You are on page 1of 62

Quarter 1-

Home Economics
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

1
Modyul
Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan
1

ALAMIN NATIN
Layunin:
1.1 Napapangalagaan ang sariling kasuotan

Subukin Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Alin sa sumusunod ang dapat isinusuot bilang pantulog?
A. gown
B. pajama
C. maong at polo
D. damit pangsimba
2. Ano ang tamang gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad
ang paldang uniporme?
A. Ibuka ang palda
B. basta na lang umupo
C. ipagpag muna ang palda
D. ayusin ang pleats ng palda
3. Saan natin ilalagay ang mga tinuping damit para hindi ito
madumihan?
A. karton B. basket C. cabinet D. ilagay na lang kung saan
4. Anong kagamitan ang maaring gamitin upang matanggal ang mantsa
na nakadikit sa damit?
A. bleach B. iskoba C. dishwashing liquid D. palo-palo
5. Alin sa mga sumusunod na hakbang sa paglalaba ang unang
ginagawa?
A. kusitin ng maayos ang mga damit
B. isampay ang mga damit sa sampayan
C. paghiwa-hiwalayin ang puti sa de-kolor
D. banlawan ng tatlong beses ang mga damit

2
Balikan Natin

Pagbabalik tanaw sa personal na karanasan


1. Sa iyong naging karanasan napapangalagaan mo ba nang maayos
ang iyong kasuotan?
2. Paano mo ito ginawa?
3. May mga paraan ka bang ginawa upang mapangalagaan mo ang
mga ito?
4. Ano ang maidudulot sa iyo ng maayos at malinis na kasuotan?

Tuklasin Natin
May iba’t ibang kasuotan tayong ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon. Ang
damit pambahay ay dapat na maluwag at malambot para malayang
nakagagalaw ang may suot nito. Karaniwang gawa ito sa malambot na tela.

Damit Pambahay Damit Panlaro Damit Pantrabaho

Damit Pantulog Damit Pang-alis Damit Pang-Eskwela

3
Mahalagang pangalagaan ang ating mga kasuotan. Dapat na
manatiling maayos at malinis ang mga ito tuwing kailangan mong gamitin.May
mga iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa ating kasuotan.
1. Pag-upo ng maayos
2. Paglalaba ng mga damit
3. Pagkukumpuni o pagtahi sa sirang bahagi ng damit
4. Pagsuot ng tamang damit na naayon sa okasyon.

Talakayin Natin

Suriin ang mga sumusunod na larawan ng iba’t ibang paraan ng wastong


pag-aalaga ng sariling kasuotan at sagutin ang mga tanong.

Anong paraan ang ginagawa ng


mga babae bago sila umupo
kapag sila ay nakapalda?

Ang pag upo ba kung saan saan


ay makakabuti sa ating kasuotan?
Bakit?

Mahalaga bang magsuot ng


angkop na damit na ayon sa
gawain?Bakit?

4
Kapag namantsahan ang ating
mga damit, ano ang ating
gagawin?

Anong damit ang karaniwang


sinusuot na pantulog?

Pagyamanin Natin

1. Gumawa ka ng tseklist na katulad ng nasa baba.


2. Lagyan ng tsek ang bawat kolumn kung ito ay iyong ginagawa. Sa
huling kolumn ay isulat kung papaano mo ito isinasagawa.

Kagamitan Inayos Hindi inayos Paraan ng tamang


pagsagawa
1. mga damit
2. mga sapatos
3. mga
maruruming damit
4. nilabhan ang
hinubad na
panloob na damit
5. mga medyas

Tandaan Natin
Maraming uri ng kasuotan ang ating ginagamit. Mahalagang mabatid o alam
natin ang mga paraan ng pag-aalaga sa mga ito
5
Isabuhay Natin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan

1. Bakit kailangan alagaan ang ating kasuotan?


Sagot:
2. Ano ang dapat ayusin ng babae sa kanyang palda kung siya ay uupo?
Sagot: _
3. Ano ang dapat isuot kapag tayo ay matutulog na?
Sagot: _
4. Ano ang maaari natin gamitin upang matanggal ang mantsa ng
atingmga damit?
Sagot: _
5. Saan natin maaring ilagay ang tinuping mga damit upang hindi
itomadumihan?
Sagot: _

Tayahin Natin
Magtala ng limang (5) iba’t ibang paraan ng pag-aalaga sa pansariling
kasuotan.
1.
2.
3.
4.
5.

Gawin Natin
Sa loob ng inyong bahay subukan mong gawin ang mga bagay na
alammo makakatulong sa pag-aalaga ng inyong kasuotan.Humingi ng gabay
sa magulang upang ito ay magawa mo ng maayos.

Sanggunian
Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit 2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
https://samutsamot.com/2013/11/03/mga-damit-at-bagay-na-isinusuot/

5
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral
Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ CAMILLE L. GARCIA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

6
Modyul
Pag-aalaga ng Sariling Kasuotan
2

Alamin Natin

Layunin:
1.1 Naisa-isa ang mga paraan ng pagpapanalitiling malinis ang kasuotan

Subukin Natin
Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.
1. Ang aking kaklase ay bumili ng ice cream sa Canteen ngunit sa kasamaang
palad nadumian ang kanyang uniporme, ano kayang paraan ang kailangan
gawin upang mawala ang mantsa ng ice cream sa kanyang damit?
A. Labhan ng maayos ang damit C. isampay na lamang ito
B. Plansahin ito kahit dipa D. itapon nasa basurahan
nalalabhan

2. Sa susunod na buwan ay magtatanghal ako sa aming programa para sa


Linggo ng Wika naaalala ko na meron pala akong costume na maaaring
gamitin na naitago ng aking nanay sa aparador dali dali ko itong kinuha pero
ito ay may laslas na. Ano kaya ang aking gagawin?
A. labhan ang damit
B. tahiin ang laslas na parte ng damit gamit ang sinulit at karayom
C. magpabili nalang ng bago.
D. sisihin ang nanay kung bakit nasira ang damit
3. Inutusan si Santy ng kanyang nanay na kunin ang mga damit sa
sampayan at ito ay tupiin, saan kaya maaaring ilagay ni Santy ang tinuping
damit para hindi ito malagyan ng dumi?
A. sa Laundry Basket
B. ipatong nalang kung saan saan
C. ilagay sa cabinet
D. ayaan nlng nakakalat sa loob ng bahay
4. Sinabihan ka ng iyong nanay na maghilamos at magpalit ng damit bago
matulog. Alin sa sumusunod ang dapat isinusuot bilang pantulog?
a. maong at polo b. gown c. damit pangsimba d. Pajama

7
5. Gabi palang inaayos na ng iyong nanay ang susuotin mong uniporme Nakita mo
na maayos ang pagkaplantsa ng iyong blusa at palda. Ano ang tamang gawin
bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?
a. Ayusin ang pleats ng palda
b. Ipagpag muna ang palda
c. Ibuka ang palda
d. Basta na lang umupo

Balikan Natin

Sagutin ang mga tanong:


1. Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating kasuotan?
2. Ano ang mga paraan na ating ginagawa upang mapangalagaan natin
ang ating kasuotan?
3. Ano ang maaaring gawin ng mga babae sa kanilang palda kung
sila ay uupo?

Tuklasin Natin

May iba’t ibang kasuotan tayong ginagamit sa iba’t ibang


pagkakataon. Ang mga damit na ating ginagamit ay mahalaga sa pang
araw-araw nating pamumuhay kaya marapat lamang na bigyan ng halaga
ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapanatili ang kalinisan ng ating mga
kasuotan. Ang malinis na kasuotan ay nakapagbibigay sa atin ng
maginhawang pakiramdam at magandang kalusugan.

