You are on page 1of 14

UNANG MARKAHAN

ARALIN

Panlingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang sawikain F5PN-Ie-3.1

Wikang Binibigkas

Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala at damdamin ang napakinggang tula
F5PS-Ie-25

Gramatika

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa
mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid F5WG-Ia-e-2

Pag-unlad ng Talasalitaan

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar ayon sa gamit nito sa iba’t-ibang
sitwasyon F5PT-Ie-1.8

Pag-unawa sa Binasa

Nasasagot ang mga tanong sa binasang talaarawan F5PB-Ie-3.3

Estratehiya sa Pag-aaral

Nagagamit ang isinalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na impormasyon


F5EP-Ie-8

Pagsulat

Nakasusulat ng maikling tula F5EP-Ie-2.2


1 Layunin

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang sawikain

II. A.Paksang-Aralin

PAKIKINIG

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakingggang Sawikain

B. Sanggunian

https://www.facebook.com/Asig

http://coconuter.blogspot.com/2007/11/mga-sawikain-o-idioma.html

F5PN-Ie-3.1

C. Mga Kagamitan

tsart ng sawikain (tarpapel)

larawan

plaskard

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Pagbabaybay
Magdikta ng sampung salita

2. Balik-aral
Ano nga ang pamagat ng pinanood ninyong palabas noong nakaraang Biyernes?
Saan ang tagpuan ng kwento?
Sino ang pangunahing tauhan sa inyong napanood?

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na parirala.
Pasagutan ang pagsasanay sa Tuklasin Mo.
B. Paglalahad
Iparinig ang mga pangungusap na may sawikain sa mga bata at itala ang aking
babanggiting mga salita.

1. Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang


ahas.
2. Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak-dalita.
3. Ang masasamang bagay na ginawa mi sa iyong kapwa, gaano man kaliit, ay
muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
4. Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi
manganib ang buhay.
5. Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng
buhay

C. Pagtatalakay
Ano ang kahulugan ng salitang ahas? anak-dalita? itaga mo sa bato? mahina ang
loob?at isang kahig, isang tuka?
Ang salitang ahas, anak-dalita, itaga mo sa bato, mahina ang loob, at isang
kahig,isang tuka ay sawikain.
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit. Ito’y
nagbibigay ng di-tuwirang kahulugan.
Narito ang ilan pang halimbawa ng sawikain.

D. Pagpapayamang Gawain
Hatiin ang mag-aaral sa tatlong pangkat. Ipagawa ang Pagyamanin Mo.
(Gabayan ang mga bata sa pangkatang Gawain)
Bigyan ng oras ang pag-uulat ng pangkat.

E. Paglalahat
(Gabayan ang mag-aaral sa pagbibigay ng kasagutan)
Ano ang sawikain o idioma?

F. Paglalapat
Ipagawa ang Isapuso Mo

IV. Pagtataya

Sagutan ang Isulat Mo

V. Takdang-Aralin

Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain.


1. utang ng loob
2. patay-gutom
3. nagbibilang ng poste
4. maaliwalas ang mukha
5. makalaglag-matsing
2 Layunin
Nabibigkas nang may wastong tono, diin, antala at damdamin ang napakinggang tula
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar ayon sa gamit nito sa Iba’t ibang sitwasyon

II. A. Paksang-Aralin

PAGSASALITA

Pagbigkas nang may Wastong Tono, Diin, Antala at Damdamin ang Napakinggang Tula

Tula :Kalikasan – Saan Ka Patungo?

Tula: Sana, Ganito ang Bayan Ko

B. Sanggunian

Bagong Filipino Sa Salita at Gawa 5 pp. 171

Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para sa Elementarya 6 p.102

http://gabayngwika.blogspot.com/2011/07/elemento-ng-tula.html

http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2011/07/tula-tungkol-sa-kalikasan.html

F5PS-Ie-25

C. Mga Kagamitan

Tula (Tarpapel)

larawan

plaskard

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Pagbabaybay
Idikta muli ang sampung salita

2. Balik-araL
Ano ang sawikain?
Salungguhitan ang sawikain sa bawat pangungusap.
3. Mga Gawain
A. Paghawan ng Balakid
lanta - tuyot
bilasa – hindi na sariwa
naglilimayon – umiikot o kumikilos
maylalang - lumikha
B. Pagganyak

Alam ninyo ba kung paano babasahin nang wasto ang isang tula?

