You are on page 1of 13

Masusing Banghay ng Pagtuturo sa

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

I. Layunin

1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng damit at wastong gamit nito

2. Napangangalagaan ang sariling kasuotan at

3. Naiisa-isa ang mga pamamaraan nang pagpapanatiling malinis ang kasuotan hal.,
mag-ingat sa pag-upo, pagsuot ng tamang kasuotan sa paglalaro, at iba pa

II. Paksang Aralin

A. Paksa:WASTONG PANGANGALAGA NG KASUOTAN.

B. Kagamitan: Makukulay na papel, Manila paper, mga larawan.

C. Sanggunian: Aklat sa Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan

D. Metodo o Estratehiya: Pangkatang Gawain, Talakayan,Pagsusulit.

E. Konsepto: Matuto sa kahalagahan ng Pangangalaga ng wastong kasuotan

F. Pagpapahalaga: Pakikiisa ng mga mag-aaral sa talakayan at mga aktibidad na


gagawin.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro

A. Panimulang Gawain

-Magandang umaga sa inyo mga bata!

-Bago tayo magsimula, tayo munang lahat ay


manalangin, Nester maari mo bang pangunahan
ang pananalangin.

-Ngayon ay maari na kayong maupo.

-Mayroon bang lumiban sa ating klase ngayon?

-Mabuti naman kung ganon.

-Bago po tayo magsimula ayusin po muna ang


hanay ng inyong mga upuan, at tandaan kung ano
ang mga patakaaran na gusto ni maam kapag tayo
po ay nagsisimula na sa ating klase.
- Ano nga po ulit ang mga yun?

-Magaling!

B. Paghahanda

 Pagbabalik Tanaw

Bago tayo magsimula n gating panibagong aralin


natatandaan nyo pa ba ang tinalakay ko noong
nakaraang aralin?

- Magaling! Ano nga ang mga pamamaaran upang


tayo ay magkaroon ng malinis na pangangatawan?

- Magaling ngayun po ba ay napangangalagaan nyo


ng wasto ang inyong mga pangangatawan?
-mabuti naman kung ganun.
 Pagganyak
Bago tayo magsimula mayroon muna akong
gustong pasagutan sa inyo. May ipapakita muna
ako sainyong mga larawan at subukan nating
tukuyin kung anong klase o uri ng damit ito.
Naintindihan po ba?

Para sa ating unang larawan ito ay isang?


At ito ay ginagamit bilang?

Sa ating pangatlong larawan ito ay?


Na ginagamit sa?

Sunod ay ang?
Sa ating panglimang larawan.

Sunod naman ay ang.

Ang susunodd na larawan naman ay ang.

At ang sunod na larawan naman ay?

At ang sunod ay,

-Magaling ngayon ay natukoy nyo ang ibat ibang uri


ng damit at ang wastong gamit nito.
 Paglalahad ng aralin

-Ngayon ay mayroon na ba kayong ideya kung ano


ang ating pag-aaralan basi sa mga tinukoy nyong
mga larawan?

- Ngayon ang ating pag-aaralan natin ay patungkol


sa Wastong Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan.

 Pagtalakay ng paksa

-Mayroon tayong ibat ibang uri ng damit na


ginagamit sa ibat ibang pagkakataon halimbawa si
lara ibang damit ang ginagamit nya sa pagpasok
nya sa paaralan at ibang damit naman pag uwi nya
ng kanyang bahay.

-sino ba dito ang hindi na nagbibihis ng damit pag-


uwi galing paaralan?

- Mali po yun dapat nagpapalit tayo ng ating mga


damit. Naiintindihan po ba?

-Sino po ba sainyo ang may maraming damit?

-Paano nyo po ba napangangalagaan ang inyong


mga damit?
-Magaling ang inyong mga kasagutan!

Lahat ng iyon ay nagpapakita ng pangangalaga ng


mga kasuutan.