Talakayin Natin
Suriin natin ang mga iba’t ibang paraan ng pagpapanatiling
malinis ang kasuotan at kung paano ito ginagawa.

8
Paglalaba ng damit
Ang paglalaba ay isang paraan ng paglilinis
ng damit tinatanggal ang dumi at mantsa sa
pamamagitan ng pagkusot at paglalagay ng
sabon panlaba at bleach, binabanlawan ng
tatlongbeses hanggang mawala ang sabon at
bula sa tubig,isinasampay ito sa ilalalim ng
matirik na araw upang matuyo.

Pagpapaplantsa ng Damit
Ang mga damit ay kailangan
plantsahin upang maging maayos
tingnan. Gumagamit tayo dito ng mga
kagamitan katulad ng tubig (pangwisik sa
damit) Plansa at plantsahan o ironing
board. Gumagamit din tayo ang hanger
upang dito isabit ang mga damit tulad ng
barong, blusa at iba bago ilagay sa loob
ng cabinet.

Paglalagay ng Damit sa Cabinet


Alagaan ang mga damit at
iba pang gamit sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga ito sa tamang
lagayan. Ang mga polo at mga
blusa ay maaring ilagay sa hanger
at isabit ito sa loob ng kabinet
upang hindi malukot at maayos
tingnan.

Pagkukumpuni ng Sirang damit


Kapag natastas ang laylayan ng damit,
tahiin ito kaagad pag-uwi ng bahay upang
hindi ito lumaki.
9
Sagutin ang mga tanong.
1. Sa inyong palagay bakit kailangan gumamit ng bleach sa
namantsahang damit?
2. Ang pagkukumpuni ba ng sirang damit ay makakatulong sa araw
araw nating pamumuhay?
3. Anong pag-uugali ang dapat natin isaalang-alang upang maiwasan
natin masira o mamantsahan ang ating mga damit?

Pagyamanin Natin

Lagyan ng tsek ang kolumn kung ginagawa ba o hindi ginagawa ang


paraan ng bawat bilang.
Paraan Ginagawa Hindi ginagawa

1. Pinag-ihiwalay ang puti na damit sa


de- kolor bago labhan.
2. Nilalagyan ng Bleach ang mga de-
kolor na damit
3. Tinatahi muna ang damit na may sira
bago ito suotin
4. Tinutupi ang polo at blouse bago ito
ilagay sa cabinet
5. Binabanlawan ng tatlong beses ang
damit.

Tandaan Natin
Ang kasuotan ay magagamit ng matagal kung alam natin kung
paano ito pangalagaan at napapanatiling malinis ang ating kasuotan.

10
Isabuhay natin
Sa inyong tahanan, pagmasdan at suriin kung paano napapanatili
ng iyong nanay ang kalinisan sa inyong mga kasuotan. Isalaysay ang
iyong natutunan tungkol sa pagmamasid sa ginawa ng iyong nanay.

Tayahin Natin

Basahin ang pangungusap. Piliin ang tamang sagot


1. Ano ang kailangan gamitin upang maalis ang mantsa na nakadikit sa
damit?
A. bleach at sabon
B. palanggana
C. palo-palo
D. pampabango ng damit (Conditioner)
2. Ang pagpaplantsa ng mga damit ay mahalaga upang maging maayos
tingnan ang mga ito, ngunit kailangan isaalang-alang ang kaligtasan
ano ang HINDI dapat gawin?
A. Maingat na isaksak sa kuryente ang plantsa na may gabay ng
magulang
B. Hayaang nakasaksak sa kuryente ang plantsa kung hindi
naman ito ginagamit.
C. Dahan- dahan gamitin ang plantsa at sa mahina lamang ito
upang hindi makasunog ng damit at hindi magkaroon ng
sakuna.
D. Huwag gumawa ng ibang gawain kung ikaw ay namamalantsa.

3. Ilang beses maaaring banlawan ang nilalabhan na damit?


A. 1 B.2 C. 3 D. 4

4. Bakit kailangan kumpunihin ang sira ng damit bago ito labhan?


A. Upang hindi lumaki ang sira ng damit.
B. Upang masuot agad ang damit
C. Upang hindi makalimutan
D. Upang magandang tingnan.

11
5. Anong ang dalawang kagamitan sa pananahi ang magkasabay na
ginagamit?
A. Sinulid at karayon C. Medida at didal
B. Gunting at emery bag D. Pin cussion at gunting

Sanggunian:
Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit 2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
http://clipart-library.com/laundry-clipart.html
https://pinasglobal.com/2018/05/8687/ Melrose Manuel

Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral


Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/ WENDY P. CONIATO, SES
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

12
Modyul
Mga Kagamitan sa Pananahi sa
3
Kamay

Alamin Natin
Layunin
1.2.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahing pangkamay.

Subukin Natin
Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B tukuyin kung anong kagamitan ang
tinutukoy ng pangungusap.
Hanay A Hanay B
1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela. A. didal
2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi B. sinulid
ginagamit upang hindi ito kalawangin.
3. Ito ay ginagamit sa paggupit ng tela at C. medida
pagputol ng sinulit.
4. Kagamitan na nilalagay sa gitnang daliri D. gunting
upang hindi matusok ng karayom.
5. Ito ay laging kasama ng karayom kapag E. emery bag
nananahi na kasingkulay ng telang tatahiin. F. pin cussion

Balikan Natin

Sagutin:
1. Ang pananahi ba kay makakatulong sa pangangalaga ng ating
kasuotan?
2. Magbigay ng isang paraan ng pangangalaga sa ating sariling kasuotan.
3. Bakit kaaya-aya sa pakiramdam ang pagsusuot ng tamang damit na
ayon sa gawain?
12
Tuklasin Natin

Napag-aralan mo na ang iba’t ibang paraan ng


pag-aalaga ng iyong pansariling kagamitan.
Matututunan mo naman ngayon ang pag-ayos ng
damit mong napunit o nasira. Gagawin mo ito sa
pamamagitan ng pananahi. Maaaring wala kayong
makinang pantahi sa bahay kung kaya’t maaari mo
itong ayusin sa pamamagitan ng pagtahi gamit ang iyong mga kamay. Mahalaga
na matutunan mo muna ang iba’t ibang kagamitan sa pagtatahi gamitang kamay at
kung paano ito ginagamit

Talakayin Natin
Upang maayos ang damit mong napunit, kailangan mo munang alamin
ang mga dapat mong gamitin at kung paano ginagamit ang mga ito.

Kagamitan sa pananahi sa kamay:


1. Karayom at Sinulid
- ginagamit sa pananahi. Dapat magkasingkulay ang sinulid at tela o
damit na tinatahi.
2. Gunting
– ginagamit sa paggupit ng tela
3. Medida
– ginagamit sa pagsukat ng tela
4. Emery bag
– Dito itinutusok ang karayom upang hindi kalawangin
5. Pin cussion
– dito itinutusok o ilalagay ang karayom pagkatapos gamitin
6. Didal
- Ito ay isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang itulak ang karayomsa
pagtatahi

13
Kilalanin ang mga larawan na nasa ibaba.
Isulat sa kahon ang pangalan at kung paano ito ginagamit

Pagyamanin Natin

Unawain ang mga sitwasyon, tukuyin kung anong kagamitan sa pananahi


ang maaaring gamitin sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa guhit.

