You are on page 1of 4

Department of Education

Region VIII
Ormoc City Division
Ormoc City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP VI

Pangan: ____________________________________________________ Iskor: ___________


Grado ug Seksiyon: _______________________Maestra:_______________________________

I. Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang titik ng tamang sagot.
Ang aming Lakbay-Aral
Nagtatalo-talo ang buong klase sa ikaanim na baitang ni Bb. Fuentes habang namimili ng
magandang lugar na dapat nilang puntahan para sa kanilang lakbay-aral. “Ma’am sa tahanan na
lang po tayo ni Dr. Jose Rizal sa Calamba,” ang tugon ni Reymart. “Puwede po tayong mag-
swimming sa Pansol!” patuloy niyang paliwanag. “Huwag po doon,” ang sabi ni Divine. “Mainam
po siguro sa Luneta na lang. Marami tayong mapapasyalan doon at malapit pa ito.” “Mainam po
siguro sa National Museum! Marami tayong matututuhan doon,” mungkahi naman ni Jose. “O
sige”, pahiwatig ni Bb. Fuentes. Bago tayo magbigay ng desisyon, bibisitahin muna ng pamunuan
ng ating klase at aalamin ang bawat lugar na inyong binanggit. Sa gayong paraan, magkakaroon
tayo ng magandang impormasyon bago tayo magdesisyon kung saan tayo pupunta. Payag ba
kayo?” “Opo ma’am,” sang-ayon ng lahat.

1. Ano ang gagawin ng buong klase?


A. Mamamasyal B. Magkukwentuhan C. Maglalakbay-aral D. Magliliwaliw

2. Sino ang nagmungkahi na pumunta sa tahanan ni Dr. Jose P. Rizal?


A. Reymart B. Bb. Fuentes C. Divine D. Jose
3. Saan gustong pumunta ni Jose?
A. Calamba B. Luneta Park C. Pansol D. National Museum
4. Bakit nais ni Divine na sa Luneta sila pumunta?
A. Dahil maraming tao doon.
B. Marami doong mapapasyalan at malapit ito sa kanilang lugar.
C. Dahil gusto niyang pumunta doon.
D. Doon matatagpuan ang ating Pambansang Bayani.

5. Tama ba ang pasiya ng klase? Bakit?


A. Oo, dahil ang pamunuan ng kanilang klase ay bibisita muna at aalamin ang
bawat lugar na pinagpipilian.
B. Oo, dahil silang lahat ay sumang-ayon.
C. Hindi, dahil makakaantala ito sa kanilang paglalakbay-aral.
D. Hindi, dahil makakadagdag lang ito sa gastos ng mga namumuno sa klase.
6. Nabasa sa internet ni Marjorie na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga lalahok ay kailangan na mag-
deposito ng isang libong piso sa nakalagay na bank account sa internet. Ano ang dapat gawin ni
Marjorie?
A. Mag-deposito kaagad ng pera para makasali.
B. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay legal na patimpalak.
C. Mang-engganyo ng iba pang kasama para makasali.
D. Manghingi ng pera sa magulang at hindi ipagbigay alam kung saan gagastusin ang pera.

7. May sakit na leukemia ang iyong kapatid na babae. Ikaw ay naawa na sa kanya sapagkat nakikita mo
siyang naghihirap sa kanyang dinaramdam na sakit. Isang araw, may nabasa ka sa internet na
makagagaling sa leukemia. May kaibigan kang gumamit din ng ganoong gamot. Hinikayat ka na ipainom
din ito sa iyong kapatid para ito ay gumaling. Bilang isang kapatid, ano ang dapat mong gawin?
A. Mangonsulta muna sa doktor kung ito ay mabisa o hindi.
B. Ipa-inom kaagad ito para matapos na ang paghihirap ng iyong kapatid.
C. Magsawalang kibo lamang sa nabasang impormasyon.
D. Ipapa-sa diyos na lamang ang sitwasyon ng iyong kapatid.

8. May patalastas sa telebisyon tungkol sa isang produkto na pangpapakinis ng kutis. Gustong-gusto mo


rin na kuminis at maging maputi ang iyong kutis ngunit alam mo na nagkaka-allergy ka sa balat tuwing
ikaw ay gagamit ng pangpapakinis. Gagamit ka din ba sa produktong ito?

