You are on page 1of 9

Department of Education

Region VI – Western Visayas


SCHOOLS DIVISION OF CAPIZ
Banica, Roxas City
PRE-ASSESSMENT TEST
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Pangalan _______________________ Iskor ___________________________
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan at sagutin ng buong Panuto:
Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan at sagutin ng buong
husay at tama. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
husay at tama.
1. Tukuyin kung alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mataas na gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob.
A. Mag-isip, pumili at gumusto
B. Magmahal, tumulong at umunawa
C. Magsikap, magpunyagi at makipagsapalaran
D. Magkaisa, makibaka at makipagsabayan
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaibahan ng tao sa ibang nilikha ayon sa
mataas na gamit at tunguhin ng kanyang isip at kilos-loob?
A. Siya ay nilikhang may puso, kamay at paa
B. May kakayahang alamin ang buod ng isang bagay
C. May buhay, nakakalakad, at nagsusumikap
D. May kaalaman kung ano ang mabuti at masama
3. Ang sumusunod ay mga kilos na ginagamitan ng isip at kilos-loob. Tukuyin kung alin ang
mas mataas na gamit ng kilos-loob.
A. pumili, magpasiya at isakatuparan ang pinili
B. magnilay, magmuni-muni at umunawa
C. kumuha ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay
D. malaman ang katotohanan at kakayahang magnilay

4. Sa kabila ng mga taglay na kalakasan ng tao ay may mga kahinaan din ito lalo na sa
pagpapasiya. Piliin kung alin na kongkretong hakbang ang nararapat na
sa pagpapasiya. gawin sa sumusunod na pagkakataon.
Hindi nagawa ng matalik mong kaibigan na si Peter ang inyong takdang- aralin
sa Math. Nais niyang kopyahin na lamang ang iyong sagot at inalok ka niya na
ililibre ng meryenda pagkatapos ng klase.
A. Pakokopyahin ko siya dahil matalik ko siyang kaibigan
B. Tuturuan ko siya kung paano sagutan para matuto siya
C. Papayag ako na kumopya siya dahil ililibre niya ako ng meryenda
D. Gagawin ko ang takdang-aralin niya at sisingilin ko siya para may pambaon ako
araw-araw

5. Ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa


paglilingkod/pagmamahal. Patunayan ang katumpakan ng mga katagang ito.

Naghahanda ang inyong pamilya para sa isang salu-salo dahil sa ika-limampung (50)
kaarawan ng inyong ina. Matagal ninyong pinagplanuhan na maging engrande ang
selebrasyong ito. Nang magsisimula na ang kasayahan, may sumigaw sa labas ng bahay at
humihingi ng tulong dahil inatake sa puso ang inyong kapitbahay. Isa kang nars na
nagtatrabaho sa ospital ng bayan subalit araw ng iyong pahinga.

A. Hindi ako tatalima, mas mahalaga ang kaarawan ng aking ina

B. Hahayaan ko na lang naibang tao naman ang tumulong


C. Tutulungan ko muna na madala sa ospital dahil mas mahalaga ang buhay
D. Tutulong lang ako kapag walang ibang tumulong

6. Mula sa sitwasyon sa itaas, gumawa ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan sa paglilingkod at pagmamahal.

A. Maging bukas sa pagtulong lalo na sa mga nangangailangan B. Unahin


muna ang mga nakaplanong gawain bago tumulong sa iba C. Hayaan silang
gumawa ng paraan na matulungan ang kanilang sarili D. Kanya-kanya tayo sa
paghahanap ng solusyon sa ating problema

7. Ang Likas na Batas Moral, mula sa Diyos ay gabay ng tao sa pagkilala ng mabuti at
masama. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral?

A. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos


B. Pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
C. Pagsusuri ng sarili/pagninilay
D. Pangalagaan ang buhay

8. Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating


pamumuhay tungo sa kabutihan. Suriin ang sumusunod na sitwasyon at piliin ang
pinakaangkop na pasya kung ano ang nararapat gawin nang naaayon sa paghusga ng
konsensiya.

May problema sa pera ang pamilya ni Nando. Isang araw, tinuruan siya ng kanyang ina na
kapag dumating ang kolektor ng card bank para maningil sasabihin ni Nando na wala siya at
hindi nya alam kung saan nagpunta. Batid ni Nando na dapat niyang sundin ang ina ngunit
alam din niya na masama ang magsinungaling. Ano ang tama niyang gawin?
A. Iutos sa kasambahay ang pinapagawa ng ina
B. Magtago sa silid hanggang umalis ang kolektor
C. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina
D. Sasabihin sa kolektor na bumalik nalang sa susunod para makabayad ang ina

9. Ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa


tamang pagpapasiya at pagkilos. Patunayan ang katotohanan mula sa mga katagang ito.

