You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
BINANGONAN SUB-OFFICE

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4 TP 2023-2024

Pangalan: ________________________________________________ Pangkat: ________________

A. Basahin at buuin ang resipi sa paggawa ng kalamansi juice. Sagutin ang sumusunod na
tanong.

1. Piliin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang nito.

1. Sumunod, lagyan ng 1 2/4 kutsarang asukal ang 1 litrong tubig. Lagyan din ng 4 kutsarang
honey/pulot.

2. Una, hugasan at hiwain ang kalamansi sa may puno nito. Ingatang wag mahiwa ang buto
nito.

3. Panghuli, haluin at ilagay sa isang lagayan. Palamigin o lagyan ng yelo kung nais.

4. Pangalawa, pigain ang kalamansi sa isang salaan.

A. 2-4-1-3 B. 1-2-3-4 C. 4-3-2-1 D. 2-1-4-3

2. Sa pamamagitan ng resipi sa unang bilang, igawa ito ng patalastas upang ito ay iyong maibenta at
mapagkakitaan, buuin ang tsart ng mga hinihinging impormasyon.

PATALASTAS

Ano: CALI’s Calamansi Juice


Sino: Mga suki at mga kabarangay
Saan: Tindahan ni Mang Kulas
Kailan: _____________________

A. Lingguhan B. Tuwing Linggo C. Araw-araw D. Sabado ng Gabi

B. Mula sa pagpipiliang mga sagot sa loob ng kahon, punan ang patlang na nakalaan sa bawat
pangungusap.

palukso mabilis tahimik maingat padausdos


3. Tinawid ni Eric nang ________________ ang kanal.

4. _____________ na naglakad ang pulubi.

5. Si Noli ay ______________ na bumaba mula sa itaas ng niyog.

6. Parehong magaling kumembot ang kambal. Paano mo sila ilalarawan?


A. Ang kambal ay parehong mahusay sumayaw.
B. Ang kambal ay parehong hindi marunong sumayaw.
C. Kembot lang ang alam nilang gawin.
D. Mahiyain pareho ang kambal.

C. Pag-aralan ang Editorial Cartoon sa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

7. Ano ang paksa ng editorial cartoon?


A. Paano iiwasan ang harassment sa mga kabataan
B. Pagliligtas sa mga bata sa child trafficking
C. Polisiya ng pangangalaga ng mga bata
D. Pagpapatupad ng anti-bullying

8. Ano ang tuntunin na sinusunod upang mapangalagaan ang mga bata sa karahasan.
A. Child Protection Policy
B. Anti Bullying Policy
C. Protection in Harrassment Commision
D. Children Anti-Crime and Hazing

9. Ano ang kahulugan ng mallet o maso na ginamit sa larawan?


A. Pamukpok sa sinumang lalabag sa karapatan ng mga bata.
B. Mabigat na kaparusahan sa sinumang lalabag sa polisiya ng pangangalaga ng mga kabataan.
C. Pandurog sa masasamang loob.
D. May hukom na dudurog sa mga lalabag sa batas ukol sa mga bata.

10. Bilang, mag-aaral, paano ka makatutulong sa kapuwa mag-aaral upang makaiwas sa anumang
karahasan?
A. Magsumbong kaagad sa kinauukulan kahit walang nakikitang paglabag.
B. Magsawalang kibo kapag may nakitang lumalabag sa karapatan ng kapwa bata.
C. Ipagtanggol sa abot ng makakaya ang kapwa batang inaabuso.
D. Sumangguni kaagad sa mga guro at nakatatanda upang mabigyang solusyon ang nakitang
paglabag sa karapatan.