1. Nalaslas ang tahi ng laylayan ng palda ni Moneth. Ano kayangkagamitan


ang maaari niyang gamitin upang makumpuni ang kanyang nasirang
damit?______________________________________________

2. Nais ni Aling Rosa na gumawa ng kurtina ng kanyang bahay.


Nakabili na siya na telang gagamitin sa kanyang pananahi. Ano kayang
kagamitan anggagamitin upang masukat niya ang tela para sa
gagawingkurtina?_____________________________________________

14
3. Nakita ni Moneth na nakakalat ang mga karayom sa ibabaw ng
patahian ng kanyan nanay. Nais niya itong ayusin at ilagay sa tamang
lalagyan. Anong kagamitan ang maaari niyang gamitin upang mailagay sa
maayos na lugar ang mga karayom?

4. Namasyal si Aling Celfa sa bahay ng kanyang kaibigan na si Aling Miling.


Naabutan niya na nananahi sa kamay si Aling Miling ngunit napansin niAling Celfa
na may sugat na maliit si Aling Miling sa gitnang daliri nito dahil natutusok siya ng
karayom. Anong kagamitan sa pananahi ang maaaring mairekomenda ni Aling
Celfa kay Aling Miling upang hindi matusok angkanyangdaliri? _

5. Nais ni Eva na ilagay ang mga karayom sa tamang lalagyan na hindi


ito kakalawangin. Anong kagamitang pananahi ang mairerekomenda mo kay
Eva?

Tandaan Natin
May mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Ang bawat isa ay may
angkop na gamit. Dapat din na tandaan natin kung paano ang mga ito itatagosa
tamang paraan upang magamit sa oras na kailangan.

Isabuhay natin

Sagutin ang mga katanungan:


1. Bakit kailangan gumamit ng wastong kagamitan sa pananahi?
2. Alin sa mga kagamitan ang madalas mong gamitin tuwing ikaw ay
nagkukumpuni ng iyong sirang damit?
3. Sa iyong palagay mahalaga ba na malaman natin ang wastong
gamitng mga kagamitan sa pananahi?Ano ang maaari mong gawin
upang maibahagi sa iyong kapamilyaang tungkol sa iyong
natutunan?
4. Anong kagamitan ng pananahi ang nangangailangan ng gabay ng
magulang bago gamitin?
15
Tayahin Natin

Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
1. Ginagamit ito upang hindi matusok ang gitnang daliri sa
karayom. Medida
Didal
2. Ito ay kagamitan ginagamit sa pagputol ng tela. Emery bag
3. Dito itunutusok ang karayon upang hindi kalawangin Sinulid at
Karayom
4. Ito ay mga kagamitan na laging magkasamang Gunting
ginagamit sa pananahi. Pin cussion

5. Ginagamit ito pansukat sa tela o katawang ng tao nais


magpatahi ng damit

Gawin Natin

Sa inyong tahanan maghanap ng sirang damit. Subukan mo itong kumpunihin


gamit ang mga kagamitan sa mayroon kayo sa inyong tahanan. Humingi ng
patnubay sa iyong magulang kung kinakailangan.

Sanggunian
Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit 2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
https://www.google.com/search?q=mga+kagamitan+sa+pananahi
https://www.google.com/search?q=mga+kagamitan+sa+pananahi+blac
k+and+whiteDawn Juliana V Aran

16
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral
Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/ WENDY P. CONIATO, SES
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

17
Modyul
Pagsasaayos ng Sirang Kasuotan
4

Alamin Natin

Layunin
1.2.2 Naisasaayos ang payak na sirang kasuotan sa pamamagitan ng
pananahi ng kamay (halimbawa Pagkabit ng butones)

Subukin Natin
Magbigay ng limang(5) uri ng panara ng damit. Isulat sa loob ng kahon ang
inyong sagot.

Panara
ng
damit

Balikan Natin

Sagutin ang mgasumusunod na tanong


1. Ano ang dalawang kagamitan sa pananahi ang madalas natin gamitin?

18
2. Sa iyong palagay kailangan ba ang gabay ng magulang sa paggamit ng
matutulis na kagamitan kagaya ng karayom at gunting?
3. Ano ang iyong natutunan tungkol sa nakaraan nating aralin?

Tuklasin Natin

May mga pagkakataon na natatanggal ang mga panara ng ating damit.


Ang mga panara ng damit ay makakatulong upang maayos ang sirang damit
nabibilang dito ang tinatawag na kutsetes at otomatikong panara. Alam mo ba
kung paano ito ayusin? Sa araling ito, ay matututunan mong ayusin ang
ganitong uri ng sira sa damit. Alam mo baang iba’t ibang uri ng panara?

Basahin ang maikling kwento

Ang Matalik na Magkaibigan


Si Lita at Mercy ay matalik na magkaibigan. Sila ay sabay na pumapasok
sa eskwelahan. Gabi pa lang inaayos na ni Mercy ang kanyang susuotin na
uniporme upang kinabukasan ay hindi na siya nagmamadali, kabaliktaran
naman ng kanyang kaibigan na si Lita. Si Lita ay pabaya sa kanyang mga
kagamitan.
Isang umaga sabay silang pumasok sa paaralan napansin ni Mercyna
wala ang isang butones ng damit ni Lita. Dali daling tinakpan ni Lita ang
kanyang damit upang hindi makita ng kanyang mga kamag-aral. Nagkataon
naman nakalimutan ni Mercy na tanggalin sa kanyang bag ang mga kagamitan
sa pananahi na dala pa noong isang araw dahil ang kanilang aralin sa araw na
iyon ay ang pananahi sa kamay. Dali dali silangpumunta sa palikuran upang
hubarin ni Lita ang kanyang blusa at doon na rin isagawa ang pagkabit ng
butones.
Laking pasasalamat ni Lita sa kanyang kaibigan dahil naging maayos na
ang kanyang damit.
Sagutin ang mga tanong:

1. Anong kagamitan sa pananahi ang ginamit ni Mercy upang


makumpuni ang sirang damit ni Lita?
2. Ano ang dapat natin gawin upang maiwasan ang nangyari kay
Lita?
3. Anong magandang pag-uugali ang ipinakita sa kwento?

19
Talakayin Natin
Butones na may dalawang butas o Two- hole Button
Ang Butones na may
dalawang butas ay karaniwang
ginagamit sa mga damit pantaas
tulat ng uniporme sa paaralan

Shank Button - Butones na may nakaalsa sa likod.


Ang Shank button ay karaniwang
ginagamit panara sa mga blusa na
pambabae. Halimbawa na lamang ang
damit pang-alis at pang simba.

Kutsetes
Ito ay isa din uri na panara ng damitna
karaniwang nilalagay sa likod ng hiwa ng
damit gaya ng blusa.

Sagutin ang mga tanong:

1. Bakit kailangan ayusin ang sirang kasuotan?


2. Sa inyong palagay makakatipid ka ba kung aayusin mo ang sira ng
iyong damit?
3. Ano ang maidudulot ng aralin ito upang makatulong ka sa iyong
magulang?
4. Ano sa palagay mo ang pagkakaiba ng dalawang uri ng butones?
5. Anong uri ng mga damit ang ginagamitan ng zipper?

Pagyamanin Natin
Pagsunod sunurin ang mga hakbang sa pagsasaayos ng sirang kasuotan
sa pamamagitan ng paglalagay ng mga butones. Isulat ang letrang A – E
sa bawat bilang.
20
1. Ulit ulitin ito, ibuhol pagkatapos
2. Lagyan ng marka ang kakabitan ng butones
3. Ikutin ng sinulid ang likod ng butones upang maging patibay ito
4. Kapag tapos na ibuhol ito upang hindi matanggal muli, gupitin
ang sinulid.
5. Itusok ang karayom sa lugar na minarkahan, isuot sa karayom
ang Butones. Siguraduhin na nabuhol ang dulo ng sinulid.

