You are on page 1of 4

Division of City Schools

PASAY CITY

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 6


SY 2021-2022
Week 1-3

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Sagutin ang sumusunod na tanong.
Bilugan ang tamang letra sa tamang sagot.

1. Si Marissa ay nanghiram ng libro kay Jenny. Nangako itong ibalik kay Jenny sa susunod na araw. Ngunit ni Marissa ang libro
sa bahay pagpasok niya. Ano sasabihin ni Marissa kay Jenny? .
A. Jenny , sorry nakalimutan ko ang libro mo. Pangako ibabalik ko na talaga sa iyo bukas.
B. Hoy Jenny, nasira ang libro mo , kaya tinapon ko na.
C. Jenny, napunit ang libro mo.
D. Jenny, hindi ko na ibabalik ang libro mo. Itatago ko na lang ito.

2. May usapan kayong magkakaibigan na magkita kita sa plasa para manuod ng palabas. Sinabi mo na magkikita kayo sa 7-11
bandang alas singko ng hapon. (5:00pm). Ngunit hindi dumating ang mga kaibigan sa takdang oras. Nalaman mo na lang na
nauna na pala sila sa plasa. Ano ang maging reaksyon mo sa mga kaibigan mo?
A. Napatunayan ko na masama ang kanilang ugali.
B. Iiyak ako at aawayin ko sila.
C. Hindi ko sila papansinin.
D. Kakausapin ko sila tungkol sa nangyari at sasabihin ko na mali ang kanilang ginawa.

3. Tinupad mo ang iyong pangako sa iyong bunsong kapatid na bibigyan mo siya ng bagong laruan sa kanyang kaarawan. Ito ay
nagpapakita nang _______________________________________.
A. kayabangan B. masamang ugali C. magandang pag-uugali D. kalokohan

4. Ano ang gagawin mo kung may narinig ka ng hindi maganda tungkol sa iyong kaibigan na may kapansanan sa paglalakad.
A. Magagalit ka sa nanunukso. C. Hindi mo na lang papansinin
B. Aawayin mo ito. D. Pagsasabihan ang nanunukso na huwag niya tuksuhin ito.

5. Nakakita ka ng One Hundred Pesos sa taas ng lamesa. Alam mo na pera ito ng nanay mo. Gustong gusto mon ang bumili ng
meryenda. Ngunit wala si nanay mo. Ano ang gagwin mo?
A. Tatawagan ko si nanay at magpaalam muna.
B. Kukunin ko na hindi nagpapaalam
C. Hindi ko sasabihin na binili ko ng meryenda pagnagtanong si Nanay.
D. Sasabihin ko na ang kuya ang kumuha ng pera paghinanap.

6. Anong ugali ang ipinapakita ng taong may “Palabra de Honor”?


A. Nangangako pero napapako. C. Marunong tumupad ng isang pangako
B. Walang isang salita D. Hindi marunong tumupad sa usapan.

7. Ano ang nangyayari sa isang taong walang “palabra de honor”?


A. Nagiging mayabang. C. Nawawalan ng tiwala ang ibang tao sa kanya.
B. Dumarami ang kanyang mga kaibigan D May tiwala ang ibang tao sa kanya.

8. Nais mong making ng radyo habang naglilinis ng bahay. Napalakas ang tugtog ng radyo. Kaya nagising ang nanay mon a
natutulog at pinagsabihan ka na hinaan ang radyo. Ano ang gagawin mo?
A. Hihinaan ang radyo habang tinatapos ang gawain . C. Hindi ko pakinggan ang nanay .
B. Huwag pansinin si Nanay D. Patayin ang radyo at huwag tapusin ang gawain.

9. May darating na bisita ang inyong magulang at abala sa pagluluto.Bilang anak , ano ang gagawin mo?
A. Tutulong sa paglilinis ng bahay.
B. Hahayaan ko na lang ang mga kapatid ko sa mga gawaing bahay.
C. Aalis na lang ako sa bahay
D. Titingnan ko na lang sila habang nanonood ako ng tv.

