You are on page 1of 5

Junior High School

LEARNING STRAND IV & V Secondary

Panuto: Basahin ang bawat talata at tanong at mula sa mga opsyon ay piliin ang tamang
sagot.

1. Ano ang makatarungang solusyon na dapat gawin sa mga bansang may hindi
pagkakaunawaan sa kanilang teritoryo?

A. Paggamit ng dahas.
B. Paghahati ng teritoryo sa lahat ng umaangkin dito.
C. Pagbibigay ng teritoryo sa maliliit na bansang umaangkin dito
D. Dayalogo upang bumuo ng mutual agreement sa pagitan ng mga bansang sangkot.

2. Anong katangian ang kailangan mong taglayin upang makaiwas sa mga personal na
away?

A. Pagiging mapagpakumbaba at may mahabang pasensya.


B. Pagiging masipag at determinado.
C. Pagiging masikap at matipid.
D. Pagiging mainitin ang ulo at mahusay sa pakikipagtalo.

3. Ano ang kabutihang dulot ng pagluluwas ng ating mga produkto sa labas ng bansa?

A. Tataas ang presyo ng bilihin.


B. Dadayuhin ang ating bansa ng mga turista.
C. Papasok ang dolyar sa bansa.
D. Lalaba sang dolyar sa bansa.

4. Ano ang isang indikasyon ng maunlad na ekonomiya?

A. Laki ng populasyon kumpara sa laki ng bansa.


B. Maayos na Sistema ng transportasyon.
C. Pagdagsa ng mga produktong gawa sa ibang bansa.
D. Mataas na unemployment rate.

5. Sa pag-alaala ng pamilyang Reyes sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, sila ay


nagluluto ng iba’tibang pagkain, bumibili ng bulaklak at sama-samang pumupunta sa
sementeryo. Kailan ipinagdiriwang angAraw ng mgaYumao sa ating bansa?

A. January 1 C. August 21
B. April 9 D. November 2

A and E – Junior High


1|Page
Junior High School

Para sa bilang 6, basahinangsumusunodnatalata:

Isang araw, naglalakad ka pauwi nang di sinasadya na nabangga ka ng iyong


kapitbahay. Nawalan ka ng panimbang at natumba. Nasigawan kayo at nagsisihan
sa nangyari. Maya-maya ay nagtutulakan na kayo. Nakita kang nakikipag-away ng
ilan sa iyong mga kaibigan at tinulungan ka sa pamamagitan ng pagsuntok sa iyong
kapitbahay. Dumaan din ang mga kaibigan ng iyong kapitbahay at nakita ang
kaguluhang nangyayari. Nakita nila na pinagtutulungan ninyong magkakaibigan ang
kanilang kaibigan. Kaya agad silang sumugod upang tulungan ang kanilang
kaibigan.

6. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging tagapagitan sa mga sangkot sa kaguluhan,


Ano ang nararapat mong gawin?

A. Pagbawalang dumaan ang lahat ng sangkot sa gulo.


B. Sisihin ang unang nanuntok.
C. Panigan kung sino ang nabugbog ng husto.
D. Pakinggan ang bawat panig bago magbigay ng payo at desisyon.

7. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng karapat – dapat na tungkulin ng isang huwarang


ama maliban sa:

A. Pagsusugal at pag – iinom kasama ang barkada.


B. Paghahanapbuhay para sa pamilya.
C. Pagtulong sa pag – aalaga ng mga anak.
D. Pagbibigay ng oras at panahon tuwing Sabado at Linggo.

8. Paano mo maipapakita ang paggalang sa karapatang pansarili (right to privacy) ng iyong


kapwa?

A. Hindi babasahin ang sulat na hindi para saiyo.


B. Buksan agad ang sulat kahit hindi nakapangalan sa iyo.
C. Basahin ang mga mensahe sa cell phone ng iyong kaibigan.
D. Ipagsabi ang sikreto ng iyong kaibigan.

9. Ang ating pamahalaan ay mayroong kampanyang “Laban Kontra Droga.” Sa iyong


palagay, ano ang mabuting maidudulot nito sa bansa?

A. Maiiwasan ang pagkalat ng krimen.


B. Maisasalba ang mga taong gumagamit ng droga.
C. Maiiwasan ang pag-aabuso sa kababaihan at kabataan.
D. Lahat ng nabanggit.

A and E – Junior High


2|Page
Junior High School

10. Ang iyong Barangay ay magsasagawa ng isang pagpupulong tungkol sa proyektong


“Harap Mo, Linis Mo,” na naglalayong maiwasan ang pagkalat ng mga basura. Bilang
bahagi ng iyong pamayanan, paano mo maipapakita ang iyong aktibong pakikilahok?

A. Magmumungkahi ako ng mga makabuluhang paraan para di kumalat ang basura.


B. Hindi ako makikinig sa mga pahayag ng mga nakilahok.
C. Makikipagkwentuhan ako sa aking mga kaibigan habang nagsasalita ang iba.
D. Uuwi ako kahit hindi pa tapos ang pagpupulong.

11. Ang Ramadan ay mahalagang pagdiriwang sa relihiyong Islam. Ano ang pangunahing
gawain ng mga taong nagdiriwang nito?

A. Nagsasayaw C. Nakikipagkaibigan
B. Nag-aayuno D. Nagkakawang-gawa

12. Si Alvin ay nagtatrabaho sa China. Tuwing may okasyon sila doon, siya ay nagsusuot ng
Barong Tagalog dahil nais niyang ipakitana siya ay _____________________.