Tandaan Natin

Ayusin ang natanggal na butones, otomatiko o kutsetes ng damit


upang maging kaaya-aya itong tingnan kapag isusuot muli ang damit.

Isabuhay Natin
Panuto: Kumuha ng isang kapirasong tela at isang pirasong butones,
gumamit ng karayom at sinulid. Subukan gawin ang paglalagay ng butones
sa tela.Sundin ang mga hakbang kung paano ito ginagawa. Ipasuri ito sa
magulang pagkatapos gawin.

Paalala: Ang patnubay ng magulang ay kailangan kung gumagamit


ng matutulis na kagamitan.

Tayahin Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng pansara ng damit. Alin ang
HINDI:
A. Kapirasong putol ng damit C. Kutsetes
B. Two-hole button D. Straight eye

2. Ito ay uri ng panara na may nakaalsa sa likod.


A. Shank button C. Zipper
B. Kutsetes D. Two-hole button

21
3 Alin sa mga panarang ito ang mayroong dalawang butas?
A. Shank button C. Kutsetes
B. Two-hole button D. Straight eye

4. Ano ang unang hakbang sa pagkakabit ng butones sa damit?


A. Lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones.
B. Gupitin ang isang parte ng tela.
C. Isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit.
D. Isagawa ang pagtatahing lilip.

5. Bakit kailangan ayusin ang sirang kasuotan?


A. Upang matagal magamit ang damit.
B. upang gawing basahan.
C. ginagawang libangan.
D. wala sa nabanggit

Gawin Natin

1. Ipaliwanag ang pagsasanay sa pagkabit ng butones at otomatiko o


kutsetes.
2. Isulat sa inyong journal kung paano panatilihing kumpleto ang
pansara ng ating kasuotan.

Sanggunian:
Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit 2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
https://www.google.com/search?q=two-hole+button+black+and+white
Union Knopf
https://www.pinterest.co.uk/pin/155303887162583861/ Band Clever. ph
https://www.google.com/search?q=kutsetes+black+and+white

22
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral
Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/ WENDY P. CONIATO, SES
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

23
Aralin
Wastong Paglilinis ng Bahay at Bakuran
5

Alamin Natin

1.1 Naisasagawa ang wastong paraan ng paglilinis ng bahay.

Subukin Natin

Lagyan ng ✓ kung ang pangungusap ay naglalarawan ng malinis na


tahanan.

1. Maayos ang pagkakalagay ng mga kagamitan sa loob ng tahanan


2. Makintab at walang alikabok ang sahig, pati mga kagamitan tulad ng
mesa, mga upuan at mga palamuti.
3. Maaliwalas.
4. Makalat ang mga kagamitan sa loob ng bahay.
5. Malangsa at mabaho ang loob ng bahay.

Balikan Natin
Sagutin ang mga katanungan.
1. Paano mo masasabi na malinis ang inyong tahanan?
2. Tumutulong ka ba sa paglilinis ng inyong tahanan?
3. Ano-ano ang mga paraan mo sa paglilinis ng inyong tahanan?

Tuklasin Natin

Sinasalamin ng malinis na tahanan ang isang masayang pamilya. Mula sa mga


magulang hanggang sa nakababatang kapatid ay dapat tulong- tulong sa
pagpapanatili ng masinop, maayos, at malinis na tahanan.

24
Muli, pagmasdan nang tahimik ang larawan at ilarawan ang isang malinisna
tahanan. Isalaysay at isulat sa guhit sa baba kung ano-ano ang mga napansin
ninyo sa larawan.

Talakayin Natin

Mga paraan ng paglilinis ng tahanan.

a. Pagwawalis
- gumamit ng walis tambo sa pagwawalis ng sahig. Dahan-dahan ang
pagwawalis upang hindi lumipad ang alikabok. Simulan sa mga sulok at
tabi ng mga silid patungong gitna ang pagwawalis.
Gumamit ng pandakot at dakutin agad ang naipong dumi.

b. Pag-alis ng alikabok
- ang kasang-kapan ay madaling maalikabukan. Kailangang punasan ang
mga ito araw-araw. Ang lumang damit o lumang kamiseta ay mainam
gamitin kung malambot at hindi nag-iiwan ng himulmol. Sa pag-aalikabok,
simulan sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan, pababa. Ang mga
dekorasyon at palamuti ay kailangang punasan din.

25
c. Paglalampaso ng sahig
- ang paglalampaso ng sahig na gamit ang mop ay ginagawa pagkatapos
walisan ang sahig. Basain at pigain ang mophead. Ilampaso ito sa sahig
sa pagitan ng muebles, sa sulok, at ilalim ng mesa at cabinet. Kapag
marumi ang mophead, banlawan sa isang timba na katamtaman ang dami
ng tubig o itapat ito sa gripo at yugyugin hanggang sa malinis ang dumi.
Pigain at gamiting muli.

d. Pagbubunot
- binubunot ang sahig upang kumintab. Punasan muna ang sahig bago
lagyan ng floorwax. Gawing manipis at pantay-pantay ang paglalagay.
Patuyuin muna ito bago bunutin. Punasan ng tuyong basahan upang
lalong kumintab.

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong mga gawaing paglilinis ang ginagawa mo araw-araw?
2. Bakit kailangan natin masunod ang wastong paraan sa paglilinis ng
bahay?
3. Ano-ano ang maidudulot ng tulong-tulong na paggawa ng mag-
anak upang maging malinis ang tahanan?

Pagyamanin Natin
Anong mga gawaing paglilinis ang ginagawa araw-araw?
Lingguhan? Paminsan-minsan? Isulat ang mga sagot sa ilalim ng
sumusunod na paksa.

Paglilinis na Ginagawa Paglilinis na Ginagawa Paglilinis na Ginagawa


Araw-araw Paminsan-minsan ng Lingguhan

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. 4. 4.

5. 5. 5.

26
Tandaan Natin

Ang tulong-tulong na paggawa ng mag-anak ay kailangan upang maging


malinis at maayos ang tahanan. Ang pagsunod sa wastong paraan ng
paglilinis ng tahanan ay may malaking maitutulong upang makatipid sa oras,
salapi at lakas.

Isabuhay Natin
Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano-ano ang dapat natin tandaan na tamang paraan sa
pagwawalis?
2. Bakit kailangan natin punasan o alisin ang mga alikabok sa ating mga
kasangkapan o kagamitan?
3. Paano natin gawin ang paglalampaso ng sahig?
4. Para kumintab ang ating sahig, ano ang dapat nating gawin?
5. Ano-ano ang maidudulot ng tulong-tulong na paggawa ng mag-anak
upang maging malinis ang tahanan?

Tayahin Natin
Piliin ang wastong karugtong ng pangungusap sa loob ng kahon. Isulat ang
titik sa patlang.
1. Ang mga kasangkapan ay madaling
maalikabukan. Kailangang punasan ang mga ito ng
a. tuyong basahan araw-araw.
b. dahan-dahan 2. Ang sahig ay upang kumintab.
c. timba 3. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang
d. sulok upang hindi lumipad ang alikabok.
e. pababa 4. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na
f. binubunot bahagi ng mga kasangkapan .
5. Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa
mga ______patungo sa gitna.

27
Gawin Natin

Magtala ng limang gawain ng paglilinis sa inyong tahanan,at ibahagi ito


samga kaklase sa susunod na araw.

