You are on page 1of 8

Ikatlong- Markahang Pagsusulit sa Filipino 4

Pangalan :________________________________________ Petsa:____________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Narito ang resipi sa paggawa ng Calamansi Juice. Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na hakbang
upang makagawa ng isang masarap at masustansyang juice.

Mga sangkap: 10 pirasong kalamansi, 1 2/4 kutsarang asukal,

4 na kutsarang honey/pulot, 1 litrong tubig

Mga Hakbang:

Hiwain ang kalamansi sa may puno nito. Ingatang huwag mahiwa ang mga buto.

Lagyan ng 1 2/4 ng kutsarang asukal ang 1 litrong tubig. Lagyan ng 4 na kutsarang honey.

Haluin at ilagay sa isang lalagyan. Palamigin o lagyan ng yelo kung nais.

Pigain ang kalamansi sa isang salaan.

Hugasan at patuyuin ang mga kalamansing gagamitin

A. 1,4,2,5,3 B. 5,1,4,2, 3 C. 5, 2, 1, 4, 3 D. 4, 5, 1, 3, 2

Panuto: Ibigay ang mga hakbang na may wastong pagkakasunod-sunod.

2. “Mga Hakbang sa Paglalaba”

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. “Mga hakbang sa “Pagsasaing ng Kanin”

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
4. Gumawa ng isang patalastas tungkol sa isang pagpupulong para sa gaganapin na “ Tree Planting”
na pangungunahan ng lahat ng mag-aaral sa Ika-apat na baitang.
“Tree Planting ating Paiigtingin”

Ano:_____________________________

Sino:____________________________

Saan:______________________
5. _________binati ni Allen si Lolo Felipe sabay halik sa kamay. Piliin ang angkop na pang-abay.
A. Malungkot B. Magandang
Kailan:____________________ C. Masayang D. Matamlay
6. Sa kabila ng hirap ng buhay si Jash ay nag-aaral habang nagtatrabaho. Upang matustusan ang kanyang
pag-aaral. Si Jash ay __________________
A. maingat B. masipag C. matulungin D. matipid
7. Laging may suot na facemask at naghuhugas ng kamay si Andy upang makaiwas sa sakit. Si Andy ay
______________.
A. maingat B. masipag C. matulungin D. matipid

Panuto: Babasahin ng guro ang Editoryal at sagutan ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.
8. Tungkol saan ang editoryal na iyong binasa?
A. Social Media B. Corona Virus C. Quarantine D. Community Lockdown
9. Ano ang isyung nais ilahad sa editoryal?
A. Online learning at modular distance learning
B. Walang injection walang face to face
C. Tatlong taon pa para bumalik sa dating normal
D. Kahalagahan dulot at hindi ng social media
10. Piliin sa mga sumusunod ang magandang epekto ng social media?
A. Nakasisira ng pag-aaral
B. Nakapagpawala ng pagpapahalaga sa sarili
C. Ang pagpili ng social media ay maaaring maging sanhi ng iba’t ibang problema tulad ng adiksyon
at cyber bullying.
D. Maaring magkaroon ng komunikasyon sa maga malalayong kaibigan o kamag-anak.
11. Piliin sa sumusunod ang hindi magandang epekto ng social media.
A. Ang paggamit ng social nedia ay makatutulong sa pag-aaral.
B. Madaling paraan upang makapagpalaganap o makapagbahagi ng impormasyon o mga balita.
C. Nakatutulong sa pag-aaral.
D. Maaaring maging sanhi ng cyber bullying

12. Piliin sa sumusunod ang nagpapakita ng argumento o pagtatalo.


A. Kung may magandang dulot ang media mayroon rin itong masamang epekto. Nakatutulong ito
pag-aaral sa pag-aaral ng mga bata lalo na sa panahon ngayon ngunit ang sobrang paggamit ng
social media ay maaaring maging sanhi ng addiction.

B. Sa pamamagitan ng social media nakikilala at nahahanap natin ang mga kamag-anak o dating
kaklase na nasa malayong lugar.

13-14: Ibigay ang paliwanag o puna sa isyung, “Dapat na bang itigil ang pagsusuot ng facemask sa mga
pampublikong lugar?”

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
Panuto: Isulat sa patlang ang K kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan at O kung ito ay
nagpapahayag ng opinyon.

__________15. Ayon kay David Squires (comics artist) ang sobrang paggamit ng social media ay
maaaring maging sanhi ng iba’t-ibang problema tulad ng adiksyon, cyber bullying,
pagkakalantad sa di-angkop na nilalaman, at negatibong epekto sa sikolohikal.