D. Basahing mabuti ang editorial at sagutin ang tanong.

Magsiyasat muna Bago I-click


Umiikot ang buhay ng mga kabataan ngayon sa mundo ng digital era. Marami
na ang aktibo sa paggamit ng social media tulad ng facebook, twitter, at instagram.
Hindi pahuhuli sa anumang uso di ba? Hindi kumpleto ang araw kapag hindi makapag-
internet. Nalulungkot kapag walang wifi. Hindi naman ako tutol sa mabilis na pagbabago
ng ating teknolohiya. Malaki ang maitutulong nito sa pang-ekonomiyang usapan ng
ating bansa. Ngunit sa kabilang banda, nagiging negatibo ito, dahil sa maling paggamit
nito. Post nang post na hindi pinag-iisipan kaya nagdudulot ng gulo at kapahamakan sa
buhay. Sana siyasatin muna nang mabuti ang anumang nababasa sa social media
bago mag-post ng komento ukol sa isyu upang maiwasan natin ang makapanakit ng
damdamin ng iba. Baka kasi sa isang click mo lang buhay mo’y mabago. Tandaan ang
pagsisi ay laging nasa huli. Huwag nang hintaying ikaw ay magsisi. Gawin ang tama,
igalang, at pahalagahan ang buhay ng bawat isa.

11. Ano ang nais iparating ng editor tungkol sa paggamit ng social media?
A. Laging maging aktibo sa paggamit ng social media.
B. Masaya ang maraming account sa social media.
C. Gamitin nang tama ang social media sa pagbibigay ng opinyon o komento.
D. Wala sa nabanggit.

12. Ayon sa kanya, marami na ang aktibo sa paggamit ng social media tulad ng facebook, twitter, at
instagram. Ito ay isang opinyon.
A. Tama
B. Mali
C. Hindi sigurado
D. Hindi

13. “Hindi ako tutol sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya”. Paano mo sasagutin ang pahayag na
ito nang may paggalang kung hindi ka sang-ayon ditto?
A. Hindi po ako sang-ayon dito dahil kung minsan ay meron din itong masamang dulot sa lalo na
sa mga kabataang tulad ko
B. Mali ang sinabi mo dahil meron din itong dulot na masama sa mga kabataan.
C. Hindi totoo yang sinasabi mo dahil ito ay may masama ding epekto sa amin.
D. May mali po kayo dahil hindi n’yo po alam kung anong totoo.

14. Kung ikaw ang tatanungin ano ang masasabi mo sa paggamit ng social media.
A. Marunong po akong gumamit kaya hindi na kailangan ng gabay ng aking mga magulang.
B. Hindi ko tuturuan sa paggamit ng social media ang aking mga magulang para hindi nila
makita ang aking mga ginagawa dito.
C. Magiging mapanuri, matalino at maingat ako sa paggamit nito at hihingi din ng patnubay sa
magulang.
D. Isasangguni ko sa mga kaibigan ang wastong paggamit nito.

15-16. Hindi kumpleto ang araw kapag hindi nakapag-internet. Nalulungkot kapag walang wifi. Ano
ang masasabi mo dito? Pumili ng dalawa.
A. Nalulungkot ako kapag walang walang wifi dahil hindi ako makapagresearch para sa aking mga
takdang aralin.
B. Nalulungkot ako dahil hindi ako makapaglaro ng mobile legend.
C. Nalulungkot ako dahil hindi ko makuha ang mga naisend na aralin ng aming guro sa aming
group chat.
D. Nalulungkot ako dahil hindi ko mai-chat ang aking mga kaibigan kung saan kami magkikita para
sa aming paliligo sa ilog.

17. Sana siyasatin muna nang mabuti ang anumang nababasa sa social media bago mag-post ng
komento ukol sa isyu upang maiwasan natin ang makapanakit ng damdamin ng iba. Ano ang
reksyon mo tungkol dito?
A. Mabuting huwag basta magkomento dahil hindi natin alam ang sitwasyon ng ibang tao.
B. Magkomento ka ng kahit na ano, hindi mo naman personal na kakilala ang nakapost.
C. Magkomento ka kasi katuwaan lang naman yun.
D. Magkomento at i-share ang nakakahiyang sitwasyon na nakita mo tungkol sa ibang tao.