Sanggunian:

Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaralYunit


2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

28
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral

Manunulat: MARILOU C. FLORES


Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/ WENDY P. CONIATO, SES
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

29
Modyul
Wastong Paglilinis ng Bakuran
6

Alamin Natin

1.1 Naisasagawa ang wastong paraan ng paglilinis ng bakuran.

Subukin Natin
Sagutin ng Tama o Mali.
1. Ugaliin ang pagwawalis sa loob at labas ng bakuran.
2. Hayaang tumubo ang mga damong ligaw.
3. Paghihiwalayin ang nabubulok at hindi nabubulok na basura.
4. Diligan ang mga halaman dalawang beses sa isang linggo lamang.
5. Takpan ang mga basurahan upang hindi pamugaran ngdaga, langaw,
at ipis.

Balikan Natin

1. Ano-ano ang maari mong gawin upang makatulong sa paglilinis ng


bakuran?
2. Paano ang wastong paglilinis sa bakuran?

30
Tuklasin Natin

Mga Paraan ng paglilinis sa bakuran.


1. Ugaliin ang pagwawalis sa loob at labas ng bakuran. Tapat mo, linismo.
2. Diligan ang mga halaman araw-araw. Paminsan-minsan, lagyan ito ng
patabang organiko at bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman.
3. Gupitan din ang mga halaman kung kailangan upang gumanda ang hugis
at haba ng mga sanga at maging malusog ang halaman.
4. Kung magtatapon ng basura, pag-hiwalayin ang nabubulok at hindi
nabubulok.
5. Kinakailangang takpan ang mga basurahan upang hindi pamugaran ng
daga, langaw, ipis, at iba pang mga insekto.
6. Bunutin ang mga damong ligaw hanggang sa mga ugat upang hindi kaagad
tumubo ang mga ito. Isama sa com-post ang mga binunot na damo upang
maging pataba.
7. Siguraduhin ang mga kanal o daluyan ng tubig ay dumadaloy nang tuloy-
tuloy upang hindi pamahayan ng mga lamok at upang makaiwas sasakit na
dengue.

Talakayin Natin

1. Ano-ano ang naidudulot ng malinis na bakuran sa ating pamayanan


at sa ating kalusugan?
2. Paano mapananatili ang malinis na bakuran?
3. Bakit kailangan paghihiwalayin ang mga nabubulok at di nabubulok
na basura?
4. Mahalaga ba na takpan ang basurahan? Bakit?

31
Pagyamanin Natin

Ano ang maari mong gawin upang maiwasan ang pagbara ng kanal?
Mga Gawain/Pamamaraan Oo Hindi
1.Ginagamit ang walis tingting sa pagwawalis ng mga
tuyong dahon sa loob at labas ng bakuran.
2.Ginagamit ang pandakot sa pagdampot ng basura at
inilagay ito sa basurahan.
3.Nasunod ang wastong paraan ng pagbubunot ng
damo.
4.Pinaghiwalay ang mga basurang nabubulok at di
nabubulok.
5.Dinidiligan ang mga halaman gamit ang rigadera.

Tandaan Natin
Paano mapananatili ang malinis na bakuran? Ano-ano ang kabutihang
maidudulot ng malinis na kapaligiran

Isabuhay Natin

Gawain Wastong Pamamaraan


1. Pagwawalis
2. Pagbubunot ng damo
3. Pagtatapon ng basura
4. Pagdidilig ng halaman
5. Paglilinis ng kanal

32
Tayahin Natin
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit kailangan bunutin ng mga ugat ang mga ligaw na damo?
a. Upang gawin itong pataba.
b. Upang hindi na tumubo uki ito.
c. Upang malinis tingnan
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
2. Saan ilalagay ang mga basurang nabubulok?
a. sa likod ng bahay c. sa bakod ng kapitbahay
b. sa bakanteng lote d. sa compost pit

3. Pagkatapos walisin ang mga tuyong dahon, susunugin ba ito?


a. Oo c. Siguro
b. Hindi d. Hahayaan na lang

4. Bakit kailangan gupitan ang mga halaman?


a. Upang gumanda ang hugis at haba ng mga sanga.
b. Dahil yumayabong na ang mga dahon
c. Maging malusog ang mga halaman
d. A at C
5. Ang bakurang malinis ay nakatutulong sa pagkakaroon ng .

a. Masayang pamayanan c. Mapayapang pamayanan


b. Malinis na pamayanan d. Lahat ng nabanggit ay tama

Gawin Natin

Paano mo maipapakita ang pagtulong sa paglilinis ng inyong


bakuran? Iguhit ang mga paraang iyong gagawin.

Sanggunian:
Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaralYunit 2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
https://www.google.com/search?q=living+room+clipart+black+and+white
dreamstime

33
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral
Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/MARYBETH Q. CORPUZ, BTES A
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

34
Aralin 7 Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa
Paglilinis ng Bahay at Bakuran

ALAMIN NATIN

Layunin
1.2 Naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay

Subukin Natin

Piliin sa kahon ang mga uri ng basura na di nabubulok at mga nabubulok.


Isulat sa bawat kolumn ang inyong sagot

Balat ng prutas Diaryo


Plastic Bottle Plastic ware
Tuyong dahon Balat ng candy
Dumi ng hayop Balat ng gulay
Lata Tira-tirang pagkain

Nabubulok Hindi nabubulok


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Balikan Natin
Sipiin sa iyong kuwaderno at lagyan ng tsek (/) ang patlang ng bilang
kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong paraan ng paglilinis ng
bakuran at ekis (X) naman kung hindi.
1. Ang mga basurang hindi nabubulok ay kailangang itapon sa malayong
lugar.
2. Bunutin ang mga ugat ng mga ligaw na damo upang hindi na tumubo
muli.
3. Pagkatapos walisin ang mga tuyong dahon, sunugin ito.

4. Ang mga nabubulok na basura ay pampataba sa mga halaman.


5. Gamitin ang pandakot kung ilalagay ang mga tuyong dahon sa
basurahan.
36
Tuklasin Natin
Matututunan sa modyul na ito ang mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng bahay at bakuran, at ang wastong
paghihiwalay ng basura. Ito ay makakatutulong sa iyo at sa iba pang kasapi ng
pamilya upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang tahanan. Ang
sakuna at ibang simpleng sakit o karamdaman ay maiiwasan kung lahat ay
sama-samang gagawa at susunod sa mga pangkaligtasan at pangkalusugang
gawi pati na rin sa tamang paghihiwalay ng basura. Mauunawaan din sa modyul
na ito ang kahalagahan ng isang maayos, malinis, at ligtas na bahay.

Talakayin Natin
Upang maiwasan ang sakuna at ibang simpleng karamdaman sa
bahay, gawin ang mga sumusunod na panuntunan:

1. Alamin ang mga gawaing gagampanan upang malaman kung alin ang
dapat unahin sa mga ito.(prioritizing things)
2. Mag-umpisa sa simple o payak na gawain bago dumako sa medyo
mahirap at gawin (iapply) ang “work simplification technique”.
3. Simulang linisin ang bahaging itaas ng bahay bago linisin ang sahig
upang maiwasan ang pagkalat muli ng alikabok.
4. Ihanda ang lahat ng kakailanganing kagamitan sa gagawing
paglilinis.
5. Gumamit ng maginhawa o angkop na damit panggawa upang
malayang makakilos o makagawa.
6. Takpan ang ilong gamit ang malinis na panyo upang hindi malanghap
ang alikabok na maaaring pagmulan ng simpleng karamdaman at
talian ang buhok upang hindi labis na kapitan ng dumi at alikabok.
7. Pansinin ang tamang tindig at tamang paraan sa pagbubuhat habang
naglilinis o gumagawa.
8. Takpan ang mga pagkain sa kusina bago maglinis.
8. Iwasang tumuntong sa silya kung mag-aagiw sa halip gumamit ng
walis na may mahabang hawakan.
9. Hindi gaanong pinadudulas ang sahig dahil ito ay maaaring magdulot
ng sakuna o pagkadisgrasya.