Ngayon ay malalaman ninyo ang wastong pagbigkas ng isang tula?

C. Paglalahad
Ipabasa ang Basahin Mo

D. Pagtatalakay
Tungkol saan ang binasang tula?
Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa kalikasan?
Ilan sukat mayroon sa isang taludtod?
Ilan saknong mayroon ang tula?
May tugma ba ang bawat taludtod?
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula?

E. Pagpapayamang Gawain

Ipabasa/ipabigkas ng pangkatan ang tula ng may wastong tono, diin, antala at


damdamin.

F. Paglalahat
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula?
Ipabasa ang Isaisip Mo

G. Paglalapat
Ipabigkas ang tula ng isahan upang matiyak kung nasunod nila ang pagbigkas ng
may wastong tono, diin, antala at damdamin.

IV. Pagtataya

Ipabasa ang tulang Sana, Ganito ang Bayan Ko

Gamitin ang rubric na inihanda ng guro sa pagtaya sa mga mag-aaral.

V. Takdang-Aralin

Humanap ng iba pang tula at basahin sa klase .


3 Layunin
Nagagamit ang pangngalan bilang iba’t ibang bahagi sa pangungusap sa pangungusap

II. A.Paksang-Aralin

PAGSASALITA

Mga Gamit ng Pangngalan

B. Sanggunian

Hiyas sa Wika 5 pp.43-46

Hiyas Sa Wika at Pagbasa 5 Manwal ng Guro pp.21-22

DepEd-BEAM Distance Learning Program Filipino 5 Module 25

Ugnayan Wika at Pagbasa 5 pp. 102-103

F5WG-Ia-e-2

C. Mga Kagamitan

Tsart

Tarpapel

plaskard

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Magpabasa ng sampung parirala

2. Balik-aral
Isulat ang kasarian ng mga sumusunod na pangngalan sa katapat na patlang.

Pangngalan kasarian
1. guro _________________
2. kalaro _________________
3. kama _________________
4. batang artista_________________
5. pari _________________
6. lapis _________________
7. madre _________________
8. aklat _________________
9. panauhin _________________
10. damit _________________

3. Mga Gawain
A. Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng lawin, inahing manok at tandang.

B. Paglalahad
Ipabasa ang Basahin Mo

C. Pagtatalakay
1. Bakit natuwa si Inahing Manok?
2. Paano napunta kay Tandang ang singsing?
3. Bakit nagalit si Lawin kay Inahing manok?
4. Anong aral ang napulot ninyo sa kuwento?

Basahing muli ang mga pangungusap:


1. Magkaibigang matalik sina Lawin at Inahing Manok?
2. Binigyan ng lawin ng isang magandang singsing si Inahing Manok?
3. Di-naglaon, nakilala ni Inahing Manok si Tandang.
4. Ipinagkaloob niya ang singsing kay Tandang.
5. Nagalit si Lawin nang mabalitaan ang pangyayari.

Ano ang gamit ng mga pangngalang may salungguhit sa pangungusap 1?


Ano ang gamit ng singsing at Inahing Manok sa pangungusap 2?
Sa pangungusap 3, ano ang gamit ng pangngalang Tandang?
Ano naman ang gamit ng mga pangngalang may salungguhit sa pangungusap 4?
Sa pangungusap 5, ano ang gamit ng Lawin at pangyayari?
Batay sa kuwento, anu-ano ang mga gamit ng pangngalan?

D. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain. (Ibigay sa bawat lider ang activity sheet)
Ipagawa ang Pagyamanin Mo
(Subaybayan ang mga bata sa pagsasagawa ng gawain)

E. Paglalahat
Gabayan ang bata sa paglalahat.
Anu-ano ang gamit ng pangngalan sa pangungusap?
Ipagawa ng organizer sa Isaisip Mo

F. Paglalapat
Sagutan ang Isapuso Mo
IV. Pagtataya

Sagutan ang Isulat Mo

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng limang pangungusap na nagpapakita ng gamit ng pangngalan.


