You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Iloilo
District of Leon I
Canananman Integrated School
IKALAWANG KWARTER NA PAGSUSULIT SA ESP 6

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________ Iskor: _________

I. Panuto: Isulat ang T kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng pagtupad sa pangako at M kung hindi sa patlang.

_______1. Dahil sa sobrang abala ko sa aking trabaho hindi na ako pumunta sa kaarawan ng kaibigan ko na
pinangakuan ko na ako’y dadalo.

_______2. Nangako si Rita sa kanyang kaibigan na si Mila na magkikita sila sa harap ng plasa sa
ganap na ika-4 ng hapon para manood ng palabas. Tinupad ni Rita ang kanyang pangako sa kaibigan.

_______3. Nangako ka na sasamahan mo ang kaibigan mo sa kanyang pagbakasyon sa inyong lugar. Nakabalik na
lamang siya ng Maynila na hindi mo nakikita dahil tinatamad kang mamasyal.

_______4. Sinabi mo sa inyong guro ang totoong pangyayari dahil nangako ka na hinding- hindi ka na
magsisinungaling.

_______5. Tinupad ni Jose ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang na maging isang doktor.

_______6. Inayos mo ang sirang laruan ng iyong kapatid na pinangako mo sa kaniya na aayusin.

_______7. Kahit pagod ka galing sa pag-aaral ay tinulungan mo parin ang kaibigan mo sa paghahanap ng
kaniyang aso dahil sa binitiwan mong pangako sa kaniya.

_______8. Himbing kang natulog sa araw ng lingo kahit nangako ka na magsisimba kayo ng mga kaibigan mo.

_______9. Maaga kang gumising upang matapos agad ang gawaing bahay dahil nangako kang tutulong ka sa
paglilinis ng inyong paaralan.

_______10. Hindi ka bumibitaw ng pangako na hindi mo kayang tuparin.

II. Panuto: Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagtupad sa napagkasunduan at
kung hindi.

_______11. Maagang naligo si Allan dahil napagkasunduan nila ng kaniyang nanay na madaling

araw pa sila mamamalengke.

_______12. Hindi pumunta si Jessa sa napagkasunduan nilang lugar ng kanyang matalik na kaibigan.
_______13. Sasali sa isang paligsahan ang grupo nina Alex dahil ito ang kanilang napagkasunduan.

_______14. Matiyagang naghintay si Aling Marta sa mall kung saan magkikita sila ng kanyang kumareng si Aling
Susing na siyang kanilang napagkasunduan.

_______15. Hindi natupad ang pinag-usapan ng barkada ni Joey na maliligo sila sa ilog noong nakaraang Sabado
dahil may ibang pinagkaabalahan ang mga ito.

_______16. Usapan ng buong klase na babalik sa araw ng Sabado sa paaralan para sa pagsasanay ng sayaw na
itatanghal sa Lunes. Lahat ay tumupad sa napag-usapan upang mapaganda ang kalalabasan ng nasabing aktibidades.
_______17. Nagkasundo kayong magkakaibigan na pupunta sa plaza upang panoorin ang mga palabas na
gaganapin. Maaga kang naghanda upang makarating sa lugar na napagkasunduan.

_______18. Napag-usapan nina Rico, Cris at Jhecor na magsasanay ng larong chess para sa Palarong Pambansa
sa araw ng Sabado ngunit hindi nakapunta ang dalawa sa mga ito
dahil may piyestang dinaluhan.

_______19. Nakiusap at nakipagkasundo si Cindy sa kanyang guro na ihahabol ang mga gawaing hindi niya naibigay
dahil sa karamdaman. Binigyan siya ng pagkakataon na ipasa ang mga gawain sa susunod na linggo at agad niya
itong natapos.

_______20. Nag-usap sina Jessiel at Joenel na aayusin at lilinisin nila ang silid-aralan, ngunit nagulat ang buong
klase nang makita na marumi pa rin ito.

III. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______21. Aling pangungusap ang sinasang-ayunan mo?


