You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV - A CALABARZON
Division of Batangas City
Batangas City New District
Batangas City

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO VI
Pangalan:_______________________________________
Paaralan:________________________________________

Petsa:________________
Iskor:________________

I. PAKIKINIG
A. Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing talata ng guro. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
_____1. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina?
A. Hindi siya madidisgrasya at mababalian ng buto.
B. Gagaling pa siya sa pagbibisekleta.
C. Magagalit ang nanay niya.
D. Madali siyang makakarating sa paaralan.
_____2. Bakit kaya naisip kaagad ni Lino na nabalian ng buto si Bong?
A. dahil pumasok si Bong sa klase na pilay
B. dahil pumasok si Bong sa klase na nakawheel chair
C. dahil pumasok si Bong sa klase na nakabenda ang kamay
D. dahil pinagkaguluhan siya ng mga kaklase
_____3.Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay.
Hindi pa sana nangyari ito. Anong damdamin ang ipinahahayag ni Bong ng sabihin niya ito?
A. pagtataka
B. pagsisisi
C. pag-aalala
D. pagkalungkot
Para sa bilang 4-5, ano ang layunin ng may-akda sa bawat pahayag.
_____4. Hindi ka mahuhuli sa uso kung makakabili ka ng pinakabagong Orange Ipod. Mas mabilis ang
pagganap nito kaysa sa mga naunang modelo. Maraming laro ang pwedeng madownload at
magagamit mo pa ang kamera nito ng patalikod man o nakaharap sa iyo. Bili na habang on sale pa!
A. nanghihikayat
B. nagbababala
C. nagpapayo
D. nag-aalala
_____5. Hindi makakabuti sa ating mga ngipin ang pagkain ng matatamis at mga pagkaing labis sa
carbohydrates. Makabubuting magbawas tayo sa pagkain ng mga ito. Mas mainam na magsipilyo tayo
ng ngipin pagkatapos nating kumain.
A. nanghihikayat
B. nagpapayo
C. nagbibigay
D. nag-uutos
II. PAGSASALITA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
_____6. Nagpaligsahan sa pagtakbo sina Gerald at Mateo. Sino ang _____________? Anong angkop na panguri ang dapat gamitin?
A. mabilis
B. mabilis-bilis
C. mas mabilis
D. pagkabili-bilis
_____7. Si Enrique at may balat-sibuyas na kutis. Ano ang kayarian ng pang-uring may salungguhit?
A. inuulit
B. tambalan
C. payak
D. maylapi
_____8. Kapag inulit ang pang-uring payak na sarap ito ay magiging ____________.
A. masarap-sarap
B. napakasarap
C. masarap
D. anong sarap
_____9. Maraming turista ang dumadalaw sa Pilipinas taun-taon. Ang pang-abay na panlunang ginagamit sa
pangungusap ay _______.
A. marami
B. turista
C. taun-taon
D. sa Pilipinas

