You are on page 1of 44

FILIPINO- QUARTER 2

WEEK 2
Pagsagot sa mga Tanong mula sa
Napakinggan/ Nabasang Alamat, Tula at
Awit
DAY 1
Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at nabasang alamat, tula, at awit.
F4PN-IIf-3.1
F4PN-IIIb-3.1
F4PB-IVb-c-3.2.1
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisismula ng bagong aralin

Bumuo ng sariling paghihinuha kung ano ang


ipinapahiwatig ng sumusunod na kataga.
1. “Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.”
–Jose Rizal
2. “Ang tunay na kalaban ng Pilipinas ay hindi
ang ibang bansa, kundi ang ating sarili.” –
Antonio Luna
B. Paghabi sa layunin ng aralin

Humanap ng kapareha. Maging salamin ng


kapareha sa pamamagitan ng paglalarawan ng
kapareha.
Tumawag ng ilang pares ng mag-aaral upang
magbahagi ng kanilang paglalarawan sa isa’t-isa.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Anong pang-uri ang ginamit?


Paano ito ginagamit?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No I
(Modeling)

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa


mga pangngalan o panghalip.
Mayroon tatlong antas ang pang-uri. Ito ay ang Lantay,
Pahambing at Pasukdol.

1. Lantay na Pang-uri – Tumutukoy sa katangiang sarili ng pangngalan at panghalip na


tinuturingan.
2. Pahambing – Tumutukoy sa pangtutulad ng dalawang tao, bagay, hayop, pook, o
pangyayari. Gumagamit ng panlaping kasing, sing, at mga salitang tulad ng di gaanong,
tulad, kapwa, gaya, higit, lalo, mas, o di hamak.
3. Pasukdol – Tumutukoy sa kahigitan at pamumukod-tangi ng isang bagay kaysa sa
karamihan o sa lahat. Gumagamit ng mga panlaping napaka, lubha, pinaka, at mga
salitang ubod, reyna ng, hari ng, at iba pa.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2.
( Guided Practice)

Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase.
Papuntahin ang bawat pangkat sa lugar na
ibibigay.

Tukuyin at ilarawan ang mga pangngalan na makikita rito.

Pangkat I –
Pangkat II– Pangkat III Pangkat IV
silid-
palaruan – kantina – hardin
aklatan
F. Paglinang sa Kabihasaan

Pag-uulat ng Awtput.
G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ano ang
kahalagahan ng
pang-uri?
H. Paglalahat ng Aralin

Kailan ginagamit ang pang-


uri?
I. Pagtataya ng Aralin
Piliin ang tamang antas ng pang-uri upang mabuo ang
pangungusap.

1. Si Joshua ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay)


sa kanyang mga kaibigan.
2. (Malaki, Mas malaki, Pinakamalaki) ang huling isda ni Mang Islaw
kaysa kay Mang Tino.
3. Si Snow White ang (maputi, mas maputi, pinakamaputi) sa buong
kaharian.
4. (Malikot, Higit na malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong
kapatid.
5. (Matulis, Mas matulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang- aralin at remediation

Iguhit sa bondpaper ang


pinakanagustuhang bahagi ng
kwentong napakinggan.
Day 2
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisismula ng bagong aralin

Ipaawit ang “Tatlong Bibe” sa


mga mag-aaral.
Paano inilarawan ang tatlong
bibe?
B. Paghabi sa layunin ng aralin

Magtawag ng tatlong mag-


aaral.
Ilarawan at ikumpara ang
tatlong mag-aaral.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ano ang tawag sa


paglalarawang ito?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Saan ginagamit ang pang-uri?


Isulat sa maliliit na ulap ang mga gamit ng
pang-uri.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2.
( Guided Practice)

Basahin at unawain ang tula tungkol sa bata na


magalang. Tukuyin ang mga salitang pang-uri sa tula.

“Ano po iyon Ma’am?” tanong agad


ANG BATANG MAGALANG
niya.
(ni Joven Locsin)
“Kung may iniuutos, sabihin po nila.”
Ang batang magalang, kailanman, saan
Sadyang malumanay kung mangusap
man
siya
Kinatutuwaa’t lugod ng sinuman
Kung siya’y nakikiusap, “maaari po
Mabining kumilos, salita’y magalang
ba?”
May kababaang-loob, kilos-mapitagan.
Kung may tinatanggap,
“salamat po” aniya
Sa loob ng silid ay tahimik siya
Anupa’t magalang ang bawat tugon
Pagtawag ng guro“po” ang sagot niya
niya.
F. Paglilinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment
( Independent Practice )

Ano ang mga ginamit


na paglalarawan sa
tula?
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw araw na buhay
(Application/Valuing)

Bilang isang batang mag-


aaral, paano mo maipapakita
ang pagiging magalang?
H. Paglalahat ng Aralin

Kailan ginagamit
ang pang-uri?
I. Pagtataya ng Aralin

Sumulat ng pangungusap gamit ang mga


pang-uri ayon sa sariling karanasan.

