You are on page 1of 74

EPP 4 D

A
Pag-aalaga ng Sariling
Y
Kasuotan
3

Quarter 3 Week 1
Panimulang Gawain:

a. Panalangin

b. Attendance

c. Kamustahan
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba:
Tanong:

-Anu-ano ang makikita sa mga larawan?

-Para saan isinusuot ang mga ito?

- Paano natin mapangangalagaan ang ating mga

pambasang kasuotan?
May iba’t ibang kasuotang ginagamit sa iba’t

ibang gawain na dapat mong tandaan at isagawa.

Mahalagang mapangalagaan mo ang iyong mga kasuotan

upang ito ay magamit sa mahabang panahon.


Ang wastong pangangalaga ng mga
damit ay isang paraan ng pagtitipid.
Mahalagang batid o alam ang mga paraan
sa pag-aalaga ng mga kasuotan upang
tatagal at hindi masayang ang perang
ginasta pambili ng mga ito.
Dapat panatilihing maayos at malinis ang mga

kasuotan at magagamit anumang oras na kailangang

suotin. Nakakadagdag sa kaayusan at kumpyansa sa

sarili kung malinis at maayos ang kasuotan.


Narito ang mga paraan kung paano mo

mapapangalagaan ang iyong mga kasuotan:


1. Alamin ang iba’t ibang uri ng kasuotan.
-Kailangang gumamit ng angkop na kasuotan sa tamang
pagkakataon upang magamit ito sa mas matagal na panahon.
Mayroong mga kasuotang pambahay, pantulog, panlaro,
uniporme, pansimba, panlakad at pangnatatanging okasyon o
pang-espesyal na okasyon.
Mga Iba’t ibang uri ng kasuotan
a. Pambahay – ito ay dapat maluwag at malambot upang
malayang nakagagalaw ang taong magsusuot nito.
Karaniwang gawa ito sa malambot na tela.
b. Panlaro – ito ay dapat magaan at maluwang upang
maging Malaya at maginhawa ang pagkilos ng
katawan.
c. Pantulog – ito ay manipis, maluwang, at maginhawa
tulad ng padyama. Ang mga luma at malilinis na damit
ay pwede ring pantulog.
d. Pang-alis o panlakad – ito ay naiiba sa
pangkaraniwang damit. Ito ay magara at ginagamit sa
tuwing may okasyon tulad ng pista, handaan, salo-salo o
iba pang pagdiriwang.
Pansimba Para sa espesyal na
okasyon
e. Pang-eskwela o pampasok – ito ay
ang uniporme na ginagamit sa
pagpasok sa paaralan. Karaniwan sa
babae ito ay blusa at palda, sa lalaki
naman ay polo at long pants o shorts.
Dapat madali itong labhan at
patuyuin.
2. Mag-ingat sa pag-upo – tingnan ang lugar na
uupuan. Mas mabuti kung ito ay pupunasan mo muna
bago upuan para matiyak na ito ay malinis. Sa mga
babae ingatan ang mga paldang may pleats at huwag
hayaang magusot ito sa iyong pag-upo.
SUBUKIN NATIN

Panuto: Suriin ang nasa larawan. Bilugan ang

wastong titik kung saan ito nababagay suotin

sa tamang pagkakataon.
PAGLALAPAT

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong

upang masukat ang iyong kaalaman sa araling ito.

Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.


1. Anu-ano ang uri ng kasuotan ang mayroon ka?

2. Sa mga kasuotan na iyong naitala, ano ang kadalasang

nagiging sira nito base sa iyong karanasan?

3. Paano mo ito mapapangalagaan


PAGLALAHAT

-Ano ang iba’t ibang uri ng kasuotan?

-Bakit mahalagang malaman mo ang wastong

pangangalaga sa iyong kasuotan?


PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga

pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga halimbawa ang tamang damit kung tayo
ay papasok sa paaralan?
a. damit pangsimba
b. damit pantulog
c. gown
d. school uniform
2. Si Alecia ay pupunta sa kasal. Anong angkop na

kasuotan ang dapat niyang suotin?

a. daster c. pajama

b. gown d. school uniform


3. Upang maging maginhawa ang pakiramdam sa

pagtulog. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang

angkop na suotin?

a. daster c. pajama

b. maong at polo d. gown


4. Anong damit ang karaniwang gawa sa malambot
na tela?

a. damit pambahay
b. maong
c. pantalon
d. polo
5. Ano ang iyong gagawin kapag nadumihan ang

iyong damit?

a. hayaan c. ipagpaliban

b. itambak d. labhan agad


KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Sa iyong sariling karanasan, magtala


ng iba pang paraan kung paano mo higit na
mapapangalagaan at mapapanatiling malinis
ang iyong kasuotan.
EPP 4 D
A
Pag-aalaga ng Sariling
Y
Kasuotan
4

Quarter 3 Week 1
BALIK - ARAL

-Ano ang iba’t ibang uri ng kasuotan?

-Bakit mahalagang malaman mo ang wastong

pangangalaga sa iyong kasuotan?


Basahin ang sumusunod na artikulo mula sa isang

pahayagan.