_____10. Agad na nagboluntaryo si Alex nang sabihin ko iyon sa kaniya. Alin ang sugnay na pang-abay?
A. agad na
B. Agad na nagboluntaryo si Alex
C. nang
D. nang sabihin ko iyon sa kaniya
_____11. Mabilis kinain ng daga ang keso na kanyang nakita. Alin ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa
pangungusap?
A. kinain
B. daga
C.mabilis
D. nakita
_____12. Nainip ka____ sa akin? Anong pang-abay na ingklitik ang bubuo sa pangunusap?
A. ba
B. nga
C. na
D. naman
_____13. Pagkakain nagpahinga muna ang mga trabahador bago nila itinuloy ang kanilang ginagawa. Alin ang
ang ginamit na ingklitik sa pangungusap?
A. nagpahinga
B. trabahador
C.bago
D.muna
_____14. Tuwing Sabado, nasa bukid kami ni Kuya Mike upang tulungan si Tatay ___________ si Ate Myra
ay nasa bahay at gumagawa ng gawaing bahay. Ano ang wastong pangatnig para sa patlang?
A. samantalang
B. upang
C. kaya
D. kaya
_____15. Dinala siya sa pagamutan at pinilit ng mga doktor na siyay pagalingin _______ talagang wala ng
lunas ang kanyang karamdaman.
A. pagka
B. ngunit
C. kung
D. sapagkat
_____16. Mas uunlad ang ating ekonomiya _________ tuloy-tuloy ang pagdating ng mga dayuhang turista sa
bansa.
A. nang
B. kapag
C.kaya
D. upang
_____17. Ang mga mag-aaral ng La Salle Lipa ay ay matatalino at masisipag ____ bata. Anong angkop na
pang-angkop ang dapat gamitin sa patlang?
A. na
B. nang
C. g
D. ng
_____18. Mauna na kayong kumain kapag hindi ako nakarating sa takda____ oras.
A. ng
B. g
C. nang
D. g
_____19. Ang mga sumusunod ay nasa karaniwang ayos ng pangungusap maliban sa isa. Alin ito?
A. Dagsa ang mga tao sa Luneta noong Bagong Taon.
B. Ang mga bata ay masasayang naglalaro.
C. May dalang pagkain ang bawat pamilyang pumupunta doon.
D. Masarap lahat ang dala nilang pagkain.
_____20. Ang mga kalye at kalsada ay puno ng mga karatula ng mga kandidato. Ang pangungusap ay nasa
anong ayos?
A. karaniwan
C. magulo
B. hugnayang
D. di-karaniwan
_____21. Nais mong sabihin sa kaklase mo ang narinig mong balita. Paano mo ito sasabihin?
A. Pito ang namatay sa pamamaril ng lalaking nag-amok sa Batangas.
B. Ilan nga ba ang napatay ng lalaking nag-amok sa Batangas?
C. Panoorin mo ang balita.
D. Naku! Napakawalang puso ng lalaking iyon.
_____22. Nagulat ka nang makita mo ang kaibigan mong galing sa ibang bansa. Paano mo ito maipapahayag?
A. Dadating ka na pala
C. Aba! Nakabalik ka na pala dito.
B. Kailan ka bumalik?
D. Anong pasalubong mo?
_____23. Ang mga kabataan ay lumahok sa Alay-Lakad. Alin ang buong simuno sa pangungusap?
A. kabataan
C. ang mga kabataan
B. lumahok
D. lumahok sa Alay-Lakad

