You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Gerona South District
SALAPUNGAN ELEMENTARY SCHOOL
Salapungan, Gerona, Tarlac

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ESP 6

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _______________________


Seksyon: ____________________ Iskor :

50
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

____ 1. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng bawang sa may tindahan. Napansin mo na sobra ang ibinigay na
sukli sa iyo ng tindera. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Itatago ko ang sobrang sukli.
B. Nagkunwaring hindi napansin na sobra ang sukli.
C. Sasabihin ko sa tindera na sobra ang binigay niya ang sukli at isosoli ko ito.
D. Ipambibili ko ng candy ang sobrang pera.

_____2. Inanyayahan kang sumali sa isang programa sa inyong barangay na “ Tapat Ko, Linis Ko.” Ano ang
iyong gagawin?
A. Sasabihin ko na aalis ako sa araw na iyon.
B. Hihikayatin ko ang ibang kabataan na huwag sumali dahil mapapagod lang kami.
C. Sasabihin ko na sasali ako pero hindi ako darating.
D. Sasali ako para makatulong sa paglilinis ng aming barangay.

_____3. Sa inyong paglalakad sa loob ng paaralan ay may nakita kayong isang bag na naglalaman ng mga
bagong kwaderno at mga ballpen. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itatago ang bag at sasabihin hindi ito nakita.
B. Hindi namin ibabalik at paghahatian naming ng kaibigan ko laman ng bag.
C. Iwanan ang bag kung saan ito nakita.
D. Dadalhin namin sa opisina ng prinsipal upang ipagbigay alam na may Nakita kaming bag at ibibigay
namin ito.

_____4. Ibinilin sa iyo ng tatay mo na umuwi ka nang maaga pagkatapos ng inyong klase sapagkat siya ay aalis
at walang magbabantay sa nanay mong may sakit. Ano ang nararapat mo gawin?
A. Uuwi ako ng maaga para babantayan ko si nanay.
B. Sasama ako sa mga kaibigan kong namamasyal sa parke.
C. Sasabihin ko kay tatay na kaya hindi ako nakauwi kaagad dahil mayroon kaming ginawang proyekto
kahit nakipaglaro lamang ako.
D. Magkunwari na nagkaroon ng programa sa paaralan kaya hindi nakauwi kaagad kahit wala naman.

_____5. Niyaya ka ng mga kaklase mo na huwag ng pumasok sa paaralan at kayo ay mamasyal nalang sa mall.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasama ako sa kanila hindi alam nila tatay at nanay na hindi ako papasok sa paaralan.
B. Hindi ako sasama sa kanila at papasok pa rin ako sa paaralan.
C. Sasama ako dahil madalang lang ako mamasyal.
D. Sasabihin ko sa ibang kaklase namin para marami kaming mamasyal.
_____6. Sa mga desisyong gagawin, kailangang ______________ ang bawat pasya.
A. pag- isipang mabuti C. ipagsawalang bahala
B. madaliin D. iasa sa iba

_____7. Sa bawat sitwasyong kinakaharap ang pagbibigay ng desisyon ay _______.


A. madali C. magaan
B. walang hirap D. mahirap
_____8. Malalampasan ang anumang hirap na sitwasyong kinakaharap kung___________________.
A. tatahimik nalang C. iaasa sa iba ang pagbibigay ng desisyon
B. pag-iisipan ang bawat desisyon D. ipapa desisyon sa kaibigan

_____9. Isa sa katangiang dapat taglayin ng isang tao sa tuwing magbibigay ng desisyon
ay ang pagiging __________________.
A. agresibo C. mapanuri
B. papansin D. maduda

_____10. Ang ____________________ ay kailangan ng isang tao sa tuwing gagawa ng desisyon.


A. agarang pag- iisip C. malawak na pang-unawa
B. makitid na pag-iisip D. mabilisang pag-iisip

_____11. Dapat isaalang-alang ang _____________________ sa tuwing gagawa ng desisyon.


A. makakabuti para sa lahat C. makakabuti para sa sarili
B. makakabuti para sa mga kaibigan D. makakabuti para sa mga kamag- anak

_____12. Ano ang maaari mong gawin sa tuwing nahihirapan kang magdesisyon?
A. Sasabihin sa magulang ang sitwasyon at humingi ng payo sa kanila.
B. Sasabihin sa kaibigan na tulungan ka.
C. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na gumawa ng desisyon para sa akin.
D. Hahayaang kong pagdedesisyon ako ng iba.

