You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI – Western Visayas
Division of Sipalay City
MARIANO GEMORA NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHAN
SY: 2022 – 2023

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 7

Name______________________________________Year and Section ______________Date___________Score______

Test 1. . Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot gamit ang titik lamang sa iyong sagutang
papel.

1. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga magulang, ikaw ay kanilang pinagalitan. Ano ang
dapat mong gagawin?
a. Magtampo dahil ngayon lang naman ito nangyari at hindi na uulitin.
b. Humingi ng tawad, magpaliwanag at mangakong hindi na uulitin.
c. Iiyak at magalit sa magulang at hindi na uulitin ang ginawa.
d. Manahimik at balewalain ang magulang at hindi na uulitin ang ginawa.

2. Ang lahat ng pahayag ay tungkol sa katangian o kahulugan ng puso maliban sa;


a. sa pamamagitan nito naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang kalooban
b. dito hinuhubog ang personalidad ng tao
c. maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
d. dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao

3. Mahaba ang pila sa may paradahan ng dyip, nakita mong malapit na sa unahang pila ang iyong bestfriend at niyaya ka
niyang pumuwesto na sa kanyang likuran upang mapadali ang iyong pagsakay. Tama ba na susundin mo siya?
a. Tama, lalapitan muna kaagad para mapadali ang iyong pagsakay sa dyip.
b. Mali, dahil maraming nakakita at baka magalit sila.
c. Tama, dahil nauna naman siya sa pila kaya ok lang na sumabay sa kanya.
d. Mali, dahil marami pang nauna sa iyo at nararapat lamang na sila ang mauna.

4. Alam ni Ana na magagalit ang kanyang magulang kapag hindi siya umuwi sa kanilang bahay sa takdang oras pero hindi
niya ito sinunod. Sumama siya sa kaniyang kaibigan na manood ng sine. Tama ba ang ginawa ni Ana?
a. Tama, kasi mas masaya kapag kasama ang barkada.
b. Tama, dahil matagal na nilang gustong panoorin ang kanilang paboritong palabas.
c. Mali, dahil mag-aalala ang kanyang mga magulang sa kaniya.
d. Mali, dahil nilabag niya ang bilin ng kaniyang mga magulang at hindi na siya pagkakatiwalaang muli.

5. Pinili ni Noel na magtrabaho sa gabi at mag-aaral sa umaga para makatulong sa kanyang kapatid para makatapos at
magkaroon ng trabaho nang matulungan din siya sa kanyang pag-aaral. Kung ikaw si Noel, ito rin ba ang iyong gagawin?
a. Oo, dahil bilang magkakapatid, kami ay magtutulungan sa abot ng aming makakaya.
b. Oo, dahil siya ang nakatatandang kapatid kaya tama lang na siya ang mahuli sa pag-aaral.
c.Hindi, dahil hindi ko obligasyon ang pagpapa-aral sa aking kapatid.
d. Hindi, dahil tanging mga magulang lang ang pwedeng magpa-aral sa mga anak.

6. Ang paggawa ng kabutihan ay nararapat lamang dahil ito ay nagpapakita ng


mabuting asal. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng mabuting asal?
a. Pagmamano sa mga nakatatanda
b. Pag-alis sa bahay na hindi nagpapa-alam
c. Pagtulong sa mga gawaing bahay
d.Paghingi ng paumanhin kong nagkakasala

7. Ang mga dapat gawin para makaiwas sa sakit maliban sa isa.


a. Ugaliing maghugas ng kamay bago at matapos kumain.
b. Lutuing mabuti ang karne bago kainin.
c. Maligo at mag-ehersisyo araw-araw.
d. Maglinis ng bahay paminsan-minsan.
8. Ang mga kahalagahan ng Likas na Batas-Moral maliban sa isa.
a. Ito ay nagbibigay gabay sa mga tao upang pumunta sila sa tamang landas.
b. Ito ay epektibo sa kahit na sinong tao, anoman ang relihiyon o paniniwala.
c. Ito ay epektibo sa lahat ng tao, anoman ang lahi, bansa at kultura.
d. Ito ay gumagabay sa atin sa sandaling kinakailangan.

9.Nakapaloob dito ang mga bagay na likas sa tao, gaya ng paggalang, pagmamahalan at maraming pang iba.
a. Likas na Batas-Moral c. Batas ng Lupa
b. Likas naBatas Lipunan d. Batas ng tao

10. Habang papunta ka sa paaralan, nakalimutan mong dalhin ang proyekto sa Agham.Mahigpit ang bilin ng guro na
dadalhin ito dahil gagamitin sa inyong gawain. Ano ang gagawin mo?
a. Uuwi at kukunin ang proyekto kahit na mahuli sa klase.
b. Uuwi at hindi na papasok sa paaralan dahil nahuli na sa klase.
c.Hindi na uuwi at puntahan ang kaibigan para maglaro.
d.Hindi uuwi at mamasyal sa mga pasyalan.

