You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

Learning Area Filipino 6


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)

Paaralan Pallocan East ES Baitang Baitang 6


LESSON Guro Reylen A. Maderazo Asignatura Filipino
EXEMPLA Petsa Markahan Unang Markahan
R
Oras Bilang ng Araw 3 araw
(see PIVOT 4A BOW for the
number of days)

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Masasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento,
tekstong pang-impormayon at usapan

A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

B. Pamantayan sa Pagganap Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa
tekstong napakinggan
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento,tekstong
(If available, write the indicated pang-impormasyon at usapan
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(If available, write the attached
enabling competencies)

II. NILALAMAN Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Napakinggan/Nabasang mga Pabula, Kuwento,
Tekstong Pang-impormasyon at Usapan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
RM-No.306, s.2020, PIVOT-4a-BOW, p.56
CG, p.118, F6PN-Ia-g-3.1
b. Mga Pahina sa Kagamitang LM sa Filipino 6, pp. 6-8
Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk Bagong Filpino; Pagbasa, pahina, 99-100


d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa Modyul, worksheets
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula ALAMIN

Sa araling ito, maipamamalas mo ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-


unawa sa napakinggan/nabasang teksto. Pagkatapos nang araling ito, inaasahan na masasagot
mo ang mga tanong sa

napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon

SURIIN
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

B. Pagpapaunlad SUBUKIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Iugnay ang tamang sagot sa hanay A patungo sa hanay B.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.

 Panuto: Iugnay ang tamang sagot sa hanay A patungo sa hanay B.


  A B
 
1. pabula A. ang panahon lugar o pook kung saan
naganap ang pangyayari sa kwento
2. tagpuan B. magandang ugali o asal na mapupulot
mula sa kwento
3. tauhan C. tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa pabula
4. banghay D. uri ng panitikan  kung saan ang mga
hayop ang gumaganap na tauhan
5. aral E. ang mga bida o gumaganap sa kwento

TUKLASIN
Kailan mo masasabi na tunay ang pagkakaibigan?
Paano maipakikita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa isang kaibigan lalo’t higit sa
panahon ng kalamidad o sakuna?
 
Sa kwentong ito ay matutuklasan natin kung paano pinatunayan ni Tipaklong at
Paruparo ang kanilang pagkakaibigan.
 
Ang Tipaklong at ang Paruparo
Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng
pangangailangan.
 
Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! May bagyo nang umagang iyon.
Nagsasayawan ang mga puno maging ang mga
halaman at bulaklak.
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas pa kasi
ako sa aking pinagtataguang kahoy”.
“Tiyak na giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala namang tumatakip
sa katawan mo. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong ng
kanyang kaibigang Paruparo.
“Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang
malumanay na sagot ni Tipaklong.
“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi ka lumabas sa
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo madarama. Hindi mo maaamoy ang
halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at halaman ay hindi mo
mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo.
“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-ayon. “Higit kang
mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang
sabi ni Paruparo.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.
“Ang katawan mo ay mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa? Samantalang ako,
ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas na hangin at
pagbagsak ng
malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.
 
PAGYAMANIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.1:  Matapos mong mabasa ang kwento, aling bahagi nito
ang nagustuhan mo? Ipaliwanag.
 
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2: Pumili ng isang tauhan sa pabula at iguhit ito. Anong
katangian ang hinangaan mo sa kaniya? Bakit mo nasabi?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.3: Anong aral ang natutuhan mo mula sa kwento? Itala sa
loob ng kahon ang iyong kasagutan.

C. Pakikipagpalihan ISAGAWA

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumawa ng kuwento tungkol sa mga hayop. Ilarawan ang
mga katangian na nagustuhan mo sa mga hayop. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s Material, p.7)

LINANGIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1: Basahin ang kuwento. Pagkatapos ay sagutan ang mga
sumusunod na tanong.

Ang Sakim na Aso

May isang sakim na Aso na lagi nang nagnanakaw ng mga pagkain ng mga
inosenteng Tuta. Isang araw ay gala nang gala ang Aso sa paghahanap ng magugulangang
Tuta. Masuwerte ang ganid sapagkat isang Tutang may sakmal
na pata ang makakasalubong nito sa daan. Nagkunwaring hindi pandin ng bruskong Aso ang
Tuta pero nang mapalapit ay bigla nitong inagaw ang taba at nagtatakbong papalayo.
Nang mapagod sa katatakbo ang Aso ay nagpalinga-linga ito. Nag-aalala ang ganid
na baka may higit na malaki pang Aso ang gustong agawin sa kanya ang masarap na pata ng
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

baboy. Upang masiguro, hindi siya nagdaan sa kasukalan kundi sa makitid na tulay.
Habang naglalakad na sakmal ang inagaw na pata ay nasalamin niya sa malinaw na
tubig ang sarili. Sa pag-aakalang higit na malaki ang patang sakmal sakmal ng higit na maliit
na Asong nasasalamin sa tubig, tinakot ng ganid ang anino sa pagtahol nito. Nabitawan ng
Aso ang pata na lumubog sa malinaw na tubig. Sisinghap-singhap ang ganid na Aso sa
panghihinayang.

1. Sino ang tauhan sa pabula?


2. Ano ang sakmal ng tuta na inagaw ng aso?
3. Saan nagdaan ang aso upang masigurong walang makakaagaw
ng sakmal niyang pata?
4. Bakit nahulog sa malinaw na tubig ang sakmal niyang pata?
5. Kung ikaw ang tuta, paano mo ipagtatanggol ang iyong sarili
laban sa malaking aso?

IANGKOP

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.2: Basahin ang kwento ng “Ang Unggoy at ang
Pagong”.Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong.