_____24. Ang mga negosyante ay magbabawas ng mga manggagawa ngayong taon. Alin ang panag-uri?
A. ang mga negosyante
C. manggagawa
B. magbabawas
D. ngayong taon
_____25. Ang mga OFW ay makakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa kung magpapadala sila ng
dolyar. Anong uri ng sugnay ang may salungguhit?
A. sugnay na di nakapag-iisa
C. sugnay na nakapag-iisa
B. pariralang sugnay
D. hugnayan
_____26. Lalagay ako sa tahimik kapag maputi na ang buhok ko. Alin ang sugnay na di nakapag-iisa sa
hugnayang pangungusap?
A. tahimik kapag maputi
C. ako sa tahimik kapag
B. lalagay ako sa tahimik
D. kapag maputi na ang buhok ko
Para sa bilang 27-31, piliin ang pinakaangkop na ekspresyon o pananalita sa iyong puna o saloobin sa mga
sumusunod na sitwasyon.
_____27. Sumakit ang tiyan ni Monique sa dami ng kaniyang kinain.
A. Matakaw ka kasi, mabuti nga.
B. Sa susunod huwag kang kakain nang sobra.
C. Para ka kasing baboy kung lumamon.
D. Magdusa ka.
_____28. Bata pa ay nag-asawa na si Lorie kaya hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.
A. Dapat nagtapos ka muna bago ka nag-asawa.
B. Para ka ka kasing mauubusan ng lalaki.
C. Magtiis ka ginusto mo yan.
D. Bakit ka kasi nagmamadali, madami pang lalaki sa mundo.
_____29. Nakita ng ina nang mabasag ng anak ang mamamahalin niyang banga.
A. Lumayas kang bata ka,huwag ka ng babalik.
B. Perwisyo kang bata. Lumayas ka sa harapan ko!
C. Ano na naman yan anak? Tigilan ninyo ang habulan.
D. Huwag kang kakain ng isang linggo.
_____30. Palaging mababa ang nakukuha ni Darwin sa pagsusulit.
A. Bobo ka kasi kaya ka bumagsak.
B. Sikapin mong mag-aral nang mabuti sa susunod.
C. Tumigil ka na nga sa pag-aaral at walang mangyayari sa iyo.
D. Ano ka ba? Kaawa-awa ka naman.
_____31. Habang naglalakad, natalisod ang bata tuloy nadapa.
A. Hindi mo kasi tinitingnan ang iyong nilalakaran.
B. Ku, bulag ka ba at nadapa ka pa?
C. Ano ba? Nangangarap ka na naman.
D. Nakakainis kang bata ka, tumingin ka nga sa dinadaanan mo.
III. PAGBASA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____32. Nagpupuyos sa galit ang ama ng batang napatay ng salarin. Aling salita sa pangungusap ang kaugnay
ng pandama?
A. nagpupuyos
B. salarin
C. napatay
D. batang
_____33. May ilang mag-aaral na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan pagkatapos ng pagsusulit. Alin sa mga
sumusunod ang angkop na kahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. naalis na ang mahirap na isipin ng mga mag-aaral
B. nakakain na ng tanghalian ang mga mag-aaral
C. naipagamot na sa doktor ang mga mag-aaral
D. natanggal na ang nagbarang tinik sa lalamunan ng mag-aaral

_____34.Kapos na sila sa badyet kaya madalas ay kulang ang nakalaang pagkain sa kanilang pamilya. Alin
ang nagpapahiwatig ng kakapusan?
A. badyet
B. madalas
C. kulang
D. nakalaan
_____35. Ang mga ama ang haligi ng tahanan. Ang konotasyong kahulugan ng may salungguhit ay________.
A. poste ng bahay
C. tibay ng bahay
B. pinagkukunan ng lakas ng pamilya
D. pamilya
Para sa bilang 36-39, piliin ang kahulugan ng mga salitang pareho ang baybay ngunit magkaiba ang
kahulugan.
_____36. Tumatagos sa puso ang kanyang daing.
A. isdang hiniwa sa likuran
C. galit
B. pag-iyak
D. ingay
_____37. Iprito mo na ang biniling daing.
A. pagkatuwa
B. pag-iyak

C. karne
D. isdang hiniwa sa likuran

_____38. Sawa na ako sa mga pagkaing ganyan.


A. ayaw na
B. ahas

C. gusto

D. nais

_____39. Ang laki ng sawa sa may puno.


A. sanga
B. ayaw na

C. ahas

D. bunga

_____40. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng walis tingting.
1. Kayasin ang dahon
2. Kumuha ng mga dahon ng niyog
3. Ipunin ang mga tingting
4. Bigkisin ang naipong tingting
5. Lagyan ng bigkis
A. 3-1-4-5-2

