You are on page 1of 3

ESP 6

Summative Test – 2nd Quarter

Panuto: Basahin at unuwaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang
sagot sa patlang.

_____ 1. Aling pangungusap ang sinasang-ayunan mo?


A. Dapat sundin ang batas kung gusto mo.
B. Dapat sundin palagi ng lahat ng tao ang batas.
C. Sundin ang batas kung ito ay makabubuti sa atin.
D. Sundin ang mga batas kung may pulis na nakatingin.
_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa batas?
A. Tumawid kapag green light C. pagsunod sa mga babala
B. Magtapon ng basura kahit saan D. Sasakyang maiitm ang usok
_____ 3. Magaganda ang mga bulaklak sa paligid ng monument ni Rizal. Ibig mamitas
ng iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaang ko siyang mamitas C. Pagsabihan ko siya na bawal
mamitas
B. Sasamahan ko siyang mamitas D. Magkunwari na diko siya
kasana
_____ 4. Ang pagtawid sa mga kalsada ginagamit ang underpass, overpass at guhit
tawiran. Sino ang pinangangalagaan ng mga ito?
A. Tao B. hayop C. sasakyan D. bagay
_____ 5. Ang mga lumalabag sa batas ay dapat parusahan.
A. Tama B. Mali C. Hindi D. minsan
_____ 6. Ang kaibigan mong si Sarah ay hindi pumasok sa paaralan. Nagtatrabaho na
siya para sa kanyang pamilya. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa bantay bata 163 C. Humanap ng tao na tutulong sa
kanya
B. Isumbong siya sa mga pulis D. Humanap ng pamilya na maaaring
pasukan niya
_____ 7. Ayaw ni Nina ang maabala. Nais niyang mapag-isa sa parke. Ano ang
gagawin mo?
A. Tawagin ang mga kaibigan mo para kausapin siya.
B. Huwag siyang kausapin kahit kalian
C. Tawagin ang mga magulang niya
D. Iwanan siyang mag-isa.
_____ 8. Malimit na mababa ang nakukuhang marka ng kaklase mong si Tonton. Ano
ang gagawin mo?
A. Hayaan siyang kopyahin ang iyong sagot.
B. Hayaan siyang makakuha ng mababang marka.
C. Sabihin ito sa mga kaibigan upang matulungan siya.
D. Turuan siya ng nalalaman mo bago magkaroon ng pagsusulit.
_____ 9. Mahirap ang itinakdang gawain ng guro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Mangopya ng gawain ng iba.
B. Humingi ng tulong sa kaklase.
C. Hayaan ang magulang na gumawa nito.
D. Gawin ang itinakdang gawain ayon sa makakaya.
_____ 10. Gumagawa ka ng takdang aralin. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro.
Ano ang gagawin mo?
A. Makipaglaro sa kanya pagkatapos ay gawin ang takdang-aralin.
B. Magpatulong sa kanya sa paggawa ng takdang -aralin.
C. Tapusin ang takdang-aralin at saka makipaglaro.
D. Maglaro habang gumagawa ng takdang-aralin.
_____ 11. Nahulog sa hagdan ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Tulungan at dalhin sa klinika
B. Huwag pansinin at pabayaan na lamang.
C. Tumawag ng ibang bata para tulungan siya.
D. Pagtawanan siya sa kanyang pagkahulog.
_____ 12. Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?
A. Makinig sa nagsasalita.
B. Gawin ang nais na gawin.
C. Sumunod sa mga iminumungkahi.
D. Sabihin sa iba kung ano ang gagawin.
_____ 13. Bakit nagkakaroon ng kampanya ang gobyerno?
A. Upang humingi ng donasyon.
B. Upang lumaki ang perang ipon.
C. Upang mabago ang kalagayan ng mga tao.
D. Upang magkaroon ng programang ipatutupad.
_____ 14. Sino ang dapat makisali sa kampanya ng gobyerno?
A. Ang mga nagplano at nagpatupad nito.
B. Ang mataas na opisyal ng gobyerno.
C. Ang manggagawa sa pamahalaan.
D. Ang mamamayang Pilipino.
_____ 15. Paano ka makikisali sa kampanya ng pamahalaan?
A. Sumali sa rali.
B. Humingi ng tulong o donasyon.
C. Gawin ang nais ng kampanya.
D. Labanan ang kampanya.

You might also like