You are on page 1of 4

PORFIRIO G.

COMIA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL


Barcenaga, Naujan

SUBUKIN, TAYAHIN
Ikalawang Markahan | Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o sitwasyon. Gamit ang nakalaang answer sheet, itiman
ang bilog ng titik ng tamang sagot.

1. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa inyong lugar. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig. C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
B. Suriin muna kung totoo ang balita. D. Aalis kaagad sa inyong lugar.
2. Ang mga pahayag na nasa baba ay nagpapahiwatig ng pagsusuri sa mga impormasyong narinig o
nabasa maliban sa:
A. Nakikinig si Raul at Joy ng ulat panahon mula sa PAG-ASA para malaman kung totoo ang
sinabi ng kanyang kaibigan na may paparating na bagyo.
B. Pinaniniwalaan ni Julio ang lahat nang sinasabi ng kaniyang iniidolong artista.
C. Kinukumpara ni Mika ang mga balitang napakinggan mula sa iba’t ibang himpilan ng radyo
para makakuha ng tamang impormasyon.
D. Sinusunod ni Mariel ang lahat nang nakikita at naririnig sa patalastas tungkol sa COVID-19.
3. Dahil sa sobrang higpit ng inyong guro, napansin ng ilan mong kamagaral na sobra na ang
kaniyang pagdidisiplina. May ilan kang mga kamag-aral na nagbabalak pumunta sa opisina ng
punong-guro upang isumbong ang inyong guro. Ano ang maaari mong gawin?
A. Ako ay mananahimik lang.
B. Magsusumbong sa magulang
C. Hindi papansinin ang kanilang ginagawa.
D. Pagsasabihan mo ang mga kaklase na kausapin ang inyong guro.
4. May kaguluhang nagaganap sa inyong barangay. Ano ang gagawin mo?
A. Makisali sa away ng mga kabataan.
B. Ipagbigay-alam sa pulis ang pangyayari.
C. Ipagbigay-alam sa mga barangay tanod.
D. Isa–isang pupuntahan ang mga magulang ng mga nag-aaway.
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dapat mong sang-ayunan?
A. Iniiwasan na maging kaibigan ang isang bagong kakilala na may kakaibang kulay ang balat
at ibang gamit na wika sa pakikipag-usap.
B. Iginagalang ang opinyon ng kaibigan ukol sa mga paraan kung paano susundin ang batas
sa paglalaro ng kahit anong isport.
C. Hindi kailangang igalang ni Lina at bigyang respeto ang kaniyang mga kamagaral na
Koreano at Muslim dahil magkaiba naman sila ng batas na sinusunod at kinikilang Diyos.
D. Pinagtatawanan ang mga katutubo na nakikitang nagpapalaboy-laboy sa lansangan.
6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at mga dayuhan maliban sa:
A. May nagsasayaw na mga katutubo sa parke. Uuwi na dapat ang ate mo pero tumigil muna
siya at masayang nanood sa ginagawa ng mga katutubo.
B. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso sa mga batang Mangyan na
nakaupo sa parke.