_____13. Hindi nararapat ang agarang pagdedesisyon dahil __________________.


A. maaaring ipakita na ikaw ay matalino.
B. maaaring ipagmalaki ang desisyong nagawa.
C. maaaring ang kalalabasan nito ay nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao.
D. maaaring makilala ka sa pamamagitan nito.

_____14. Sa pagbibigay ng desisyon, ano ang dapat gawin ng bawat tao?


A. Kailangan maging mabilis sa pagbibigay ng desisyon.
B. Kailangang isipin at pag –aralan muna ang sitwasyon bago magdesisyon.
C. Kailangan magmadali sa pagbibigay ng desisyon.
D. Kailangan isipin ang makakabuti lang sa iyo.

_____15. Ang bawat desisyon gagawin ay dapat suriin muna itong mabuti upang____________.
A. makapagbigay ng tamang desisyon
B. ang desisyong ibinigay ay makakasama sa akin
C. paulit-ulit na magbigay ng desisyon
D. balewalain ang sitwasyong kinakaharap

_____16. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na misa. Biglang
sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama Ano ang gagawin mo?
A. makisabay ka sa pagsigaw C. suntukin sila
B. Suwayin sila at pagsabihang tumahimik D. pabayaan sila dahil “trip” nilang sumigaw
_____17. Ayon sa gintong kautusan, ano ang dapat mong gawin sa iba?
A. mabuting gawa C. walang gagawin
B. masamang gawa D. huwag isipin ang kautusan

_____18. Si Gng, Mendez ay isang mabuting kristiyano at palaging nagsisimba tuwing Linggo. Nakasuot siya
ng ____ bilang paggalang sa Panginoon.
A. short at sleeveless C. mini - skirt
B. pormal na damit D. backless

_____19. Gustong sumali sa inyong grupo si Marvin na isang sabadista. Dahil dito inayawan siya ng iyong
kagrupo. Ano ang dapat mong sabihin sa kaniya?
A. Opps” di ka pwede sa aming grupo C. Alis, ayaw namin sa Sabadista
B. Halika, welcome ka sa grupo D. Layas, di ka bagay dito

_____20. Ang mga kristiyano ay nangingilin sa panahon ng Mahal na Araw, ang mga Muslim naman ay
nagpupuasa tuwing _____.
A. Ramadan B. Kuwaresma C. Misa de Gallo D. Araw ng mga Patay

_____21. Isang muslim si Kareem na kaibigan ni Alex. Araw ng Biyernes , isinama ni Kareem si Alex sa loo
ng Moske. Ano ang dapat gawin ni Alex?
A. sasama siya ngunit magtext – text lang sa loob
B. sasama at makinig sa sinasabi ng Imam
C. matutulog sa loob ng moske
D. pagtawanan ang paraan ng kanilang pagsamba

_____22. Pista sa Parokya. Inanyayahan ka ng iyong kapitahay na sumali sa prusisyon ngunit hindi ka naman
Katoliko. Ano ang dapat mong sabihin?
A. Ay, ayoko , di naman ako Katoliko
B. Sasali ako kahit na labag sa kalooban ko
C. hindi ako sasali ngunit igagalang ko ang inyong pananampalataya
D. kukutyain ko kayo sa inyong ginagawa

_____23. Nagkatay kayo ng baboy bilang pasasalamat ng ate mo na galing sa abroad. May inanyayahan siyang
kaibigan na isang Muslim. Pagdating sa oras ng kainan, ano ang gagawin mo?
A. pabayaan siya sa ibang bisita sa pagkain ng putaheng baboy
B. iwanan siya ng putaheng pwede niyang makain
C. paalisin na lang siya
D. hindi na lang siya pakainin

_____24. Paano mo ipakikita ang paggalang sa pook dalanginan ng mga Iglesia ni Cristo, kahit hindi ka kaanib?
A. umawit nang malakas sa harapan ng pook dalanginan
B. maglaro ng asketol haang nagsisimba
C. sulatan ang dingding at pinto ng bahay sambahan
D. iwasan ang paglikha ng ingay malapit sa pinto

_____25. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Manalig tayo sa Kanya. Ang taong may ____ay hindi
natatakot.
A. tapang B. pagtitiwala sa Diyos
C. pagdarasal sa buong araw D. pagbabalewala