37
Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Ano sa inyong palagay ang kanilang
ginagawa?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang maidudulot ng maayos na


paghihiwalay ng mga basura sa loob ng
bahay?
2. Sa inyong palagay mapagkakakitaan ba
ninyo ang mga basurang di nabubulok?
3. Kung ikaw ang inatasan ng iyong nanay na
mag-ayos ng basura sa loob ng inyong
bahay, Ano ang iyong dapat gawin?
4. Anong kagamitan ang maaari ninyong
gamitin upang maging maayos ang
paghihiwalay ng basura?
5. Ano ang maaari mong gawin sa mga basurang nabubulok?

Pagyamanin Natin
Isulat sa iyong kuwaderno kung ano ang maaari mong gawin sa inyong
tahanan upang mapanatili itong maayos at malinis. Banggitin kung paano mo
sinusunod ang mga pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng
bahay at bakuran.

Tandaan Natin
Ang buhay ay isa sa mga napakaganda at napakahalagang regalo sa
atin ng Panginoon. Ito ay mapangangalagaan sa pamamagitan ng masusing
pag-iingat at pagsunod sa mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan.

Isabuhay Natin
Gawin natin:

Ihanda ang sumusunod na kagamitan:


- recycled cardboard
- mosaic picture
- colored paper o papel na galing sa lumang magasin
- gunting - glue o pandikit
38
Panuto sa pagsasagawa.
1. Idikit ang mosaic picture sa recycled
cardboard, lagyan ng isang pulgadang sobra
ang bawat paligid nito. Gupitin ang sobra.
2. Gumupit ng isang pulgadang lapad na
recycled cardboard, balutan ng colored paper o
papel na galing sa lumang magazine at idikit sa
paligid ng mosaic.
3. Maaaring balutan ng plastic upang hindi agad
marumihan ang larawan.
4. Isabit sa lugar na nararapat pagsabitan nito.
5. Gamitin ang tseklist para sa pagsuri ng iyong
ginawa.
Antas ng
KRITERYA Kahusayan
1 2 3 4
1. Angkop ba ang pagkagawa ng disenyo o
larawan?
2. Maayos ba ang pagkadikit at pagkabalot ng
Larawan

3. Nasunod ba nang maayos ang mga paraan sa


paggawa ng proyekto/ Gawain?

Batayan:
4 – napakahusay 2 – mahusay
3 – mas Mahusay 1 – hindi mahusay

Tayahin Natin
Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ano ang iyong gagawin upang hindi malanghap ang alikabok habang
naglilinis?
A. Gumamit ng apron.
B. Magdamit ng maluwang
C. Takpan ang ilong.
D. Talian ang buhok.

39
2. May nabasag na baso habang ikaw ay naglilinis sa kusina. Ano ang
iyong gagawin?
A. Pupuluting isa-isa ang bubog.
B. Dadakutin at ilalagay sa basurahan.
C. Babalutin ng lumang diyaryo at ilalagay sa basurahang may
takip.
D. Pupulutin at itapon sa bakanteng lote.
3. Alin sa sumusunod ang dapat una mong gagawin?
A. Paglilinis ng kisame. C. Paglilinis ng dingding.
B. Paglilinis ng sahig. D. Paglilinis ng bakuran.

4. Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng mga de-koryenteng


kagamitan upang maiwasan ang sakuna?
A. Tiyaking tuyo ang mga kamay bago isaksak at tanggalin ang
saket at plug.
B. Basahin ang panuto kung paano ito gagamitin.
C. Hayaan itong nakabukas kahit tapos nang gamitin.
D. Tanggalin sa saksakan ang kawad.
5. Nagkalat ang basura sa inyong bahay, ano ang iyong gagawin?
A. Ipunin lahat at ibalot sa plastic.
B. Ilagay sa basurahan at hintayin ang trak na kukuha nito.
C. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok at ibaon sa compost
pit angnabubulok.
D. Paghalu-haluin ang mga basura at sunugin ang mga ito.

Gawin Natin

Sa inyong bahay maglaan ng hiwalay na basurahan para sa nabubulok at


hindi nabubulok na mga basura. Ilarawan o kunan ng litrato ang inyong
ginawa.

Sanggunian:
Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit 2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
https://www.google.com/search?q=paghihiwalay+ng+basura+clipart

40
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral
Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/ MARYBETH Q. CORPUZ, BTES-A
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

41
Aralin
8 Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain

Alamin Natin
.
LAYUNIN:
1.1 Nakatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain
EPP4HE-0i-14

Subukin Natin
Isulat sa kahon ang tatlong pangkat ng pagkain

1.

2.

3.

Balikan Natin

Sagutin ang mga tanong.


1. Mahalaga ba na paghiwalayin ang nabubulok at di nabubulok na basura?
2. Ano ang kapakinabangan na maaari nating gawin sa mga nabubulok na
basura?

42
3. Anong mga kagamitan o palamuti sa bahay ang maaari natin gawin sa
mga recycle materials tulad ng plastic bottle, lata at plastic?

Tuklasin Natin
Ang isang batang tulad mo ay
nangangailangan ng malusog na
pangangatawan, upang magampanan
ang mga pang-araw-araw na gawain.
Ang mga masusustansiyang pagkain
ang makapagbibigay nito sa iyo.
Magiging masigla at malakas ang iyong
katawan at ito ang paraan upang ikaw
ay makaiwas sa sakit. Kung ang bawat
kasapi ng pamilya ay malakas at
malusog, madali nilang magagawa ang
kani-kanilang tungkulin nang masaya.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang
makatutulong sa paghahanda ng masustansiyang pagkain at maisasagawa
ang sumusunod:
1. Mapapangkat ang mga pagkain ayon sa Go, Grow, at Glow food. 2.
Masusuri ang mga masustansiyang taglay ng mga pagkain gamit ang
food pyramid guide.

2. Makagagawa ng plano ng ilulutong pagkain.

3. Makasusunod sa mga alituntuning pangkaligtasan at


pangkalusugan sa paghahanda ng pagkain.

4. Makapagluluto at makapagdudulot ng pagkain nang


kaaya-aya.

43
Talakayin Natin

Tatlong Pangkat ng Pagkain

Go Foods Grow Foods

Glow Foods

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano-ano ang mga sustansiyang ibinibigay ng Go food? Grow food?
Glowfood?
2. Ano ang naibibigay o nagagawa nito sa inyong katawan?
3. Dapat bang kainin ang mga pagkaing nabibilang sa bawat pangkat? Bakit?
4. Ano kaya ang maaaring mangyari sa ating katawan kung hindi tayo
kumakain ng gulay?
5. Ano ang inyong gagawin para magkaroon ng malusog na pangangatawan?

Pagyamanin Natin

Mga alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at pagluluto


ng pagkain
1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos maghanda ng
pagkain.
2. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at maglagay ng hairnet
o bandana sa ulo.
3. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap at kasangkapan sa pagluluto upang
maiwasan ang abala.

44
4. Ihanda at lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang ubusin o tama lang
sa mag-anak.
5. Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay, isda, at karne bago
balatan at hiwain. Iwasang ibabad ang mga ito sa tubig upang hindi mawala
ang sustansya.