Niyaya ka ng mga kaibigan mo na tumambay muna sa bahay ng kaklase ninyo at


mag-inuman. Matagal-tagal na rin na hindi kayo nagkasama kaya nais mong
pumunta. Naalala mo ang bilin ng iyong mga magulang na umuwi ka ng maaga
dahil mag-oovertime sila sa trabaho at walang kasama ang mga kapatid mo.
A. Magpapaalam ako ng maayos sa aking mga kaibigan na kailangan kong umuwi dahil
walang kasama ang aking mga kapatid.
B. Sasama lang ako sandali at uuwi din ng maaga para hindi sumama ang loob nila sa
akin.
C. Sasabihin ko sa aking mga magulang na payagan muna ako kahit ngayon lang dahil
nais kong makasama ang mga kaibigan ko.
D. Tutuloy ako sa pagsama sa mga kaibigan ko dahil hindi nman malalaman ng mga
magulang ko na hindi ako umuwi kaagad.

10. Ang pagpapasya ay ang pagpili ng aksyon, kilos na gagawin o tugon ayon sa kinakaharap
na sitwasyon. Maaring tama o mali ang pasiya ng isang tao. Ano ang angkop na kilos
bilang pagtatama sa maling pasiya ang nararapat gawin sa sumusunod na sitwasyon?

Sa tuwing pumupunta ang magkapatid na Jade at Jonas sa dalampasigan ay nagbabaon


sila ng pagkain. Matapos kumain ay iniiwanan lang nila ang kanilang pinagkainan na
plastic dahil ganoon din ang ginagawa ng karamihang kumakain doon. Isang araw, nakita
nilang maraming isda ang nasa dalampasigan at patay
na. Mabaho na rin ang paligid ng baybayin. “Marahil ito ay nalason”, wika ni
Jade. Nalungkot sila ni Jonas sa kanilang nakita.

A. Bubuo sila ng grupo sa paaralan at tutulong sa paglilinis


B. Hahayaan lang nila na ang taga-barangay na ang gumawa ng paraan C.
Pabayaan na anurin ng tubig ang mga basura sa gitna ng dagat D. Bahala na
maglinis ang mga sweeper na binabayaran ng gobyerno

11. Ayon sa katuruan ni Aristoteles, maaaring maging isyung moral o etikal ang isang kilos
dahil ito ay ginagawa ng may pang-unawa at pagpipili dahil may kapanagutan. Ipaliwanag
kung anong kilos ang ipinapakita ng isang taong nanakit sa kapwa dahil sa galit bilang
reaksiyon sa panloloko sa kaniya?

A. Ito ay kusang-loob dahil ginawa niya ang isang kilos na may kaalaman at pagsang-
ayon
B. Ito ay walang kusang-loob dahil wala siyang kaalaman at walang pag sang- ayon sa
kilos
C. Ito ay di kusang-loob dahil ginawa ang kilos ng may kaalaman ngunit kulang sa pag
sang-ayon
D. Ito ay hindi niloob dahil ito ay agarang reaksiyon lamang ng isang taong niloko

12. Ang kilos ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili dahil may kapanagutan.
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na kilos ang dapat na panagutan.

A. Sinuntok ni John ang kanyang kaklaseng si Mario ng mabalitaan niya na inihatid nito
pauwi ang kanyang nililigawan.
B. Sinunod ni Mang Kanor ang utos ni Kapitan na ilaglag niya ang kanyang amo na
kalaban nito ng nakaraang halalan dahil sa bantang paaalisin sila sa kanilang lugar
kapag hindi niya ito ginawa.
C. Si Franco ay sinampal ng babae na kanyang nakasabay sa dyip dahil kinindatan daw
siya nito. Likas na sa kanya ang kumindat dahil siya ay maysakit na manerismo.

D. Maagang naghahanda si Titser Jane ng kanyang aralin para sa susunod na Linggo


kaya hindi siya natatambakan ng mga gawain.

13. Ang mga sumusunod ay mga kilos at gawain ng tao na ginamitan ng presensiya ng isip at
kilos loob. Alin sa mga ito ang mapanagutang kilos?