E. Tukuyin kung ang salitang may salungguhit sa mga pangungusap ay pang-uri o pang- abay.

_______18. Mabilis niyang nasalo ang manggang sinungkit ng kanyang Kuya Almer.

_______19. “Walang duda, talagang matamis ang bunga ng manggang ito”, sabi ng kanyang kapatid.

20. Sobrang laki ng mangga na kanilang nakuha. Anong uri ng salita ang inilarawan ng may
salungguhit?
A. Pangngalan C. Pang-uri
B. Pang-abay D. Pandiwa
F. Punan ng wastong pang-angkop ang mga salitang may salungguhit.

21. Isang malaki__ sorpresa ang ibinigay ng kanilang mga magulang sa kanyang kapatid na galling sa
ibang bansa.
A. -ng B. na C. ng D. -g

22. Agad niyang iniabot ang kanyang regalong bulaklak ___ pula na pinitas niya sa kanilang hardin.
A. -ng B. na C. ng D. -g

G. Basahin ang talata.

Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo dahil sa mabuting pagtanggap sa mga
panauhin. Kapag ang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa
paghahanda upang ipakita ang taos-puso nilang pagtanggap sa mga bisita. Sinisiguro nila na
maayos at malinis ang kabahayan at ipinagluluto rin ng masasarap na pagkain ang mga
panauhin. Tunay ngang ang mga Pilipino ay magiliw sa mga panauhin..

23. Ano ang maaari mong ibigay na pamagat sa talata?


A. Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo.
B. Magiliw na pagtanggap
C. Ang pagiging magiliw ng mga Pilipino sa panauhin
D. Ang paglilinis ng mga Pilipino tuwing may panauhin

24. Naranasan mo na bang magkaroon ng panauhin sa bahay n’yo? Ano ang ginawa mo para
maipakita ang mabuting pagtanggap ng iyong pamilya sa mga bisita o panauhin?
A. Hindi ako nakialam sa ginawa nilang paghahanda.
B. Tumulong ako paglilinis ng aming bahay.
C. Umalis ako sa bahay at nakipaglaro sa aking mga kaibigan.
D. Nagkulong na lamang ako sa aking silid.

H. Basahing mabuti ang maikling talata at bigyan ito ng angkop na pamagat.


Si Jharred, mag-aaral sa Ikaapat na Baitang ay kahanga-hanga dahil sa taglay niyang
mabuting pag-uugali. Kinagigiliwan siya ng mga tao sa paligid dahil hindi niya nakakalimutang
magmano at sabihin ang “po” at “opo” sa pakikipag-usap. Mahal na mahal siya ng kanyang
mga magulang at guro dahil sa kanyang kasipagan. Nag-aaral siya nang mabuti kaya naman
lagi siyang nangunguna sa klase. Siya rin ay mapagbigay at maalaga kaya’t marami siyang
kaibigan.

25. A. Jharred: Ang Mabuting Bata


B. Ang Mag-aaral
C. Ang Masipag na Bata
D. Ang Pamilya ni Jharred
26. Isalaysay ang kabuuan ng maikling talata tungkol kayJharred.
A. Si Jharred ay kinagigiliwan ng lahat, maging ng mga guro at matatanda dahil sa kanyang
Katalinuhan, kabutihan at pagiging magalang.
B. Kahanga-hanga si Jharred.
C. Laging nagmamano si Jharred at gumagamit ng mga salitang “po” at “opo” sa pakikipag-usap.
D. Palagi siyang nagbibigay sa kanyang mga kaibigan at tumutulong sa mga nangangailangan.

27. Palagi siyang napupuri ng kanyang mga guro _______ sa angking galing sa pag-aaral at pagiging
matulungin sa mga kamag-aral. Ano ang angkop na pangatnig?
A. ngunit C. subalit
B. dahil D. kung

28. Kinagigiliwan siya ng kanyang mga kamag-aral ________ ng ibang bata sa kanilang paaralan.
A. maging C. ngunit
B. subalit D. sapagkat

29. Ginabi ng uwi si Cathy dahil sa paggawa ng pangkatang proyekto sa bahay ng kaklase niya.
Pagdating sa kanilang bahay. Ay nakita agad niya ang naghihintay na mga magulang. Ano kaya
ang gagawin ng mga magulang ni Cathy sa kanya?
A. pagsasabihan siya C. papaluin siya
B. matutuwa sa kanya D. pakakainin siya