A. Oo, dahil ito na ang sagot mo sa iyong mithiin na maging makinis na ang iyong balat.
B. Hindi, ipapa-check mo muna ito sa iyong doctor kung mabisa ang produkto na ito sa iyong balat
at kung wala itong masamang epekto.
C. Oo, dahil makatotohanan ang napanood mong patalastas.
D. Oo, dahil murang mura lang ang produkto.

9. Nanonood kayong mag-anak ng isang pelikula. Ang napili ng inyong asawa ay isang pelikula na may
mga malaswa na eksena. Bilang isang ama,ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan lamang ang asawa sa nais nitong pelikula na panonoorin.
B. Magsawalang kibo lamang.
C. Palitan ang pinapanood na pelikula na angkop sa iyong mga anak.
D. Palalabasin sa bahay ang mga anak at pabayaang maglaro na lamang.

10. Nabalitaan mo sa radio na sangkot ang inyong Alkalde sa illegal na druga sa inyong bayan. May
kaklase ka na anak ng inyong alkalde. Bilang isang mag-aaral, paano mo pakikitunguhan ang nasabing
kaklase?
A. Pagtawanan siya.
B. Hindi mo ito kikibuan at layuan dahil hindi siya mabuting kaibigan.
C. Bigyan mo siya ng lakas ng loob at hindi kaagad manghusga tungkol sa kanyang ama.
D. Ipamalita sa kaklase ang nabalitaan at lalayuan ninyo siya.

11. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang _______________.


A. Panlahat
B. Pangmarami
C. Para sa mga Lider
D. Para sa hindi miyembro ng pangkat
12.Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong _____________.
A. Magkaroon ng patunay
B. Ipilit ang iyong opinyon
C. Hingin lang ang opinion ng mga kaibigan
D. Magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal na pananaw

13. Tumutukoy sa ___________ ang mapanuring pag-iisip.


A. Pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
B. Pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon
C. Pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
D. Pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya

14. Sa paggawa ng mga pasiya, dapat ___________.


A. Sinusunod ang sariling kagustuhan
B. Ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
C. Hinahayaan ang ibang mga miyembro na magpasiya para sa lahat
D. Nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maaapektuhan ng pasiya

15. Naipapakita ang pagtutulungan sa pamamagitan ng _________


A. Paggawa ng sabay-sabay tungo sa isang layunin
B. Hayaan ang mga kaklase sa ginagawa
C. Lalabas sa silid kapag sinisimulan na ang gawain
D. Hindi makisama sa iba dahil hindi nasunod ang iyong gusto

II. Lagyan ng tsek (√) ang kolum na mabuti o masama ayon sa sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon Mabuti Masama


1. Sumang- ayon na maglinis sa paligid ng silid- aralan
araw- araw.
2. Sumang- ayon sa mga kaklase na isara nalang ang silid-
aklatan ng paaralan dahil kakaunti lang ang mga aklat
doon.
3. Sumang- ayon kang tumulong sa pamamahala ng
wastong pagtatapon ng basura sa paaralan.
4. Tumulong sa dapat tulungan sa panahon ng
kapahamakan.
5. Namimili kung sino- sino ang bibigyan ng abuloy sa
oras ng kagipitan.
6. Ginagamit ang internet sa komunikasyon sa pamilya
na nasa ibang bansa.
7. Nanonood ng telebisyon habang kumakain.
8. Pagbabasa ng dyaryo na hindi angkop sa edad ng mga
mag-aaral.
9. Panonood ng mga bayolenteng pelikula.
10. Panonood ng telebisyon na rated PG.
III. Basahin ang sumusunod na kalagayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (5 puntos)

1. Nagalit ang mga tao ng Brgy. Masaya dahil hindi natupad ng Kapitan ang kanyang ipinangakong
pabahay. Kung ikaw si Kapitan ano ang iyong gagawin upang hindi na magalit ang mga tao?

2. May tsismis na kumakalat sa inyong lugar tungkol sa ina ng iyong kaklase, ano ang gagawin mo sa
napakinggang impormasyon? Ipagkakalat mo ba ito? Bakit?

3. Nakita mo ang kapitbahay ninyo habang pinapalo ang alaga niyang aso. Naobserbahan mo rin na
madalas na hindi niya ito pinapakain at inaalagaan nang mabuti. Alam mo na mahigpit na ipinagbabawal
ng batas, Ano ang gagawin mong pagpapasya?

4. Ang Katatagan ng Loob ay naipapakita sa gawaing nagpapabuti sa iyo kahit gaano pa ito kahirap. Sa
anong sitwasyon naipakita mo na ang pagiging matatag sa mga gawain mo sa paaralan?

You might also like