You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region I
La Union Schools Division
San Gabriel District
LACONG INTEGRATED SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: ___________________________________________________________ Iskor: _________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat bago ang numero.

1. Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtupad sa pangako?


A. Ikaw ay mapagkakatiwalaan
B Magkakaroon ka ng maraming kaibigan
C.. Maraming taong ayaw lumapit sa iyo
D. Pagsunod sa mga payo ng magulang ang kailangan
2. Alin sa mga sumusunod ang batang responsible?
A. Nangungutang ng pera sa mga kaibigan kahit alam na walang pambayad.
B. Nagsasabi ng mga salitang makaaapekto sa mga miyembro ng pamilya.
C. Ginagawa ang lahat upang matupad ang ipinangako.
D. Inaaway ang kaibigan kapag hindi binigay ang iyong gusto.
3. Sino sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging mabuting kaibigan?
A. Si Marco na laging humihingi ng baon sa kaibigan kahit may baon naman siya.
B. Si Isabel na laging nagbibigay ng mga regalo kapag Pasko.
C. Si Margie na tinutulungan ka sa mga takdang aralin.
D. Si Noah na humihingi ng tawad kapag may nagawang mali.
4. Sa pagpapanatili ng pagkakaibigan, ano ang nararapat isaalang-alang?
A. May paggalang at pagbibigayan ang bawat isa.
B. Mapaglihim sa isa’t isa.
C. Mapagmataas sa isa’t isa
D. Tumitingin sa estado ng buhay.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kaibigan?
A. Hindi ako makikipagkaibigan sa iba dahil kaya ko naman ang sarili ko.
B.Iiwasan ko siya kapag nakakuha siya ng mas mataas na marka kaysa sa akin.
C.Magtutulungan kami upang pareho kaming umunlad.
D. Pabayaan siya mag-isa kung may suliranin siya.
6. .Kung ikaw si Lita, ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng kaniyang
pakikipagkaibigan kay Lolit?
A..Ipakita kay Lolit na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kanya.
B. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan.
C. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigan na naiinggit sa kaniya.
D. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal o ugali ng
kaibigan..
7. . Sino sa mga batang ito ang matapat?
A. Si Allen na sinabing ang nakakabatang kapatid ang nakabasag ng kahit siya naman.
B. Si Bebang na tumakbo at nagtago pagkatapos niyang masira ang halaman.
C. Si Cris na inamin ang pagkakamali sa kanyang nanay.
D. Si Dante na itinuro ang kaklase na nagkalat ng basura kahit hindi niya nakita.
8. Ang pagiging_______ ay ugaling dapat ipagmamalaki dahil ito ay nagpapatunay na ikaw ay
mapagkakatiwalaan.
A. masinop
B masipag
C. matapat
D.. tamad
9. Nakakita ng wallet sa daan habang papasok ka sa paaralan. Anoang gagawin mo?
A. Hindi ko papansinin.
B. Itatapon ko sa basurahan.
C. Kukunin ko ang laman ng wallet.
D. Pupulutin ko at isasauli sa may ari
10. Ang paggalang sa suhestiyon ng kaibigan kahit hindi masyadong maganda
ay nagdudulot ng________________?
A. maayos na pakikitungo sa kaibigan
B. magulong pakikipagkapwa
C. maling pakikitungo
D. matibay na pakikipagkaibigan
11. Ano ang maaaring mangyari kapag ganito ang iyong pahayag? “Ano ba iyan! Para namang Grade 1 ang gumawa
ng guhit na ito.”
A nakagagawa ng alitan
B.. panlalait, nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan
C. pananakit ng damdamin
D. lahat ng nabanggit
12. Sa iyong panayam, iminungkahi ni Arthur ang paghukay at paggawa ng basurahan na pagtatapunan ng mga
basura sa iyong pamayanan. Hindi ka sang-ayon dito. Ano ang gagawin mo?
A. Tumayo at sabihin nang malakas na di ka sang-ayon.
B. Malakas na isinigaw “Booo! Wala yan!”
C. Huwag umimik. Wala ring mangyayari.
D. Igalang ang ideya ni Arthur at sabihing mahalaga ito.
13. . Paano mo tutuparin ang isang pangako mo sa iyong kaibigan?
A. Tutuparin ito na buo ang loob.
B. Tutuparin ito na bukal sa kalooban.
C. Tutuparin ito na may kahalong yamot.
D. Ang titik A at B ay tama.
14. Marumi ang ilog sa inyong pamayanan, ano ang maaring gawin ng responsabling kabataan na katulad mo?
A. Maglagay ng isda sa ilog.
B. Magpaskil ng mga karatulang nagbabawal na magtapon ng basura sa ilog.
C. Magkaroon ng parada ng mga bangka sa ilog.
D. Simulan na ang paglilinis at maglagay ng karatulang bawal magtapon ng basura sa ilog
15. Ang lahat ay recipe ng mabuting pagkakaibigan maliban sa isa.
A. paggawa ng bagay na magkasama
B pagiging tapat
C. pagsiwalat ng sekreto ng kaibiga
D. presensiya.
16. Ang mga ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa iyong kaibigan maliban sa isa.
A. Pagdamay sa oras ng pangangailang o kalungkutan
B. Lagi kayong gumagawa ng magandang ala-ala
C. Iniiwasan mo sya kapag hindi nya nagawa ang gusto mo
D. Inuunawa mo ang pagkakamali ng iyong kaibigan lalo kung sa maliit na bagay lang.
17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matapat sa kapwa?
A. Batang itinago ang napulot na pera.
B. Batang inaaway lagi ang katabi sa klase.
C. Batang isinauli ang napulot na wallet sa may-ari.
D. Batang hindi tinupad ang pangako sa kaibigan.
18 .Alin dito ang nagpapakita ng pagkamatapat na gawain?