I. Punan ng wastong simuno o panaguri ang mga sumusunod na pangungusap.


30. Nagluluto si Pedro ng hapunan. Alin ang panaguri?
A. Nagluluto
B. si Pedro
C. ng
D. hapunan

31. Ngumiti sa kanya ang sikat na ________________. Punan ng wastong simuno.


A. pulis
B. pastor
C. guro
D. artista

32-33. Sumulat ng maikling talata tungkol sa malinis na kapaligiran. Mula sa binuong talata ay
salungguhitan ang mga pangungusap na may ugnayang sanhi at bunga. Gamitin ang rubriks bilang
gabay sa pagsulat nito.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Elemento Puntos
1. Malinaw at maayos ang ginawang tula. 2 (Mahusay) 1 (Katamtaman)

2. Nakapagbigay ng sapat na sanhi at bunga.


3. Nakapagbigay ng angkop na pamagat.
Kabuuang Puntos

J. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa teksto.sa pamamagitan ng paggamit ng Una,


Pangalawa, Sumunod at Panghuli.
Habang matiyagang naglalaba si nanay ay palihim ko siyang minamasdan. 34. ________
inihiwalay niya ang mga puti sa de-kolor na damitat binabad nang mahigit sa 30 minuto sa batyang
may tubig at sabon. 35. __________ inisa-isa niyang kinusot ang mga damit. Binanlawan niya ang
itong 3 beses hanggang matanggal ang bula.

K. Basahin ang balita na nasa ibaba upang muli mo itong maisalaysay at maisulat nang may wastong
pagkasunod-sunod ng pangyayari. Gamitin mo ang rubrik sa ibaba upang makatulong sa pagbuo nang
maayos na balita 36-40

Ulo ng balita: Alumna ng ICS nagbigay donasyon para sa BE


- Malugod namang tinanggap nina Bb. Dolores R. Andalis, Bb. Judith L. Osea, Gng. Juvy G. Clavillas at
Gng. Jester N. Bona ang mga donasyong ibinigay ni Jackie.
- Nagbigay ng donasyon si Jackie B. Guzman, alumna ng Iriga Central School noong ika-8 ng Hunyo,
2020 bilang suporta sa Brigada Eskwela 2020.
- Ayon sa kanya, taon-taon niya itong ginagawa bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa
kanya ng Diyos.
Rubriks
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
BINANGONAN SUB-OFFICE

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4 TP 2023-2024

TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON

Thinking
(Applying,
No. of
No. of Knowledge Understandin analyzing,
Most Essential Learning Competencies days % Item Placement
Items 60% g 30% Evaluating,
Taught
Creating)
10%
Nakapagbibigay ng hakbang ng isang
gawain. F4PS-IIIa-8.6 1 1 2.5 1 0 0 1

Nakasusulat ng simpleng resipi at


patalastas. 1 1 2.5 1 0 0 2
F4PU-IIIa-2.4
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan
ng kilos. 3 3 7.5 0 2 1 3-5
F4WG-IIIa-c-6
Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos,
ginawi, sinabi at naging damdamin. 1 1 2.5 0 0 1 6
F4PS-IIIb-2.1

Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o


napakinggang editoryal, argumento, debate,
pahayagan, at ipinapahayag sa isang
4 4 10 0 4 0 7-10
editorial cartoon.
F4PB-IIIad-3.1; F4PN-IIIf-3.1; F4PN-IVi-j-
3.1 ; F4PN-IVd-j-3.1; F4PN-IVf-j-3.3
Naisasalaysay ang mahahalagang detalye
sa napakinggang editoryal. 1 1 2.5 0 1 0 11
F4PN-IIId-18
Nasusuri kung opinyon o katotohanan ang
isang pahayag. F4PB-IIIf-19 1 1 2.5 1 0 0 12