10. Nakita mong nagsulat sa pader ang kaibigan mo . Ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan ko pa siya na magsulat.
B. Pagsabihan ko ang kaibigan ko na bawal magsulat sa pader.
C. Magpanggap na hindi ko nakita ang kanyang ginagawa.
D. Hindi ko na lang papansinin ito.

11. Alin ang hindi nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa?


A. Pagpapasalamat C. Pagtalikod habang may nagsasalita
B. Pakikinig sa nagsasalita D. Pagtatanong tungkol sa narinig sa kausap

12. Pinagsabihan ka ng kaibigan mo na huwag mong susulatan ang pader, magagalit ka ba?
A. Hindi ako magagalit dahil alam kong biro niya lang iyon.
B. Hindi ako magagalit dahil alam kong susulat din siya sa pader.
C. Hindi ako magagalit dahil tama naman ang kaniyang suhestiyon.
D. Magagalit ako sa kaniya dahil hindi naman siya ang may-ari ng pader.

13. Ang mga sumusunod ay katuturan ng ‘pagpapakita ng paggalang ng ideya o suhestiyon’ Alin ang hindi?
A. Ito ay pagpapakita ng kahinaan.
B. Isa itong uri ng pakikipagkapwa-tao.
C. Ito ay paggalang sa karapatan ng kapuwa.
D. Ito ay magandang katangiang dapat nating taglayin.

14. Isinama mo ang iyong kaibigan sa pamimili ng damit. Nang nakapili ka na, isinukat mo iyon. “Bagay ba sa akin?” tanong mo sa
kaniya. Ang sabi niya, hindi raw bagay sa iyo ang kulay, kaya palitan mo. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. “Salamat, ha? Salamat sa pangungutya mo!”
B. “Grabe ka naman! Sana hindi na lang kita isinama.”
C. “Ah, talaga ba? O, ‘di ikaw na ang maganda at maputi!”
D. “Sige. Papalitan ko na lang ang kulay. Maraming Salamat!

15. “Suhestiyon ko lang… Unahin natin ang pagsagot sa ating mga modyul bago tayo maglaro.” Paano mo ipapakita ang
paggalang sa kaniyang sinabi kahit tapos ka na sa modyul?
A. Tumawa ka nang malakas.
B. Talikuran siya at maglaro na lang.
C. Pakinggan ang dahilan niya kung bakit.
D. Magpasalamat at sabihin sa kanya na tapos mo na.

16. Aling pahayag ang hindi nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa?
A. May sarili tayong kaisipan, paniniwala, pilosopiya, at ideya, kaya sundin natin ito.
B. Dapat magpasalamat sa kapuwang nagbigay ng ideya at suhestiyon, gusto mo man ito o hindi.
C. Mabisa rin ang pakikinig at pagtatanong upang maipadama na mahalaga ang kaniyang ideya o suhestiyon.
D. Iparamdam sa kapuwa ang halaga ng kaniyang ideya, ngunit kailangan pa ring timbang-timbangin ang mga iyon bago
magdesiyon o magplano.

17. Aling pahayag ang angkop na pagpapasalamat upang ipakita sa nagbigay ng ideya o suhestiyon ang iyong
paggalang?
A. “Salamat pa rin kahit hindi naman kapaki-pakinabang ang ideya mo.”
B. “Salamat! Malaking tulong ang iyong ideya upang mabuo ko ang aking plano.”
C. “Salamat, ha? Napakahusay ng iyong ideya. Sana hindi ako nito mapahamak.”
D. “Salamat pero hindi ko susundin ang payo mo kasi mas maganda ang ideya ko.”

18. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag?


A. Dapat tanggapin mong lahat ang ideya at suhestiyon ng iyong kapuwa.
B. Ikaw ay sadyang matalino, kaya hindi mo kailangan ang ideya at suhestiyon ng iba.
C. Ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kaibigan ay isang halimbawa ng pakikipagkapuwa-tao.
D. Huwag mong tanggapin ang ideya o suhestiyon ng ating kapuwa kung hindi ka naman humihingi.