the bridge project


Page 1 of 4
C. May dayuhang nagtatanong ng direksyon sa mga kabataang nakatambay sa harapan ng
tindahan ni Aling Mameng. Pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang
direksyon.
D. May mga Hapon na pumunta sa inyong paaralan upang magbigay ng tulong. Laking
pasasalamat ng inyong paaralan kaya naatasan ang inyong klase na magpakita ng sayaw at
awit para sa mga bisita.
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang napapakita ng paggalang sa isang ideya o opinion?
A. Huwag makinig sa opinyon ng iba at tanging iyo lamang ang iyong pairalin.
B. Igalang ang pasya ng nakararami.
C. Ipagdiinan ang iyong desisyon sa iba.
D. Makipagtalo sa abot ng makakaya.
8. Ang mga sumusunod ay pahayag na nagpapakita ng paggalang sa isang ideya o opinion maliban:
A. Makinig lamang sa opinyon ng idolo C. Igalang ang desisyon ng nakararami.
B. Maging mahinahon sa pakikipagdebate. D. Makinig na mabuti sa opinyon ng iba.
9. Araw ng Sabado. Maagang namalengke ang nanay mo. Marumi ang mesa at may mga hugasing
plato sa lababo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ka maglilinis o maghuhugas ng kahit ano.
B. Lilinisin mo ang mesa pero iiwan ang mga plato sa lababo.
C. Lilinisin mo ang mesa at huhugasan ang mga plato sa lababo.
D. Hahayaang ang Nanay mo ang maghugas nito sa kanyang pagdating.
10. Araw ng Linggo, isinasama ka ng ate mo sa palengke. Alam mo na ikaw ang pagbubuhatin niya
ng mga bibilhin niya. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Sasamahan mo siya sa palengke.
B. Sasabihin mong hindi ka makakasama dahil masakit ang iyong ulo.
C. Magdahilan na mag-aral para sa pagsusulit kaya hindi ka makasasama.
D. Sasabihin na bibisita ang iyong kamag-aral kaya hindi ka aalis.
11. Lunes ng umaga, nagsabi ang inyong lider na gagawa kayo ng PowerPoint presentation sa silid-
aklatan pagdating ng lunch break. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Kaagad na sumang-ayon.
B. Sabihin sa lider na hindi ka puwede dahil lunch break.
C. Magdahilan na pagod ka dahil marami kang ginawa noong Linggo.
D. Imungkahi na magbayad ng gagawa para maganda ang pagkagawa.
12. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng iba.
A. Maingay kayo ng mga kaibigan mo kahit natutulog ang bunsong kapatid mo sa kabilang
kwarto.
B. Binabasa mo ang sulat ng iyong kaibigan ng walang pahintulot.
C. Pinahihinaan mo ang volume ng telebisyon dahil nag-aaral ang iyong ate.
D. Inuunahan mo sa pila sa kantina ang kamag-aral mong may kapansanan kahit huli kang
dumating.
13. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng iba
A. Tinutuloy ko ang paglalaro at pag-iingay kapag may nagpapahinga.
B. Nakipagkuwentuhan ako sa loob ng simbahan.
C. Tahimik ako na lumalakad sa pasilyo ng eskwelahan sa oras ng klase.
D. Kumakanta ako sa Videoke kahit dis oras na ng gabi.
14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng pagiging palakaibigan sa isang
patimpalak o paligsahang sinalihan.
A. Nilalapitan at kinakausap ko ang ibang kalahok sa isang paligsahan kahit sila ay mga
katunggali ko.
B. Iginagalang ko ang anumang hatol ng hurado kapag may paligsahan.

the bridge project


Page 2 of 4
C. Ngumingiti ako sa ibang kalahok ng paligsahan kahit hindi ko sila kakilala.
D. Lahat ng nabanggit
15. May paligsahan sa inyong barangay sa paggawa ng digital poster. Para ito sa kalikasan kaya
inaanyayahan ang lahat na makibahagi. May alam ka sa paggamit ng computer.
A. Makibahagi nang may pasubali.
B. Himukin ang iba na makibahagi.
C. Magkulong sa bahay sa araw ng paligsahan.
D. Magkunwaring walang nalalaman sa paggawa ng digital poster.
16. Nangako ka sa iyong kaibigan na bibigyan mo siya ng damit kungpakokopyahin ka niya sa
pagsusulit. Tama ba ito?
A. Oo, kasi lahat ng pangako ay may kapalit din.
B. Hindi, dahil ang pangako ay tapat at taos sa puso.
C. Oo, dahil magkaibigan naman kayo.
D. Wala sa nabanggit.
17. Si Juan ay isang batang may ambisyon sa sarili at ipinangako niya namagtatapos siya ng pag-
aaral kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok na kaniyang haharapin. Kung ikaw si Juan, ano
ang gagawin mo para maabot ang iyong mga pangarap?
A. Ipapangako sa sarili na magsusumikap para maabot ang pangarap.
B. papangako sa sarili na magkaroon ng disiplina sa sarili.
C. papangako sa sarili na maging mabuti at mabait na bata.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
18. Paano mo tutuparin ang isang pangako?
A. Tutuparin ito na buo ang loob. C. Tutuparin ito na may kahalong yamot.
B. Tutuparin ito na bukal sa kalooban. D. Ang titik A at B ay tama.
19. Ano ang gagawin mo sa isang pangakong di natupad?
A. Hihingi ng kapatawaran dahil sa hindi pagtupad nito.
B. Maging leksyon na huwag mangako kung di kayang tuparin.
C. Gawin itong inspirasyon upang baguhin ang sarili.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
20. Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako niya saiyo?
A. Magalit at magtanim ng sama ng loob.
B. Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niyanatupad ang kaniyang
pangako.
C. Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niyanatupad ang kaniyang pangako.
D. Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kaniya
21. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mabuting kaibigan
A. Matapat B. Matulungin C. Makasarili D. Mapagpatawad
22. Ang mga sumusunod ang mga mabubuting gawain ng magkaibigan maliban sa:
A. Pinakokopya ni Sam si Ellen tuwing may pagsusulit.
B. Sabay na nag-aaral ang magkaibigan.
C. Pinagtatanggol ang kaibigan kahit ito ay may masamangnagawa.
D. Walang kai-kaibigan sa maling gawain kaya pinagsasabihan ni Anna ang kaniyang kaibigan.
23. Mga bagay na naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao
A. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
B. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.
C. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na
kaibigan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama

the bridge project


Page 3 of 4
24. Ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa
pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem). Alin pa sa mga sumusunod ang maaring
maglarawan ditto?
A. hindi basta-basta mahahanap.
B. hindi maaaring pagkakita mo sa isang tao ay mararamdaman mo na magigingmalapit kayo
sa isa’t isa.
C. dumadaan ito sa isang madaling proseso.
D. Ang titik A at B ay tama.
25. Ayon sa aklat ni Vitaliano Goroscope, ito ay ang pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan sa
pamamagitan ng pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong.
A. Silence B. Evasion C. Equivocation D. Mental Reservation
26. Ang mga sumusunod ang dahilan ng pagsisinungaling maliban sa:
A. Upang makaagaw ng atensiyon o pansin.
B. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao.
C. Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao.
D. Lahat ng nabanggit
27. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matapat sa paggawa?
A. Sinabi ni Mark sa kaniyang guro na siya ang nakabasag ng plorera.
B. Kumuha si John ng pera sa pitaka ng kaniyang Tatay ng hindi nagpaalam.
C. Nagpaalam si Grace sa kaniyang Nanay na pupunta siya saparke subalit sa bahay ng
kaniyang kaklase siya nagpunta.
D. Sobra ang sukli ng tindero kay Allan at hindi niya ito isinauli.
28. Ang mga sumusunod na paalala ay mga dapat gawin ng isang matapat ng tao maliban sa:
A. Dapat aminin ang pagkakamali kahit alam mo napagtatawanan ka ng ibang tao.
B. Dapat isauli sa “Lost and Found” ang bagay na napulot mo.
C. Dapat na maghintay muna ng pabuya bago isauli ang isangmahalagang bagay na napulot
mo.
D. Dapat lamang na angkinin ang papuri para sa isang proyektong mahusay na ginawa ng iba.
29. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin upang ipakita ang paggalang sa ideya o
suhestyon ng kapwa?
A. Sa pakikipagkausap sa iba iwasan ang panghuhusga.
B. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi o “uniqueness” ngbawat isa.
C. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa bagomagsalita.
D. Ang pagkilala sa halaga ng tao ay hindi importante sa paggawang desisyon.
30. Ang mga nabanggit ay mga dapat gawin bilang pagpapakita ng respeto, maliban sa:
A. Ibalewala ang opinyon ng iba.
B. Tanggapin ang opinyon ng iba lalo na kung mas mainam ito.
C. Dapat tanggapin ang pagkakaiba ng opinyon ng bawat tao.
D. Iwasang magbigay ng mungkahi na nakasasakit sa damdaminng iba.

the bridge project


Page 4 of 4

You might also like