A. Binigyan si Jeanne ng kanyang Tita Anabelle ng Php 500.00 para sa


kanilang magkakapatid. Hinati niya ito at binigyan ang kanyang mga
kapatid.
B. Humingi ng pera si Aiza pambili ng ballpen. Bumili siya ng sorbetes sa
halip na ballpen.
C. Nagpaalam si Andrei na pupunta sa bahay ng kaklase subalit
nakipaglaro siya sa mga batang kalye.
D. Nakita ni Paulo na nalaglag ang Php 50.00 ng kanyang kuya.Pinulot
niya ito at hindi na niya ibinalik.
19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng ibang tao?
A. Iniwanan ni Lindon ang mga kaibigang nagbigay puna sa kanyang ginagawa.
B. Pinagtawanan ni Anilyn ang mga ideyang binanggit ng kanyang kapangkat. Bulok daw ang mga ito.
C. Tinanggap ng maluwag ni Margie na hindi maisama ang kanyang ideya sa plano ng kanilang klase.
D. Sumama ang loob ni Jana nang hindi tinanggap ang suhestiyon niya.
20. Ano ang dapat isaalang-alang bago magpahayag ng opinyon?
A. sariling kapakanan
B. damdamin ng kapuwa
C. kapakanan ng magulang
D. damdamin ng kamag-anak
21. Nakita mong ninanakaw ng kapit bahay ang streetlight o ilawan sa inyong kalsada. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbigay alam ang iyong nakita sa mga opisyal sa barangay.
B. Aawayin kaagad ang kapitbahay na magnanakaw.
C. Pagsabihan o kakausapin ang kapitbahay na mali ang kanyang ginagawa.
D. Ipadampot na ang kapitbahay na magnanakaw sa mga pulis .
22. Hiniram ng kaibigan mo ang aklat mo sa Filipino. Ipinangako niyang isasauli niya pagkaraan ng dalawang oras.
Tatlong oras ka nang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na ako magpapahiram ng gamit.
B. Dapat isauli kaagad ang mga hinihiram na gamit.
C. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi mo lang siya gagamit.
D. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan.
23. Ano ang naidudulot sau ng pagkakaroon ng mabuting kaibigan?
A. Nagagawa ko ang gusto ko
B. . Nakakakuha ako lagi ng pabor mula sa kanila.
C. Napaghuhusay ko ang aking pakikipagkapwa tao at natututo ako sa pagkakaroon ng mabuting kaibigan
D Natatamasa ko ang lahat ng hilingin ko sa kanila
24, Alin ang isang halimbawa na ramdam mo ang presensiya ng isang mabuting kaibigan?
A. Laging may kasamang iba kapag inaaya mong maglaro o mamasyal.
B Laging nandiyan kapag kailangan lang nya ang tulong mo..