B. 2-1-3-4-5

C. 2-1-3-5-4

D. 2-3-1-4-5

Para sa bilang 41-44 , basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.
Sa tabi ng riles ng tren matatagpuan ang munting tirahan ng mag-anak na Pecson. Isang gabi,
nag-uusap ang mag-asawa. Isko, lumalaki na ang ating mga anak. Hindi na magkakasya ang ating
kinikita, hinaing ni Aling Bering. Alam mo narinig ko kay Aling Maria na ang kooperatiba nila ay
nagbibigay ng puhunan upang makapagtayo ng maliit na negosyo, dagdag pa niya.
Nagtungo kinabukasan si Mang Isko sa kooperatiba at dito nalaman niya ang mga alituntunin sa
panghihiram ng pera. Nagsimula na sila ng bagong negosyo. Si Mang Isko ang nagtitinda ng sago at
palamig sa hapon at si Aling Bering naman sa umaga. Masipag at matiyaga ang mag-asawa kaya
napalago nila ang puhunan. Nakabayad sila sa kooperatiba. Ang maliit na kariton ay nahalinhan ng
pwestong malaki.
Isko, bukas na tayo lilipat sa bunggalong nabili natin, sabi ni Aling Bering. Magpasalamat tayo
sa Diyos sa lahat ng tulong niya, sabi ni Mang Isko. Talagang napakasarap ng bunga ng pagsisikap,
muling sabi niya. Hindi na sa tabi ng riles matatagpuan ang tahanan ng mag-anak na Pecson. Sa isang
sikat na subdibisyon na sila naninirahan. Maunlad na ang kanilang buhay ngayon.

_____41. Ano ang paksang diwa ng kwento?


A. Ang pag-unlad ng buhay ni Aling Bering at Mang Isko.
B. Ang biyayang natanggap ng mag-asawa.
C. Ang pagtatayo ng ibat-ibang klase ng negosyo.
D. Ang kooperatibang tumulong sa maliit na negosyo.
_____42. Ano ang negosyong itinayo ng mag-asawa?
A. tindahan
B. pagtitinda ng palamig
_____43. Alin sa sumusunod ang pahayag na katotohanan?
A. Malulugi ang kanilang negosyo.

C. groserya

D. sari-sari store

B. Pinakamasarap ang tinda nilang palamig.


C. Nanghiram si Mang Isko ng pera sa kooperatiba.
D. Marahil tutubo sila sa negosyong balak nilang simulan.
_____44. Alin ang pahayag na nagsasaad ng opinyon?
A. Masipag at matiyaga ang mag-asawa.
B. Malaki siguro ang patubo nila sa kanilang paninda.
C. Maunlad na ang kanilang pamumuhay.
D. Masikap sila sa pagtatrabaho.
_____45. Ang sumusunod na pahayag ay katotohanan maliban sa isa. Alin ito?
A. Lahat ng nangutang sa kooperatiba ay umunlad.
B. Nangutang si Mang Isko ng pera sa kooperatiba
C. Si Mang Isko ang nagtitinda sa hapon.
D. Nakatira na sila sa subdibisyon ngayon.
IV. PAGSULAT
Panuto: Pag-aralan ang tsart sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Pangangailangan sa Pagpapatala
Kindergarten/Baitang I
1. birth certificate
2. interview
3. sedula ng magulang

Baitang II-VI
Form 138
Form 137(1 kopya)
3. interview
4. certificate of good moral
character

______46. Sa sarili mong pangungusap, ibigay ang impormasyong nasa tsartt. Piliin ang angkop na pahayag.
A. Sa pagpapatala, mahalaga ang dokumento tungkol sa pagkatao ng batang mag-aaral.
B. Maaaring magpatala kahit sino.
C. Pawang mga kadistrito lang ang nakapagpapatala.
D. Lahat ng di-Katoliko ay hindi tatanggapin.
Para sa bilang 47-50, pag-aralan ang grap at sagutin ang mga tanong.
Buwanang Badyet ni Gng Eleanor sa isang Buwan (P10,000)
10%

15%

35%

15%
25%

____41. Anong uri ito ng grap?


A. circle graph
B. bar graph

C. line graph
D. pictograph

_____42. Anong bahagdan ang nakuha ng edukasyon?


A. 10%
B. 25%

C. 35%

D. 15%

_____43. Anong badyet ang pinakamaliit?


A. Bayarin
B. Ipon

C. Pagkain

D. Damit

_____44. Magkano ang buwanang badyet ni Gng. Eleanor sa loob ng isang buwan?
A. Php 10, 000,000
B. Php 10, 00
C. Php 1,000, 000

D. Php 10,000

Ang batang tapat sa pagsusulit,


Markay mataas ang nakakamit

GUD LAK!