19. Gusto mong matutong magmaneho ng motorsiklo kahit bata ka pa lang. Labis na tinututulan ito ng iyong mga magulang. Sa
halip, pinayuhan ka nilang mag-aral magmaneho ng bisikleta. Paano mo ipakikita ang paggalang mo sa kanilang suhestiyon?
A. Sasang-ayon ako sa kanila at susundin ko ang suhestiyon nila.
B. Hindi ako sasang-ayon sa kanila, pero mag-aaral akong magbisikleta.
C. Hindi ako sasang-ayon sa kanila, kaya magpapaturo ako sa kapitbahay naming may motorsiklo.
D. Sasang-ayon ako sa kanila, pero mag-aaral pa rin akong magmaneho ng motorsiklo.

20. Alin sa mga sumusunod ang nagpakita ng paggalang sa ideya at suhestiyon ng kapuwa?
A. Napangiwi si Loreto nang magbigay ng suhestiyon ang kapitbahay niya kung paano niya lilinis ang baradong kanal.
B. Nakikinig lang si Andrea sa kaniyang tiyo habang tinuturuan siya sa Math, pero nakasimagot siya dahil mali-mali ang
turo nito.
C. Nagpasalamat si Vanessa sa kaniyang ate dahil pinayuhan siya nitong huwag magtanggal ng facemask kapag
naglalakad sa kalsada.
D. Nagdabog si Allan nang hindi siya pinayagang lumabas ng bahay dahil sa may positibo sa bagong variant ng virus sa
kanilang barangay.

21. Ipinagbawal ng inyong barangay chairman ang pag-uumpukan ninyong magkakaibigan kahit pa may suot kayong facemask.
Alin sa mga susumunod ang nagpapakita ng paggalang sa ideya at suhestiyon ng kapuwa?
A. Tumakbo kayong magkakaibigan habang tumatawa.
B. Nagpasalamat kayo sa kaniya pero nakasimangot kayo pagtalikod nito.
C. Pinakinggan ninyo ang barangay chairman, pero hindi pa rin kayo umuwi.
D. Pinakinggan ninyo ang pinuno ng barangay at nangakong iiwasan ang pag-uumpukan.

22. Sabi ng iyong ina, huwag ka munang kumain ng malalansang pagkain upang hindi lumala ang skin allergy mo. Kaya lang
gustong-gusto mong kumain ng inihaw na bangus. Paano mo ipakikita ang paggalang mo sa ideya o suhestiyon ng iyong ina?
A. Susundin mo siya at mag-uulam ka na lang ng iba.
B. Tatahimik ka na lang at hindi ka na lang manananghalian.
C. Pakikinggan mo siya pero titikim ka pa rin ng inihaw na bangus.
D. Hindi mo siya pakikinggan kaya mag-uulam ka pa rin ng inihaw na bangus.

23. Bakit mahalaga na ikaw ay makatupad ng pangako?


A. Ito ay isang magndang pag uugali.
B. Ito at makakaubos ng oras.
C. Ito ay makakaapekto at makakaabala sa ibang tao kapag hindi ka marunong tumupad.
D. Dahil ikaw ay may utang na loob.

24. Sino sa mga sumusunod ang dapat tularan ng isang batang tulad mo?
A. Hindi dumating sa tamang oras ang kaibigan mo.
B. Sinisikap mo na dumating sa takdang oras.
C. Nahuli si Alvin sa oras ng inyong usapan.
D. Nagsabi ka na pupunta sa bahay ng kaibigan mo pero hindi ka dumating.

25. Ang pagtatama sa mali ng kaibigan ay may mabuting idudulot hindi lamang sa taong nagkamali ,kundi sa kanilang
pagkakaibigan.
A. Tama B. Mali C. Hindi ko alam D. Wala akong pakialam.
Sangay ng mga Paaralang Panlunsod
Lungsod ng Pasay

Ikalawang Sumatibong Pagkatuto sa Ikalawang Markahan


sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP6) W4-7
Taunang Panuruan 2021-2022

PANUTO : Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Bilugan ang tamang titik ng tamang sagot.

