You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
DIVISION OF MABALACAT CITY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 - UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: _________________________________________ Score: _________________


Baitang at Seksyon: ______________________________ Petsa: _________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at ang mga pagpipilian
ng sagot. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inilaang patlang bago ang bilang.

_____1. Kailangan ng isang mabuting tao ang isang kongkreto, mahusay at


matalinong desisyon sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. plano B. pasiya C. pasimuno D. katapatan

____ 2. Sa paggawa ng isang desisyon, sino-sino ang dapat nating isaalang-


alang?
A. ang ating sarili, pamilya at kapwa-tao.
B. ang ating sarili lamang at wala ng iba pa.
C. ang ating sarili, mga kalaro, kaibigan at mga kaklase.
D. ang ating sarili at ang ating mga matatalik na kaibigan.
____ 3. Ano ang nararapat nating gawin sa pagbibigay ng desisyon?
A. Magbigay ng desisyon ng wala sa kalooban.
B. Mag desisyon agad-agad upang matapos na.
C. Pag-isipan ng maigi lalo na ang maging kalalabasan nito.
D. Magbigay ng desisyon nang hindi na inaalintana ang epekto nito.
____ 4. Nakapulot si Jojo ng pitakang may lamang pera. Siya ay kilala sa
pagiging mabuti, tapat at matalinong bata. Alin kaya sa mga sumusunod na
desisyon ang gagawin niya?
A. Itatago niya ang pitakang napulot.
B. Ipamimigay niya sa mga batang nagpapalimos ang pera.
C. Ibibili niya ng gamit na matagal na niyang gustong mabili ang
laman ng pitaka.
D. Gagawa siya ng paraan kung paano matunton ang may-ari ng
pitaka at isasauli niya ito
ng personal.
____ 5. Alam ni Rose na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga
magulang dahil sa mas marami ng gastusin simula Junior High School.
Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya nagalit
o nagtanim ng sama ng loob. Si Rose ay isang batang may
________________________.
A. Pagkamatiyaga C. pagkamahinahon
B. Pagmamahal sa katotohanan D. Pagkabukas ng isipan
____ 6. Maraming basura ang nakita ni Marie sa likuran ng kanilang paaralan.
Hindi pala nakuha ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-
daling kumuha ng walis at dustpan si Marie upang linisin ang basura upang
hindi makaperwisyo ang amoy nito sa ibang mag-aaral. Anong katangian
mayroon si Marie?
A. Pagiging malinis C. Mapanuring kaisipan
B. May paninindigan D. Pagiging mahinahon
____ 7. Inimbita ka ng iyong matalik na kaibigan na magpunta sa kanilang
bahay pagkatapos ng klase. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang
maaga dahil babantayan mo ang nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang
mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan mong umuwi ng maaga. Alin sa
mga sumusunod ang taglay mong katangian?
A. Ikaw ay may kaalaman.
B. Ikaw ay may lakas ng loob.
C. Ikaw ay isang mapag-alalang bata.
D. Ikaw ay responsible at may paninindigang bata.
____ 8. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban
sa klase. Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
D. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya
kung bakit siya lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan
ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan ng kaniyang
madalas na pagliban sa klase.
____ 9. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa Science. Mayroong paligsahan
sa inyong paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling
ihalili. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa paligsahan.
C. Sasabihin mo sa guro na iba na lang ang isali sa paligsahan.
D. Sasabihin mo sa inyong guro na hintaying pumasok ang iyong
kaklase na lumiban.
____ 10. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw
na iyon at mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog.
Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ka sasamang maligo sa ilog at pagsabihan sila na hindi
tama ang kanilang gagawin.
B. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.
C. Sasama ka ngunit hindi maliligo at babantayan mo lamang sila.
D. Sasama kang maligo sa ilog upang masaya ang barkada
____ 11. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan.
Habang naglalakad pauwi natuklasan mong sobra ang isinukli sa iyo ng
tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Babalik ka sa tindahan at ipambibili mo ng kendi ang sobrang
sukli para sa iyong nakababatang kapatid.
B. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang
sukli.
C. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
D. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.

____ 12. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay


isang katangian na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito
maipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
B. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
C. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
D. Bigyang ito ng halaga, respeto at tumulong upang makabuo ng
desisyong makakabuti para sa lahat.