- Mahalaga po na pangalagaan mo ang iyong mga


kasuutan. Dapat na manatiing maayos at malinis ito
tuwing kailangan mong gamitin.
-naiintindihan po ba?

-mayroon tayong ibat ibang paraan ng


pangangalagaa ng kasuotan.

-makinig po ng mabuti ha?

PARAAN NG WASTONG PANGANGALAGA NG


KASUOTAN

Sige po sabay sabay po nating basahin.

1. Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit


na may pleats. Huwag itong hayaang magusot sa
pag-upo.

-Ang tinatawag nating pleats ay yung parang mga


nakatiklop. Halimbawa po ng palda hali ka dito
allen paano kaya dapat ang tamang pag upo para
hindi masira yung pleats ng iyong palda halika dito
ipakita mo po dito sa unahan.

- Tama po ba yung ginawa ni allen?


- Magaling palakpakan nga po natin si allen.
- Oh tandaan po ha lalo na sa mga babae
dyan na may pleats kadalasan yung mga
damit lalo na yung unform nyo.
-sa pangalawang bilang basahin ito ng nasa row
one.

2. Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi


marumihan ang damit o pantalon. Siguraduhing m
alinis ang lugar na uupuan.

-Lalong lalo na dyan sa mga mahilig maglaaro


huwag po tayong uupo ng basta basta sa hindi
malinis na upuan kasi maaring mamantsahan o
marumihan yung damit natin.Naiintindihan po ba?

-Basahin po ng row 2
3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit,
labhan ito agad para madaling matanggal at hindi
gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa.
Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi o
mantsa.Gamitin ang naaayon sa kulay ng damit.
May mga chlorox para sa puti at bleach para sa may
kulay.

-magaling! Sino baa sa inyo dito ang naglalaba sa


bahay?

-maagaling sige nga ano ba yung una mong


ginagawa
-verygood paalaakpakan nga natin si krezelle.
-tama yung kanyang ginagawa at para higit na
mapangalagaan yung ating damit dapat labhan
agad aat gumamit ng bleach sa mantsa.
Naiintindihan po ba?
-nakikinig pa po ba?

Basahin po ng row 3

4. Magsuot ng angkop kasuotan ayon sa gawain.


Huwag gawing panlaro ang damit na pamasok sa
paaralan. Pagdating sa bahay galing sa paaralan,
hubarin kaagad ito at pahanginan.

-dapat ba ang uniform ay pwedeng gamiting


panglaro?
-so ibat iba po yung panlaro na damit natin at
angkop na kasuutan basi sa iyong gagawin.

5. Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog


tulad ng
pajama, daster, at short. Dapat maluwag na damit
ang pantulog upang ito ay maginhawa sa
pakiramdam.
-sino po ba dito yung nagsusuot ng pantulog kapag
matutulog
-so verygood dapat po yun yung damit na ating
pantulog at dapat yung maluwag o malambot na
damit po para magaan sa ating mga pakiramdam?

-naintindihan po ba?

6. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito


kaagad paguwi sa bahay upang hindi ito lumaki

-sino po ba yung marunong na ditong manahi?

-magaling kasi kapag may punit yung damit natin


dapat muna natin itong tahiin maliwanag? Para
hindi na ito tuluyang masira. Kapag hindi naman
kayo marunong manahi magpatulong o magpaturo
po sa mga nakakatanda sa atin. Naiintindihan po
ba?

6. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa


pamamagitan
ng paglalagay ng mga ito sa tamang lagayan.
-Lahat na po ba ay mayroon ng lagayan dito ng
kanilang damit?
Kung halibawa wala po kayong kaabinet pwede nyo
naman ito ilagay sa kahon.at ihiwalay yung mga
damit na pambahay sa damit panglakad o
paangpasok sa paaralan paara hindi narin po kayo
mahirapan kapag kayo po ay maghahanap ng
damit. Naunawaan po ba ?

 Paglalahat

-ngayon ay naintindihan nyo po ba kung ano yung


tinalakay natin ngayong araw?