Inihanda ni:
REYLEN A. MADERAZO
Pallocan East E/S

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV - A CALABARZON
Division of Batangas City
Batangas City New District
Batangas City

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO VI
TALAAN NG ISPISIPIKASYON
Layunin
A. Pakikinig
1. Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa tekstong
napakinggan.
2. Natutukoy ang layunin sa mga pahayag na napakinggan ang
nagpapayo, nagbababala, nanghihikayat atbp.
B. Pagsasalita
1. Nagagamit ang pang-uri sa ibat-ibang antas sa pagsasalaysay
2. Nasusuri ang kayarian ng pang-uri
3. Nagagamit ang mga sugnay na pang-abay na pamanahon,
panlunan at pamaraan
4. Nagagamit ang mga pang-abay na ingklitik gaya ng
pa,raw/daw, yata, nga, rin at din, muna
5. Nagagamit nang wasto ang mga pang-angkop at pangatnig sa
tambalan at hugnayang pangungusap
6. Nagagamit sa makabuluhang pakikipagtalastasan ang mga
pangungusap na karaniwan at di-karaniwang ayos
7. Nagagamit ang mga pangungusap na may ibat-ibang bahagi
sa pagbibigay ng paliwanag
8. Nagagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ang
ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit
7. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang sugnay na nakapagiisa at di nakapag-iisa
8. Napipili ang pinakaangkop na ekspresyon/pananalita sa
pagpapahayag ng pansariling puna o saloobin
C. Pagbasa
1. Nakikilala ang mga salitang kaugnay ng pandama
2. Naibibigay ang katuturan ng mahihirap na salita
3. Nabibigyang kahulugan ang denotasyonat konotasyong salita
4. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pareho ang
baybay ngunit magkaiba ang kahulugan
5. Napagsusunud-sunod ang mga hakbang sa isang Gawain
6. Naibibigay ang mahahalagang detalyeng ipinahihiwatig ng

Bilang ng
Aytem

Lalagyan ng
Aytem

Bahagdan

1-3

6%

4-5

4%

1
2

6
7-8

2%
4%

9-11

6%

12-13

4%

14-18

10%

19-20

4%

21-22

4%

23-24

4%

25-26

4%

27-31

10%

1
2
1

32
33-34
35

2%
4%
2%

4
1

36-39
40

8%
2%

akdang binasa
7. Napipili ang opinyon at katotohanang pahayag sa akdang
binasa
D. Pagsulat
1. Nailalahad ang isang ideya o kaisipan sa pamamagitan ng
tsart, grap
Kabuuan

41-42

4%

43-45

6%

46-50

10%

50

100

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO VI
MANWAL NG GURO
I. Pakikinig
A. Panuto: Pakinggang mabuti ang maikling kwentong babasahin ng guro. Sagutin ang mga tanong na
kasunod nito sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng tamang sagot. (1-5)

Ang Plaster ni Bong


Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang kanyang mga
kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya.
Anong nangyari sa iyo, Bong?, tanong ni Annie.
Plaster yan, hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto! ang malakas na sigaw ni Lino mula sa likuran
Oo, Lino, nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at
nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana nangyari ito., mahinang sagot ni
Bong.
Hayaan mo na, Bong. Gagaling din yan pagkatapos ng ilang buwan., sabi ni Emy habang
inaalalayan si Bong sa kanyang upuan.
Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase. Matapos
nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.
Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga
gawain habang ang kamay niya ay naka-plaster.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV - A CALABARZON
Division of Batangas City
Batangas City New District
Batangas City

IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO VI

Susi sa Pagwawasto
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.

A
C
B
A
B
C
B
A
D
D
C
B
D
A
B
C
A
A
B
D
A
C
C
B

26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.

D
B
A
C
B
A
A
A
C
B
B
D
A
C
C
A
B
C
B
A
A
A
C
B

25. C

50. D

You might also like