A. Dapat sundin ang batas kung gusto mo.
B. Dapat sundin palagi ng lahat ng tao ang batas.
C. Sundin ang batas kung ito ay makabubuti sa atin.
D. Sundin ang mga batas kung may pulis na nakatingin.
_______ 22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa batas?
A. Tumawid kapag green light C. pagsunod sa mga babala
B. Magtapon ng basura kahit saan D. Sasakyang maiitm ang usok
_______23. Magaganda ang mga bulaklak sa paligid ng monument ni Rizal. Ibig mamitas ng iyong
kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaang ko siyang mamitas C. Pagsabihan ko siya na bawal mamitas
B. Sasamahan ko siyang mamitas D. Magkunwari na diko siya kasana
_______24. Ang pagtawid sa mga kalsada ginagamit ang underpass, overpass at guhit tawiran. Sino ang
pinangangalagaan ng mga ito?
A. Tao B. hayop C. sasakyan D. bagay
_______25. Ang mga lumalabag sa batas ay dapat parusahan.
A. Tama B. Mali C. Hindi D. minsan
________26. Ang kaibigan mong si Sarah ay hindi pumasok sa paaralan. Nagtatrabaho na siya para sa kanyang pamilya. Ano ang
gagawin mo?

A. Sabihin sa bantay bata 163 C. Humanap ng tao na tutulong sa kanya


B. Isumbong siya sa mga pulis D. Humanap ng pamilya na maaaring pasukan niya

________27. Ayaw ni Nina ang maabala. Nais niyang mapag-isa sa parke. Ano ang gagawin mo?
A. Tawagin ang mga kaibigan mo para kausapin siya.
B. Huwag siyang kausapin kahit kalian
C. Tawagin ang mga magulang niya
D. Iwanan siyang mag-isa.
________28. Malimit na mababa ang nakukuhang marka ng kaklase mong si Tonton. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan siyang kopyahin ang iyong sagot.
B. Hayaan siyang makakuha ng mababang marka.
C. Sabihin ito sa mga kaibigan upang matulungan siya.
D. Turuan siya ng nalalaman mo bago magkaroon ng pagsusulit.
________29. Mahirap ang itinakdang gawain ng guro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Mangopya ng gawain ng iba.
B. Humingi ng tulong sa kaklase.
C. Hayaan ang magulang na gumawa nito.
D. Gawin ang itinakdang gawain ayon sa makakaya.
_______ 30. Gumagawa ka ng takdang aralin. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro. Ano ang gagawin
mo?
A. Makipaglaro sa kanya pagkatapos ay gawin ang takdang-aralin.
B. Magpatulong sa kanya sa paggawa ng takdang -aralin.
C. Tapusin ang takdang-aralin at saka makipaglaro.
D. Maglaro habang gumagawa ng takdang-aralin.
_______31. Nahulog sa hagdan ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Tulungan at dalhin sa klinika
B. Huwag pansinin at pabayaan na lamang.
C. Tumawag ng ibang bata para tulungan siya.
D. Pagtawanan siya sa kanyang pagkahulog.
_______32. Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?
A. Makinig sa nagsasalita.
B. Gawin ang nais na gawin.
C. Sumunod sa mga iminumungkahi.
D. Sabihin sa iba kung ano ang gagawin.
_______33. Bakit nagkakaroon ng kampanya ang gobyerno?
A. Upang humingi ng donasyon.
B. Upang lumaki ang perang ipon.
C. Upang mabago ang kalagayan ng mga tao.
D. Upang magkaroon ng programang ipatutupad.
_______34. Sino ang dapat makisali sa kampanya ng gobyerno?
A. Ang mga nagplano at nagpatupad nito.
B. Ang mataas na opisyal ng gobyerno.
C. Ang manggagawa sa pamahalaan.
D. Ang mamamayang Pilipino.
_______35. Paano ka makikisali sa kampanya ng pamahalaan?
A. Sumali sa rali.
B. Humingi ng tulong o donasyon.
C. Gawin ang nais ng kampanya.
D. Labanan ang kampanya.

You might also like