A. Amerikano C. Tsino
B. Pilipino D. Arabo

13. Ang pinaka karaniwang pagkakakilanlan ng mga pangkat etnolingguistikong Pilipino ay


ang wikang ginagamit. Alin sa mga sumusunod na wika ang ginagamit ng mga Bisaya.

A. Hiligaynon C. Ilonggo
B. Waray D. Lahat ng nabanggit

14. Isa ang Gender and Development (GAD) sa mga proyekto upang protektahan at
tulungan ang mga kababaihan, at isulong ang gender equality. Alin sa mga sumusunod
ang halimbawa ng gender equality?

A. Mga batang lalaki lamang ang maaaring maglaro ng baril-barilan.


B. Pink ang isusuot ng babae at blue ang sa lalaki.
C. Maaaring maghugas ng plato ang anak na lalaki at babae.
D. Magaling sa Mathematics ang mga lalaki at sa English ang mga babae.

15. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin at obligasyon ng bawat Pilipino maliban sa :

A. Tungkulin ng bawat Pilipino na igalang, ikarangal at bigyan ng pagkakaisa ang mga


pamana, pagpapahalaga at tradisyon.
B. Tungkulin ng bawat Pilipino na tumulong sa pag-unlad, kapakanan at pagkakaisa ng
buong bansa.

A and E – Junior High


3|Page
Junior High School

C. Tungkulin ng bawat Pilipino na sumali sa makabuluhang gawain para sa kanyang sarili at


pamilya nang karapat-dapat sa karangalan ng isang tao.
D. Pumipili ng mga sagisag o simbolo ng bansa na nais ikarangal at isinasantabi ang iba.

16. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang itinuturing na karapatang sibil?

Ang karapatang ___________________.

A. Bumoto
B. Pumili ng relihiyon
C. Magingmalaya
D. Magkaroon ng ari-arian

17. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na salik sa integrasyon ng mga bansa sa
daigdig ngayon?

A. Ang paglaganap ng teknolohiya sa internet.


B. Panrelihiyong isyu sa Afghanistan.
C. Ang pagbagsak ng mga rehimeng awtoritaryan sa Gitnang Silangan.
D. Pagtukoy sa bansang terorista.

18. Ang mga sumusunod ay karapatan ng mga batang Pilipino maliban sa :

A. Ipanganak at magkaroon ng pangalan


B. Mahubog ang potensyal
C. Makapagtrabaho
D. Makapaglaro

19. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang uri ng pang-aabuso sa mga
kababaihan?

A. Iwanan siya ng kanyang asawa na may maraming utang na babayaran.


B. Pilitin siya ng kanyang asawa naibigay ang buong sahod sa kanya.
C. Patigilin siya ng kanyang asawa sa pagtatrabaho.
D. Lahat ng nabanggit.

20. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagiging matapat?

A. Tinatapos ko agad ang aking takdang aralin bago manood ng TV.


B. Iniipon ko sa alkansya ang bahagi ng aking baon.
C. Nagsasabi ako ng totoo anuman ang kahihinatnan.
D. Iniingatan ko ang aking mga gamit para di agad ito masira.

A and E – Junior High


4|Page
Junior High School

21. Alin sa mga sumusunod na paraan ang hindi wastong makapagpababa ng stress?

A. Pag-inom ng alak
B. Sapat na tulog
C. Pag-eehersisyo
D. Pagmumuni-muni

22. Ano ang maaaring mangyari sa isang tao na hindi marunong magdala ng stress na
kanyang nararanasan sa matagal na panahon?

A. Magiging sakitin
B. Magiging desperado/desperada
C. Mabilis magalit
D. Lahat ng nabanggit

23. Ang pagtingin sa sarili ay tumutukoy sa _________________________.

A. pananaw ng mga kaibigan mo sa iyo


B. pananaw ng iyong pamilya sa iyo
C. pananaw mo sa iyong sarili
D. pananaw mo sa iyong pamilya

24. Bagong pasok sa inyong klase si Maria. Ang kanyang pananamit ay nakakaagaw ng
pansin sa karamihan dahil sa suot niyang maiksing palda at malalaking hikaw. Mamula-
mula pa ang labi dahil sa lipstick. Paano mo maipapakita ang magandang pakikitungo sa
kanya ?

A. Umayon kung ano ang iyong unang pagkakilala sa kanya.


B. Tumingin sa kaniyang negatibong katangian.
C. Kilalanin muna siya bago humusga.
D. Lahat ng nabanggit.

25. Sina Carlo at Arian ay magkasintahan. Sila ay labing anim na taon pa lamang. Labis
silang mapusok kaya gusto na nilang magpakasal kahit hindi pa sila tapos mag-aral.
Kung ikaw ang kaibigan nila, ano ang maaari mong ipayo?

A. Tapusin muna ang pag-aaral, maghanap ng trabaho at saka magpakasal.


B. Huwag magpadala sa payo ng iba bagkus sundin ang bugso ng damdamin.
C. Mag-asawa ng maaga at saka magtapos ng pag-aaral
D. Ang edad ng tao hindi hadlang sa pag-iibigan kaya ituloy ang balak.

A and E – Junior High Good L u c k !!!!!!


5|Page

You might also like