You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
Sangay ng Lungsod ng Dabaw
Lungsod ng Dabaw
CATALUNAN PEQUEÑO ELEMENTARY SCHOOL
Purok ng Talomo A

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao VI
SY 2022- 2023

Pangalan: _________________________________________Seksyon: ________________


Paaralan: __________________________________________Petsa : _________________

Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod. Piliin ang katangian na ipinahihiwatig sa bawat
sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maraming basura ang nakita ni Ana sa likuran ng kanilang bahay. Hindi pala nakuha ang mga
ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at dustpan si Ana
upang linisin ang basura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa kapitbahay. Anong
katangian ang ipinakikita ni Ana?

A. pagiging malinis B. may panindigan C. mapanuring kaisipan D. pagiging mahinahon

2. Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa
magulang?

A. Ang pagkamatiyaga sa kanyang gawain C. Ang pagkamainisin sa kanyang gawain


B. Ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain D. Ang pagkawalang bahala sa kanyang
gawain

3. Si Gng. Mendez ay isang mabuting Kristiyano at palaging nagsisimba tuwing Linggo.Tuwing


nagsisimba, siya ay nakasuot ng ______________.

A. bestida na may manggas B.padjama C. maiksi na palda D. Shorts at spaghetti

4. Nagdala ka ng pagkain na iyong kakainin sa bahay, ngunit may isang batang pulubi na
humingi sa iyo ng pagkain. Ikaw ay ______.

A. magbibigay ng pagkain sa batang pulubi para may makain siya


B. hihingi ka sa iba ng pagkain para ibigay sa batang pulubi
C. magagalit sa batang pulubi dahil masama ang ginawa niya
D. sasama sa pulubi at tulungan siyang manghingi ng pagkain
5. Napansin mong hindi itinapon sa tamang lalagyan ang balat ng mga pagkaing kinain ng iyong
kapatid. Siya ay________.
A. sisigawan mo dahil sa kanyang pagkakamali
B. pagagalitan mo dahil sa mali niyang ginawa
C. aawayin mo dahil hindi siya marunong maglinis
D. mahinahon mong kakausapin tungkol sa kanyang ginawa

6. May natanggap kang balita sa telebisyon tungkol sa masamang epekto ng paggamit ng


cellphone sa katawan ng tao. Ano ang dapat mong tandaan upang maiwasan ang mga epekto
nito?

A. ibabahagi ko sa iba ang balita C. ipatatapon ko ang kanilang cellphone


B. magsasawalang kibo lamang D. hahayaan na lamang na sila ang makakaalam.

7. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng asin at asukal sa tindahan. Pagkatapos mong bumili,


nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng tinder. Ano ang gagawin mo?

A. Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.


B. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
C. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nana yang sobrang sukli.
D. Isasauli ko agad-agad sa tinder ang sobrang sukli.

8. May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama
laban sa iyo. Ano ang iyong gagawin?

A. Tatanungin nang mahinahon ang kaibigan kung bakit nasabi niya ang mga iyon.
B. Magagalit kaagad kahit hindi mo alam kung ano ang pinagmulan nito.
C. Pupuntahan ang kaibigan at sisigawan ng masasamang salita.
D. Isusumbong sa pulis ang kaibigan.

9. Ipinagbilin ng nanay mo na bantayan ang iyong nakababatang kapatid ngunit nagkataon na


may lakad ka. Ano ang gagawin mo?

A. Ipagbilin ang kapatid sa ibang tao.


B. Iwanan mo ang iyong kapatid na mag-isa sa bahay. .
C. Isarado ang bahay at iwan ang kapatid sa kapitbahay.
D. Ipagpaliban muna ang lakad at hintaying umuwi ang nanay mo.

10. Mahusay ka sa Matematika, ngunit nahirapan ka sa Science, Alin sa mga sumusunod ang
dapat mong gawin?

A. Bigyang pansin ang Science C. Ipagagawa ko nalang ito sa aking Ate.


B. Magpokus nalang sa matematika D. Balewalain ang Science

11. Ibig ng kaibigan mo ang magpahaba ng buhok kahit hindi ito bagay sa kanya. Ano ang
gagawin mo?

A. Igagalang mo ang kanyang gusto. C. Tutuksuhin mo para magpagupit siya ng buhok.


B. Pipilitin mo siyang magpagupit. D. Sasabihin mo sa kanya na pangit ang buhok niya.
12. Walang baon ang katabi mo at sobra ang baon mong tinapay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itatago ko ang sobrang tinapay C. Hindi ko siya bibigyan ng tinapay
B. Aalukin ko siya at bigyan ng tinapay D. Magkunwari akong walang baon

13. Ikaw ay lider ng pangkat. Ano ang gagawin mo bilang lider para mapaganda ninyo ang
inyong proyekto?

A. Iasa ito sa lider dahil siya ay magaling C. Ipagawa ito sa magaling na kapatid
B. Hingin ang tulong ng bawat isa D. Iasa sa iba ang proyekto

14. Nagluluto ng ulam para sa hapunan ang iyong Ate at saktong dumating ka galing sa
paaralan. Nais niyang patikman ang lasa ng niluluto niya. Ano ang iyong gagawin?