__________16. Ang social media ay may maganda at hindi magandang naidudulot sa atin.

Panuto: Isulat sa patlang kung pang-abay o pang-uri ang salitang may salungguhit sa pangungusap.

____________17. Dr. Jose P. Rizal ang pinakatanyag na bayani na nagtaguyod para sa pagbabago ng
Pilipinas.
_____________18.Malaya tayong pumili ng ating iboboto sa darating na eleksiyon.

Panuto: Isulat sa patlang ang pariralang pang-abay at pariralang pandiwa na makikita sa


pangungusap.

19.Maagang gumawa ng takdang-aralin si Sam.

20.Ang aking nanay ay naghanda ng mainit na kape para sa bisita.

19.______________________________

20._____________________________

21-22. Panuto: Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga wastong pang-angkop.

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Likas na maalalahanin ang mga Pilipino. Magiliw tayo sa pagtanggap ng ating mga
panauhin. Bago pa man sila dumating , abala tayo sa paglilinis at pag-aayos ng buong bahay.
Pinagluluto natin sila ng masasarap na pagkain.

23. Ano ang maaring pamagat ng talatang binasa mo?


A. Maaalalahaning Pilipino B. Masipag na Pilipino
B. Masayang Pilipino D. Mababait na Pilipino

Ang sampaguita ay isa sa pinakamabangong bulaklak.. Marami ang bumibili nito sa


tuwing ito’y itinitinda dahil sa halimuyak nitong taglay. Ginagawa itong pang-alay sa altar lalo
na ang ating mga kapatid na Katoliko. Ito rin ang isinasabit sa ating mga panauhin lalo na
kung ang panauhin ay galing sa ibang bansa.

24. Ano ang maaring pamagat ng talatang binasa mo?


A. Ang Bulaklak C. Ang Sampaguita
B. Ang Mabangong Bulaklak D. Ang Sampaguita sa Altar
Panuto: Piliin ang tamang pangatnig sa bawat pangungusap.Bilugan ang letra ng tamang sagot.
25. Makiisa tayong lahat ________umunlad ang bansang Pilipinas.
A. bagkus B. sapagkat C. upang D. kapag

26. Nag-aral akong mabuti kagabi _________may pagsusulit sa araw na ito.


A. kung B. subalit C. upang D. dahil

Panuto: Panonoorin ang isang balita o kaya naman babasahin ng iyong guro.Makinig at bilugan ang letra
ng tamang sagot.
27. Sino ang batang matapat na nakakuha ng pera ng isang gurong cancer survivor?
A. Asleah B. Ashnor C. Olive D. guro

28. Kung ikaw ay isa sa kaibigan ni Ashnor ipagmamalaki mo ba siya?


A. Oo, dahil siya ay isang batang matapat.
B. Oo, para sumikat siya.
C. Hindi, dahil hindi siya kahanga-hanga
D. Hindi, dahil siya ay mayabang
29. Kung ikaw ang nakakuha ng perang nawawala ng isang guro ano ang gagawin mo?
A. Tutularan ko po si Ashnor. Ibabalik ko po ang pera sa tunay na nagmamay-ari nito.
B. Hindi ko ibabalik wala namang nakakita
C. Hindi ko ibabalik dahil kailangan ko ito.
D. Sasamantalahin ko na ibili ito ng aking mga pangangailangan
30-31. Panuto: Sumulat ng mga pangungusap tungkol sa pagdiriwang ng “Mahal na Araw”. Guhitan ang
simuno at panaguri na ginamit.
_________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Panuto: Basahin ang maikling talata.Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na pangyayari.Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

Si Jack at Jill

Si Jack at Jill ay pumunta sa burol, para mag-igib ng tubig. Habang pababa sila ng burol ay
natumba si Jill at nahulog. Dahil dito nabasag ang kanyang korona at nahulog din si Jack.

1. Ikalawa, nag-igib sila ng tubig dito.


2. Ikatlo,habang pababa nahulog si Jill.
3. Una, pumunta si Jack at Jill sa burol.
4. Huli,nahulog din si Jack.
5. Sumunod,nabasag ang korona ni Jill..

32. A. 2,3,1,5, 4 B. 5,4,2,3,2,1 C. 3, 1, 2, 5, 4 D. 4, 1, 2, 3, 5

Panuto: Basahin ang talata. Piliin ang letrang maiuugnay mo sa sariling karanasan at kaisipang tinatalakay
ng bawat talata.

