You are on page 1of 6

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Pangalan:____________________________________________Baitang/Seksyon:_________Petsa:_______

I. A.Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang ang Oo kung ito ay nagpapakita ng
paggalang at Hindi naman kung ito ay hindi nagpapakita.

_________ 1. Tinutukso ang kaibigan sapagkat mahirap lamang sila.

_________ 2. Pinakinggang mabuti ang kaklaseng nagsasalita sa harap ng klase.

_________ 3. Ang kamag-aral ay hindi pinahiram ng reviewer dahil pareho silang sasali sa paligsahan sa
English.

_________ 4. Nagpapaalam sa bunsong kapatid na gagamitin ang kanyang sapatos sa isang pagsasanay.

_________ 5. Ibinabahagi sa kaibigan ang mga aklat ukol sa isports na parehong paboritong laruin.

_________ 6. Binalewala ang paliwanag ng kaibigan kung bakit hindi siya nakarating agad sa party.

_________ 7. Ikinatutuwa ang pagdating ng kaibigan kahit matagal itong dumating sa selebrasyon.

_________ 8. Sa pakikipag-usap, laging ginagamit ang mga magagalang na pananalita sa taong kinakausap.

_________ 9. Buong-pusong pagpapasalamat sa mga magulang dahil sa kanilang pagmamalasakit.

_________10. Sinisigawan ang mga nakatatanda kung tatanungin tungkol sa kanyang pag-aaral.

_________11. Kusang-loob na tumutulong sa mga gawain sa bahay na hindi inuutusan.

_________12. Sumunod sa health protocols ng gobyerno para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

B. Basahing mabuti ang sitwasyon nang may pag-unawa. Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot.

13. May kaibigan kang iba ang relihiyon. Minsan, kapag nagkausap kayo, napapansin mo na magkakaiba
ang
inyong mga pananaw. Ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?

a. Huwag intindihin ang sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon.


b. Makipag-away sa kaibigan mo sa kanyang mga sinaabi.
c. Igalang mo ang kanyang paniniwala, saloobin at pananaw.
d. Sisigawan mo siya na ayaw mo na sa kanya.

14. Ang pagmamalasakit ay udyok ng isang nagmamahal na puso. Alam mo na mahal na mahal ka ng iyong
mga magulang ngunit isang araw ay tinawagan ka ng kaibigan mo upang makisaya sa kanila. Ano ang
gagawin mo?

a. Pupunta ka sa kaibigan mo kahit ayaw ng mga magulang mo.


b. Susuwayin mo ang payo ng mga magulang mo.
c. Magpaliwanag sa kaibigan at manatili lamang sa bahay kasama ang pamilya dahil sa COVID-19.
d. Hahanap ng paraan upang makipagsaya sa kaibigan kahit walang pahintulot ng mga magulang.
15. May sintomas ka ng COVID-19. Sa halip na manatili ka sa bahay ay lumalabas ka pa rin na hindi
nagsusuot
ng face mask o face shield. Ano ang ipinakikita sa sitwasyong ito?

a. Pagsunod sa health protocols. c. Walang pagmamalasakit sa kapuwa.


b. Pagiging masunurin sa gobyerno. d. Pagmamalasakit sa kapuwa.

16. Kasali ka sa isang pangkat na magtatanghal ng sayaw sa inyong lugar. Ayaw mo na ikaw ang maging
dahilan upang makakuha ng maliit na iskor sa pangkat. Ano ang tama mong gawin?

a. Magpraktis nang maigi sa mga hakbang ng sayaw kahit nasa bahay.


b. Magdepende sa mga kasamahan sa pangkat.
c. Ipaubaya lamang sa lider ang mga hakbang sa pagsasayaw.
d. Gagawa ng sariling hakbang sa pagsasayaw.

17. Si Carlo ay nasa ika-limang baitang ng elementarya. Siya ay isang Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang sa kaugaliang Pilipino?

a. Pagmamano sa matatanda c. Bayanihan


b. Paggamit ng po at opo d. Pagyuko bilang pagbati ng kausap

18. Maraming bakanteng oras tuwing Sabado at Linggo si Alma. Paano niya magagwang makabuluhan ang
kaniyang oras?

a. Alamin ang mga paboritong artista sa telebisyon. c. Maglaro buong maghapon.


b.Magpunta sa mall kasama ang mga kaibigan. d. Linangin ang talentong taglay.