A. Gumamit ng sandok sa pagtikim ng niluluto.


C. Damputin kaagad ang ulam.
B. Isubo ang ulam kahit mainit. D. Gumamit ng kutsara sa pagtikim ng
niluluto.
15. Nais mong ipahayag ang iyong saloobin tungkol sa naging tanong ng guro ngunit may
nagsasalita pa. Ano ang gagawin mo?

A. Tatayo ako kahit hindi tinawag at sisingit ako sa nagsasalita.


B. Pauupuin ko na ang nagsasalita at ako naman ang magsasalita.
C. Magsasalita ako nang pasigaw para ako ay mapansin ng aming guro.
D. Hihintayin kong matapos ang nagsasalita at itataas ko ang aking kamay.

16. Gabi na at hindi pa nakauwi ang iyong nanay, wala pang sinaing at bilang isang anak ay nais
mong makatulong, alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?

A. Wala kang gagawin dahil hindi mo trabaho ang magsaing.


B. Hihintaying makauwi si nanay at siya ang magsaing.
C. Uutusan ang nakababatang kapatid na magsaing.
D. Magpaturo sa kapitbahay kung paano magsaing.

17. Napagkasunduan ng iyong mga kapatid na mag ambag-ambag para sa bibilhing regalo sa
kaarawan ng inyong nanay. Ano ang magiging pasya mo dito?

A. Bibili ka nalang ng regalo. C. Sasang-ayon sa napagkasunduan.


B. Hindi ka magbibigay ng ambag. D. Iiwas sa mga kapatid para

18. Nakita mong ninakawan ng mga binatilyo ang tindahan malapit sa inyo. Ano ang gagawin
mo?

A. Babaliwalain ko na lamang ito.


B. Hayaan sila sa kanilang buhay.
C. Pasimple mong sesenyasan ang may-ari ng tindahan at ituturo ang mga binatilyo.
D. Magsisigaw ka upang mabulabog lahat ng tao sa tindahan at maalerto ang mga binatilyo.
19. Mabagal gumawa ang isa ninyong kasamahan sa pangkat at ito ay nakaaabala na sa
pangkat.
Paano mo mababago ang ugali ng iyong kasamahan?

A. irereklamo mo siya sa guro


B. ililipat siya sa ibang pangkat
C. tuturuan ko siya ng tamang paraan sa paggawa
D. siya ay hindi isasali sa susunod na poyekto.

20. Ikaw ay napili ng mga kasamahan mo sa grupo na maging lider para sa pag-uulat dahil ikaw
ay magaling. Paano mo ibabahagi sa iyong mga kasamahan ang mga gawain?

A. Ako lang mag-uulat dahil magaling ako.


B. Lahat ay bibigyan ko ng pagkakataong makapag-ulat.
C. Pipiliin ko lang ang mag-uulat para hindi kami mapahiya.
D. Ang mga magagaling lang ang mag-uulat.

21. Nagpasiya ang mag-anak ni Tonyo na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan.
Marami ang pumuna nito. Kung ikaw si Tonyo, ano ang dapat mong gawin?

A. balewalain ang pumupuna C. itutuloy ko ang aking pasya


B. Itatayo ko pa rin ang manukan ko D. gagawin ko ang mas nakabubuti sa lahat

22. Sikat na host si Toni Gonzaga sa Pilipinas at kahit siya ay sikat na gumagamit pa rin siya ng
salitang po at opo sa mga taong higit na nakatatanda sa kanya. Ano ang taglay niyang
katangian?

A. Matapat B. Masipag C. Magalang D. Mabait

23. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Carlo na balang araw
magiging maayos din ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw-araw niyang ipinagdarasal ito sa
Panginoon. Anong katangian ang ipinakikita ni Carlo?

A. pagmamahal sa katotohanan
B. may pananampalataya
C. may panindigan
D. katatagan ng loob

24. Mayroong brainstorming ang mga kabataan sa inyong lugar kung paano malulunasan ang
suliranin sa basura. Ano ang gagawin mo?