____ 13. Ang pamilya Lopez ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at


sama-sama ring nananalangin sa araw-araw. Sama-sama rin silang nag-
uusap sa mga bagay na kailangang pagpasiyahan. Anong katangian ang
ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?
A. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan ng suporta sa bawat
kasapi ng pamilya.
B. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
C. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
D. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.

____ 14. Bakit natin pinahahalagahan kung ano ang makakabuti para sa
nakakarami?
A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
D. Cahat ng binanggit.
____ 15. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw,
makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang
ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon.
A. malikhaing pag-iisip C. pagkabukas ng isipan
B. mapanuring pag-iisip D. pagsusuring personal

____ 16. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga


bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa isa.
A. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba
B. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan
C. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon
D. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon

____ 17. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong


maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit
ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang
iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.
A. pagsusuring personal C. mapanuring pagsusuri
B. malikhaing pag-iisip D. pagkabukas ng isipan

____ 18. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa


pagbuo ng desisyon?
A. Nakakatulog ka ng mahimbing
B. Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga
C. Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran.
D. Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at
pag-aalala.

_____19. Paano mo maipapakita ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa pasya


ng grupo o pangkat?
A. Sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pasya ng nakararami.
B. Sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa pasya ng nakararami.
C. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
D. Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa pasya ng nakararami.

____ 20. Bilang kasapi ng pamayanan, ano ang dapat gawin kung may mga
itinakdang pagpupulong ang inyong lider o Barangay Kapitan?
A. Umalis sa inyong lugar sa araw ng pagpupulong.
B. Dadalo at makikibahagi sa araw ng pagpupulong.
C. Manatili sa bahay habang ginaganap ang pagpupulong.
D. Itaon sa araw ng pagpupulong ang pamamasyal at paliligo sa
dagat
____ 21. Ipinapatupad ng inyong lungsod ang pagpapanatili ng mga tao sa
bahay sa araw ng Linggo dahil sa nararanasang pandemya. Alin ang dapat
gawin ng mga mamamayan?
A. Maagang pumunta sa dagat at doon magpalipas ng maghapon.
B. Magpunta sa simbahan at doon manatili sa buong araw.
C. Pumunta sa kamag-anak sa kabilang lungsod.
D. Manatili sa loob ng bahay sa buong araw.

____ 22. Inutusan ka ng tatay at nanay mong dumalo sa pagpupulong ng


inyong barangay bilang representante ng inyong pamilya. Napansin mong ang
iyong mga katabi ay maingay at hindi nakikinig, ano ang gagawin mo?
A. Sutsutan mo sila at sabihing makinig kayo upang may
maunawaan sa pinag-uusapan.
B. Magalang mo silang sasabihan na making upang maunawaan
ang pinag-uusapan.
C. Bubulungan mo ang tagapagsalita na hindi nakikinig ang mga
katabi mo.
D. Sisigawan mo sila at sabihing,”Hoy, makinig naman kayo!”

____ 23. Nagkaroon ng panukala ang iyong barangay kapitan na


magkaroon ng“clean- up drive” sa darating na linggo na sinag-ayunan naman
ng nakararami. Ano ang iyong magiging pasya?
A. Magdadala ng gamit at makilahok sa gaganaping clean-up drive.
B. Magpapakita lang at uuwi agad kapag walang may tumitingin.
C. Pupunta ngunit makipagkuwentuhan lang sa kaibigan.
D. Pupunta at sisilong lang sa mga lilim ng puno.

____ 24. Pinagpasyahan ng inyong barangay na magkakaroon ng “curfew


hour” sa inyong lugar. Bilang isang mamamayan susunod ka ba?
A. Opo, dahil iyon ang napagpasiyahan at makakabuti sa buong
barangay.
B. Opo, dahil takot ako sa aming barangay kapitan.
C. Hindi, dahil para lang iyon sa mga gumagala.
D. Hindi dahil wala akong pakialam.