Nagagamit sa pagpapahayag ang


magagalang na salita sa hindi
pagsang ayon pakikipag-argumento o 1 1 2.5 1 0 0 13
pakikipagdebate. F4PS-
IIId12.13; F4PS-IIIf-12.14
Nakasusulat ng argumento at editoryal.
1 1 2.5 0 0 1 14
F4PU-IIIf-2.3 F4PU-IIId-2.5
Nakasusulat ng paliwanag; usapan ; puna
tungkol sa isang isyu; opinyon tungkol sa
isang isyu; ng mga isyu/argumento para sa
2 2 5 0 2 0 15-16
isang debate.
F4PU-IIIe-2.1; F4PU-IVa-b-2.1; F4PU-
IVc-2.1; F4PU-IVd-f-2.6; F4PU-IVi-2.7.2
Nakapagbibigay ng reaksiyon sa
napakinggang paliwanag; sa isyu mula sa
1 1 2.5 1 0 0 17
napakinggang ulat.
F4PS-IIIe-8.8, F4PS-IIIi-92
Natutukoy ang kaibahan ng pang-abay at
pang-uri. 2 2 5 2 0 0 18-19
F4WG-IIId-e-9.1
Nagagamit ang pariralang pang-abay at
pandiwa, pariralang pang-abay at pang-
1 1 2.5 1 0 0 20
uri sa paglalarawan.
F4WG-IIId-e-9
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop
(–ng, -g at na ) sa pangunguap at
2 2 5 2 0 0 21-22
pakikipagtalastasan.
F4WG-IIIf-g-10
F4PN-IIIg-17
Nakapagbibigay ng angkop na
pamagat sa napakinggang 1 1 2.5 0 1 0 23
teksto.
Naiuugnay ang sariling karanasan sa
napakinggang teksto. 1 1 2.5 0 1 0 24
F4PS-IIIg-4
Nabibigyan ng angkop na pamagat ang
talatang binasa. 1 1 2.5 1 0 0 25
F4PB-IIIg-8
Naisasalaysay muli ang napakinggang
teksto gamit ang sariling salita. 1 1 2.5 1 0 0 26
F4PS-III-h-6.6
Nagagamit nang wasto at angkop ang
pangatnig - o, ni, maging, man - kung,
kapag, pag, atbp. - ngunit, subalit, atbp. -
dahil sa, sapagkat, atbp. sa wakas, atbp. - 2 2 5 2 0 0 27-28
kung gayon, atbp. - daw, raw, atbp. -kung
sino, kung ano, siya rin atbp.
F4WG-IIIh-11
Naipakikita ang pag-unawa sa pinanood sa
pamamagitan ng pagbibigay ng ibang
pagwawakas ayon sa sariling saloobin o 1 2.5 1 0 0 29
paniniwala. 1
F4PD-IIIh-7.2
Nagagamit nang wasto at angkop ang
simuno at panaguri sa pangungusap. 2 2 5 2 0 0 30-31
F4WG-IIIi-j-8
Nakasusulat ng talata na may sanhi at
bunga. 2 2 5 2 0 0 32-33
F4PU-IIIi-2.1
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari
sa tekstong napakinggan sa pamamagitan
ng paggamit ng una, pangalawa, sumunod 2 2 5 2 0 0 34-35
at panghuli.
F4PN-IIIj-8.4
Nakasusulat ng balita na may huwaran/
padron/ balangkas nang may wastong
5 5 12.5 3 1 1 36-40
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
F4PU-Id-h-2.1

TOTAL 40 40 100 24 12 4
SUSI NG PAGWAWASTO:

1. A
2. C
3. palukso
4. mabilis/tahimik/maingat
5. mabilis/maingat/padausdos
6. A
7. A
8. A
9. B
10. D
11. C
12. A
13. A
14. C
15. A
16. C
17. A
18. pang-abay
19. pang-uri
20. pang-uri
21. A
22. B
23. C
24. B
25. A
26. A
27. B
28. A
29. A
30. A
31. D
32-33. Depende sa sagot ng bata na nakabase sa ibinigay na rubriks
34. Una
35. Pangalawa
36-40. Depende sa sagot ng bata na nakabase sa ibinigay na rubriks.

Inihanda ni:

LOIDA M. OJASCASTRO
Master Teacher I
Bangad Elementary School

You might also like