A. Bibigyan mo ng panahon ang nasabing okasyon at makiisa ka sa pangkat.


B. Hindi ka dadalo dahil mas importante ang gawain mo sa bahay.
C. Sasabihin mong pupunta ka ngunit hindi mo sisiputin.
D. Pupunta ka at magmasid na lang.
25. Bawat buwan ay nagpapadala si Tina ng sahod na natatanggap niya upang ipambili ng
pagkain para sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Tina?

A. kaalaman B. lakas ng loob C. bukas na kaisipan D. pagmamahal sa pamilya

26. Uwian na at gusto mo ng makauwi sa bahay nang maaga kaya kumaripas ka ng takbo nang
sa di-kalayuan, nakita ka ng iyong guro at may tinanong sa iyo. Ikaw ay _______.

A. tatakbo nang mabilis na parang walang nakita


B. hihinto at makikinig nang mabuti sa tanong ng guro
C.magpapaliwag sa iyong guro na nagmamadali ka.
D. iiwas sa tanong ng guro dahil nagmamadali ka

27. Pinagbintangan ang kaklase mo na magnanakaw ngunit alam mo kung sino ang tunay na
nagnakaw, ngunit matalik mo itong kaibigan. Ano ang iyong gagawin?

A. Magsasawalang kibo nalang upang hindi ka awayin ng iyong kaibigan.


B. Sasabihin ang katotohanan sa iyong guro upang malutas ang problema.
C. Magkunwari na walang alam sa mga nangyayari upang hindi magalit ang kaibigan.
D. Makibintang na rin sa kaibigan upang maging bida sa guro at kaklase.

28.. Ano ang nadarama mo kapag ikaw ay nagpasya na sumali at nanalo sa isang paligsahan?

A. Maging mayabang ako. C. Ito’y ipagmamalaki ko.


B. Hiyang-hiya ako. D. Hindi ko papansinin ang bumabati sa akin.

29. Ulila na kayong apat na magkakapatid sa magulang at tanging tiyo at tiya ninyo na lamang
ang nangangalaga sa inyo. Napansin mong hindi mabuti ang pakikitungo nila sa inyo. Wala
na kayong ibang mapupuntahan dahil mas malayo ang lugar ng iba ninyong kamag-anak.
Ano ang gagawin mo?

A. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na doon na sila sa iba naming kamag-anak habang
ako ay nag-aaral pa.
B. Ipagbibigay alam ko sa kinauukulan ang ginagawa ng aking tiyo at tiya upang mabigyan
sila ng tamang pansin sa kanilang ginagawa.
C. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na magtiis na lang muna kami sa ginagawa ng
aming tiyo at tiya dahil wala kaming ibang pupuntahan.
D. Aalis na lamang kami sa bahay ng aming tiyo at tiya para walang gulo.

30. Natutulog ang nanay mo at narinig mong umiiyak ang sanggol. Naisip mong gutom na siya.
Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?

A. Gigisingin mo si nanay.
B. Hindi mo papansinin ang pag-iyak ng sanggol.
C. Ipagtitimpla mo ng gatas ang sanggol upang tumahan.
D. Pagagalitan at sapakin ang sanggol sa kanyang pag-iyak.
31. Nakita mo ang iyong ate na kumukuha ng pera sa bag ng inyong nanay. Nalaman niya na
nakita mo siya kaya’t sinabihan ka na huwag magsusumbong sa inyong nanay. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Kakausapin siya at sasabihing masama ang kanyang ginawa.
B. Bahala na siya, siya naman ang mapaparusahan kung sakali.
C. Magkukunwari na walang nakita para hindi masaktan ng kapatid.
D. Sasabihin sa mga magulang ang kanyang ginawa upang siya’y mapagalitan.