1. Mahalaga ang kaibigan sa buhay ng bawat tao. May responsibilidad tayo sa kanila. Paano mo mapahahalagahan ang iyong kaibigan?
A. Palaging pakikipag-usap sa kaniya C. Pagsama sa kaniya saanman siya magpunta
B. Pagpapanatili ng mabuting pagkakaibigan D. Pagpapautang sa kaniya ng pera kapag nagigipit siya

2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan?
A. Sinigawan ni Andrew ang kaibigan nang minura siya nito.
B. Humingi ng paumanhin si Pam sa kaibigan nang nagkatampuhan sila.
C. Sinumbong ni Paul si John sa ina nito dahil nagsisinungaling ito sa kanila.
D. Hindi kinibo ni Marie ang kaibigan pagkatapos siya nitong pagdamutan ng gamit.
3. Alin sa mga sumusunod ang pagiging responsable sa kapuwa o magpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan?
A. Pangungutang C. Pagsasabi ng tapat at totoo
B. Pisikal na pananakit D. Pang-iiwan sa panahon ng kagipitan
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama?
A. Anoman ang estado sa buhay ng kaibigan, mahalaga siya bilang ating kapuwa.
B. Ang pagpapanatili ng mabuting pagkakaibigan ay layunin ng bawat magkaibigan.
C. Kapag nagkasala ang kaibigan, hindi na dapat manatili ang mabuting pagkakaibigan.
D. Ang sisira sa pagkakaibigan ay hindi pagpapakita ng kahalagahan ng pagiging responsable sa kapuwa.
5. Madalas mong katuwang sa mga gawaing-pampaaralan ang matalik mong kaibigan. Sabay kayong magsagot sa mga proyekto at takdang-
aralin. Isang araw, nalaman mong si Ella na ang kasama nitong gumawa. Ano ang gagawin mo?
A. Uunawain ko ang matalik kong kaibigan, pero hindi si Ella.
B. Magtatampo ako sa matalik kong kaibigan at aawayin ko si Ella.
C. Magagalit ako kay Ella at aawayin ko rin ang matalik kong kaibigan.
D. Uunawain ko silang pareho dahil baka mas kailangan ni Ella ng tulong.
6. Humihingi ka ng tulong pinansiyal sa kaibigan mo kasi naaksidente ang kamag-anak mo. Wala naman itong maiabot pero sasabihin daw
nito sa kaniyang mga magulang. Magagalit ka ba sa kaniya?
A. Opo, kasi hindi siya marunong tumulong sa kaibigan niya sa oras ng pangangailangan.
B. Opo, kasi wala naman talaga siyang balak tumulong kaya ipinadadaan pa sa magulang.
C. Hindi po kasi wala naman siyang kakayahang tumulong, kundi ang mga magulang niya.
D. Hindi po kasi nauunawaan ko siya at gagawin ko rin iyon sa kaniya kapag nangailangan siya.
7. Piliin mo ang pahayag na nagsasaad ng hindi mabuting pag-uugali.
A. Ang taong nagpapahalaga sa pagiging responsible sa kapuwa ay nagpapanatili ng mabuting
pagkakaibigan.
B. Kahit sino ay maaari kong maging kaibigan, ngunit maaari ko ring maging kaaway kung hindi
ko siya pahahalagahan.
C. Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad sa ating kapuwa, ngunit hindi natin obligasyon na maging mabuting kaibigan sa kanila.
D. Kung ang kapuwa naman natin ang nagkasala o nagkamali sa atin, maaari pa rin nating ipakita ang pagiging responsableng kapuwa
natin.
8. Nalaman mong may itinatagong sikreto ang kaibigan mo sa iyo. Nagtataka ka kung bakit hindi sinabi sa iyo at sa iba mo pa nalaman?
Paano mo siya kakausapin nang hindi masisira ang pagkakaibigan ninyo?
A. “Akala ko ba kaibigan mo ako? Bakit sa iba ko pa nalaman ang totoo?”
B. “Kung ayaw mo akong pagkatiwalaan, ayaw ko na ring magtiwala sa ‘yo!”
C. “Akala ko pa naman magkaibigan tayo. Bakit parang ayaw mo akong pagkatiwalaan?”
D. “Nauunawaan kita kung ayaw mong sabihin sa akin ang sikreto mo, pero sana pagkatiwalaan mo ako.”
9. Nagalit sa iyo ang bespren mo dahil hinahadlangan mo siya sa balak niyang pagnanakaw. Ano ang gagawin mo upang mapanatili ang
inyong pagkakaibigan?
A. Sasamahan ko na lamang siya sa pagnanakaw.
B. Hahayaan ko na lamang siya sa gusto niyang gawin.
C. Hahayaan ko siyang magnakaw at magtatawag ako ng barangay tanod.
D. Hindi ko siya hahayaang gawin iyon kaya kahit magalit siya sa akin ay tatanggapin ko.
10. Ang kaibigan ay dapat na modelo ng kabutihan. Isa sa mga dahilan kung bakit nakikipagkaibigan ang tao sa kapuwa ay upang
maimpluwensiyahan nila ang isa’t isa na gumawa ng mabuti sa kapuwa. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan
ng pagiging responsable sa kapuwa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan?
A. Ang pagtatama sa mali ng kaibigan C. Ang pag-aayos ng gusot o hindi pagkakaunawaan
B. Ang pagtanggap at pagsunod sa mali ng kaibigan D. Ang pagtanggap sa kabutihan ng kanilang samahan at pagsalungat sa
kasamaan

