You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay Aralin sa FILIPINO 3

I. Layunin

 Nabibigyang kahulugan ang mga idyoma o matalinhagang salita at nagagamit sa


pangungusap. F6PT-IVe-4.4
 Naipakikita ang pagpapahalaga sa paggamit ng idyoma o matalinhagang salita.
 Nakalalahok sa mga pangkatang gawain sa klase.

II. Paksang Aralin

 Paksa: Idyoma o Matalinhagang Salita


 Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Yamang Filipino: batayan at sanayang aklat sa
Filipino”, Filipino Curriculum Guide
 Kagamitan: Tsart, Laptop, Larawan, Flash Cards

III. Pamamaraan

Guro Mag-aaral

A. Panimulang Gawain (Activity)

Magandang umaga mga bata Magandang umaga din po!

1. Pagganyak
Mga bata, may ipakikita ako sa inyong
mga larawan.
Ang gagawin niyo lang ay ilalarawan ang mga ito

(Ilalarawan ng mga bata)


2. Pangkatang Gawain
Mga bata papangkatin ko kayo sa apat, bawat pangkat ay
makatatanggap ng envelope. Sa loob nito’y mga jumbled
letters na kailangan niyong buuhin.

Pangkat 1
TL U O G A N M I T A K

Pangkat 2
DASUGNOGAP

Pangkat 3
NG A T N G E W K A A I L

Pangkat 4
KP S I A A T A M

Ang maunang makabuo ng salita sa pisara


ay siyang panalo! TULOG MANTIKA
USAD PAGONG
TENGANG
KAWALI KISAP
MATA
Palakpakan natin ang pangkat na naunang nakabuo (Papalakpak ang mga bata)
Base sa pangkatang gawain natin, ano kaya ang
paksang pag-aaralan natin ngayon? Matalinhagang salita po!
Tama! Palakpakan natin si . (Papalakpak ang mga bata)

Ang paksang pag-aaralan natin ngayon ay ang


Idyoma o matalinhagang salita.

B. Paglalahad (Analysis)
Idyoma
Ang isang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan
ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di- tuwirang pagbibigay
kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Halimbawa
 Anak-Dalita - Mahirap
Halimbawa:
Nagsusumikap sa pag-aaral si Juncel sa kabila ng pagiging isang anak
dalita.

 Taingang Kawali – Nagbibingi-bingihan


Halimbawa:
Umiral nanaman ang taingang kawali ni Fidel nang tawagin siya ng
kaniyang ina para maghugas ng pinggan.

 Pantay na ang mga paa


Halimbawa:
Ikinagulat ng pamilya ni Sarah ang balitang pantay na ang mga paa ng
kaniyang ama na nagtatrabaho sa Zamboanga.

 Usad-pagong - Mabagal
Halimbawa:
Halos araw-araw na lang na usad pagong ang mga sasakyan sa Metro
Manila.
 Kapit-bisig - Pagtutulungan
Halimbawa:
Ang mga magkakapit-bahay ay kapit-bisig na itinataguyod ang kanilang
kultura.

 Pinagbiyak na bunga – Magkahawig o magkamukha


Halimbawa:
Parang pinagbiyak na bunga na ang matalik na magkaibigan na sina Ard at
Louis.

 Tulog mantika – Mahimbing matulog


Halimbawa:
Kahit anong ingay sa labas ay tulog mantika pa rin si Irene sa sobrang pagod
sa maghapong pagtatrabaho.

 Bukas Palad - Mapagbigay


Halimbawa:
Si Nathan ay bukas palad sa mga taong nangangailangan.

 Mababaw ang luha – Madaling Maiyak


Halimbawa: Talagang mababaw ang luha ng Anna kahit na nakakatawa
ang palabas sa telebisyon.

 Pag-iisang dibdib - Pagpapakasal


Halimbawa: Sa wakas ay natuloy na rin ang matagal nang hinihintay na pag-
iisang dibdib nina Maria at Romeo.

Naiintindihan ba mga bata? Opo sir!


Magaling!

C. Paglalahat (Abstract)
Anu nga ulit mga bata ang Idyoma o matalinhagang
Salita? (Magtataas ng kamay ang
bata at sasagot)
Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga
idyoma o matalinhagang salita. (Sasagot ang mga bata)

Bakit kaya mahalagang pag-aralan natin ang idyoma


o matalinhagang salita? Mahalaga pong pag-aralan
natin ang idyoma o
matalinhagang salita dahil
nagbibigay kulay o palamuti
ito sa ating pagsasalita o
pagsusulat

Magaling! Anu pa? (Sasagot ang mga bata)

D. Paglalapat (Application)
1. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod
na idyoma o matalinhagang salita.
1. Pag-iisang dibdib: Pagpapakasal
2. Balat-sibuyas: Maramdamin
3. Akyat-bahay: Magnanakaw
4. Kapit-bisig: Pagtutulungan
5. Kisap-mata: Iglap
2. Pangkatang Gawain
Ngayon ay bumalik kayo sa grupo ninyo kanina,
tayo’y magpapangkatang gawain muli.
Bawat pangkat ay makakatanggap ng 2 Idyoma o
matalinhagang salita at gamitin ang mga ito sa pangungusap

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na


idyoma o matalinhagang salita.
Pangkat 1
1. Bukas palad:
2. Magsunog ng kilay:
Pangkat 2
1. Usad pagong:
2. Anak dalita:
Pangkat 3
1. Balitang Kutsero:
2. Magsunog ng kilay:
Pangkat 4
1. Ibaon sa hukay:
2. Makapal ang palad:

Handa na bang magpresenta ang lahat ng pangkat? Opo!


Ngayon, maari nang magsimula ang unang pangkat (Magpepresenta ang mga
pangkat)
Mahuhusay! Ngayon naman, subukan nating sagutan ang
inihanda kong maiikling pagsusulit.

Kumuha ng papel, at sagutan ito.

IV. Pagtataya (Evaluation)

Basahin muna ang panuto (Babasahin ang panuto)


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
idyoma o matalinhagang salita. Pumili ng tamang
sagot sa kahon sa ibaba

1. Butas ang bulsa -


2. Balitang kutsero -
3. Pusong mamon -
4. Anak pawis -
5. Nagbibilang ng poste -
6. Nakalutang sa ulap -
7. Tinik sa lalamunan -
8. Tulog mantika -
9. Ibaon sa hukay -
10. Di-makabasag pinggan –

Mahinhin Mahirap Mahimbing na pagkakatulog


Mabait Kalimutan
Walang trabaho Sagabal sa ninanais Balitang
Masayang masaya hindi totoo
Ubos na ang pera

Tapos na bang masagot ang lahat? Opo!


Ngayon ay sagutan na natin
V. Takdang Aralin (Assignment)

Ngayon kunin ninyo ang inyong mga kwaderno at


kopyahin ang inyong takdang aralin.
Basahin muna kung anong gagawin! (Babasahin ng mga bata)

TAKDANG ARALIN
Magbigay ng limang idyoma o matalinhagang
salita at gamitin ito sa pangungusap. (Magsusulat mga bata)

Tapos na bang isulat ang inyong takdang aralin? Opo


Ngayon, pulutin ang mga kalat sa ilalim ng inyong
Upuan

Paalam na mga bata? Paalam po Ginang/Bb.


____________.

Inihanda ni

You might also like