Unggoy at ang Pagong

Noong una pa man kahit laging magkasama ay palagi nang nagtatalo ang magkaibigang
Unggoy at Pagong. Maliit man o malaking bagay ay palagi nilang pinagtatalunan subalit di
naman dumarating sa puntong talagang nag-aaway na sila. Kilala ang isa’t-isa. Masyado
kasing mataas ang pagkakilala ni Unggoy sa kanyang sarili. Tingin niya’y angat siya kay
Pagong kung katalinuhan din lang ang pag-uusapan. Madalas namang nagsasawalang kibo na
lang si Pagong na kilala sa pagiging mapagpakumbaba.
Dumating ang araw na naging napakasama ng panahon. “Tila babagyo!” ani Pagong habang
kumukubli sa dahon ng isang puno ng saging upang di mabasa.
“Napakanerbiyoso mo naman!” sagot ni Unggoy. “Umulan lang nang bahagya’y parang
katapusan nang mundo mo. Umusod ka nga nang kaunti at nababasa na ako rito, “ ang
dugtong na pang-uuyam ni Unggoy.
Nagsawalang kibo na lang ang Pagong at pinagbigyan ang Unggoy. Patuloy na
lumalakas ang ulan at humahagupit na ang hangin. Natatakot na rin ang Unggoy ngunit di
siya nagpahalata sa kasama.
“ Lilipas din agad iyan, makikita mo……” wika ng nagtatapang-tapangang Unggoy.
Subalit ang bagyo’y sadyang lumakas pa hanggang matagpuan na lang ng dalawa ang
kanilang mga sariling palutang-lutang sa bumahang ilog sakay sa puno ng saging na kanina
lang ay nakatayo at kanilang sinisilungan.
Sa pagkakaanod sakay sa balsang puno ng saging ay di pa rin nawala ang pagkamataasin ni
Unggoy.
“Wag ka ngang malikot, Pagong baka mahulog ako. Ayokong mabasa ng pagkaitim-itim na
tubig na ito. Napakabaho na’y andami pang mga basura. Hay naku, ang mga tao talaga!
Ginagawang basurahan ang Ilog Parang ayokong tanggaping sila’y galing sa aming lahi,”
tuloy-tuloy na wika ni Unggoy.
“ Di nagtagal, inanod sila sa gilid ng isang gumuhong bundok. Upang di mahalata ang
pagkatakot ay nag-umpisa na lang uli ang Unggoy na magsalita. “Tingnan mo ang bundok na
ito, gumuho dahil walang punong nakatanim.Pinutol lahat ng mga tao at naiwang
nakatiwangwang. Hayun, ginawang kaingin ng mga magsasaka, sinunog ang mga naiwang
maliliit na puno. Itong baha ang bunga ng kanilang kalapastanganan,” ang malamang wika ni
Unggoy.
Tumango lang ang Pagong at nagwika; “Nakikita mob a ang mga kawawang ibong ‘yon?
Wala silang madapuan kaya sila’y nangangatog sa lamig.”
“Aba, Pagong,’ pakli ni Unggoy, sila’y kinaawaan mo. Hindi mo ba nakikita ang kalagayan
natin? Para tayong mga yagit na di alam kung saan dadalhin ng baha. Ang mga ibong iyon ay
maaaring lumipad at humanap ng masisilungan kung gugustuhin nila. Ikaw, hindi ka ba
naaawa sa sarili mo?”
Napailing na lang ang Pagong at sabay sabi, “kung gugustuhin ko’y kanina pa ako tumalon
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

dito at lumangoy papunta sa ligtas na lugar. Nakalimutan mo yatang maaari akong mabuhay
sa tubig o sa kati man. Ayoko lang na iwan kang mag-isa sa puno ng saging na ito.’
Biglang namutla at parang binuhusan ng malamig na tubig ang palalong Unggoy.

Sagutin ang mga tanong:


1. Bakit hindi iniwan ni Pagong ang kaibigang Unggoy sa pagkaanod nila sa
baha?
2. Sino sino ang mga tauhan sa pabulang pinakinggan?
3. Ano ano ang mga katangiang ipinakita nina Pagong at Unggoy?
Ilarawan.
4. .Bakit daw nagkaroon ng pagbaha ayon kay Unggoy?
5. Bilang isang mag-aaral sa Ikaanim na baiting, paano ka makatutulong sa
pangangalaga ng ating kapaligiran?
6. Ano ang inyong nadama matapos mabasa ang pabula?

D. Paglalapat ISAISIP
 
Ang pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan sa kwento ay
mgahayop na kumikilos at nag-aasal tao.
 
Tauhan - tawag sa mga gumaganap sa kwento.

Tagpuan- ang panahon lugar o pook kung saan naganap ang


pangyayari sa kwento
Banghay-tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
pabula
Aral- magandang asal o kaugalian na mapupulot sa kwneto
 
Mahalaga ang mabuting pakikinig upang masagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang
kwento o pabula.
 
Tandaan ang mga tauhan, mahahalagang pangyayari at aral na mapupulot sa kwento.
 
TAYAHIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang pabula at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Kuwento ng Magkapatid na Daga: Si Kiko at si Tomas

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s Material, pp.7-8)

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang ginagawa mo upang maging malakas at malusog ang katawan?
2. Paano ka makatutulong upang mapanatili ang malinis na kapaligiran?
3. Sang-ayon ka ba na walang takdang-aralin ang mga mag-aaral? Bakit?
4. Bakit kailangang sumunod sa mga batas at alituntunin ng barangay?
5. Paano ka makatutulong sa panahon ng krisis at kalamidad?

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod :

Nauunawaan ko na ____________________________.
Nabatid ko na _________________________________.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

You might also like