A. Pagbibigay ng saktong sukli sa mga mamimili


B. Pagsasalita habang kumakain na puno ang bunganga
C. Pagkaripas ng takbo dahil hinahabol ng aso
D. Pagtanggi sa barkada na nagyayaya na uminom ng alak

14. Ang makataong kilos ay sinasadya at niloloob ng tao, kaya pananagutan niya ang
kawastuhan o kamalian nito. Gamit ang katwiran, patunayan ang katotohanan sa
sitwasyong ito: Gusto mong gantihan ang isang kamag-aral dahil sa paninirang ginawa
niya, subalit naisip mong wala itong mabuting ibubunga sa iyong pagkatao. Ano ang
gagawin mo?

A. Hahayaan ko na lang ang ginawa niya


B. Isusumbong ko siya sa aming guro
C. Kakausapin ko siya upang kami ay magkaayos
D. Paabangan ko siya sa aking mga kabarkada
15. Ang tao ay inaasahan na palagiang gumawa ng mabuting kilos. Suriin ang sitwasyon sa
ibaba at ipagpalagay na ito ay sariling kilos na dapat panagutan. Anong pamamaraan ang
iyong gagawin upang maging mapanagutan sa pagkilos?

. Malaki ang ibinibigay na pera sa iyo ng iyong mga magulang para bilang iyong allowance.
Mahilig kang kumain kaya palagi kang bumibili ng kung anu- anong pagkain na gusto mo
kahit pa ito ay palaging hindi mo nauubos.

A. Bibili ako ng pagkain para sa buong barkada


B. Uubusin ko ang aking allowance para sa isang buwan
C. Hindi ako bibili ng pagkain para may pang-load
D. Gagamitin ko ang pera ayon sa aking pangangailangan

16. Ang makataong kilos ay maaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging ordinaryong
kilos. Ito ay dahil sa mga salik na nakaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kaniyang kilos at pasiya. Ipaliwanag kung anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito.
(Pagyakap sa kaibigan sa sobrang tuwa dahil nakapasa sa exams at nakasama sa may
mga karangalan).

A. Kamangmangan
B. Gawi
C. Karahasan
D. Masidhing damdamin

17. Suriin Kung alin sa mga sitwasyon ang nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos dahil sa
kamangmangan?

A. Pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo


B. Pagpapa-inom ng gamot sa diarrhea sa kapatid na masakit ang ulo C.
Pagkabagabag ng isip dahil sa pananakot na ginawa ng kapitbahay D.
Pagpapaligo ng alagang aso tuwing araw ng Sabado

18. Si Karen ay isang kahera sa mall kung saan bumili ang mga tauhan ni mayor ng mga
gamit. Pinakiusapan siya na kung maari ay mag-issue lamang ng blangko na resibo at
pirmahan ito. Noong una ay tumanggi siya dahil alam niya na hindi tama ang ipinapagawa
sa kanya. Subalit kinalaunan ay pumayag din siya dahil sinabihan siya na maaari siyang
ipatanggal ni mayor sa pinagtatrabahuan niya kung hindi niya mapagbigyan ang hiling
nito. Anong salik ang nakaapekto sa kanyang naging kilos?

A. Takot
B. Kamangmangan
C. Gawi
D. Masidhing Damdamin
19. Ang mga sumusunod ay mga konsepto tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos at pasiya maliban sa isa. Alin ito?

A. Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang


ordinaryong kilos ng tao
B. Ang mga salik ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang
makataong kilos
C. Maaring mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa impluwensiya ng
mga salik.
D. Ang salik ang siyang nagbibigay ng pinakamalapit na paraan upang makarating sa
layunin

20. Isang matandang babae ang nagpapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ang
tindira ay nagsinungaling na wala syang barya, ngunit ang totoo ay mayroon. Sa iyong
palagay, anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?