____ 25. May pagpupulong sa barangay na dinaluhan ng mga mamamayan.


Ang pagpupulong ay tungkol sa kung paano maiiwasan ang sakit na dengue.
Napagkaisahan na ang lahat ay maglilinis ng kani-kanilang bakuran. Lalong-
lalo na ang mga kanal, alulod ng bahay at sa mga lugar na posibleng
pamahayan ng lamok. Bilang mag-aaral at kasapi ng pamayanan, ano ang
iyong magiging kontribusyon sa panukala ng iyong barangay?
A. Susuportahan ko ang panukala ng barangay dahil ito ay
nararapat gawin ng mamamayan at siyang makakabuti upang
masugpo ang sakit na dengue.
B. Susuportahan ko ang panukala ng barangay kung marami na
ang magkakasakit ng dengue malapit sa aming tahanan o ng
buong barangay.
C. Hindi ko susuportahan dahil gagawa naman ng aksiyon o
paraan ang mga taga DOH kapag may kaso ng dengue sa isang
lugar.
D. Hindi ko susuportahan ang panukala ng barangay dahil nag-
iingat naman kaming mag-anak.

____ 26. May ibinigay na ayuda ang barangay sa mga tao. Ang ilan sa
nasasakupan ni Aling Rubi ay hindi nakatanggap. Bilang presidente ng
purok, ano ang nararapat niyang gawin?
A. Hahayaan na lang niya ang mga hindi nakatanggap dahil mga
pasaway naman sila kanilang purok.
B. Pagsasabihan na lang niya na hindi na magreklamo dahil
marami naman silang hindi nakatanggap ng ayuda.
C. Ipapaalam niya sa punong-barangay ang problema upang
mahanapan ito ng solusyon o paraan kung paano mabibigyan
ang mga hindi nakatanggap.
D. Ipapaalam niya sa punong-barangay ang problema at kapag
mabigyan na ng ayuda ay kanyang itatago at aangkinin dahil
siya naman nagsikap upang mabigyan ang hindi nakatanggap.

____ 27. Sa Barangay Mapayapa ay mayroong internet café na malapit sa


paaralan. May ordinansa ang barangay na hindi pwedeng mag-internet ang
mga bata sa oras ng klase. Ngunit ipinagwalang bahala ito ng may-ari. Ano
ang dapat gawin ni Mang Berto bilang isa sa mga magulang ng mag-aaral?
A. Isusumbong agad sa pulis ang may-ari upang hulihin at
mailagay sa piitan.
B. Ipapaalam niya sa barangay upang maaksiyunan at makausap
ang may-ari tungkol sa batas ukol dito.
C. Sasabihan lang ang anak na hindi sya pupunta doon at hayaan
na lang ang ibang bata kung nais nilang mag internet sa oras
ng kanilang klase.
D. Pagsasabihan ang mga kaibigan at kamag-aral ng anak na sa
hapon na lang sila mag internet kapag wala ang kanilang guro
sa panghuling klase.
____ 28. Ano ang gagawin mo kung hindi ka sigurado sa pasya ng nakararami
dahil mayroon kang pakiramdam na magdudulot ito ng hindi maganda at
maaaring pagsisisihan ang pagsang-ayon sa kanilang pasya?
A. Suriin at pag-aralan muna nang mabuti ang gagawing pagpasiya
kung ito ba ay magdudulot ng maganda at siyang makakabuti
para sa lahat upang walang masisisi.
B. Ipagpaliban muna ng isang taon ang gagawing pagpapasya.
Suriin at pag-aralan muna nang mabuti kung ito ba ay
magdudulot ng kabutihan para sa lahat ng sa gayon ay hindi mo
ito pagsisisihan.
C. Ibibigay na ang pasiya agad-agad upang malaman kung
magdudulot ba ng maganda o hindi maganda para sa lahat ang
pasiya ng nakararami.
D. Hindi na pag-aaksayahan ng panahon ang magiging resulta ng
pagpapasiya, ang mahalaga ay naibigay na ang pasiya para sa
lahat.

____ 29. Lahat ba ng balita na naririnig mo ay dapat mong paniniwalaan


kaagad? Bakit?
A. Opo, dahil iyon ang tampok na balita.

B. Opo, dahil hindi lalabas ang balita kung hindi totoo.

C.Hindi, lalo na kung ito ay maseselang mga bagay.

D.Hindi, dahil ayokong mangingialam sa mga balibalita.

____ 30. Inanunsiyo sa radio ang muling pagbubukas ng rehistrasyon sa


pagboboto. Pumunta sina Ate Lucy at Kuya Carlo sa tanggapan ng COMELEC
upang magparehistro. Isa sa hinihingi na impormasyon ay ang kanilang
tirahan. Ano ang dapat nilang gawin?
A. Ibibigay nila ang address ng kanilang paaralan.
B. Ibibigay nila ang kumpletong address nila ayon sa hinihingi.
C. Iibigay nila ang buong pangalan ng tatay at nanay nila.
D. Alamin muna bakit hinihingi ito.