C. Sinasamahan ka sa kasiyahan o anu mang suliranin upang dumamay.


D. Sinasamahan ka nya dahil magpapalibre siya saiyo.
25. “Maging totoo at maging tapat. Tanggapin ang anumang nagawang kasalanan. Pairalin palagi ang katapatan
kaysa kasinungalingan” ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito?
A. Paminsan-minsan kailangang magsinungaling kung para sa ikabubuti.
B. Sa anumang gawin kailangang maging matapat dahil walang naidudulot na mabuti ang pagsisinungaling.
C. Kapag nakagawa ng kasalanan, dapat ipangtanggol ang sarili.
D. Ilihim ang mga hindi mabuting nagawa.
26. Nakita mo ang kaibigan mo na nangungupit ng pera sa bag ng inyong guro. Gutom na gutom siya dahil walang
maibigay na pambaon ang kaniyang mga magulang. Nakita ka niya at sinabihan ka na tumahimik na lamang at huwag
mo siyang isumbong. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A.. Hayaan na lamang siya sa gusto niya
B. Kakausapin ko siya at sabihin na isauli ang pera.
C. Tatahimik na lang dahil kawawa naman siya
D. Wala sa nabanggit.
27. May ginagawa kayong proyekto at nagsuhestiyon ang iyong kaklase sa gusto niyang mangyari sa inyong ginagawa.
Tatanggapin mo ba ito?
A. Hindi, dahil mas maganda ang naisip mong ideya.
B. Oo, para hindi ka na mag-iisip pa kung ano ang gagawin.
C. Hindi, dahil ikaw lang ang dapat masunod.
D. Oo, igagalang mo ang suhestiyon niya dahil makadaragdag ito sa ikagaganda ng
inyong proyekto.
28. Kung isa ka sa magkakaibigan, igagalang mo rin ba ang suhestyon ng iba?
A. Oo, dahil nakabubuti ito sa magkakaibigan.
B. Hindi, dahil mas mainam ang suhestyon ko.
C. Oo, dahil ideya naman nila palagi ang nasusunod at hindi ang akin.
D. Hindi, dahil mas marami akong alam na lugar na maaaring puntahan.
29. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng cultural show sa plasa. Nakatakda kayong magkita-kita sa
hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon. Hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman
mong nauna na sila sa plasa. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A Aawayin sila at huwag nang kakausapin kailanman..
B Iiwas ako at hindi na makikipag-usap sa kanila.
. C. Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang nararamdaman tungkol doon.
D. Magpapasalamat na habang maaga.
30. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng iba?
A. Si Ana sinabing magandang ang ideya ni Romer para sa ginagawa nilang proyekto.
B. Si Eli na pinili ang iminungkahi ni Vanesa kahit mas maganda ang opinion ni Danny.
C. Si Reden na sinigawan si Irene ng sabihin nito ang kanyang suhesyon.
D. Si Allen na parang walang naririnig nang sabihin ni Ella ang kanyang suhestiyon.
31. “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos binibiyayaan.” Alin ang wastong pagpapaliwanag dito?
A. Klnalulugdan ng marami ang batang magalang at maalalahanin.
B. Kinaiinggitan ang batang maraming pera o mayaman.
C Maraming natatanggap na biyaya ang batang nagsasauli ng mga bagay na hindi kanya.
D.. Ipinagtataboy ang batang masama ang ginagawa.
32. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng ibang tao?
A. Iniwanan ni Lindon ang mga kaibigang nagbigay puna sa kanyang ginagawa.
B. Pinagtawanan ni Anilyn ang mga ideyang binanggit ng kanyang kapangkat. Bulok daw ang mga ito.
C. Tinanggap ng maluwag ni Margie na hindi maisama ang kanyang ideya sa plano ng kanilang klase.
D. Sumama ang loob ni Jana nang hindi tinanggap ang suhestiyon niya.
33.

You might also like