4
Layunin
Nasasagot ang mga tanong sa binasang talaarawan

II. A.Paksang-Aralin

PAGBASA

Pagsagot sa mga tanong sa Binasang Talaarawan

B. Sanggunian

Hiyas sa Wika 5 pp.94-95

Hiyas sa Wika at Pagbasa 5 Manwal ng Guro pp.53-55

F5PT-Ie-1.8

F5PB-Ie.3.3

C. Mga Kagamitan

Tarpapel

Manila paper

plaskard

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Pagbabasa ng mga parirala

2. Balik-aral
Piliin mula sa kahon ang gamit ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap. Isulat
sa papel ang mga sagot.

simuno kaukulang pantawag panagauri

ganapan layon ng pandiwa


pinaglaanan

1. Niyakap niya si Aling Maria.


2. Mahusay na arkitekto si Mario.
3. Para sa mga bata ang mga laruang ito.
4. Kumuha siya ng mga bulaklak sa hardin.
5. Bumili siya ng tinapay sa panaderya.

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Basahin ang usapan sa Tuklasin Mo
Nakagawa na ba kayo ng isang talaarawan?

B. Paglalahad
Ipabasa ang Basahin Mo

C. Pagtatalakay
Kaninong talaarawan ang inyong binasa?
Bakit naisipang itala ni Arlene sa kaniyang talaarawan ang mga karanasan niya?
Ano ang mga impormasyon o detalye na makikita sa isang talaarawan?
Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng talaarawan?

D. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain.
Ipagawa ang Pagyamanin Mo

E. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa paglalahat.
Paano isinusulat ang talaarawan?
Ipasipi ang Isaisip Mo

F. Paglalapat
Ipagawa ang Isapuso Mo.

IV. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang Isulat Mo

V. Takdang-Aralin

Gumawa ng talaarawan ng ginawa mo sa linggong ito. Isulat ito sa inyong kwaderno.


5 Layunin
Nakasusulat ng maikling tula

II. A.Paksang-Aralin

Pagsulat ng Maikling Tula

Tula: Wastong Pagkain

B. Sanggunian

Hiyas sa Pagbasa pp.3-4

F5EP-Ie-2.2

C. Mga Kagamitan

Tula (Tarpapel)

larawan

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Pagbasa ng Tugma

2. Balik-aral
Paano isinusulat ang isang tula?

3. Mga Gawain

A.Pagganyak

Magbugtungan Tayo

Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang makapagbugtungan.

Tumawag ng mag-aaral upang basahin ang bugtong na nakasulat sa tsart.

Hayaang tumawag ang napiling bumasa ng kamag-aaral na sasagot sa bugtong.

Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa bugtong?

Kailan magkatugma ang mga salita?

B.Paglalahad
Ipabasa ang tula sa Basahin Mo

C. Pagtatalakay

Batay sa tulang nabasa, ano-ano ang katangian ng taong malusog?

Ano ang mg pagkaing nagpapalakas ng buto at nagpapatibay ng ngipin?

Ano pa ang mga pagkaing nagpapalusog ng katawan?

Bakit masasabing isang kayamanan ang malusog na pangangatawan?

Ilang saknong mayroon ang tula?

May tugma ba ang mga taludtod?

Talakayin ito sa mga mag-aaral upang maging gabay nila sa pagsulat ng sarili nilang
tula.

Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng tula?

D. Pagpapayamang Gawain

Paggagawa ng mga bata ng sariling tula.(Subaybayan ang mga bata sa pagsulat ng


tula)

E. Paglalahat

Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng tula?


Basahin ang graphic organizer.

F.Paglalapat

Pumili ng ilang bata at ipabasa ang nabuo nilang tula.


Ipabigkas ang nabuong tula ng may wastong tono, diin, antala at damdamin sa mga
mag-aaral.

IV. Pagtataya

Gamitin ang rubrics sa pagmamarka sa nabuong tula ng mga mag-aaral.

Panuto: Sumulat ng maikling tulang binubuo ng dalawa hanggang tatlong saknong na


may apat na linya tungkol sa kapaligiran o kalikasan.
5 4 3 2 1
Malalim at Makahulugan Bahagyang Bahagyang may May mababaw
makahulugan ang kabuuan ng makahulugan lalim ng kabuuan na kaisipan ang
ang kabuuan ng tula ang lalim ng ng tula kabuuan ng tula
tula kabuuan ng tula
ngunit may ilang
bahagi ang hindi
buo
Piling-pili ang Sa malaking Sa kalahati ng Sa maliit na Piling-pili ang
mga salita at bahagi ng tula tula bahagi ng tula ilan lamang sa
mga pariralang mga salita at
ginamit sa pariralang
kabuuan ng tula ginamit.

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng tula tungkol sa inyong pamilya.

You might also like