____ 31. Narinig mo sa radyo na kinansila ng mayor ng inyong lungsod ang


pasok dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong pag-ulan. Ano ang
gagawin mo?
A. Maniwala at huwag ng pumasok.
B. Sasabihin sa ina na walang pasok dahil sinabi ito ng iyong kaklase.
C. Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong narinig.
D. Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.
____ 32. Nabalita sa radyo ang naganap na nakawan sa inyong Barangay.
Kinabukasan may lalaking kumatok sa inyong pinto at sinasabi niyang
kaibigan siya ng inyong ina. Hindi mo siya kilala, ano ang gagawin mo?
A. Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang
itanong kung totoong kaibigan siya.
B. Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.
C. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
D. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

____33. Maraming patalastas tungkol sa pampakinis ng balat ang naririnig at


nakikita ninyo ng ate mo sa telebisyon. Gustung-gusto ni ate mo ang mga ito
kahit na may skin allergy siya. Ano ang pinakamabuti niyang gawin?
A. Bibili ng marami at gagamitin kaagad.
B. Kukunsulta muna sa doktor at sabihin ang tungkol sa naturang
produkto.
C. Hindi na magdalawang-isip na gumamit ng naturang produkto
upang kuminis na.
D. Ilagay sa isip na lahat ng produktong dumadaan sa patalastas ay
ligtas na gamitin.

_____34. Narinig mo sa radyo ang balita na may paparating na malakas na


bagyo at madadaanan ang lugar ninyo. Ano ang dapat mong gawin upang
makatulong?
A. Manatili sa bahay kasama ang pamilya.
B. Sasama sa mga kaibigan na maliligo sa beach.
C. Sasama sa nanay sa kanyang pinagtatrabahoan.
D. Pupunta sa kapitbahay upang doon manatili dahil malaki ang
bahay nila.

____ 35. Ang pamilya Alcantara ay hindi basta-basta bumibili ng gamot na


hindi nirereseta ng doktor sa kadahilanang lagi nilang napapanood sa
telebisyon ang paalala ng mga eksperto. Dapat natin silang pamarisan?
A. Opo, dahil iyon ang tamang gagawin para sa kalusugan at
kaligtasan.
B. Opo, dahil sila ay nagmomodelo ng sarili nilang produkto.
C. Hindi, dahil mali ang kanilang ginagawa.
D. Hindi, dahil hindi sila doktor.

_____36. Ito ay babasahing naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga


kaganapang nangyayari sa lipunan. Nagbibigay din ito ng iba pang mga
impormasyon tulad ng mga patalastas. Ito ay karaniwang iniimprinta araw-
araw at ipinagbebenta sa murang halaga.
A. aklat B. cellphone C. pahayagan D. radio
____ 37. Alin ang kasingkahulugan ng salitang peryodiko o pahayagan?
A. aklat B. dyaryo C. nobela D. patalastas

____ 38. Nais ni G. Oscar Legaspi na magkaroon ng trabaho. Araw-araw syang


bumibili at nagbabasa ng newspaper. Saang pahina nito siya magbabasa o
sumangguni upang makahanap ng angkop na trabaho ayon sa kanyang
kakayahan?
B. Classified ads C. orbituary
C. Lifestyle D. sports

____ 39. Lahat ba ng mababasa sa mga pahayagan ay pawang katotohanan


at dapat nating paniniwalaan kaagad?
A. Opo, dahil hindi sila pwedeng magkamali sa pagtatala ng mga
balita o impormasyon.
B. Opo, dahil ito ay naglilimbag o nagtatala ng lahat ng balitang
makatotohanan.
C. Hindi, dahil karamihan sa mga tapagbalita ay naglalagay ng fake
news.
D. Hindi, dahil kailangan pa rin itong gamitan ng mapanuring pag-
iisip.
____ 40. Binasa mo ang newspaper na dala ng kuya mo. Nasa balita ang
malaking sunog na naganap sa kalapit ng bayan ninyo. Lalo ka pang nagulat
ng nabasa mo ang pangalan ng mga magulang ng dati mong kamag-aral na
isa sa nasunugan. Walang natira sa kanila na kahit na ano. Ano ang maaari
mong gawin para sa kanya?
A. Magpaabot ng tulong na makayanan para sa kanyang pamilya.
B. Hindi makialam dahil hindi naman siya nakatira malapit sa
inyo.
C. Ipagkibit-balikat lamang dahil hindi mo naman sila kamag-
anak.
D. Ayaw mong magpapaapekto sa nangyari sa kanilang mag-anak