1. Tahimik
2. Mapagmahal
3. Malumanay
4. Masayahin
5. Magalang
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin (Assignment)

Ilarawan ang tinutukoy sa bawat bilang gamit


ang binigay na kaantasan ng pang-uri.

1. iyong sarili (lantay)


2. noon na wala pang pandemya at ang
tinatawag na new normal ngayon. (pahambing)
3. nais mong puntahang lugar (pasukdol)
4. ang pag-aaral mo noong nakaraang taon at
ngayon (pahambing)
5. iyong pamilya (lantay)
Day 3
B. Paghabi sa layunin ng aralin

Ano-ano sa lugar ninyo


ang maaaring pasyalan?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ano ang tawag sa


paglalarawang ito?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No I
(Modeling)

Ang tawag sa mga bagong salitang dumadagdag sa ating wika, na hindi orihinal o
hindi likas sa atin ay mga salitang hiram.

Basahin ang kuwento “Pista sa Barangay”, LM p. 51.


Kung mamamasyal kayo ng iyong nanay o tatay,
yayayain mo ba sila sa mga lugar na nabanggit sa
kwento? Bakit?
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2.
( Guided Practice)

Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase.
Balikan ang mga pangyayari sa binasang kwento. Bigyan ang bawat
pangkat ng larawan ng mga lugar na napasyalan ng mag-ama.

Itanong:
Ano-ano ang salitang napakinggan na ginamit sa
paglalarawan?
Ano ang inilarawan nito?
Ano ang tawag natin sa mga salitang ginagamit sa
paglalarawan?
Ano ang nagagawa nito sa isang pangngalan?
F. Paglilinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment
( Independent Practice )

Presentasyon ng
Awtput
G. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay

Kung may nais kang


puntahang lugar, paano ka
magpapaalam sa iyong mga
magulang?
H. Paglalahat ng Aralin

Kailan
ginagamit ang
pang-uri?
I. Pagtataya ng Aralin

Tukuyin ang salitang naglalarawan o pang-uri


sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Nalaglag ang mga hinog na bunga ng punong-kahoy.


2. Maraming tao ang nagkasakit dahil sa COVID19.
3. Malamig ang hangin sa bukid.
4. Si Mikay ay masipag na bata.
5. Ang bata na nagsasabi ng totoo ay matapat.
6. Sanay na ako sa ingay ng kapatid kong bunso.
7. Hindi ako kumakain ng mga sitsirya.
8. Lanta na ang rosas sa plorera.
9. May mantsa ang puting uniporme ng nars.
10.Sariwa ba ang gulay sa palengke?
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin (Assignment)

Sumulat ng talatang
naglalarawan tungkol sa inyong
sariling bayan. Gumamit ng iba’t
ibang antas ng pang-uri sa
paglalarawan.
Day 4
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisismula ng bagong aralin

3.

Magpakita
ng mga
larawan.

Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?


Ilarawan ang mga pasyalang ito
B. Paghabi sa layunin ng aralin

Ano ang isang lugar na nais


ninyong mapasyalan?
Bakit mo nais itong
mapuntahan?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Isusulat sa unahan ang ilan sa mga pagsasasalarawan ng ibinigay ng mga mag


– aaral.
Mula sa mga salitang ginamit na panlarawan ng mga bata ay papasok ang
aralin na pang – uri.
Sasagutin ang mga sumusunod:
Ano ang ginawa natin sa mga bawat lugar?
Ano ang tawag sa mga salitang ginamit natin para ilarawan ang lugar?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Talakayin muli ang tatlong


antas ng pang-uri.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2.
( Guided Practice)

Panuto: Gamitin sa mga


pangungusap ang mga pang-uring
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase sa nasa kaantasang lantay, pahambing
limang grupo. at pasukdol.
1. Mabilis
2. Mas matangkad
3. Sobrang Linis
4. Masarap
5. Pinakatanyag
F. Paglinang sa Kabihasaan

Pag-uulat ng Awtput.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw araw na buhay
(Application/Valuing)

Paano mo
ipagmamalaki ang
iyong pamayanan?
H. Paglalahat ng Aralin

Kailan ginagamit
ang pang-uri?
I. Pagtataya ng Aralin

Isulat sa iyong sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na may


salungguhit kung ito ay lantay, pahambing o pasukdol.

_______ 1. Si Peter ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Gng.


Bernabe.
_______ 2. Mas bago ang kotse ni Justine kaysa sa kotse ni Jelo.
________ 3. Napansin ko na ang mga anak ni G. Ebora ay magagalang.
________ 4. Sintangkad na ni Elaine ang kanyang ina.
________ 5. Marapat na alagaan natin ang Daranak Falls dahil ito ay
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin (Assignment)

Sundin at gawin ang sumusunod na panuto:


1. Humanap ng iyong mga larawan. Isang nasa Kinder o
kahit anong larawan noong bata ka pa at ngayong nasa
Ikaapat na Baitang.
2. Idikit ang mga larawan sa iyong sagutang-papel.
3. Sumulat ng talata na naglalarawan sa mga litrato mo.
Gamitin ang iba-ibang antas ng pang-uri sa
paglalarawan. Isulat ito sa iyong sagutang-papel.

You might also like