A. Takot
B. Kamangmangan
C. Gawi
D. Masidhing Damdamin

21. Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba. Naipakikita niya
ang kaniyang pagiging kapwa. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kanya ang
pagmamahal sa Diyos. Nagagawa ng tao ang magmahal, dahil una siyang minahal ng
Diyos. Bakit mahalaga ang pagmamahal ng Diyos? Piliin ang pinakamalapit na A. Sa
pagmamahal ng Diyos nabubuhay ang lahat ng nilikha, may buhay man o wala.
B. Lumalawak ang kaalaman at pakikipagkapwa ng tao dahil sa pagmamahal C. Ang
pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim ng kaniyang pagmamahal at
pananampalataya sa Diyos.
D. Ito ang daan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa

22. Tukuyin Kung paano nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa pagkakataong tulad nito.

Mahirap ang inyong buhay noon. Mangingisda ang iyong ama at ang iyong inaang siyang
naglalako ng mahuhuli ng iyong ama. Gayunpaman, hindi sila sumuko at indi naging hadlang
ang kahirapan upang magsumikap kung kaya nairaos kayong anim na magkakapatid ng
inyong pag-aaral. Sa katunayan, ikaw ngayon ay isa nang guro, at ang lahat ng mga kapatid
mo ay puro na rin propesyonal. Maginhawa na sa ngayon ang buhay ng inyong pamilya .

A. Hindi pagsuko sa hamon ng buhay dahil sa pagtitiwala sa Diyos B.


Umasa sa tulong na ibibigay ng mga kapitbahay at kamag-anak
C. Pagtrabahuin ang mga anak bilang kasambahay para makaraos sa buhay D.
Kawalan ng .tiwala at pananampalataya dahil sa mga pangyayari

23. Si Aling Juana ay nagsisimba araw-araw at hindi nakakalimot magdasal. Siya ay aktibong
miyembro ng Lectors and Commentators Team sa kanilang parokya. Minsan sa kanyang pag-
uwi, nahuli niyang kumukuha ng groceries supply ang kaniyang katulong at inilagay ito sa
supot. Ano ang inaasahang reaksiyon mula kay Aling Juana bilang isang tao na may
pagmamahal sa Diyos?

A. Mumurahin niya ang katulong dahil nagnakaw ito


B. Isusuplong sa barangay para mabigyan ng leksiyon
C. Paalisin sa trabaho para di na maulit ang ginawa
D. Kausapin ng maayos para mapaalalahanan sa pagkakamali nito na hindi na
dapat maulit

24. Ang pagmamahal sa Diyos at kapuwa ang tunay na pananampalataya. Paano mo


pangangatwiranan na ang ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal din sa kapwa?
Piliin sa mula sa ibaba ang pinakaangkop na sagot.

A. Pagbabahagi ng sarili sa iba at pagtugon sa tawag ng Diyos B.


Palagiang pag-aaral at pagbabasa ng Salita ng Diyos
C. Pagiging maawain at pakikiisa sa paghihirap ng iba
D. Panalangin at pagsisimba araw-araw

25. Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang
pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang
buhay at pagkatao. Ano ang pinaka-angkop na kilos ang iyong gagawin upang
mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos?

A. Paglilinis ng katawan
B. Pagsisimba o Pagsamba
C. Pagtulong sa kapwa na nangangailangan
D. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
26. Ang buhay ay sagrado, regalo mula sa Diyos kaya nararapat lamang na atin itong
pahalagahan at pangalagaan. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang may paglabag
sa paggalang sa buhay?

A. Kolusyon
B. Korapsiyon
C. Aborsiyon
D. Suspensiyon
27. Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Alin dito ang may paglabag sa paggalang sa
buhay?

A. Masipag mag-aral si Amanda dahil nais niya na magtapos ng may karangalan B.


Mapagmahal na anak si Martha, siya ang nag-aalaga sa kanyang ama na maysakit
C. Itinigil ni Alice ang pag-inom ng gamot sa cancer dahil nais niyang wakasan na ang
paghihirap
D. Tinulungan ni Arthur na makasakay ng traysikel ang matandang babae

28. Ang sumusunod ay mga isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay maliban sa
isa. Ano ito?

A. Pangungupit sa tindahan ng lola kapag may pagkakataong magbantay B.


Pagpapalaglag ng ipinagbubuntis dahil hindi pa kayang suportahan C. Labis na
pagkunsumo ng alak tuwing gabi para mabilis makatulog D. Paggamit ng droga
para maging katanggap-tanggap sa mga barkada

29. Ang tao ang pinakaangat sa lahat na nilikhang may buhay. Pangatwiranan, bakit
mahalaga ang buhay?
A. Kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga
kaysa buhay
B. Ang buhay ay ibinigay upang gawin natin kung ano ang gusto natin C. Ipinapaliliwanag
nito ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa paligid
D. Nagbibigay ito ng kakayahang kumilos, gumawa at magpahalaga sa sarili, kasama
ang iba pang nilikha