11. Madalas purihin ng mga kapitbahay ninyo ang iyong kaibigan, samantalang ang mga ginagawa mong kabutihan ay hindi man lang
napapansin. Nagseselos ka sa kaniya. Ano ang dapat mong gawin upang mawala ang iyong pagseselos at manatili ang inyong mabuting
samahan?
A. Gagayahin ko siya at magkukunwaring mabait
B. Magseselos ako at unti-unting iiwas sa kaniya hanggang mapansin niya
C. Pupurihin ko siya gaya ng aming barangay at sisikapin kong maging katulad niya
D. Hindi na ako sasama sa kaniya para hindi ko marinig ang mga papuri ng kapitbahay ko
12. Nagkasuntukan ang magkaibigang sina Jong at Harry dahil nasagi ni Jong si Harry habang naglalaro sila ng basketbol. Agad naman silang
naawat ng kanilang mga kalaro, pero hindi nakipagbati si Harry. Tama ba ang ginawa ni Harry?
A. Tama po dahil kasalanan ni Jong. C. Mali po dahil gusto pa niyang makaganti kay Jong.
B. Mali po dahil hindi siya marunong magpatawad. D. Tama po dahil nasaktan siya at mukhang sinadya ni Jong.
13. Kung may bagong kaibigan ang matalik mong kaibigan, kaya hindi ka na niya madalas na kasama, alin sa mga susumunod ang dapat na
gawin ng isang responsible at mabuting kaibigan?
A. Kakausapin ko pa rin siya pero hindi na katulad ng dati.
B. Kikilalanin ko ang bago niyang kaibigan at kakaibiganin ko rin.
C. Kikilalanin ko ang bago niyang kaibigan at sisirain ko sa aking matalik na kaibigan.
D. Kakausapin ko ang matalik na kaibigan at itatanong kung ano’ng sino ang bespren niya.
14. Sina Belen at Marissa ay magkalaban sa larong balibol. Hindi sinasadyang natamaan ng bola si Belen sa mukha nito. Paano niya
maipapakita ang pagiging isport o malasakit sa kapwa?
A. Iiyak at magagalit kay Marissa C. . Babatuhin din niya ng bola sa mukha si Marissa
B. Hindi na muling makipaglaro kay Belen D. Hindi magagalit at uunawaing ito ay parte ng laro.
15. Napili ka ng iyong guro na sumali sa paligsahan sa pag awit. Ngunit alam mong mas mahusay sa iyo ang iyong matalik na kaibigan.
Tatanggapin mo ba ang paanyayang ito? Bakit?
A. OPo, dahil ito ay matagal ko ng pangarap.
B. Hindi po, dahil alam kong may taong mas magaling pa sa akin.Siguro sa susunod na lang ako.
C. Hindi po, dahil baka mapahiya lang ako.
D. Opo, dahil kaya kong maging mas mahusay pa sa aking kaibigan.
16. Ano ang iyong gagawin kung nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang iyong kalaro?
A. Pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito C. Pabayaan lang siya
B. Isumbong sa kapitan ng barangay D. Awayin mo siya

17. Kapag gumawa ng pasya o konklusyon, mainam na______


A. Suriin nang mabuti ang sitwasyon. C. Ipagwalang bahala na lang.
B. Alalahain ang sasabihin ng iba. D. Magtanong sa iba.