11.Bilang isang mabuting mag-aaral, sinunod ko ang utos at payo ng aking mga magulang. Pinagbutihan ang pag-aaral at
iniiwasan ang nakasasama sa akin. Ang mga katangiang nabanggit ay nasa akin na lahat dahil
a. bata pa lang ako ay alam ko na ang tama
b. bata pa lang ako tinuturuan na ako ng aking mga magulang
c. alam ko kung ano ang mabuti at masama
d. lahat ng nabanggit sa a, b at c

12. Ang mga katangian ay sakop sa Likas na Batas-Moralmaliban sa isa


a. Paggalang sa kapwa c. Pagtulong sa mga gawain
b. Pagmamahalan d. Pag-iwas sa mga gawaing bahay

13.Likas sa tao na gumawa nang mabuti at umiwas sa masama. Ito ay tama dahil nakibahagi tayo sa karunungan at
kabutihan ng Diyos. Ito ay tumutukoy sa
a. Likas na Batas-Moral c. Batas ng Lupa
b. Likas na Batas Lipunan d. Batas ng tao

14. Oras ng recess, inilabas mo ang iyong baon, nang bukasan mo nakita mong walang kutsara at tinidor. Malayo ang
kantina sa inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
a. Maghuhugas ng kamay at magkakamay na lang.
b. Kukunin ang kutsara at tinidor ng kamag-aral.
c. Hindi nalang kakain.
d. Uuwi at hindi nalang papasok.

15. Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan at hinugasan. Nagmadali kang isalang ang kaldero
dahil parating na ang iyong mga kalaro ng Mobile Legends. Nakalimutan mong buksan ang kalan. Dumating ang iyong ina
at nakita niyang bigas pa rin ang iyong sinasaing. Ano ang gagawin mo?
a. Pagalitan ang kapatid dahil pinasaing ka.
b. Hindi aaminin sa magulang ang totoong nangyari.
c. Umalis sa bahay at sumama sa mga kalaro at bumalik na lang pagkahapunan.
d. Magsabi ng totoo sa magulang at humingi ng tawad.

16. Kapag ang tao ay ikinulong, mawawala ang kanyang


a. likas-loob c. mga nais
b. panloob na kalayaan d. panlabas na kalayaan

17. Bakit may limitasyon ang kalayaan?


a. sapagkat ni walang tao ang nakagawa sa kanyang mga ninais
b. dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
c. dahil lahat ng bigay ng Diyos ay may limitasyon
d. dahil ito ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral
18. Ang tao ay may kamalayan, kaya siya ay may kakayahang
a. Gawin ang mga ninais c. Maging matagumpay
b. Maging maligaya d. Magsuri at pumili ng nararapat

19. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng responsableng kalayaan?


a. Nagrebelde sa mga magulang kasi hindi nakuha ang kagustuhan.
b. Naglilinis ng bahay kahit hindi inutusan.
c. Inubos ang pagkain sa mesa kahit may hindi pa nakakain sa pamilya.
d. Palaging naglalaro ng online game.

20. Hindi perpekto ang tao subalit, dahil sa kalayaan maaaring


a. palagi siyang magkakamali.
b. baguhin at paunlarin ang kanyang pagpapasiya.
c. kunti nalang ang kanyang mga nanaisin.

TEST II. Isulat ang salitang tama kung sa tingin mo ang pahayag ay tama, at mali kung sa tingin mo ay mali. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.
_____21. Kaya ng halaman ang kumuha ng sapat na sustansiya upang makaya niyang suportahan ang sarili.
_____22. Tayo ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos, ibig sabihin, tayo ay perpekto katulad niya.
_____23. Ang tunay na sukatan ng talino ay ang dami ng nalalaman at antas ng pinagaralan.
_____24. Nahahanap ng tao ang katotohanan sa pamamagitan ng kilos-loob.
_____25. Nagkamali ng desisyon si Joy kaya siya ay hindi na maituturing na bukod-tangi sa iba pang nilikha.

TEST III. Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Suriin ang maaaring kahihinatnan ng kilos sa bawat sitwasyon.
Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon Kahihinatnan
26- 30. Kapag nakikiisa ako sa mga gawaing bahay.

31 – 35. Kapag mambu-bully ako sa aking mga


kaklase dahil sa utos ng barkada.

TEST IV. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon sa loob ng kahon sa ibaba. Bilang isang mag-
aaral, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa sitwasyong ito? Ilagay ang sagot sa sagotang papel.

Si Daniel ay iniimbita ng kanyang matalik na kaibigan na si Mateo na manood ng palabas sa sine at naipangako ni
Daniel na sasama siya.Ngunit ang kanyang ina ay abalang-abala naman sa mga gawaing bahay at nagpatulong sa
kanya sa paghahanda para sa nalalapit na kaarawan ng ama.

36 - 40. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Daniel, ano ang pipiliin mo?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
41 - 45. Kung pipiliin mong tulungan ang iyong ina, paano mo ipaliwanag ang hindi
pagsipot sa iyong matalik na kaibigan?

_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

You might also like