_____26. Ang kotse ninyo ay bumubuga ng maitim na usok. Alin ang nararapat na gawin?
A. ipaayos ang makina ng kotse C. ipadala sa junkshop
B. ibenta dahil luma na D. ipagwalang bahala ito

_____27. May itinatayong paggawaan o pabrika sa inyong lugar. Dahil sa masamang usok na ibinubuga nito,
nagtatag ng kilusan laban dito. Ano ang dapat mong gawin?
A. balewalain ang masamang epekto C. tumangging sumali agad
B. tumangging sumali sa kilusan D. masigasig na lumahok sa kilusang ito.

_____28. Nagpasiya ang mag – anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan. Marami ang
pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
A. hindi, dahil sa masamang eprkto nito C. bahala na ang mga apektado nito
B. Oo, sayang ang kikitain nito D. balewalain ang pumupuna

_____29. May inilunsad na gawaing pansibiko na “Clean and Green” sa inyong lugar, Ano ang iyong gagawin?
A. makilahok sa mga gawaing ito C. sasali dahil sa sariling interes
B. sasali dahil may malaking pera dito D. hindi dahil nakakapagod

_____30. Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang gagawin mo?
A. pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito C. awayin mo siya
B. isumbong sa kapitan ng baragay D. pabayaan lang siya

_____31. Naglalakad ka papunta sa silid – aklatan nang makita mo ang isang batang nagtatapon ng balat ng
saging sa daanan,Ano ang iyong gagawin?
A. isumbong sa punong guro C. pagalitan siya
B. pagsabihang pulutin dahil maging sanhi ito ng aksidente D. murahin siya
_____32. Nakita mong gumagamit ng bawal na gamut ang anak na iyong kapitbahay. Ano kaya ang magagawa
mo para matulungan siya?
A. Isusumbong sa guro C. pagalitan siya
B. Sasabihin ang nakita sa kanyang magulang D. isumbaong sa pulis

_____33. Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang nanay na pumunta sa
palengke. Alin dito ang iyong gagawin?
A. manood muna ng telebisyon C. magluluto muna bago manood
B. gagawa ng takdang- aralin D. matutulog muna bago magluto

_____34. Narinig mong hindi magkasundo ang iyong mga kapatid sa pag-iisip ng solusyon ng isang bagay
bilang kapatid, Ano ang maari mong gawin?
A. pabayaan silang di-magkasundo C. awayin mo silang dalawa
B. gumawa ng hakbang upang muli silang magkasundo D. sigawan mo sila

_____35. Tanghali na at hindi pa dumating si nanay buhat sa palengke. Wala pang sinaing at nais mong
makatulong. Alin sa mga ito ang dapat mong gawin?
A. magpaturo kung paano magsaing sa kapitbahay
B. hihintayin si nanay baka magkamali
C. utusan ang kapatid na siyang gumawa
D. walang gagawin

_____36. Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?


A. magbigay agad ng pasya
B. iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya
C. magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
D. pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

_____37. Dalawa sa kaklase mo ang magdidiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si Kris
ay mahirap lamang. Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?
A. Si Kris dahil siya ay may higit na pangangailangan
B. Si Rose dahil gusting-gusto niya ang regalo
C. Si Rose dahil mayaman
D. magbunutan sila kung sino ang bibigyan
_____38. Mahirap si Samuel ngunit matalino. Dahil dito, naging iskolar ng pamahalaan hanggang nakatapos ng
doctor. Nagpasya siyang manirahan sa amerika. Tama ba ang desisyon niya?
A. tama, dahil mataas ang sahod doon
B. tama, dahil masarap manirahan sa abroad
C. hindi, dahil marami ang nangangailangan ng kaniyang serbisyo
D. hindi, dahil baka ma “KARMA” siya

_____39. Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo.
Ngunit marami kang dapat tapusin na gawain. Ano ang gagawin mo?
A. ipagwalang bahala ito
B. dadalo dahil nakapangako ka
C. hahanap ng “alibi”
D. ipagpapatuloy ang gagawin

_____40. Kumakain ka sa isang restoran. Lumapit ang isang batang gusgusin at nanghingi ng pagkain sa iyo.
Ano ang nararapat mong gawin?
A. kagalitan ang bata C. bigyan ng pagkain ang bata
B. ipagtabuyan ang bata D. murahin ang bata