Tamang Paraang ng Paglalaba ni Dr. Willie T.

Ong (Pilipino Star Ngayon)


Maraming Pilipino ang naglalaba araw-araw ng
kanilang damit. Babae man o lalaki ay kailangang maglaba.
Bihira lang naman ang may kayang bumili ng washing
machine. Ngunit may masamang epekto sa katawan ang
maling paraan ng paglalaba. Marami sa atin ang sumasakit ang
likod, kamay at tuhod dahil sa paglalaba.
Una, kapag umupo tayo nang matagal sa bangkito at
sasakit na ang ating likod. Ang pagbuhat ng mabigat na
palanggana ay masama rin sa likod. Pangalawa, kapag
nakatalungko nang matagal sa bangkito at maninigas na
ang tuhod at mahihirapan na itong maderetso
At pangatlo, sa katagalang paglalaba ay

mamamanhid at sasakit na ang mga kamay. Para

maiwasan ang mga sakit na ito, Sundin ang mga dapat at

ang tamang paraan ng paglalaba.


1. Ipatong ang palanggana ng
labahin sa isang mesa. Sa ganitong
paraan ay hindi ka mapipilitang
yumuko para maglaba.
Mababawasan ang sakit ng iyong
likod.
2. Gumamit ng normal na silya na angkop para sa iyong
mesa. Makatutulong ito sa iyong likod at tuhod. Ang
pagtatalungko (squat) ay nakakapuwersa sa litid ng tuhod.
Masama ito.

https://www.vecteezy.com/vector-art/7837831
3. Kapag magbubuhat ng mabibigat na palanggana,
magpatulong sa ibang tao. Huwag buhatin ng mag-isa dahil
baka mapilay (sprain) ang iyong likod. May taong
nagkakaroon ng “slipped disc” o iyung lumihis ang buto sa
likod. Gamitin ang masel ng paa at hita sa pagbubuhat habang
pinapanatiling deretso ang likod.
4. Sa mga namamanhid ang kamay, ito ay marahil dahil sa
carpal tunnel syndrome. Ito ay isang sakit na dulot ng
matagalang paggamit ng kamay para magkusot at magpiga
ng labahan. Ang solusyon dito ay ang magpahinga. Bawasan
ang dami ng iyong labahin o magpatulong na lang kay Ate,
Kuya, Nanay o kay Tatay sa paglalaba.
5. Makatutulong din ang paggamit ng guwantes habang
naglalaba. Makababawas ito sa sakit sa balat, allergy sa balat
at pangungulubot ng kamay.

https://www.thespruce.com/
6. Kung magkakaroon ng pera balang araw ay bumili na
lang ng isang washing machine. Malaking tulong ito para
mabawasan ang sakit ng iyong katawan. Good luck po.

The different types of washing machines


– Smart Home Magazine (allhomedevices
.com)
Tanong:
1. Tungkol saan ang binasa mong artikulo?
2. Ano ang mga pamamaraan na nabanggit sa
paglalaba?
3. Ayon sa artikulong nabasa, ano ang mga masamang
epekto na maling pamamaraan ng paglalaba?
Mga paraan kung paano mo mapapangalagaan
ang iyong mga kasuotan:

3. Paglalaba
Ang paglalaba ay ang proseso ng paglilinis ng ating
mga kasuotan. Sa paglipas ng panahon, ang paraan ng
paglalaba ay nagbago. Maraming mga kagamitan ang
naimbento upang makatulong sa paglilinis ng ating mga
kasuotan. Nagkaroon din ng mga makinang naimbento
kagaya ng washing machine at marami pang iba.
Kung namantsahan ang suot na damit, agad itong
labhan habang sariwa pa upang madali itong matanggal. Mas
mabuti kung ikaw ay may kaalaman sa tamang paraan ng
paglalaba upang higit mong maingatan ang iyong kasuotan.
Gumagamit din tayo ng bleach sa mga de-kulay na
kasuotan at chlorox naman sa mga puting damit kung ang
mantsa na kumapit dito ay mahirap tanggalin at hindi kaya ng
sabon lamang.
Mga Pangunahing Sangkap ng Sabong

Panglaba at ang Gamit Nito


Ang mga sabong pang laba ay malayo na ang
ipinagbago mula ng maimbento ang bar soap na gawa sa
sebo ng hayup at lye noong taong 1700’s. Noong taong
1950’s natuklasan ang mga tinatawag na synthetic detergents
o sabong gawa sa mga kemikal na lalung nagpa ganda sa
resulta ng paglalaba.
Natuklasan din ng mga experts ang tinatawag na
laundry enzymes noong taong 1970’s na bukod sa pagaalis
ng makapit na dumi, nagaalis pa rin ito ng mga mantsa at
amoy sa damit. Marami tayung mabibiling ibat ibang tatak
ng sabong panlaba, at maaring ibat iba rin ang mga gumawa
nito.
Sila ay may kanya kanyang sekreto sa mga sankkap
ng kanilang produkto, may produktong gawa sa mga
halaman (Organic soap) at ang iba naman ay galing sa
petrolyo o langis. Ang bisa ng sabon sa paglilinis ng damit
ay naka salalay sa dami ng sangkap pang linis na inilagay
dito, tulad ng:
Alkalies - Ito ang pangunahing sangkap sa sabong panglaba.