18. Ano ang nais iparating ng kasabihang, “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”?
A. Huwag kausapin ang mga kamag-aral na nang –aasar sa iyo. C. Gantihan ang mga nananakit sa iyo.
B. Huwag pansinin ang mga salbaheng kamag-aral D. Iwasang makasakit ng kapwa

19. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka ng titser mo kung paano napaganda ang inyong proyekto. Ano
ang sasabihin mo?
A. Malaki po ang naitutulong ng bawat kasapi. C. Ang ilan pong kasapi ay walang kooperasyon.
B. Ibinigay ko po ang lahat ng aking nakayanan. D. Ako po ang bumili ng lahat ng ginamit sa paggawa nito

20. Ikaw ay isang mabuting halimbawa ng magalang na mag-aaral na nagpapahalaga sa ideya ng iba.
Paano mo ito ipapakita?
A. Huwag pansinin ang opinion ng iba C. Tanggapin ang ibang opinion kung pero magdadabog
B. Tanging ideya mo lamang ang pahalagahan D. Tanggapin at pag-isipang mabuti ang opinion ng iba kung nararapat itong
gawin o hindi.
21. Araw-araw ay nagpapatugtog ng malakas ang iyong kapitbahay kahit na minsan ay oras na ng siesta.
Paano mo ipapaalam na siya ay nakakaistorbo na?
A. Bubuhusan ko ng tubig ang kapitbahay ko. C. Sisigawan ko siya para malaman niya na mali siya.
B. Makikipagsabayan ako ng pagpapatugtog. D. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sasabihin sa kaniya ang problema
22. Inutusan ka ng guro mo na bumili ng chalk dahil naubusan na ito. Sa araw na iyon wala kang baon at
pwede kang kumuha sa sukli ng iyong guro. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa guro ang tiyak na halaga ng chalk at isauli ang sukli. C. Manghingi ng tawad sa tindera para ang barya ay kunin.
B. Utangin ang chalk sa tindera para ang pera ay sa iyo na. D. Sabihin sa guro na mahal ang chalk.

23. Sa inyong Lakbay-Aral ay nakita ninyo ng inyong mga kaklase ang isang Igorot na ang suot ay bahag
lamang. Ang ilan sa iyong mga kaklase ay nagtawanan. Tama ba ang kanilang ginawa?
A. Hindi, dahil hindi naman ito nakakatawa. C. Oo, hindi na uso ang mga ganoong damit.
B. Oo, dahil nakakahiya ang kaniyang suot. D. Hindi, dahil hindi sila nagpakita ng paggalang sa kultura ng mga Igorot.

24. Magkaibigan kayo nina Pablo at Pedro. Isang araw, nag-away si Pablo at si Pedro. Sila ay hindi
nagkibuan. Tinawag mo ang dalawa at tinanong ang dahilan. Pareho silang may katwiran. Ano ang
iyong magiging pasya?
A. Wala kang gagawin. C. Kampihan kung sino ang may katwirang ayon sa iyong gusto.
B. Iwanan ang pakikipagkaibigan sa dalawa. D. Pagbatiin ang dalawa, at pag-usapan ng mahinahon ang naging sanhi ng alitan

25. Ano ang gagawin mo kapag nakakarinig ka ng hindi maganda tungkol sa iyong kaibigan na may
kapansanan?
A. Sadyain ang panunukso. C. Pagsasabihan ang nanunukso.
B. Hindi mo nalang papansinin. D. Magiging masaya at magaan ang pakiramdam.

You might also like