33. Dalawang beses sa isang Linggo ay nagkikita-kita kaming magkakamag-aral sa


birtwal na klase ni Bb. Ocampo. Bagong pamamaraan ng pagtuturo ang platapormang ito.
Guamagamit kami ng teknolohiya upang magtamo ng mga bagong kaalaman tulad ng google
Classroom, Powerpoint at ibapa. Ano pa’t masaya at mapanghamon ang birtwal na
pagkatuto ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya.

A. Karanasan sa pagpasok sa paaralan C. Karanasan kung paano maiiwasan ang COVID-19


B. Karanasan sa mga pagsubok sa buhay D. Karanasan sa birtwal na klase sa panahon ng pandemya
34.
Ang bibingka ay isa sa kakaning na madalas lutuin.. Paborito rin itong meryenda. Nilalahukan
ito ng giniling na bigas , asukal, gatas at buko. Kakaiba ang paraan ng pagluluto nito dahil kailangan
ito lagyan ng apoy sa itaas at ibaba ng humo.

A. Putahing handa C. Pagkaing Pinoy


B. Pagmamahal sa bayan D. Pagpupursige sa buhay

Panuto: Basahin ang talata at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas ang Bulkang Mayon. Matatagpuan ito sa Legazpi, Albay.
Dinarayo ito ng mga turistang galing sa ibat-ibang bansa.
Sinasabing isang kababalaghan ang hugis balinsuso nitong walang pingas. Kahit saan mang panig tingnan,
hindi nagbabago ang hugis nito.
Dati isang bulkang natutulog ngunit nang minsang sumabog ito, daan -daang tao ang nasawi at nilibing ng
buhay sa kumukulong putik nito. Sa di kalayuan sa bulkan, naroon ang simbahang Cagsawa. Natabunan ang
simbahang ito at ang pinakamataas na bahagi lamang ng tore nito ang naiwang saksi sa malagim na pangyayari
Sa kasalukuyan, nagiging aktibo na naman ang Bulkang Mayon.

35. Alin ang itinututring na isa sa pinakamagandang tanawin sa bansa?


A. Rice Terraces B. Tagaytay C. Bulkang Mayon D. Chocolate Hill

36. Saan matatagpuan an gBulkang Mayan?


A. Albay B. Tanay C. Quezon D. Batanggas

37-38. PANUTO: Sumulat ng maikling talata tungkol sa Pagbabago ng Klima (Climate Change) gamit
ang sanhi at bunga.
Panuto: Basahin ang balita at punan ang balangkas na nasa ibaba.

Paghahanda para sa Kalamidad “Disaster Preparedness”

Maraming kalamidad na dulot ng kalikasan katulad ng bagyo, malakas na pag-ulan at lindol sa bansang Turkeye.
Walang tinutukoy na nasyonalidad o kasarian ng mga masasalanta ang mga kalamidad na ito. Upang mabawasan kahit paano
ang mga biktima sa ganitong pagkakataon, ang DRRM ay nagbibigay probisyon ng ibat-ibang impormasyon sa maraming
paraan para sa mga residente, kasama na rito ang pagsasanay ng Disaster Preparedness Drill.

Makapupulot ng iba’t ibang kaalaman sa pamamagitan ng pagdalo sa ganitong mga aktibidad, na maaaring maging
daan upang makatulong sa iba sa oras ng kalamidad. Upang makalikha ng ligtas na pamumuhay ang sinumang residente sa
inyong lugar, bakit hindi mo subukang makiisa sa ganitong pagsasanay?

Ang mga hakbangin sa panahon ng kalamidad: Probisyon ng Impormasyon ng Paglikas, Disaster Preparedness Lesson,
Pag-imbita sa Disaster Preparedness Drill, Publikasyon ng Disaster Preparedness Manual at Pagsasanay sa mga Volunteers.

“Tayo’y makiisa, iba na ang may alam”

39-40
Paghahanda para sa Kalamidad

I. Mga Kalamidad na dulot ng kalikasan na maaaring maranasan


A. Bagyo
B. ______________
C. ______________
II. Mga Hakbang sa Panahon ng Kalamidad
A. Probiyon ng Impormasyon ng Paglikas
B. Disaster Preparedness Lesson
C. Pag-imbita sa Disaster Preparedness
D. _________________________
E. ________________________

You might also like