Tandaan Natin
Ang tatlong pangkat ng pagkain ay dapat gamiting patnubay sa pagpaplano
ng ihahandang pagkain ng mag-anak sa arawaraw. Ang agahan, tanghalian
at hapunan ay dapat nagtataglay ng pagkain sa bawat pangkat. Anglarawan
ng food pyramid guide na makikita sa ibaba ay magsisilbing gabay kung
gaano karami angpagkain na manggagaling sa bawat pangkat. Ito ang
patnubay tungo sa isang Balanced Diet na nagtataglay ng tamang uri at sukat
ng pagkain.

Isabuhay Natin
Tukuyin ang mga sumusunod na pagkain kung saan nabibilang na
pangkat (Go Foods,Glow foods at Grow foods) . Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

_1. Kamatis 6. Karne ng baboy


_2. Bangus 7. Malunggay
_3. Gatas 8. Mansanas
_4. Keso 9. Tinapay
_5. Talong 10. Hipon

45
Tayahin Natin
Tingnan ang dayagram sa ibaba, Isulat sa dulo ng bawat guhit ang mga
pagkain na kabilang sa bawat pangkat.

46
Gawin Natin

1. Ilista ang pagkaing ihahanda sa hapunan sa inyong bahay.


2. Suriin kung ang tatlong pangkat ng pagkain ay kasama sa pagkaing
ihahanda at isulat kung anong sustansiyang taglay ng bawat pagkain.

Sanggunian:

Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaralYunit 2


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS)
https://www.google.com/search?q=food+pyramid+clipart++bblack+and
+white https://www.google.com/search?q=go+foods+clipart++bblack+and+white web stock
review https://www.google.com/search?q=glow+foods+clipart++bblack+and+white clipart
library https://www.google.com/search?q=grow+foods+clipart++bblack+and+ white food and
nutrition library 2.2

47
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral
Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/ WENDY P. CONIATO, SES
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

48
Aralin
Wastong Paggamit ng Kubyertos
9

Alamin Natin
Layunin:
Naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng kubyertos kutsara attinidor
EPP4HE-0I-14

Subukin Natin
Pansinin ang larawan anong mga kagamitan ang kanilang ginagamit sa
kanilang hapag kainan. Magbigay ng lima (5) at isulat ito sa inyong kuwaderno.

Balikan Natin
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano-ano ang tatlong pagkat ng pagkain?
2. Anong bitamina ang naibibigay sa ating katawan ng mga pagkain
katulad ng prutas at gulay?
3. Ang mga pagkain ba na nabibilang sa tatlong pangkat ng pagkain ay
nakakatulong upang maging malakas ang ating katawan?

49
Tuklasin Natin

Ang wastong pag-aayos, paghahanda, at paggamit ng mga kubyertos sa


hapag-kainan ay dapat matutunan at maisagawa ng batang tulad mo. Ito ay
makatutulong upang maging kaaya-aya ang paghahain ng pagkain at ikagagana
ng bawat miyembro ng pamilya.
Mapag-aaralan sa modyul na ito ang wastong hakbang sa pag-aayos ng
hapag-kainan at ang tamang paghahain ng pagkain.
Inaasahan na pagkatapos mong aralin ang paksang ito ikaw ay:
1. Makapagpapakita nang wastong paraan ng paggamit ng kubyertos.
2. Makasusunod sa tamang panuntunan sa pagkain angkop sa kung
ano mang kultura mayroon ka.
3. Makapagpapakita ng kagandahang asal sa hapag-kainan habang
kumakain.

Talakayin Natin
Mga Wastong mga Hakbang sa
Pag-aayos ngHapag-kainan

1. Punasan ang mesa at maglagay ng


mantel o placemat sa lugar ng
bawat taong kakain.Ito ay tinatawag
na one cover.
2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna
ng cover na may pagitang isang pulgada mula sa gilid ng mesa.
3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta
at tinidor na nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara na
nakatihaya rin at sa bandang itaas nito ilagay ang baso na may ¾ na
tubig.
4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.
5. Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang
makakilos nang maluwag at maayos ang mga kakain.

50
Pagyamanin Natin

Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa guhit.


1. Ipaliwanag kung paano mo ginagamit ang kubyertos (Kutsara at Tinidor).

2. May panahon bang hindi ka gumagamit ng kubyertos? Bakit?

3. Ilarawan ang tamang paggamit ng kubyertos.

4. Ano ang gagawin mo kung sakaling may nakita o nakasama ka na hindi


gumagamit ng kubyertos habang kumakain?

5. Kaaya-aya bang tingnan ang paggamit ng kubyertos sa hapag kainan?


Bakit?

Maghanap ng larawan sa mga lumang babasahin o magasin na


nagpapakita ng kabutihang-asal sa hapag-kainan. Ayusin at idikit ito sa loobng
kahon.

Tandaan Natin

Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain sa hapag-


kainan. Isa itong masayang tagpo na dapat pagyamanin ng bawat
kasapi ng mag-anak. Maraming magagandang bagay ang puwedeng
maganap habang kumakain. Upang maisakatuparan ito sundin ang
mga sumusunod napanuntunan:
51
Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan.

1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.


2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae bago
ang lalaki.
4. Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang ipatong
ang mga siko sa ibabaw ng mesa.
5. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang gamitin
bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
6. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas
sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay.
7. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng
kutsara at hindi ang dulo nito.
8. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit dito
kung gusto mong kumuha nito.
9. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang kasamang
kumakain. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
10.Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip ito ay
hayaang kusang maalis ang init.
10. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.
11. Magkuwento ng masayang bagay. Iwasan ang paksang ukol sa
patay, sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakawawala ng gana sa
pagkain.
11.Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang ang
kutsara at tinidor sa pinggan.

Isabuhay Natin
Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad ng pangungusap.

1. Punuin ng pagkain ang pinggan.


2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng pagkain.
3. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.
4. Magkuwento ukol sa patay o sa mga maysakit habang kumakain.
5. Ilagay nang pahalang sa ibabaw ng pinggan ang mga kubyertoskung tapos
nang kumain.

52
Tayahin Natin
Sagutin ang mga sumusunod. Lagyan ng larawan ng ◆ smiley o
happy face ang patlang kung ang pangungusap ay nagsasabi ng
kagandahang-asal sa hapag-kainan at sad face kung hindi.

1. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.


2. Hayaang lumamig ang pagkain bago isubo.
3. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
4. Maaaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa pagputol ng
pagkain.
5. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.

Gawin Natin
Ilarawan ang tamang posisyon ng mga kagamitan sa pagaayos ng
isang cover sa hapag-kainan. Iguhit sa inyong kuwaderno.

Sanggunian:

Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral


Yunit 2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
https://www.google.com/search?q=table+set+of+plate+clipart++bblack
+and+white
https://classroomclipart.com/clipart-search/NEW/

53
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral
Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/ WENDY P. CONIATO, SES
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

54
Aralin Pagliligpit at Paghuhugas ng
10 Pinagkainan

ALAMIN NATIN
Layunin
1.3 Naisasagawa nang may sistema ang pagliligpit at paghuhugas ng
pinagkainan EPP4HE-0b-14

Subukin Natin
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na tanong at isulat sa
malinis na papel. Isulat ang titik ng tamang sagot. Ano ang gagawin mo
sa bawat pangyayari?
1. May nabasag na baso at kailangang itapon.
A. Dadakutin at ilalagay sa basurahan.
B. Pupuluting isa-isa ang bubog.
C. Ibabaon sa lupa.
D. Babalutin ng lumang diyaryo at ilalagay sa basurahang may takip.
2. Walang trak na kumukuha ng basura sa inyong lugar.
A. Susunugin ang lahat na basura.
B. Itapon sa bakanteng lote ang basura.
C. Paghiwalayin at ibaon ang nabubulok na basura.
D. Itapon sa malapit na ilog.
3. Ikaw ay maglilinis ng kisame at mag-aagiw.
A. Tumungtong sa bintana.
B. Gamitin ang walis na may mahabang tangkay.
C. Gamitin ang cabinet para maabot ang kisame.
D. Lumundag para walisin ang agiw
4. Nakatakda kang magwalis at maglinis ng mga muwebles.
A. Gumamit ng hair net. C. Maghugas ng kamay.
B. Gamit ang panyo magtakip D. Gumamit ng gloves
ng ilong.