_____41. Igalang natin ang ____________ o pook sambahan ng mga Muslim.


A. Kapilya B. Katedral C. Ermita D. Moske

_____42. Ang pagdalo sa ______________ ay isang tungkulin na kusang ginagampanan ng mga Katoliko sa
madaling araw tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
A. Ramadan B. Mesa de Gallo C. Araw ng mga Puso D. A at C

_____43. Tuwing araw ng Linggo, sabay-sabay na nagsisimba ang mag-anak ni Mang Andoy? Bakit kaya sila
nagsisimba?
A. wala silang magawa sa bahay
B. magpasalamat sa mga biyayang natanggap
C. mag-usyoso sa simbahan
D. ipakita ang magagarang damit

_____44. Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin naipadama ang pagmamahal sa
Diyos.
A. pagmamahal sa kapwa C. pagdarasal sa buong araw
B. pagbibigay ng pagkain D. pagbabale-wala sa kapwa

_____45. Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa
darating na sabado. Nakagawian ni Luis na maglaro ng basketball tuwing araw araw na ito. Kung ikaw si Luis,
ano ang gagawin mo?
A. tutulong muna sa paglilinis bago manglaro
B. maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada
C. tutulong na nakasimangot
D. tutulong na magdadabog

_____46. Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
A. tumulong upang solusyonan ang problema
B. ipagwalang-bahala ang problema
C. tawanan ang prtoblema
D. gawin nang wasto at angkop na solusyon sa problema

_____47. Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano
mo igagalang ang karapatang ito?
A. kumain ng junk foods araw-araw
B. uminom ng softdrinks araw-araw
C. uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw
D. iwasan ang pagkain ng gulay at prutas

_____48. Gusto mong mapaunlad nang maayosang ating bansa. Ano ang tungkulin ng mamamayan na dapat
nating sundin.
A. walang pakialam sa mga tungkulin ng gobyerno
B. sumunod lamang kung sinasabi ng gobyerno
C. pagbayad ng buwis satakdang panahon
D. pagbabawas ng halaga sa dapat bayaran

_____49. Paano mo maipakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral.


A. gawin ang mgagawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro
B. gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin
C. pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang-aralin
D. pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera

_____50. Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa
magulang.
A. ang pagkawalang bahala sa kanyang gawain
B. ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain
C. ang pagkamainisin sa kanyang gawain
D. ang pagkamatiyaga sa kanyang Gawain.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Gerona South District
SALAPUNGAN ELEMENTARY SCHOOL
Salapungan, Gerona, Tarlac

TABLE OF SPECIFICATION
ESP 6

Analyz
Competencies Remember Understand Apply Evaluate Create
e
1. Pagsusuri ng mabuti sa 1,2,3,4,5 6,7,8,9,
mga bagay na may kinalaman 10
sa sarili at pangyayari
2.Napatutunayan na ang
pagpapaunlad ng 12,36,48 11,13,39
ispiritwalidad ay
pagpapaunlad ng
pagpagkatao
3. Naipaliliwanag na ang
ispiritwalidad ay 19 15,16,18, 17 14 50
pagkakaroon ng mabuting 35
pagkatao anuman ang
kanilang pananampalataya
4. Naiuugnay ang sariling
relihiyon sa ispiritwalidad ng 20,37 38 22 21
tao
5. Napag-iisipang mabuti ang
magiging epekto sa ibang 24,25, 23 49
tao ng sariling pagpapasya. 26
6. Nakapagbibigay ng tamang
desisyon para sa kabutihan 30 27,28 46,47
ng
nakararami batay sa
ginawang
pagsusuri.
7. Nakagagawa ng solusyon
batay sa wastong 42 41
impormasyon
8. Naipakita ang pagiging
makatwiran at pantay na 32 29,31 40
pagtingin sa pagbibigay ng
pangako.
9. Nakaugalian ang 43 33, 34 44
pagpapahalaga sa pangako.
10.Nakatutupad sa mga
pangakong pinagkasunduang 45
komitment / usapan.

Prepared by:

RACQUEL R. AGUDO RONALYN T. PASAMANERO


Teacher III Teacher I

Checked by:

JULIE ANN M. BALBAS


Master Teacher I

Noted by:

JEANETTE C. CORTEZ, PhD


Principall III

You might also like