Saan nga ulit tungkol yung ating aralin?

Maari po ba kayong makapagbigay ng pamamaraan


sa pangangalaga ng kasuutan?

Magaling

-gayon ay nalaman nyo na ang mga wastong


pamamaraan ng pangangalaga ng inyong mga
kausutan marapat lamang na isabuhay natin ito sa
araw-araw.

-magaling!
 Paglalapat

-Hahatiin ang klase sa apat na grupo at ang bawat


grupo ay gagawa ng isang dula dulaan na
nagpapakita ng wastong pangangalaga ng
kasuutan. Ang bawat grupo ay pipili ng dalawang
wastong pamamaraan sa pangangalaga ng damit.
sila ay bibigyan ng 5 minuto para sa paghahanda at
5 minuto naman sa presentasyon. Ang grupong
walang kooperasyon ay mababawasan ng 5 puntos.

-Natapos nyo ng mahusay aang inyong Gawain


bigyan na masigabong palakpakan ang bawat
grupo.

IV. Pagtataya

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan,


basahing mabuti at bilugan ang tamang sagot.

1. May nakita kang tastas sa iyong uniporme, ano


ang gagawin mo?

A. Itapon ang Uniporme


B. Tahiin upang hindi na lumaki ang tastas
C. Umiyak na lamang
D. Plantsahin ang Uniporme

2.Saan inilalagay ang mga kasuutan pagkatapos


tiklupin?

A. Kabinet o Aparador
B. Lamesa
C. Sampayan
D. Upuan

3. Ano ang gagamitin upang matangal ang mantsa


sa iyong damit?

A. Tubig
B. Toothpaste
C. Mantika
D. Bleach

4. Ingatan ang _______ng palda upang hindi ito


magusot.

A. laylayan
B.Zipper
C. Pleats
D. Kulay

5. Ito an gating isusuot kapag tayo ay papasok sa


paaralan.

A.Uniporme
B.Pajama
C.Gown
D.Bestida

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI wastong


paraan ng pangangalaga ng kasuotan?

A. tahiin agad kung may natastas.


B. Ilagay sa kabinet pagkatapos tiklupin
C. Gamitan ng bleach ang damit na namantsahan
D. Maglaro agad pagkatapos ng klase kahit hindi na
magpalit ng uniporme.
7. Isusuot ito kaag nais ng matulog sa gabi.

A. Pang-alis
B. Pantulog
C. Pansimaba
D. Uniporme

8. Natapunan mo ng iyong inuming tsokolate ang


uniporme ng iyong kaklase, ano ang iyong
gagawin?

A. Sabihan sya na itapon na lamang ito.


B.Sabihan ang kaklase na huwag sya isusumbong sa
inyong guro.
C. Sisihin ang kaklase na dahil masyado syang
malikot.
D.Ipaalam sa guro ipang masabi sa magulang at
maagapan ang mantsa sa uniporme.

9. Hayaan na lamang sa higaan ang mga damit


kung hindi na ito kakasya sa iyong damitan.

A.Tama
B.Mali
C.Siguro
D.hindi ko alam

10. Sumunod sa magulang kung kayo ay inuutusang


magtiklop ng damit.

A. Tama
B. Mali
C. Siguro
D.Hindi ko alam.
V. Takdang aralin

1. Pag uwi mo sa bahay tingnan mo ang iyong mga


pansariling kagamitan.
2. Gumawa ka ng tseklist na katulad ng nasa baba.
3. Palagdaan ito sa iyong magulang.

KAGAMITAN INAYOS HINDI INAYOS


1. MGA DAMIT
2. MGA
SAPATOS
3. MGA
MARURUMIN
G DAMIT
NILABHAN
ANG HINUBAD
NA PANLOOB
NA DAMIT

Para sa guro sa EPP ng anak ko, Ito ay


nagpapatunay na ginawa ng aking anak ang
isinasaad sa tseklist sa taas.

___________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like