30. Ano ang iyong mapanindigang posisyon sa isyung ito ayon sa moral na batayan?

Inalok ka ng iyong malalapit na kaibigan na sumama sa kanila at subuking


gumamit ng ipinagbabawal na gamot

A. Pagbibigyan ko ang aking mga barkada ng isang beses lamang B. Makikipagkasundo


ako na sa susunod ako naman ang sundin nila C. Makikipag-usap ako ng maayos at
sasabihin ko na walang mabuting maidudulot ang droga sa katawan
D. Makikipagsabayan ako para hindi ako paalisin sa grupo

31. Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya at kapasidad upang
maka-impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba. Tukuyin kung alin sa mga isyu ang
may kinalaman sa paggamit ng kapangyarihan.
A. Plagiarism
B. Corruption
C. Intellectual Piracy
D. Whistleblowing

32. Ang bribery ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o
regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap. Anong isyung moral ang tinutukoy sa
pahayag na ito?

A. Isyung moral tungkol sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan B.


Isyung Moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan C. Isyung
moral tungkol sa paglabag sa buhay ng tao
D. Isyung Moral tungkol sa pag-abuso sa seksuwalidad

33. Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng umiiral sa kapaligiran may buhay man o wala.
Anong isyu ang nagsasaad ng pangangalaga sa kalikasan?

A. Pagtatapon ng basura sa mga bakanteng lote


B. Paggamit ng illegal na mga pampasabog sa pangingisda
C. Pagpuputol ng mga puno sa kagubatan
D. Pagsasagawa ng tamang pagtatapon ng basura

34. Suriin Kung ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan
ang kalikasan?

A. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya


B. Responsibilidad itong ipinagkatiwala saPanunuhol kaniya na dapat niyang gampanan
C. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kanya kaya
kailangan niyang alagaan at pahalagahan
D. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.

35. Isa sa mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan ay ang lahat ng paghirang o
pagkiling ng isang kawani sa pamahalaan na igagawad sa kamag- anak na hindi
dumaraan sa tamang proseso. Suriin kung anong isyu ang tinutukoy nito.

A. Kolusyon
B. Korapsiyon
C. Nepotismo
D. Panunuhol

36. Sa bawat maling pagtrato sa kalikasan, mayroon itong kabayaran. Gamit ang matalas na
kaisipan, suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at piliin ang paglabag sa pangangalaga sa
kalikasan.
A. Pagko-convert ng mga lupang sakahan para gawing subdivision B.
Pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat
C. Pagtulong sa pagtatanim ng puno sa mga bakanteng lugar
D. Paglilinis ng bakuran at kapaligiran
37. Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan
ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang
Diyos. Anong isyu ang tumutukoy sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad?

A. Pang-aabusong Seksuwal
B. Pagpapatiwakal
C. Pagpapalaglag
D. Paggamit ng droga

38. Ang dignidad ay ang pagigigng karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang


mula sa kaniyang kapuwa. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng
paggalang sa dignidad?

A. Pagbibigay ng tamang sahod at benepisyo sa mga empleyado B. Pananakit at


pagmumura sa katulong na nagkamali sa kaniyang ginagawa C. Pag-abot ng
makakayang tulong tuwing may kalamidad
D. Pagsisimba/Pagsamba bilang pasasalamat sa mga biyaya ng Diyos 39. Suriin ang

sitwasyon at piliin kung ano ang iyong nararapat na gawing desisyon.

Isa kang lider sa inyong paaralan. Kahit hirap ang iyong mga magulang, pinagsumikapan nila
na ikaw ay makapag-aral. Pati ang iyong mga kamag-anak ay nag-aambag para sa iyong
mga pangangailanagn sa paaralan.Isang araw niyaya ka
ng iyong kasintahan na mag motel para patunayan mo ang iyong pagmamahal sa kanya.

A. Hindi ako sasama dahil alam kong mali ito na gawain


B. Patutunayan ko na totoong mahal ko siya kaya sasama ako
C. Sasama ako pero hindi ako susunod sa gusto niyang mangyari
D. Sasabihin ko sa kanya na sa susunod na araw na lang

40. Suriin Kung paano nilalabag ang dignidad sa sitwasyong nasa itaas.

A. Mahal na mahal niya ang babae kaya niyayang mag motel


B. Kawalan ng respeto ng isang lalaki sa kaniyang kasintahan
C. Patunay ito na mahal nila ang isa’t-isa
D. Nasa tamang gulang na sila kaya maaari nilang gawin ang gusto nila.

You might also like