Ang alkalies ay soluble salts at base na humahalo sa acid upang

ma neutralize ito. Ang alkalies ay sangkap na nagaalis ng dumi

at mantsa sa tela ng hindi kinakailangang ng todong kusutan.


Surfactants and Anti-Redepositing Agents- Isa pa rin sa

pangunahing sangkap ng sabong panglaba ay ang

surfactants. Ang surfactants ang nagpapalambot at nagaalis

ng dumi sa damit at inihahalo nito ang dumi sa tubig


kaya mapapansin natin na ang tubig na pinagbabaran

natin ng damit ay dumumi kahit hindi natin ginagalaw ito.

Ang duming nasa tubig ay pinipigilan ng sufactants na

dumikit muli sa damit.


Mga Uri ng Surfactants

 alkyl sulfates (anionic)

 alkyl ethoxylate sulfates (anionic)

 ethers of fatty alcohol (non-ionic)


Mga Aktibong Materials ng Laundry Detergent
 pH modifiers to balance acids and bases in water
 optical brighteners (bleach alternative) para lalung pumuti
ang damit habang naka sampay sa init ng araw o pagkukula.
Iwasan lamang ikula o isampay ang mga de kolor sa
matinding liwanag ng araw upang hindi mangupas ang kulay.
· water conditioners upang mai angkop ang sabon sa kahit
ano mang uri ng tubig.
 suds control with soap or silicone para mapigilan ang
sobrang bula ng sabon.
 preservatives para hindi mabulok ang binabad na damit at
pamatay ng mga mikrobyo at mapigilan ang pagdami nito.
Catalytic Enzymes- Ang catalytic enzymes ay maaaring
natural o processed chemical. May ibat ibang uri ng catalytic
enzymes na ginagamit sa pagaalis ng iba’t ibang uri ng dumi
ng damit. Pinaghihiwalay hiwalay ng catalytic enzymes ang
mga dumi sa damit kasing liit ng molecule upang madali itong
matanggal.
 protease – nagaalis ng duming protein-based
 amylase – nagaalis ng duming starch-based or
carbohydrate
 cellulase – pinaluluwag ang mga cotton fibers
para maalis ang dumi nito.
 lipase – nagaalis ng duming fat-based

 mannanase – nagaalis ng mantsa galling sa mga

pagkain

 pectinase – nagaalis ng mantsa galing sa mga prutas


Fragrance o Pabango- Ang fragrances o pabango ay
nagdudulot ng perception of cleanliness lamang.
Colorant or Dyes (Tina)- Dyes o tina ay ginagamit sa
paglalab upang madagdagan lamang kulay ng damit upang
mag mukhang bago. Walang paglilinis na nililikha ito sa
damit.
SUBUKIN NATIN
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at

Hanay B. Tukuyin kung anong uri ito ng

Catalytic Enzymes.
HANAY A HANAY B

____1. Nag-aalis ng mantsa A. Protease


galling sa mga prutas.
B. Amylase
____2. Nag-aalis ng duming fat-
C. Cellulose
based.
D. Lipase
____3. Nag-aalis ng duming
protein based. E. pectinase
HANAY B
HANAY A
____4. Nagaalis ng duming starch- A. Protease

based or carbohydrate. B. Amylase

C. Cellulose
____5. Pinaluluwag ang mga cotton
D. Lipase
fibers para maalis ang dumi nito.
E. pectinase
PAGLALAPAT

-Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong

sa inyong tahanan sa paglalaba ng inyong mga

kasuotan?
PAGLALAHAT NG ARALIN

-Ano ang paglalaba?

-Anu-ano ang mga pangunahing sangkap ng mga

sabong panlaba at gamit nito?


PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ng TAMA ang katanungan kung ikaw

ay sangayon at MALI naman kung hindi. Gawin mung

batayan ang iyong nabasa. Isulat ang sagot sa iyong

kwaderno.
1. Ang lugar ng bahay na kung saan dito isinasagawa

ang paglalaba ay o ano mang paglilinis ng damit ay

tinatawag na laundrette sa British English o

laundromat sa American English.


2. May natuklasan ng sabon noong dekada 1700’s,

at ang sangkap nito ay mga sebo ng hayup at Dye.


3. Ang bisa ng sabon sa paglilinis ng damit ay naka salalay
sa dami ng sangkap pang linis na inilagay dito.

4. Ang ethers of fatty alcohol ay isang surfactant ng sabong


panglaba na dapat gamitin sa paglalaba sa mga ilog o sa
mga balon.
5. Ang preservative ay inilalagay sa mga sabong

pang laba upang hindi kaagad maluma ang mga

damit dahil sa paglalaba.


KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Magpaturo ng paglalaba sa iyong magulang o
kapatid. Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa iyong
karanasan. Maglagay ng iyong larawan kung kayang
gawin upang mapaganda ang awtput. Isulat ito sa iyong
kwaderno.
D
EPP 4
A
CATCH UP FRIDAY Y
5

Quarter 3 Week 1

You might also like