32. Ang ilan sa iyong kamag-aral ay madalas na lumiban sa klase dahil sa paglalaro ng
computer malapit sa inyong paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Pababayaan ko lang sila.
B. Sasabihin sa mga magulang ang ginagawa ng iyong kaklase
C. Hihingi ng tulong sa mga kaibigan na kausapin ang mga kaklaseng lumiliban
D. Pagsasabihan ang mga kaklase na iwasan ang pagliban sa klase dahil wala itong
maidudulot na maganda
33. May gaganaping Tree Planting Activity sa susunod na Linggo. Iminungkahi ng iyong mga
kaibigan na sa halip na maglalaro ng computer ay sasali nalang kayo sa Tree Planting at
ibayad sa registration ang gagastusin sa paglalaro ng computer. Ano ang dapat mong
gagawin?
A. Hindi nalang ako aalis ng bahay.
B. Papayag ako at sasali sa Tree Planting
C. Pababayaan ko silang sumali at ako nalang ang maglalaro.
D. Magagalit ako sa kanila dahil gusto kong maglaro ng computer.
34. Mayroong nakapagsabi sa iyo na ang matalik mong kaibigan ay may ikinakalat na tsismis
tungkol sa iyo. Nagkataong nasalubong mo siya isang umaga sa inyong paaralan. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Hindi papansinin ang tsismis.
B. Sisigawan ang kaibigan at aawayin
C. Makikipaghiwalay na sa matalik na kaibigan.
D. Iimbitahin ang matalik na kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang
mahinahon kung totoo ba ang ibinibintang rito.

35. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa opinion ng iba. Alin sa


mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon sa nakararami?
A. Wala na ba kayong maisip na paraan?
B. Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?
C. Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.
D. Sana sa susunod ay hindi lang parati kayo ang masusunod.

36. Uwian na at gusto mo nang makauwi ng maaga sa bahay kaya kumaripas ka ng


takbo nang sa di-kalayuan ay nakita ka ng iyong guro at may tinanong sa iyo. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hihinto at makikinig nang mabuti sa tanong ng guro
B. Tatakbo ng mabilis at hindi papansinin ang guro.
C. Magpapaliwanag sa guro na nagmamadali ka.
D. Iiwasan ang guro.

37. Nakita mo na nagtatapon ng plastic at iba pang basura sa kanal ang iyong
kapitbahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sisitahin ko siya upang siya ay mapahiya.
B. Pababayaan ko lamang siya sa kanyang ginagawa.
C. Aawayin at pagagalitan ko siya upang hindi na niya ito ulitin.
D. Ipapaalam ko sa kanya ang masamang epekto na maaring idulot nito.

38. Napagkasunduan ng iyong mga kapatid na mag-ambag-ambag para sa bibilhing


regalo para sa anibersaryo ng inyong mga magulang. Ano ang magiging pasya
mo
dito?
A. Hindi ka magbibigay ng ambag.
B. Bibili ka nalang ng sarili mong regalo.
C. Sasang-ayon sa kung ano ang napagkasunduan.
D. Magbibingi-bingihan upang hindi makabigay ng ambag.

39. Ano ang masasabi mo sa batang nag-iisip para sa kabutihan ng lahat?


A. matalinong nag-iisip
B. gustong magpasikat
C. may malasakit sa kapwa
D. sarili lang ang iniisip at hindi ang iba

40. Ang iyong kaibigan ay lagi nalang lumiliban sa klase at minsan naman ay
umuuwi ng maaga. Ano ang maipapayo mo bilang kaibigan?
A. Sasama sa kaibigan kung liliban ito.
B. Hahayaan siya sa kanyang ginagawa.
C. Sasabihin sa kanya na gawin ito palagi.
D. Sasabihin na masama ang pagliban sa klase.
TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON
Edukasyon sa Pagpapakatao VI
Ikaanim na Baitang
Unang Markahang Pagsusulit
Taong Panuruan 2022-2023

No. Item Placement Under Each Cognitive Domain


of Reme
Learning Competencies % Underst Evaluatin
Item mberin Applying Analyzing
Creati
s anding g ng
g

1. Nakapagsusuri nang mabuti sa 24 60


mga bagay na may kinalaman sa
sarili at pangyayari. 1,2,3,7, 5,9,10,12 13,14,23, 27, 28, 30 29
8 25,26,
EsP6PKP-Ia-i-37 37,38,39,
40
2. Nakasasang-ayon sa pasya ng 12 30 4, 15,
nakararami kung nakabubuti ito.
17,22 18,19, 20 36 31, 32 16, 33
EsP6PKP-Ia-i-37
21
3. Nakagagamit ng 4 10
impormasyon(wasto/tamang
impormasyon) 6 34, 35 24 11

EsP6PKP-Ia-i-37

Total 40 100 10 14 6 6 4

Answer Key:
1. C 11. A 21. D 31. A
2. A 12. B 22. C 32. D
3. A 13. B 23. D 33. B
4. A 14. D 24. A 34. D
5. D 15. D 25. D 35. C
6.A 16. D 26. B 36. A
7. D 17. C 27. B 37. D
8. A 18. C 28. C 38. C
9. D 19. C 29. B 39. C
10. A 20. B 30. C 40. D

You might also like