____ 41. Isang website na nagbabahagi ng mga bidyo at nagbibigay-daan para


sa mga tagagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga
video clip.
A. Facebook B. Google C. Pahayagan D. Youtube

____ 42. Lahat ng mga pahayag ay tama maliban lamang sa isa.


A. Lahat ng balita na napapanood sa internet ay totoo.
B. Ang fake news ay nakapaghahatid ng kapahamakan sa kapwa.
C. Ang radyo ay isa sa nakukunan natin ng impormasyon.
D. Ang tamang impormasyon ay nakakatulong sa tamang
pagdedesisyon.
____ 43. Alin sa mga sumusunod ang dapat na isaalang-alang sa pagbibigay
o pagkakalap ng impormasyon?
A. Lahat ng mababasang impormasyon sa magasin o pahayagan ay
paninindigang totoo at tama.
B. Kailangang maging matalino at mapanuri pa rin tayo sa mga
impormasyong nakakalap o ibibigay.
C. Para makarami ng balita, dagdagan ng mga alanganin at
nakakalitong balita upang mabigyang-sigla ito.
D. Haluan ng sari-saring emosyon upang masiyahan ang nagbabasa
o sumusubaybay ng mga impormasyon.

____ 44. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin o taglayin ng isang
taong may pagmamahal sa katotohanan?
A. Naglalaan ng sapat na panahon para sa pagkalap ng tamang
impormasyon.
B. Ang pagkakaroon ng tamang impormasyon na makakatulong sa
pag-aayos ng suliranin.
C. Kapos sa malawak na pang-unawa upang makapagdesisyon ng
tama at mabuti para sa ikabubuti ng lahat.
D. Nananaliksik ng tamang impormasyon na makakatulong upang
mapaganda ang samahan ng bawat isa.

____ 45. Ano ang dapat na isaalang-alang sa pagkilala ng tamang


impormasyon?
A. ano ang mayroon C. larawan
B. datos at patotoo D. lugar kung saan nakuha

____ 46. Dito maaring maghanap ng impormasyon o links patungo sa ibang


website kaugnay sa hinahanap, gamit ang "keywords."
A. Facebook B. Google C. Peryodiko D. Youtube

____ 47. Ano ang karapat-dapat na matutunan ng isang mag-aaral sa


paggamit ng social media?
A. Ilaan ang lahat ng panahon at oras sa pagkalap ng impormasyon
sa social media.
B. Magbabad gabi-gabi sa pagkalap ng mga impormasyong nais
malaman sa social media.
C. Isasantabi ang pamamahinga makuha at mahanap lang ang mga
impormasyong kinakailangan sa social media.
D. Maging bukas ang isipan sa pagbabago. Wasto, tama at totoong
impormasyon ang dapat na yakapin sa social media.
____ 48. Sino sa mga sumusunod ang nagsasagawa ng tamang hakbang gamit
ang impormasyon?
A. Si Mang Felipe ay matagal nang nagtatrabaho sa Munisipyo. Siya
ay kinagigiliwan ng lahat dahil sa kanyang sipag at katapatan.
Dahil dito, hinihingi ng Mayor ang pangalan ng kaniyang anak
upang gawing scholar ng bayan. Isinulat niya ang palayaw ng
anak sa kontratang papel.
B. Humingi ng impormasyon ang bagong kakilala ni Vita sa text.
Ibinigay niya ang buong pangalan niya, tirahan, edad, pangalan
ng buong pamiya niya, numero at password ng ATM niya.
C. Nasa ika-anim na baitang si Norhud. Handa na siyang pumasok
sa mataas na paaralan sa susunod na pasukan. Maagang
nanghingi ng lista ng mga mag-aaral ang Mataas na Paaralan ng
Makilala. Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kaniyang
sariling pamilya. Sinagot at isinulat niya nang tama ang lahat ng
detalyeng hinihingi sa listahan.
D. Nagkasakit ang siyamnapung taong gulang na lola ni Evelyn.
Tinatanong ng nars ng hospital ang PhilHealth number ng nanay
niya. Ibinibigay niya ito kahit hindi siya sigurado.

