino


TAYAHIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3.1: Gamitin ang angkop na panghalip upang mabuo ang talata.
Piliin ang iyong sagot mula sa iba’t ibang uri ng panghalip na nasa loob ng kahon.

Ano lahat sinuman


bawat ating nating
Ito Anumang Tayo

(1) ang kahanga-hanga sa mga Pilipino? (2) ay tunay na kahanga-hanga dahil sa (3)
bayanihan. (4) ay ang pagtutulungan na walang hinihintay na kapalit. Ang (5) Pilipino ay
likas na matulungin. Mayaman man o mahirap ay nakahandang dumamay sa (6) . Sa
panahon ng sakuna, ang (7) ay nakahandang magpaabot ng tulong. Pagkain,damit, gamot at
maging ang lugar na matutuluyan ay handa (8) ibigay. (9) makayanan ay ibabahagi para
makatulong sa nagangailangan. Tunay na kahanga-hanga tayo kaya ipagmalaki natin ang (10)
pagiging Pilipino.

PAGNINILAY(Sasagutan sa inyong notebook)

Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod :

Nauunawaan ko na ____________________________.
Nabatid ko na _________________________________.

You might also like