19. Lahat tayo ay may kapakanan bilang mamamayang Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa
pagmamalasakit sa kapaligiran?

a. Pagtulong sa gawaing-bahay.
b. Pagbawas sa madalas na pamamasyal sa parke.
c. Pagpapanatiling walang basura at sulat sa mga pampublikong lugar.
d. Hayaan ang mga nagkakalat na basura sa inyong lugar.

20. Maagang namalengke ang nanay mo. Nakita mong marumi ang mesa at may mga pinggan na hindi pa
nahuhugasan. Ano ang pinakamainam mong gawin?

a. Balewalain ang maruming mesa at mga pinggan na hindi pa nahuhugasan.


b. Iligpit ang mga kalat sa mesa at hugasan ang mga plato.
c. Uutusan na maghugas ng pinggan ang nakababatang kapatid.
d. Hugasan lamang ang iyong pinagkainan.

21. Bawat tao ay magkaiba sa katangian, saloobin at paniniwala. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng
pagkamagalang sa bawat nilalang?

a. Magiliw sa mga taong kaiba ang pisikal na anyo.


b. Maging malugod na tagapanood sa mga palabas ng ibang bansa.
c. Makipagtalunan sa bawat nilalang ng kausap.
d. Maayos na tanggapin ang pagkakaiba ng mga kaugalian, at paniniwala ng bawat isa.
22. Masasabi nating lahat tayo ay may mga kaibigan. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting
katangian
ng isang kaibigan?

a. Nakikinig sa mga kuwento mo. c. Ipinagtanggol ka sa iyong kaaway.


b. Madalas na sumasama sa iyo. d. May positibong impluwensya sa iyo.

23. Upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, nagboluntaryo ang magkaibigan na tumulong sa
pagbibigay ng mga relief goods sa mga tao. Anong katangian ang ipinakita ng dalawang bata?

a. Masunurin c. Mapagbigay
b. Maunawain d. Mapagmalasakit

24. May mga karapatan ang bawat tao kabilang na ang mga bata. Ang lahat ng mga ito ay karapatan ng isang
bata maliban lamang sa isa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?

a. Wastong edukasyon c. Maayos na trabaho


b. Sapat na pagkain d. Proteksyon laban sa diskriminasyon

II. Gawaing Pagganap (Performance Task)

Rubriks para sa Gawain 1-3

4 puntos – Maayos ang pagkakguhit 2 puntos – Angkop na kulay ang ginamit


Angkop na kulay ang ginamit Guhit kamay ng mag-aaral
Malinis ang pagkakakulay
Guhit kamay ng mag-aaral

3 puntos – Angkop na kulay ang ginamit 1 punto – Home tutor ang gumuhit at nagkulay
Malinis ang pagkakakulay
Guhit kamay ng mag-aaral

Gawain 1. Bilang isang batang Pilipino, gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagmamalaakit sa
iyong pamilya.
Gawain 2. Bilang isang batang makatao, gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapahayag ng malasakit sa
iyong pamayanan.

Gawain 3. Ang batang Pilipino ay kilala sa pagiging palakaibigan at magiliw sa kapwa. Gumuhit ng isang
sitwasyon na nagpapakita ng mabuting katangian ng isang kaibigan.

Rubriks para sa Gawain 4

4 puntos – Angkop na salita ang ginamit sa paglalarawan 2 puntos – Maayos ang pagkakadikit ng
ng isang mabuting kaibigan ng mga gupit na letra
Tama ang pagkabaybay sa mga salita
Maayos ang pagkakadikit ng mga gupit-gupit na
letra
3 puntos – Tama ang pagkakabaybay sa mga salita 1 punto – Home tutor ang gumawa
Maayos ang pagkakadikit ng mga gupit na letra
Susi sa Pagwawasto:
I. A. B.
1. Hindi 13. c
2. Oo 14. c
3. Hindi 15. c
4. Oo 16. a
5. Oo 17. d
6. Hindi 18. d
7. Oo 19. c
8. Oo 20. b
9. Oo 21. d
10. Hindi 22. d
11. Oo 23. d
12. Oo 24. c

You might also like