____ 49. Nalaman mo sa balita na ang simula ng klase sa susunod na taon ay


maaaring sa buwan ng Agosto, sa iyong palagay ay hindi ito totoo, ano ang
gagawin mo?
. A. Magsasaliksik gamit ang internet. C. Magbabasa sa facebook.
B. Magtatanong sa nanay. D. Magtatanong sa kaklase

____ 50. Nakita mo sa facebook ang isang matanda sa tabi na kalye na payat
na payat at gutom na gutom. Siya ang isa sa mga naaapektuhan ng lockdown
dahil sa COVID19. Malapit lang ang bahay ninyo sa tinutukoy na
kinalalagyan ng matanda. Hindi ka maaring lumabas dahil wala kang
quarantine pass, may kaya kayo sa buhay at marami kayong supply ng
pagkain. Ano ang iyong gagawin?
A. Makikiusap ako sa aming kasambahay na bigyan ng pagkain ang
matandang aking nakita sa facebook.
B. Pabayaan ko lang ang aking nakita dahil makakabawas pa ito sa
aming mga supply sa bahay.
C. Ipapataboy ko ang matanda sa aming kasambahay upang hindi
ko na siya makikita.
D. Patayin ko na lang ang facebook at matulog upang makalimutan
ko ang aking nakita.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
DIVISION OF MABALACAT CITY

SUSI SA PAGWAWASTO NG ESP 6 – UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


1. B 42. A
2. A 43. B
3. C 44. C
4. D 45. B
5. D 46. B
6. C 47. D
7. D 48. C
8. D 49. A
9. A 50. A
10. A
11. D
12. D
13. A
14. D
15. B
16. D
17. A
18. D
19. C
20. B
21. D
22. B
23. A
24. A
25. A
26. C
27. B
28. A
29. C
30. B
31. A
32. A
33. B
34. A
35. A
36. C
37. B
38. A
39. D
40. A
41. D
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
DIVISION OF MABALACAT CITY

Table of Specification
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT – ESP 6
SY 2023 -2024

First Quarter Cognitive Process Domain


and Item Placement

TOTAL NO. OF ITEMS


MELC
Remembering

Understandin
% of the Topic

Learning

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Category Code g

60% 30% 10%

Nasusuri nang
mabuti ang EsP6 1 7 10 3
mga bagay na PKP- 18% 2 9 11 9
may kinalaman Ia-i- 15 14
sa sarili na 37
makatutulong
sa pagbuo ng
isang desisyon.

Nasusuri nang EsP6 5


mabuti ang PKP- 18% 13 6 8 4
mga iba’t ibang Ia-i- 16 18 12 9
sitwasyon na 37 17
makatutulong
sa pagbuo ng
isang desisyon

Naisasagawa
ang mga
hakbang na EsP6 19 20 25 24 10
makatutulong PKP- 20% 22 21 28 26
sa pagbuo ng Ia-i- 23
isang desisyon 37 27
sa
pamamagitan
ng pagsang-
ayon sa pasya
ng bawat tao sa
isang
pamayanan.

Naisasagawa
ang mga EsP6
tamang PKP- 14% 29 30 31 32 7
hakbang na Ia-i- 33
makatutulong 37 34
sa pagbuo ng 35
isang desisyon
na makabubuti
sa pamilya sa
paggamit ng
impormasyon
ng telebisyon o
radyo.

Naisasagawa
ang mga 36 42 40 39 43
hakbang na EsP6 10
makatutulong PKP- 20% 37 45 47 44
sa pagbuo ng Ia-i-
isang desisyon 37 38
na makabubuti
sa pamilya sa
paggamit ng
impormasyon
sa
pamamagitan
ng magasin o
pahayagan.

Naisasagawa
ang mga EsP6 41 48 50
tamang PKP- 10% 5
hakbang na Ia-i- 46 49
makatutulong 37
sa pagbuo ng
isang desisyon
na nakabubuti
sa pamilya sa
paggamit ng
impormasyon
sa
pamamagitan
ng
internet/social
media.

TOTAL 100 15 17 9 7 2 50
%

You might also like