5. Anong kagamitan sa hapag kainan ang nauunang hugasan?


A. Baso C. kubyertos
B. Pinggan D.Platito

55
Balikan Natin

Sagutin ang mga sumusunod. Lagyan ng larawan ng tsek ( √) ang


patlang kung ang pangungusap ay nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapag-
kainan at ekis (X) kung hindi.
_ 1. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.
_ 2. Hayaang lumamig ang pagkain bago isubo.
_ 3. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
_ 4. Maaaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa pagputol ng pagkain.
_5. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.

Tuklasin Natin
Ang mag-anak na nagtutulungan ay masayang natatapos ano mang
gawaing nasimulan. Ito ang dapat mong tandaan upang mapanatiling maayos
ang inyong tahanan pati na rin ang inyong samahan. Ang mga gawain sa
paghahanda ng pagkain ng mag-anak ay hindi natatapos sa pagluluto at
pagdudulot ng pagkain lamang. Bawat kasapi ng pamilya ay kailangang
tumulong hanggang sa pagliligpit ng pinagkainan.
Mapag-aaralan sa modyul na ito ang mga gawain pagkatapos kumain sa
hapag-kainan. Ang mga ito ay madaling maisakatuparan kung ang bawat isa
ay handang makipagtulungan. Pagkatapos mong pag-aralan ang paksang ito,
ikaw ay inaasahang:
1. Makasusunod sa wastong paraan ng paghuhugas at pagliligpit
ng pinagkainan at pinaglutuan;
2. Makagagawa nang may sistema sa pagliligpit at
paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan; at
3. Makapagsasabi kung ano ang kabutihang dulot ng may maayos at
malinis na kusina.

56
Talakayin Natin
Basahin at pag-aralan ang sumusunod na paraan sa pagliligpit at
paghuhugas ng pinagkainan at iba pang kagamitan sa pagluluto. Ang mga ito
ay makatutulong upang mapadali at mapagaan ang nasabing gawain.
A. Paglilinis ng mesa
1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.
2. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay sa tray.
3. Dalhin ang mga ito sa kusina upang hugasan.
4. Itago ang mga pagkaing hindi naubos at linisin ang mesa.

B. Paghuhugas ng pinagkainan at mga kagamitan sa pagluluto


1. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na
kasangkapan. Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong
kanan nglababo ayon sa pagkasunod-sunod:
a. baso o glassware
b. kubyertos o silverware
c. plato o chinaware
d. sandok at siyansi
e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa
2. Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na
sabon o dishwashing liquid at espongha o sponge. Tiyaking malinis ang
mga ito bago gamitin. Sundin ang pagkasunod-sunod sa pagsasabon.
3. Banlawang mabuti. Kuskusin ang mga binabanlawan upang maalis ang
dumikit na sabon o panghugas at maalis ang amoy. Kapag ang ulam ay masebo
o mamantika gaya ng adobo, gumamit ng mainit na tubig sa pagbabanlaw ng
mga pinggan at kubyertos.
4. Ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.
5. Patuyuin ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.
6. Ang mga baso ay hindi pinupunasan upang hindi lumabo.
7. Iligpit o ilagay ang mga ito sa dapat kalagyan, pagkatapos hugasan at
patuyuin ang lahat ng pinagkainan at pinaglutuan.
8. Tiyakin na ang mga lalagyan ay malinis at walang amoy, bago iligpit ang mga
kasangkapang ginamit. Sa ganitong paraan walang ipis o daga na pupunta.

9. Ilagay sa bandang unahan o sa lugar na madaling makuha ang


mga kasangkapang karaniwang ginagamit.

56
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano-ano ang mga wastong paraan ng paghuhugas sa pinagkainan at
pinaglutuan?
2. Anong kagamitan ang dapat unang huhugasan, pangalawa, pangatlo, etc.?
3. Bakit kailangang sundin ang ganitong pagkasunod-sunod?Pagkatapos
mahugasan ang lahat ng pinagkainan at pinaglutuan. Ano na ang
inyong gagawin?
4. Bakit kailangang malinis at walang amoy ang lalagyan ng mga kasangkapan?

Pagyamanin Natin

Sabihin sa iyong nanay na gusto mong magpatalaga na maghuhugas


at magliligpit ng pinagkainan at pinaglutuan tuwing agahan / tanghalian /
hapunan. Pumili ng isa sa iskedyul na gusto o akma sa iyo. Papirmahan sa
magulang ang kasunduan sa loob ng isang linggo tulad ng nasa kabilang
pahina.

Iskedyul Linggo Lunes Martes Miyerkules huwebes Biyernes Sabado


Umaga
Tanghalian
Hapunan

Tandaan Natin
Ang mga simpleng gawain ay nagdudulot rin ng mga sakuna na dapat
natin isaalang-alang (tulad ng pagkakasakit, pagkasugat, atbp.) kung hindi
susundin ang mga paraan at kung hindi malinis at maayos ang mga
kagamitan o kasangkapan sakusina.

Isabuhay Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Anong gawain pa ang dapat mong gawin pagkatapos magluto at kumain?
2. Paano nililinis ang mesa?
3. Paano ang wastong paraan ng paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan?
4. Paano ililigpit ang mga hinugasang pinagkainan at pinaglutuang kagamitan?
5. Ano ang dapat tandaan sa paghuhugas at pagliligpit ng pinagkainan?

57
Tayahin Natin
Ayusin ang pagkasunod-sunod ng paghugas ng mga pinagkainan at
kasangkapan sa kusina. Isulat ang bilang isa (1) hanggang lima (5) sa patlang
ayonsa pagkakasunod-sunod ng paghuhugas.

_ a. mga plato, platito, tasa, at mangkok o chinaware


_b. mga kubyertos o silverware
_ c. mga baso o glassware
_ d. palayok, kaldero, kawali, at iba pa
_e. sandok at siyansi

Gawin Natin

Sa inyong tahanan sabihin sa inyong nanay na ikaw ang


maghuhugas ng pinakainan.Sundin ang mga paraan na iyong pinag-aralan
tungkol sa maayos at ligtas na paghuhugas ng pinagkainan. Ipasulat sa
isang papel ang komento ng iyong magulang tungkol sa iyong ginawa.

Sanggunian:

Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral


Yunit 2
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)

58
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral
Manunulat: MARILOU C. FLORES
Editor: BIBIANA MUSTACISA
Editor ng Wika: LEILA R. BELER
Taga-rebyu: MARILOU G. CAMMAGAY

Mga Tagaguhit: MELANIE D. GATANELA/ AMAPOLA ESPOS


Tagalapat: MELANIE D. GATANELA, ESVES/ WENDY P. CONIATO
Mga Tagapangasiwa: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA L. EBOÑA, EPS, KINDER/EPP-TLE
DR. JOSE F. ABISADO, JR., EPS – EPP/TLE
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Printing Sponsor: CITY GOVERNMENT OF TAGUIG

Para sa katanungan, tumawag sa:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

59

You might also like